webnovel

5

Matiim na tumitig si Kim sa prof. Ngumisi s'ya pero madilim ang mga mata habang nakatuon parin ang paningin dito. "Malamang, mag-aaral. Ano pa ba? Obviously, I'm the student, Fortaliza. Stop asking stupid questions."

Naiinis pero nagagawa paring kumalma ni Mr. Fortaliza. "Your mouth, miss Hermoso. I'm older than you. Show some respect." Madiin na sabi ng prof.

Humakbang si Kim para makapasok ng tuluyan at umarko ang kilay. "I'm younger than you, yes. But two years gap between us will do. You don't deserve to be respected by me."

Tumiim ang bagang ni Mr. Fortaliza at biglang tumayo at dinuro s'ya. "You!" Mas lalong tumaas ang boses n'ya. "I will report you to the office!"

"Go on. And show some respect." Balik na sabi ni Kim na nakangisi dahilan para mamula sa galit si Mr. Fortaliza.

Pabaling baling lang kaming lahat na magkaklase sa kanilang dalawa. Ganito na silang dalawa simula nang tumungtong kami dito sa University.

Hindi ko alam pero ganito pala kalalim ang galit nila sa isa't isa, na para bang ang laki ng pagka-digusto ng mga mata nila.

Tumingin si Kim sa akin at agad na bumalik ang tingin sa prof. "Bakit mo ginagawa s'yang teacher? Bakit nandito s'ya sa harapan?"

"She might have forgotten--"

"So, you're saying she's that stupid? Well, Fortaliza, she's not." Lumapit si Kim sa akin at hinila ako papunta sa likuran n'ya.

"She deserve that. Ilang buwan s'yang wala dito at sa tingin mo may natutunan pa s'ya? At ngayong malayo na s'ya sa klase ngayon, do you think she's still that smart? I'm the prof here, miss Hermoso. I can do whatever I want."

Tumingin ako kay Kim mula sa likuran at agad kong nakita ang pagtiim ng bagang n'ya. Hinawakan ko s'ya sa braso at pinigilan s'yang magsalita pero titig lang ang ipinukol n'ya sa akin. Mas lalo akong nangamba dahil sa pag-iinit ng mukha ni Kim.

Malamig na tumawa si Kim, mas lalong tumahimik ang paligid, ang tanging naririnig lamang ay ang pagtawa n'ya. "What's the use of being professor, Fortaliza? You're the prof and she's the student. As a prof, all you can do is to teach her. How can she get that knowledge? And how dare you to say that you can do whatever you want. It's her choice, Fortaliza, she had an excuses, try to understand. And you don't have any choice but to teach that shits to her. You're just a prof, you're not her mother nor her father."

"Kim..." hinawakan ko s'ya sa balikat at pinisil-pisil iyon. "Tama na..."

"You don't have the right to say that words to me, miss Hermoso." Nagtaas-baba ang dibdib ni Mr. Fortaliza dahil sa galit.

"I'm just telling the truth. Try to understand."

Magsasalita pa sana ang prof pero bigla nalang tumunog ang bell, senyales na oras na. Walang nagawa ang prof kundi kunin ang mga gamit n'ya at naglakad patungo sa amin.

Huminto sa tagiliran ni Kim si Mr. Fortaliza at bumulong. "Hindi pa tayo tapos, Kim." Bulong nito at tuluyan na kaming nilampasan at padabog na sinara ang pintuan.

Iwan ko ba, pero parang para sa'kin ay pormal na pormal ang pagkakabigkas ng prof sa pangalan ni Kim. Para bang hindi lang propesor at estudyante ang turingan.

Bumaling si Kim sa akin at pilit na ngumiti. "Okay ka lang?" Tanong n'ya sa tono ng pag-aalala.

Umiling ako. "Hindi. Ako dapat ang magtanong n'yan."

Bumuntong hininga si Kim. "Okay lang naman ako. Ayoko lang na ginagano'n ka ng gagong prof natin."

"Hoy! Prof parin natin s'ya. 'Wag kang ganyan." Sabi ko.

"Wala akong paki. Kaedad rin naman ang turing ko sa kan'ya."

Ganito na talaga ang ugali ni Kim, palaban at hindi sumusuko kung hindi pa natatalo ang kalaban n'ya. Sobrang maldita n'ya kapag nagagalit kaya minsan ay hindi ako umiimik. Ako na mismong kaibigan n'ya ay natatakot pa sa kan'ya. S'ya talaga ang kahinaan ko dahil sa katarayan n'ya.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa upuan ko at doon ko lang napagtantong wala na palang mga estudyante sa loob maliban sa amin ni Kim.

Chương tiếp theo