webnovel

Chapter 35

"Maganda ang response ng body ni Ms. Monteverde sa gamot na binigay ko sa kanya. Let's wait and see if she regains her consciousness until tomorrow. If not, I'll do another set of tests for her. Let's hope for the best." Sabi ng doctor. "Thank you doc." Sabi ni Esther at lumabas na ang doctor.

"Ang gwapo naman ng doctor na yun. Bet ko siya." Sabi ni Dion na sinaway ni Aubrey. "Ay, sorry tita." Sabi ni Dion. Ngumiti naman si Esther.

Bumukas ang pinto at pumasok si Axel kasama sila Arthur at Benjamin. Lumapit agad si Axel kay Dani at binigyan ulit ito ng halik sa noo. "Uncle, Auntie, dapat po siguro ay umuwi na kayo para makapagpahinga. Madaling araw na din po, ako na po ang bahala kay Dani." Sabi ni Axel. "Hindi namin tatanggihan ang alok mo iho. Kailangan din namin makausap ang mga tao sa PGM dahil tiyak nag-aalala sila." Sabi naman ni Esther.

"Kaya mo ba anak? Kung gusto mo ay iiwanan namin si Sydney para may kasama ka." Sabi ni Eleonor. "Ok lang ako, Ma. Gusto ko paggising ni Dani ay nandito ako sa tabi niya." Sabi ni Axel.

Ganoon nga ang ginawa ng lahat. Umuwi sila at nangakong babalik kapag natapos na ang mga dapat gawing trabaho.

Lumapit si Axel kay Dani. Hinaplos ang mukha ng dalaga. "Sa dinami dami ng babaeng nagdaan sa buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng takot." Bulong niya at tinabihan ang dalaga. Hinalikan muna niya ang labi ng dalaga bago ipinikit ang mga mata. Nakatulog siyang yakap ang dalaga.

Pakiramdam ni Dani ay hinang hina ang katawan niya. Minulat niya ang mga mata ng dahan dahan. Isang puting kisame at nakita niya. Pilit niyang inalala ang nangyari. "Nasa restaurant kami ni Blaze, pagtapos ay uminom ako ng alak. May sasabihin sana si Blaze, ang kaso ay nahilo ako." Sabi ni Dani sa kanyang sarili. Inikot niya ang paningin at ng makita ang katabi ay ngumiti siya. Kahit hirap kumilos ay hinawakan niya ang noo ng binata na nakakunot kahit natutulog.

Naramdaman ni Axel na may humawak sa kanyang noo. Bigla siyang nagmulat ng mata at nakita niya ang nakangiting si Dani. Namumutla man ito pero ang ganda ng dalaga ay hindi nawala. Niyakap niyang bigla ang dalaga na kinagulat ni Dani.

"Hindi ako makahinga." Bulong ni Dani. Bigla naman siyang binitiwan ni Axel. "May masakit ba sa iyo? Tatawagin ko ang doctor." Sabi ni Axel na alalang alala at tatayo na sana para lumabas, napigil lang siya ng hawakan ni Dani ang kamay niya.

"Ang higpit kasi ng yakap mo kaya hindi ako makahinga." Nakangiting sabi ni Dani. Nakahinga naman ng maluwag si Axel at hinalikan si Dani sa labi nito. "Nakakadami ka na ha?" Sabi ni Dani pero hindi kumibo si Axel at muli siyang hinalikan ng binata. "Hep, tama na!" Sabi ni Dani ng muling hahalik si Axel. Ngumiti naman si Axel at niyakap na lang ang dalaga.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dani habang nakayakap sa binata. Tiningnan siya ni Axel bago nagsalita. "You've been poisoned." Sabi ni Axel. Nanlaki ang mata ni Dani. "Sino, bakit? Si Blaze?" Tanong ni Dani na ikinakunot ng noo ni Axel. "Talagang siya pa ang naisip mo kaysa sa akin." Kunwaring nagtatampong sabi ni Axel. Tumingin ng seryoso si Dani kay Axel na parang sinasabi na hindi ito oras para sa pagseselos mo.

"Ikaw lang ang nalason. Blaze is fine." Sabi ni Axel. "Pero bakit?" Takang tanong ni Dani. "Remember the waiter na nagserved sa inyo ng wine?" Tanong ni Axel at tumango si Dani. "He's the primary suspect." Sabi ni Axel. "Pero noon ko lang siya nakita." Sagot ni Dani. "Pinahahanap ko na siya since last night pa so our questions will be answered by him." Sabi ni Axel.

Biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang nurse at ang doctor. Nagulat ang dalawa ng makitang gising na si Dani. Tumayo si Axel para bigyan daan ang dalawa. Kinuha agad ng nurse ang vital signs ni Dani, tiningnan naman agad ng doctor ang mga mata, reflex, at iba pa at lahat naman ay normal.

Ngumiti ang doctor. "I'm glad that you're already awake Ms. Monteverde. By the way, I'm Dr. Gerald Cruz." Sabi ng doctor at inabot ang kamay ni Dani.

Tumaas naman ang kilay ni Axel. "Mokong na to ah, kahapon ay Dr. Cruz lang ang sinabi mo ngayon ay kumpleto na?" Sabi ni Axel sa sarili na gustong batukan ang doctor.

"Thank you Dr. Cruz for treating me." Sabi ni Dani at binawi na ang kamay niya na pakiramdam niya ay hindi bibitiwan ng doctor kung hindi niya babawiin. "You can call me Gerald. Can I call you Daniella?" Tanong ng doctor. Tumingin si Dani kay Axel at gusto niyang matawa sa asim ng mukha ng binata.

"Dani ang nickname ng GIRLFRIEND ko Dr. Cruz and I don't think you're too close para tawagin ka niya as Gerald." Seryosong sabi ni Axel. Tiningnan ni Gerald si Axel at ramdam niya ang inis ng binata. "Oh, I'm sorry, Mr. Monteclaro, my fault. By the way, soft diet muna si Dani. Kung tatayo ka ay dahan dahan lang dahil pwede kang mahilo as side effect ng lason and the medicines that I gave you. Pwede mo akong tawagin, I mean, ang mga nurses to assist you." Sabi ni Gerald na nakangiti. "I think it's not needed. I can assist my GIRLFRIEND, Dr. Cruz." Sabi ni Axel.

Ramdam ng nurse at ni Dani ang namumuong tension sa pagitan ni Axel at Gerald. "Doc, madami pa po tayong i-check na patients." Paalala ng nurse kay Gerald. "Ok, Dani, mauuna na ko. If you need something just let me know." Sabi ni Gerald. Tumango na lang si Dani para matapos na ang usapan.

"Is he stupid? Alam niyang girlfriend kita and still, he's flirting with you." Sabi ni Axel na nakabusangot ang mukha. Ngumiti si Dani. "Nagugutom ako." Sabi ni Dani at nagbago ang aura ni Axel. Lumapit ito sa dalaga. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Axel na may lambing. Ngumiti si Dani. "Gusto ko ng steak, chicken, pork barbecue..." sabi ni Dani. "Hey! Soft diet ka Ms. Monteverde sabi ni Dr. Yabang." Sabi ni Axel. "Tinanong mo ko kung ano gusto tapos kokontra ka." Kunwaring tampo ni Dani. "Pagaling ka muna, pag ok ka na, ibibili kita ng lahat ng gusto mo." Nakangiting sabi ni Axel. "Ganyan, ngiti ka lang, nawawala kasi kagwapuhan mo pag nakabusangot ka." Sabi ni Dani.

Ngumiti naman ng maluwang si Axel at tumingin kay Dani na nag-beautiful eyes pa. "Ay, OA na, Mr. Monteverde." Sabi ni Dani at tumawa silang dalawa.

Chương tiếp theo