webnovel

Chapter 32

"Sisteret, ano ba ang nangyari at nakakahagardo versosa ang mga guardians of the galaxy mo!?" Bungad ni Dion pagpasok niya sa opisina ni Dani. Natawa naman si Dani, Aubrey, at Cleo sa itsura ni Dion. "Pasensya ka na, medyo hinigpitan talaga nila Daddy at Axel ang security dito sa mall." Sabi ni Dani na tinabihan ang kaibigan. "Share mo naman para alam ko ang events sa buhay mo. Aba, ang tagal na natin di nagkakausap ah. Pati ang free dinner ko nakalimutan mo na yata. Pati ang front page ng husbandry mo ay nakalimutan nyo na." Sabi ni Dion na kunwaring nagtatampo. "Tapos ang tagal ko pang pumila sa labas ng mall pati dito sa harapan ng pinto mo. Kung hindi nga lang gwapo ang mga guardians mo eh baka nagtatalak na ako sa labas." Sabi ni Dion na ikinatawa ng tatlong dalaga.

"Ha'ay nako girl, may gustong manakit sa friendship natin." Sabi ni Cleo. "Wwwhhhaaattt!? Masyado naman OA ang jowa mo! Parang nabanlian ka lang ng soup eh, super over ng magreact." Maarteng sabi ni Dion. "Maliban doon ay may nangyari pa na hindi na nakalabas sa media. May nagpadala ng patay na pusa dito!" Sabi ni Aubrey na kinikilabutan pa din kapag naaalala ang nangyari." "Ay, madam! Yung ang sobra na. Tama ang jowa mo na higpitan ang security para sa safety mo." Sabi ni Dion na ikinangiti ni Dani. "Kahit kailan talaga balimbing ka." Sabi ni Dani. Nag-peace sign lang si Dion.

"Bakit nga pala napadalaw ka?" Tanong ni Dani. Luminga linga si Dion. "Nasaan ang jowa mo?" Takang tanong ni Dion ng hindi makita si Axel. "Nasa site. Titingnan niya kung may mga kailangan pa ang mga gumagawa. Bakit?" Tanong ni Dani. "Well, bukas sana ang pictorial para sa magazine ko and ask ko sana kung pwede kayong dalawa bukas." Sabi ni Dion. Kumunot ang noo ni Dani. "Bakit pati ako?" Takang tanong ni Dani. "Well, madam, kasi kayong dalawa ngayon ang trending everywhere. Natalo nyo pa ang mga artista sa number one spot sa social media kaya pag kayong dalawa ang front page ko ay tiba tiba ako." Nakatawang sabi ni Dion. Bumuntong hininga naman si Dani.

"Ang deep naman niyan!" Sabi ni Dion. "Kung ako ay walang problema, hindi ko sigurado kay Daddy at Axel. Pati karera ko kasi ay pinatigil na din ni Daddy. Limited na din ang pagpunta ko sa Holy Angels." Malungkot na sabi ni Dani. "Gusto mo ba kausapin ko si Tita Esther?" Tanong ni Dion. "Wala din naman problema kay Mommy, tiyak na papayag yun." Sabi ni Dani. Bumuntong hininga si Dion ang nag-isip kung ano ang dapat gawin para mapapayag si Axel na mag pictorial bukas.

"Tawagan nyo na lamang ako kung ano pa ang kailangan ninyo." Sabi ni Axel kay Engineer Tytus. "Yes, Mr. Monteclaro." Sagot naman ng Engineer. "Ilag!!!" Sigaw ng isang construction worker ngunit huli na ang lahat. Tinamaan na si Axel ng kahoy na bumagsak mula taas at may tumulo ng dugo mula sa noo niya.

"Ma'am Dani!" Biglang pasok ni Dalton sa opisina niya. Nagulat ang tatlong dalaga at si Dion sa pahangos na dating ni Dalton. "Ang gwapo mo sana Mr. Bodyguard, ang kaso ay aatakihin naman kami sa iyo. "Pasensya na po. Ma'am Dani, si Sir Axel po ay nabagsakan ng kahoy sa site. Nasa clinic na po siya at nilalapatan ng first aid." Sabi ni Dalton. Nanlaki ang mata ni Dani at biglang tumayo at papatakbong lumabas ng opisina.

"Axel!?" Sigaw ni Dani sa loob ng clinic. "I'm here." Sagot ni Axel. "Anong nangyari?" Tanong ni Dani na nangingilid ang luha. "Hey,don't tell me iiyakan mo ko, di pa ako patay ha?" Biro ni Axel ngunit hindi tumawa ang dalaga. Tumulo naman ang luha ni Dani. "Hey, malayo sa bituka ito." Sabi ni Axel at nilapitan ang dalaga at saka niyakap. Kinilig naman ang company nurse na nakatingin sa kanila.

"Grabe naman kasi si Dalton kung makapagkwento. Natakot tuloy ako!" Sabi ni Dani na nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Axel. Natawa si Axel. Sinenyasan niya ang nurse na lumabas muna ay sumunod naman ang kilig na kilig na nurse.

"Bakit ka natakot?" Tanong ni Axel habang hinahagod ang likod ng humihikbing si Dani. "Sabi kasi ni Dalton nabagsakan ka daw ng kahoy. Malay ko ba kung madaming kahoy ang bumagsak at napailalim ka tapos nawalang ka ng malay tapos madaming dugo tapos..." Hindi natapos ni Dani ang sasabihin dahil iniharap siya ni Axel na nakakunot ang noo.

"Si Dalton ba ang grabeng makapagkwento o ikaw?" Tanong ni Axel na nakataas ang kilay. Natawa si Dani. "Ok ka lang ba?" Tanong niya. "Oo naman. Pumutok lang naman ang noo ko pero sabi ng nurse ay pwedeng hindi na tahiin." Sabi ni Axel. "Masakit ba?" Tanong ni Dani. Nakaisip ng ideya si Axel at nakakalokong ngumisi na hindi nakita ni Dani.

"Oo, ang sakit. May tumulo kayang dugo kanina." Arte ni Axel. "Saan masakit? May maitutulong ba ko?" Inosenteng tanong ni Dani. "Kiss mo ko." Sabi ni Axel na ikinataas ng kilay ni Dani. "Aray, aray..." Nag-iinarteng sabi ni Axel na ikinataranta naman ni Dani kaya hinalikan niya ang sugat ng binata. "Tinamaan din ito." Turo ni Axel sa kanyang pisngi. Kumunot ang noo ni Dani pero hinalikan pa din niya ito. "Dito pa." sabi ni Axel na itinuro ang labi. "Niloloko mo ba ako!?" Inis na sabi ni Dani. "Hindi, tinamaan talaga kanina. Mahaba kaya yung kahoy. Kung hindi ko naiwasan ay baka buong mukha ko ang duguan." Patuloy pa din ang best actor na arte ni Axel.

Nang madinig naman ni Dani ang dugo ay nakaramdam ulit siya ng takot para sa binata. "Sigurado ka?" Tanong ni Dani at tumango si Axel. Hinawakan ni Dani ang mukha ni Axel at hinalikan pero ng lalayo na siya ay hinila siya ni Axel at muling naglapat ang kanilang mga labi. Pumipiglas si Dani pero mahigpit ang yakap sa kanya ni Axel.

Lumalim ang mga halik ni Axel na nagpawala sa katinuan ni Dani. Tumutugon na din siya sa mapanuksong halik ni Axel. Naramdam ni Axel na hindi na nagwawala si Dani. Imbis ay nilagay na ni Dani ang mga kamay niya sa leeg ni Axel dahil pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya.

Nang naglayo na sila ay parehas silang humihingal dahil sa mainit na halikan nangyari. Ngumiti si Axel ng makita ang pulang pulang mukha ni Dani. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga at muli sanang hahalikan ng biglang pumasok sila Aubrey, Cleo, at Dion. Naitulak ni Dani si Axel kaya napahiga muli ito sa kama. Ang kaso ay nauntog naman ito sa pader at dinig ng tatlong bagong dating ang tunog ng umpog ng ulo ni Axel. Nataranta naman si Dani at nilapitan si Axel. "Sorry, sorry." Sabi ni Dani na hinagod ang ulo ni Axel.

"Mahirap talaga pag nahuli sa akto eh." Sabi ni Dion na nakatawa. Namula na naman si Dani. "Masakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Dani. Tumango si Axel kaya wala sa loob na hinalikan ni Dani ang ulo ni Axel. Ngumiti naman si Axel at nagulat ang tatlo.

"Maryosep ka beshie, nakakawala ba ng sakit ang halik ngayon?" Tanong ni Dion na ikinatawa nila Aubrey at Cleo. Magsasalita sana si Dani pero ng makitang nakangisi din si Axel ay ngani-ngani niyang batukan ito. Inisip nga lang niya ang sugat nito kaya isang kurot ang binigay niya ngunit isang halakhak ang ginanti ni Axel.

Chương tiếp theo