webnovel

Chapter 28

Papunta na sila Dani at Axel sa airport para sa convention na gaganapin sa Cebu ng nagring ang phone ni Dani. Kumunot ang noo ni Axel ng makita kung sino ang pangalan nakalagay sa screen ng phone ni Dani.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Blaze. "Ok na ko. Tinanggal na kagabi ang benda ng paa ko. Papunta na kami ng Cebu ngayon gabi." Sabi ni Dani. "Ah, ganoon b? Hindi na kita nadalaw kasi ay naging busy ako." Sabi ni Blaze. "Ok lang. Salamat nga pala sa pagsama nung last Sunday." Sabi ni Dani. "Walang anuman. I enjoyed it a lot." Sabi ni Axel. "Ahm, nga pala, pwede ba tayo magkita pagbalik mo from Cebu?" Patuloy ni Blaze. "Ah, sure. By Monday ay nandito na kami. I'll text you so we could meet." Sabi ni Dani na ikinalingon ni Axel. "Ok, see you then. Ingat kayo and enjoy." Sabi ni Blaze. "Ok, thanks, bye." Sabi ni Dani.

"Sino yun?" Seryosong tanong ni Axel. "Si Blaze." Sagot ni Dani. "And why did he called you?" Tanong ni Axel. "Nangangamusta lang." Sagot ni Dani. "And?" Patuloy ni Axel. "Magkita daw kami next week. May sasabihin daw siya sa akin."

Sabi bi Dani. Biglang tumawa ng malakas si Axel. Kumunot naman ang noo ni Dani.

"What's funny?" Takang tanong ni Dani. "Kailangan ko na yatang magreserve ng hotel room after talking to him." Sabi ni Axel. "Ha? At bakit?" Tanong ni Dani. "Remember our deal? Kapag nagpropose siya sayo, you're spending a night with me." Nakangising sagot ni Axel. "And how sure are you that he's going to propose?" Nakataas ang kilay na tanong ni Dani. "I can feel it. So be ready, my dear." Sabi ni Axel na ikinapula ng mukha ni Dani.

Pagdating nila ng Cebu ay deretso silang hinatid ng chauffeur sa hotel. As usual, nakabuntot sa kanila ang mga bodyguards. Hindi sila pinayagang magdala ng kanilang mga sasakyan dahil ang sabi ni Arthur ay baka sumali na naman sila sa karera. Hindi na lamang sila kumontra para hindi na humaba ang usapan at lalong dumami ang bodyguards nila.

"Room for Mr. Axel Monteclaro and another for Ms. Daniella Monteverde." Sabi ni Axel sa information deck ng hotel. "Sir, I'm sorry pero wala pong nakareserved na room under those names. Ang meron lang po ay para kay Mr. and Mrs. Axel Monteclaro." Sabi ng clerk. Ngumisi si Axel. "We'll take it then." Sabi ni Axel at pinuntahan na si Dani na nakaupo sa waiting area.

"Let's go." Sabi ni Axel. "Ok na ang mga rooms?" Tanong ni Dani. "Yeah." Sagot ni Axel.

"Enjoy your stay, Mr. and Mrs. Monteclaro." Sabi ng clerk. Nadinig ni Dani ang sinabi ng clerk pero hindi na siya nakabalik sa deck dahil hinila na siya ni Axel.

"Ladies first." Sabi ni Axel pagkatapos i-tap ang card. Pumasok na si Dani at ng isasarado na niya ang pinto ay biglang hinarang ni Axel ang kamay kaya naipit ito.

"Aray!" Sabi ni Axel at nataranta si Dani. Namula ang braso ni Axel.

"Bakit mo kasi hinarang ang kamay mo?" Tanong ni Dani habang umuupo sila sa couch. Kumuha siya ng yelo sa ref at inilagay agad sa kamay ni Axel.

"Huwag kang magagalit ha pero tingin ko isang room lang nireserved nila for us." Sabi ni Axel. "Ha?" Maikling sagot ni Dani at naidiin ang yelo sa kamay ni Axel. "Aray, aray!" Sabi ni Axel. "Sorry, sorry." Sabi naman ni Dani. "Isa pa, the room was under Mr. and Mrs. Monteclaro." Sabi ni Axel na ikinalaki ng mata ni Dani.

"Nagpakasal na pala sila?" Tanong ng isang clerk sa co-staff niya. "Oo nga pero bakit walang nabalita sa kasal nila." Tanong naman ng isa. "Baka SM." Sagot ng isa. "Ano yun?" Tanong ng isa. "Ano ba yan? Secret Marriage!" Sagot ng isa. "Wala na akong pag-asa kay my loves, Axel." Malungkot na sabi ng isa. "Asa ka pa, kahit sa panaginip ay hindi siya magiging sayo. Tingnan mo na lang silang dalawa, Match made in Heaven lang ang peg." Sabi ng isa ng sinang-ayunan ng lahat.

"Masakit pa ba?" Tanong ni Dani. "Hindi na masyado." Sagot ni Axel. Bumuntong hininga si Dani. "Para saan naman iyan?" Tanong ni Axel. "Hindi ka ba pressured sa parents natin? Look at what they are doing." Sabi ni Dani. "Don't mind them. Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong ni Axel. "Hindi naman sa ganoon pero baka may iba kang gustong makasama beside me." Sabi ni Dani. Ngumiti si Axel at tumingin siya kay Dani.

"I don't want anyone else, ikaw lang ay sapat na." Sabi ni Axel na ikinapula ni Dani. "Tara, kain na tayo, gutom na ko." Sabi ni Dani sabay tayo para itago ang pula ng mukha.

Bumaba sila sa restaurant sa first floor ng hotel. "Mr. and Mrs. Monteclaro, this way please." Sabi ng waiter sa kanila. Kahit naiilang si Dani sa tawag sa kanya ay hinayaan na lamang niya. Binigay sa kanila ang menu ng restaurant, pumili at nagorder ng kani-kanilang favourite cuisine.

Halos lahat ng customers sa loob ng restaurant ay nakatingin sa kanila. "Bagay na bagay talaga silang dalawa." Mga salitang tumatakbo sa isipan ng bawat isa.

Dahil sa pagmamadali ay di na nila nakita ang ayos ng kama nila kaya pagbukas ng pinto ng kwarto ay nanlaki ang mata ni Dani. Puno ito ng petals ng roses. My towel na nakalagay sa gitna ng kama na korteng kalapati. Namula siya sa naisip kaya deretso siya sa CR. Natawa si Axel sa reaksyon ni Dani.

Naupo si Axel sa gilid ng kama at binuksan ang drawer ng kahon para ilagay ang cellphone at wallet niya pero nagulat siya sa nakita. Kataon naman na papalabas si Dani sa CR at hindi magkandatuto si Axel sa pagsasarado ng kahon hanggang sa bumagsak ito sa paanan niya. Tumapon ang lahat ng laman nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dani at pinulot ang cellphone ni Axel. Nang iaabot na niya kay Axel ang phone ay muling nanlaki ang mata ni Dani ng makita ang nagkalat na condom sa sahig.

"Madami silang stock." Hindi malaman ni Axel paano ibabalik sa kahon ang mga condom. Nagpatay malisya naman si Dani. Kumuha ng damit pantulog at towel at pumasok na muli sa CR. Nakahinga naman ng maluwag si Axel at nagmamadaling iniayos ang kahon.

Bumuntong hininga naman si Dani pagkapasok sa CR. "Bakit ang dami? Lahat yun gagamitin lang sa isang gabi?" Tanong ni Dani sa sarili at naitakip ang kamay sa bibig. "Ano bang iniisip mo, Daniella!?" Sigaw ng utak niya. Ipinilig niya ang ulo pagkatapos ang naligo na.

Paglabas ni Dani ng CR ay nakita niya si Axel na binabasa ang schedules nila para bukas. Nakita siya ni Axel at ngumiti.

"Mas una pala ang time ko sa iyo. After lunch ka pa so makakapagpahinga ka pa. Babalikan na lang kita after my speech." Sabi ni Axel. "Pwede bang sumama na lang ako sayo. Wala naman ako gagawin and pwede siguro doon na din tayo mag spent ng time." Sabi ni Dani. "Bakit? Mamimiss mo ako?" Nakangiting tanong ni Axel. "Opo, mister ko." Patol naman ni Dani. "Ok, sige, para hindi na din mahirapan ang mga bodyguards at chauffeur natin sa pabalik balik." Sabi naman ni Axel.

Nawala na ang awkwardness na namuo kanina. Pumasok na si Axel sa CR at paglabas niya ay nakahiga na si Dani.

"Anong gusto mong breakfast tomorrow?" Tanong ni Axel. Nagtaka siya na walang nakuhang sagot mula sa babae. Paglapit niya ay nakapikit na pala ito. "Maka masa ka talaga Daniella Monteverde. Masandal sa pader, tulog agad." Nakangiting sabi ni Axel bago hinalikan sa noo ang dalaga.

Chương tiếp theo