webnovel

Incredible Surprise

Laine's Point of View

NAGMAMADALI si Nhel habang hila-hila ako pasakay ng kotse.

Ninenerbyos ako kasi nagmamadali sya at medyo mabilis ang pagpapatakbo nya.

" Beh slow down, kaka-debut ko lang gusto ko pang makita ang future ko with you." ninenerbyos kong sabi.

Binagalan naman nya ang pagpapatakbo.Nakangiti nya akong nilingon at pinagsalikop ang aming mga kamay.

" Sorry babe, medyo gabi na kasi kaya nagmamadali ako pero malapit na tayo, don't worry."

Nginitian ko lang sya at hindi na ako kumibo.Saan kaya ako dadalhin ng mokong na to?

Pinikit ko na lang muna ang mga mata ko.Nakakapagod din kanina sa party kaya ire- relax ko lang ng konti ang sarili ko.

Hindi ko alam na nakaidlip na pala ako, basta naramdaman ko na lang na huminto na ang sasakyan namin.

Dumilat ako at nagulat pa ako na nakatunghay pala si Nhel na sobrang lapit sa mukha ko.

Nakatitig siya sa akin.Nababasa ko sa mga mata nya ang labis na pagmamahal.At ramdam ko yon kaya naman kahit matagal na kami andun pa rin yung spark sa tuwing ganito kami kalapit.

Nararamdaman ko pa rin yung parang roller coaster feeling and butterflies in my stomach.

Ang lapit nya sa mukha ko at nakatingin sya sa labi ko.

Nyemas! Ituloy mo na pogi kung may balak ka.Umaandar na naman ang pagiging gentleman mo eh.

Sinumpong na ako ng kapilyahan ko.Bagal kase!

Bigla ko syang hinila sa batok palapit sa akin at marubdob ko syang hinalikan sa labi na ikinagulat nya.

Gumanti naman sya at naramdaman kong napapangiti sya habang hinahalikan nya ako.

Aasarin na naman ako sigurado nito pagkatapos.

We're kissing with great passion and it lasted for I don't know how long.We were both out of breath when we pulled out from the kiss.

" God, that's the best birthday kiss ever.Halika na nga bumaba na tayo baka kung saan pa tayo makarating nyan." pagyaya ko sa kanya.

Luminga-linga ako dahil medyo madilim sa pinag-paradahan namin at hindi ko alam kung nasaan kami.

Nangingiti lang sya habang nakatingin sa akin.

Lumabas sya ng kotse at inalalayan ako sa paglabas.

Nagulat ako ng makita ko ang buong paligid kung nasaan kami.

Napatingin ako sa kanya ng nagtatanong na tingin.Nandito kami sa garden restaurant.

" Memorable sa akin ang lugar na ito.Dito tayo unang nag-celebrate ng anniversary natin.At gusto ko rin na dito gawin yung big surprise ko sayo." paliwanag nya.

" Alam mo beh, kanina pa talaga ako naku-curious sayo.Pero sige lang patayin mo pa ako sa sobrang excitement." natatawa kong sambit.

" Okey let's go! Baka mamatay ka nga sa sobrang excitement, kawawa naman ako." nakatawa nyang sambit sa akin.

Dinala nya ako sa isang table at napansin ko na ito rin yung pwesto namin noon.

Lumapit sa amin yung waiter at binigay yung menu.Since galing naman kami sa party ko at medyo busog pa kami, light meal lang ang inorder namin.

Nang maihatid na ang inorder namin at nakakain na kami, nagsalita na si Nhel.

" Babe alam ko kanina ka pa curious kung bakit tayo nandito.Nung mag-usap kami ng dad mo pagkagaling natin sa photo shoot 3 months ago, wala pa kaming nabuong desisyon.Pero ako that time eto na yung gusto kong mangyari.May konting problema kasi sila ng mom mo and he asked for my help at isa na yung debut mo sa pinagkaisahan namin.Nag-usap kami kahapon ng masinsinan at ito na nga yung na-finalized namin.Hoping babe na kapag nalaman mo, you'll agree with us." paliwanag nya pero naguguluhan pa rin ako.

" Beh I don't really understand.Please tell me what's going on."

He heaved a deep sigh bago muling nagsalita.

" Ok babe ang daddy mo na ang mag-eexplain lahat sayo but right now I am proposing for an engagement.I want us to be engaged and I'm going to marry you right after you graduated from college.Pumayag na sila at sagot mo na lang ang hinihintay ko."wala ng preno nyang sambit.

Hindi ako makakibo sa pagkabigla.Ngayon ang araw na nag-debut ako at ngayon na rin ako mae-engage sa kanya.Kahit alam ko naman na dito kami papunta ni Nhel at siya na talaga ang gusto kong makasama sa future ko, iba pa rin talaga yung feeling kapag ganito na nagpo-propose sayo.At hindi ko ine-expect talaga na ganito kaaga, I mean, I just turned 18 for Pete's sake.I'm sure there's a reason behind this.Hindi ko na muna aalamin yung rason dahil ayokong masira tong moment namin.

Dahil hindi pa rin ako kumikibo at shock na nakatingin lang sa kanya.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sa akin.May kinuha sya sa bulsa nya na isang pulang kahita na nahulaan ko na ang laman.

Binuksan nya ito at tumambad sa akin ang isang gold engagement ring na may maliit na dyamante sa gitna.

Lumuhod sya sa harap ko at nagsalita habang hawak ang box na may singsing.

" Alyanna Maine will you make me the happiest man in the world? Will you be my wife? Will you marry me after your graduation?"

Tumayo muna ako at lumuhod din ako sa harap nya para mapantayan sya.Umiiyak na ako ng sumagot ako.

" Yes! Nielsen Emmanuel.I am more than willing and very pleased to be your wife."

Pinunasan muna nya ang luha ko bago nya isinuot sa akin ang singsing.

" Glad it fits." then he kissed my hand.

Inalalayan nya ako nung tumayo na kami.Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinignan ng diretso sa mga mata.

" I love you.And this love will lasts forever babe." he cupped my face and gave me a peck on the lips.

Tuluyan ko na syang niyakap ng mahigpit.Sobrang thankful ako sa Lord at sya ang ibinigay Niya sa akin.

" I love you so much beh.Thank you for loving me.Promise, I'll be a good wife to you."

" I know.Perfect girlfriend ka na nga kaya naman hindi na ako naghanap pa ng iba.And I'm very much sure you'll be a good mother to our basketball team."

" Anong basketball team!?Grabe ka papatayin mo ba ako kaaanak?" angal ko at pinagkukurot ko sya sa tagiliran nya.

" Aray! Sinumpong na naman yang pagiging amazona mo.I'm just kidding.Kung ilan yung ibigay ni Lord sa atin, yun na yun." sagot nya habang pinipigilan yung kamay ko sa pangungurot.

Hinuli nya yung kamay ko at dinala sa labi nya.Nang mapatingin sya sa entrance ng garden resto.

" Oh, they're here."

Lumingon ako at tumingin din sa tinitignan nya.Nagulat ako dahil paparating ang mga magulang namin.

Nagmano kami sa kanila ng makalapit sila sa amin.

" Ano anak naumpisahan mo na ba?" tanong agad ni tito Phil.

" Ah opo pa, ang tagal nyo po kasi eh.Baka magsara ang resto hindi ko masabi kay Laine."sagot ni Nhel.

Umupo muna sila bago nagsalita si daddy.

" Sorry we're late.Nag-usap muna kasi kami ng papa mo at mas maganda naman na nauna na kayo dito para makapag-usap din kayo ng maayos ni Laine.Since nagawa mo na yung first part, kami na ang magtutuloy."

" Okey dad, explain nyo na po kung bakit napaaga ang proposal sa akin ni Nhel." sabi ko kay daddy.

" Makinig kayong mabuti at may sasabihin kami sa inyo na ngayon nyo lang malalaman.Mare ikaw na ang magsabi." si tita Bining na inuudyukan si mommy na magsalita.

" Okey sige ganito yun.Matagal na kaming magkaibigan nitong si kumareng Bining.Dalaga pa ako at siya naman ay bagong kasal pa lang. At ako ang naging ninang ng panganay nila.Nung nag-asawa na ako naging mas malapit kami at naging matalik na magkaibigan din ang mga asawa namin.Nung isilang ang bunso nilang si Nhel, napagkasunduan namin na kapag babae ang panganay namin, kay Nhel sya ipapakasal.Pero hindi namin kayo sinadyang pagtagpuin dahil dumaan ang ilang taon na hindi na namin pinag-usapan pa yung kasunduan na yon.Tadhana na ang naglapit sa inyong dalawa, hindi ba nga nagbabangayan pa kayo nung unang meetings nyo.At nagulat talaga si daddy nung magpaalam si Nhel sa kanya na liligawan ka nya at umamin ka rin na mahal mo rin si Nhel.So hindi na kami gumawa ng move para sa kasunduan namin dahil kayo na mismo ang nagbigay ng katuparan nun sa amin.Kaya naman todo suporta na lang kami sa inyo."

Nagkatinginan na lang kami ni Nhel sa nalaman namin.Naiintindihan namin sila.Kaya naman pala hinayaan lang nila kami.At ang maganda dun hindi nila kami pinakialaman sa relasyon namin, suporta lang talaga sila, tumutulong at nagpapayo kung kinakailangan.

" Ngayong alam nyo na, sasabihin ko naman Laine sayo kung bakit napaaga ang proposal ni Nhel sayo.After na marinig mo ito, it's up to you to decide.Anak, we're leaving, kailangan kami ng mommy mo sa business natin dun sa US, lumalaki na ang demands at hindi na kaya ng mga ate mo dun ang pagma-manage.So, we decided na umuwi muna dun at lumipat na muna kayo ng school.Hiningi ko ang tulong ni Nhel dahil alam kong masasaktan kayo pareho pag naghiwalay kayo.Kaya nung sabihin ni Nhel yung solusyon sa akin, pumayag na ako.Ngayong engaged na kayo mapapanatag na kayo pareho kung sakaling pansamantala kayong maghihiwalay.Nasa iyo anak ang desisyon." si daddy naman ang nagpaliwanag.

" What if I don't go with you dad? Will you allow me to stay here?"

" That's what we talked about earlier ni pareng Phil.If you go with us, susunod si Nhel sa atin dun after ng graduation nya.But if you choose to stay, they will take care of you here, you're his fiancee now.Then you'll get married after your graduation.Pag-usapan na lang natin yung exact date ng wedding nyo.The decision is yours baby, we will support whatever it is." mahabang paliwanag ni dad.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng magsalita naman si tito Phil.

" Kung maiiwan ka Laine, dun ka sa amin uuwi,pero hiwalay kayo ni Nhel ng room. Wala ka ng makakasama sa inyo dahil kasama ang tita Baby mo sa America.At ganun din sa Manila kung gugustuhin nyong magsama sa isang bubong kailangang hiwalay din kayo ng tulugan.Alam kong may rule kayong sinusunod at nagtitiwala kami na tutuparin nyo yun hanggat hindi pa kayo kasal at nakapagtapos ng pag-aaral."

Nasagot na nila ang lahat ng gusto kong itanong kaya nagpasya na lang ako.

" I'll choose to stay, hindi dahil ayoko kayong makasama dad, mom.Gusto ko lang po na dun sa school ko makapagtapos ng pag-aaral, sayang po kasi yung scholarship ko at tama po kayo hindi namin pareho kakayanin ni Nhel na maghiwalay pa pero pwede naman maghintay sa States kung susunod sya.Kaya lang po, talagang ayoko na pong mag-transfer ng school kaya maiiwan na lang po ako kahit malungkot din na mawalay sa inyo.Pag bakasyon na lang uuwi po ako sa inyo, with Nhel of course."

" That's settled then.Napag-usapan na rin namin yan kung ano man ang maging desisyon mo.Wag mo kaming alalahanin anak.Buhay nyo na ni Nhel yan, basta ang pakiusap lang namin magtapos kayo ng pag-aaral nyo.At kung may problema kayo,andito lang kami, dadamayan namin kayo."pagtatapos ni dad sa usapan.

Matapos pag-usapan ang ilang detalye tungkol sa pag-alis ng pamilya ko, umuwi na kami upang pare-pareho ng makapag-pahinga.

Chương tiếp theo