webnovel

Grim reaper vs Captain [1]

SINUNDAN ni Lexine ang tracker sa kanyang cellphone at dinala sila nito sa Timezone Arcade kung saan napakaraming mga kabataan ang naglalaro.

"What kind of demon are we looking for?" tanong ni Miguel.

May pinindot si Lexine sa touch screen at lumabas ang isang picture ng demon, "It's an Incubus Demon. They lure female humans and feed from their energy force. According to the report, this fucker likes Loli. Mga batang babae ang binibiktima niya."

Napangiwi si Miguel, "Lahat ba ng demon pedophile like Mr. Park?"

"Well, most of them though. We need to find him. I'm sure he possessed a human body to hide his self," pumasok si Lexine sa loob ng Arcade.

Maingay ang buong lugar sa dami ng mga Arcade machines at kung ano-ano pang mga video games na pinagkakaabalahan ng mga bata at teenagers. May iilan 'din na mga nagfi-feeling bata o kaya mga maids o magulang na nagbabantay sa mga anak nila.

Sa dami ng tao ay mahihirapan silang mahanap ang pakay.

"How can we find him?" tanong ni Miguel.

May kinuha si Lexine sa kanyang bulsa at inabot kay Miguel. Isa itong old compass, "Gagalaw ang arrow kapag na-sense niya ang demon."

"Cool," parang bata na sabi ni Miguel, "Then let's start the hunting."

Naglakad-lakad ang dalawa habang hinahanap nila ang pakay. Kung pagmamasdan ang paligid ay wala namang kahina-hinala. Nadaan nila ang grupo ng mga estudyante na nagkakagulo sa "dance-dance revolution" at nagsisigawan sa dalawang sumasayaw sa dance pad.

Sa kaliwang banda naman nandoon ang mga babaeng elementary students na sinusubukan kunin si Hello Kity sa Claw machine. Nagtitilian pa ang mga ito dahil muntikan na nilang makuha ang manika pero dumulas ito sa claw.

"If he likes Loli's, for sure nakadikit siya sa mga batang babae," komento ni Miguel.

"Good idea, observe the girls."

Sa pagmamasid ay napansin ni Lexine ang isang pulong ng mga babaeng teenagers na may pinagkakaguluhan. Kinalabit niya si Miguel at tinuro ang mga ito. Sabay silang lumapit upang tignan kung ano ang meron.

Masyadong marami ang nagpupulong-pulong habang panay tilian ng mga babae na tila kinikilig. Nang makalapit ay nakipagsiksikan si Lexine sa mga bata para makasilip. Di niya inaasahan kung sino ang nakita.

Sa isang arcade machine, nakaupo ang isang binata na nakasuot ng leather jacket at naglalaro ng Pacman.

Tili ng tili ang mga babae sa tuwing malapit nang kainin ng mga monster si Pacman pero nalulusutan ito ng player na naglalaro. Akala mo nanonood ng ka-suspense suspense na sports ang mga batang babae pero ang totoo ay kinikilig lang sila sa napakagwapong binata.

Hindi nakapagtimpi si Lexine at lumapit sa gilid ni Night, "What the hell are you doing here?" aniya nakapamewang.

Tumingala si Night kay Lexine kung kaya nawala siya sa focus at tuluyan siyang nakain ng monster. Nalungkot ang mga kababaihan at ang iba naman ay lantarang nagpakita ng pagkadisgusto.

"Ano ba yan, ang epal naman."

"Sino ba yan? Nasira tuloy ang laro ni kuya Pogi."

"Nakakainis naman! Feeling maganda, maputi lang."

Nilingon ni Lexine sa mga batang babae. Sa gulat niya ay masama ang tingin sa kanya ng tres marias.

"Tara na nga girls! Hmp!" sabi ng batang nasa gitna na tila ang leader. Katakot-takot na irap ang binigay ng mga ito kay Lexine.

"Di ako na-inform fans, mo pala ang pabebe girls," tawa-tawa na sabi ni Miguel kay Night.

Tumayo si Night at masama ang tingin kay Miguel.

"Night, bakit ka nandito?" ulit ni Lexine.

"I'm here to play, don't you see?" tinuro nito ang Arcade.

"Tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Sinusundan mo ba kami?" humalukipkip si Lexine at pinagtaasan siya ng kilay.

"Oo, sinusundan ko kayo," lumipat ang tingin ni Night kay Miguel, "I don't trust this guy."

Umismid si Miguel, "Eh ikaw tingin mo pinagkakatiwalaan ka ni Lexine?"

Nagtigas ang bagang ni Night at hinarap si Miguel, "Ano gusto mo palabasin?" nagdibdib sa dibdib ang lalaki.

"Ikaw? Ano ang pinapalabas mo tungkol sa akin?" sagot ni Miguel na dinikit din ang mukha kay Night. Parehong nagdidilim ang kanilang mukha.

"I know everything about you Captain Miguel Madrigo," buong diin na sambit ni Night.

Mas lalong tumalim ang mata ni Miguel. Agad na pumagitna si Lexine sa dalawa at pinaghiwalay ang mga ito, "Ano ba 'wag nga kayong mag gawa ng gulo dito. Mas isip bata pa kayo sa mga bata dito. Mahiya nga kayo!"

Nagtinginan nang masama ang dalawa.

Sinuklay ni Lexine ang buhok, "Pwede ba, tulungan niyo na lang ako hanapin yung target!" umikot ang mga mata niya sa sobrang inis at iniwanan ang dalawa.

Sabay na sumunod si Night at Miguel kay Lexine na nagpapalitan pa rin ng masasamang tingin.

Nagpatuloy si Lexine sa paghahanap at pag-oobserba sa mga tao sa paligid. Nangibabaw sa kanyang mata ang isang binatilyo na lalaki na nakasuot ng pulang jacket at jogger pants. Nasa anim na talampakan ang taas nito. Payat ito pero maganda ang tindig. Ito yung tipong rich kid na mayabang. Napapansin niya na kung kani-kaninong mga babaeng estudyante ito lumalapit at nagpapakilala. Hinihingi pa ang mga number nito. Kahina-hinala sa kanya ang kilos ng binatilyo at may nararamdaman siyang kakaiba.

Hindi niya inalis ang tingin dito at pasimple itong sinundan, "Look at that guy, he's suspicious," bulong niya sa dalawa.

Parehong napatingin si Night at Miguel sa lalaki, "Should we use the compass? Lapitan ko?" tanong ni Miguel.

"Not yet, baka makahalata siya, we need to observe first," sabi ni Lexine.

Kasalukuyang nakikipaglandian ang binatilyo sa grupo ng mga highschool students na naglalaro sa arcade. Umupo si Lexine sa dulo ng hilera ng arcade machine at nagkunwaring naglalaro.

Umupo naman si Night sa katapat na machine ni Lexine at umupo si Miguel sa tabi nito, "Umuwi ka na, we can handle this."

Umismid si Night, "Who do you think you are to tell me what to do?"

"Obvious naman na ayaw ni Lexine na nandito ka. You're distracting our mission. Abala ka lang. Do her a favor and leave," matatag na sabi ni Miguel.

"Don't use your mission as an excuse. Are you threatened by my presence?" nanliit ang mata ni Night.

"Me? Or you?" balik sa kanya ni Miguel.

Nagtigas ang bagang ni Night. Nangangati na talaga siyang paduguin ang nguso nito sa sobrang yabang.

Umangat ang sulok ng labi ni Miguel, "Threatened ka ba na sasagutin ako ni Lexine?"

"You're so full of yourself," Night gritted his teeth.

"Say whatever you want about me, at least she trusts me rather than you."

Nagdilim ang mata ni Night at handa nang sapakin si Miguel.

"Oops, someone is boiling," pang-aalaska nito.

Lalong nangigil si Night. Hindi lang nguso ang paduduguin niya kay Miguel. Mas maganda kung pareho niyang dudukutin ang mata nito at ipapakain sa kanya. Marami na siyang klase ng Plan A, B, C kung paano niya ito ito-torture.

"Masyadong madali para sa'yo kung papatayin lang kita. I'll make sure to tear you into pieces, break you from limb from limb, peel your skin until you bleed to death," nangigigil niyang sabi.

Pero di nagpatakot si Miguel, "Don't worry. I'm sure the day would come that we will kill each other. Pero sa ngayon, magtitiis muna tayo."

Tumaas ang sulok ng bibig niya, "Ganito na lang, daanin na lang natin sa patas na laban. If I win, you leave. If you win, then I leave," tinuro ni Miguel ang Arcade Machine sa larong Tekken.

Naningkit ang mata ni Night, "Prepare yourself to lose, Captain."

"Lets see, Grim Reaper," tinaas ni Miguel ang coins na nakaipit sa dalawang daliri.

Hala ka Miguel wag mong galitin ang prinsipe ng dilim! Hahaha!

Who will win?

Mag ingay team Captain!

Mag ingay team Grim Reaper!

AnjGeecreators' thoughts
Chương tiếp theo