webnovel

Last dance

MAHIMBING ang pagtulog ng makisig na prinsipe na nagmula sa dilim at anino. Napakapayapa ng mukha nito. Kung pagmamasdan ay tila ba ordinaryo lang itong binata at `di makikita ni bahid ng taglay nitong kapangyarihan.

Ang mainit nilang gabi ay nasundan pa ng mas maraming rounds. Kinabukasan mula umaga, tanghali at hapon ay paulit-ulit nilang inangkin ang isa't isa. Buong araw lang silang nagkulong sa kwarto. Lalabas lang sila para kumain tapos ay sasabak na uli.

Sa totoo lang ay masakit lahat ng parte ng katawan ni Lexine pero higit na masarap ang naidulot na ligaya ng bawat halik, haplos at pag-iisa ng mga katawan nila ng binata. Hindi niya mapigilan ang mga ngiti sa tuwing naaalala kung paano sila tumawa, umungol at magpagulong-gulong sa malaking kama nito. Pati nga bathroom, walls at sahig ay nabinyagan na nila

Hindi na niya alam kung gaano niya na katagal pinagsasawa ang mga mata sa napaka-gwapong mukha nito. "Night, I'm sorry but I have to do this alone. I know that I'd promised you that we'd fight this together. I'm sorry if I need to break that promise. I hope you can forgive me."

Lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Mahirap sa kanya ang gagawing desisyon. Alam niyang magagalit si Night sa oras na malaman nito kung ano ang plano niyang gawin at siguradong pipigilan siya nito. Pero desidido na siya. Gagawin niya ito upang maprotektahan ang mga taong mahalaga sa kanya lalo na para kay Alejandro.

Sa huling pagkakataon ay nilapit niya ang mukha rito at magaan na hinalikan ang labi nito. Sa sobrang gaan ay parang hangin lang ang dumampi roon.

"Lexine, stay with me."

Napigil niya ang hininga. Akala niya naggising ito pero nanaginip lang pala. Mabilis na nanikip ang dibdib niya. Sa sobrang pag-uumapaw niyon ay masakit na. Those are the same words that he said to her on top of the Eiffel Tower. Mapait siyang ngumiti. Kahit sa panaginip ay siya pa rin ang iniisip nito.

Kung bibigyan lang siya ng isa pang pagkakataon ay gusto niyang manatili sa piling nito at `wag nang umalis pa. Ngunit wala na siyang sapat na panahon at hanggang dito na lang ang masasaya nilang sandali. Saan man siya magpunta ay sigurado niyang babaunin ang lahat ng mga panahon na pinagsaluhan nila. Kahit ang mga panahon na tila aso't pusa silang dalawa. Napangiti siya nang maaalala kung paano sila mag-away noon.

Bago pa tuluyang magbago ang kanyang isip, nilayo niya na ang mukha sa binata at hinakbang ang mga paa. Muli niya itong sinulyapan bago lumabas ng pinto na may dalang mabigat na dibdib.

***

FIFTEEN MINUTES before the performance nang makahabol si Lexine sa theater kung saan muling gaganapin ang second run ng Romeo and Juliet. Punong-puno na'ng lahat ng upuan mula front seat hanggang sa likuran at balcony.

"My God, Lexine akala ko iindianin mo na kami." Tila nabunutan ng malaking tinik ang dibdib ni Ms. Garcia nang makitang nakarating na siya sa backstage.

"I'm sorry Ms. Garcia, may inasikaso lang ako," aniya.

Bumuntong-hininga ito at hinimas ang magkabila niyang braso. "It's okay, mahalaga nandito ka na. Good luck, make me proud."

Hinaplos ang puso niya sa narinig. Gagawin niya ito hindi lang para sarili kundi para sa taong malaki ang naging parte sa kanyang pangarap na maging magaling na ballerina.

Binigyan siya ni Ms. Garcia ng mainit at matagal na yakap bago siya nito binitawan. `Di nagtagal at pinakilala na sila ng host. Nagpalakpakan ang mga panauhin. Huminga nang malalim si Lexine. Tinaas niya ang noo, pumilintik ang mga kamay at tiningkayad ang mga paa. She saw her friends, Xyrille, Janice and Ansell on the front seat. Panay ang sigaw ng tatlo sa pangalan niya. Tumayo pa si Ansell habang malakas na pumapalakpak at sumisigaw.

She bitterly smiled. Tonight will be the last dance of her life.

Hello mga cupcakes, alam kong super excited na kayo at super excited na rin si Author kaya eto na ang mga kaabang-abang na kaganapan...

Be ready on your seats, ihanda ang mga puso, pwede rin popcorn tehee...this is going to be a roller coaster ride!

Enjoooooooy!

AnjGeecreators' thoughts
Chương tiếp theo