( SEAN )
Halatang di makapag move on ang babaeng to, kaya tumigil muna kami saglit sa paborito nitong
tambayan na puno ng bayabas…
Naupo naman ako sa may bato, habang nakatitig ako sa dagat na kulay asul at sa ganda ng panahon…
Siya naman naupo sa sanga ng bayabas.
"Kamusta na kaya sila… baka dumating yung bride…"
"Tss…"
"Ang hirap pa naman makapag-ipon ng pangkasal. Kaya ikaw Aaron mag ipon ka na. Sa edad mong yan
parang malapit ka na din. Kunin mo akong abay ha."
"Sa pangit mong yan, kukunin ba kita. Asa ka din."
Lalong humaba ang nguso nito… at walang magawa kundi tignan yung bulaklak niya."
"Bakit yun nangyayari…"
Di ko sinagot kundi muli akong pumulot ng bato at hinagis yun sa dagat.
"Di'ba bago naman kayo ikasal hinihingi parin ang permiso ng babae mismo… Tapos paghahandaan ito
ng lalaki… Tapos… ganun lang? Masaya na ang lahat kanina diba?"
"Tumigil ka na nga sa walang kwenta mong pag iisip. Kahit nga mag-asawa na naghihiwalay, panu pa
kaya yung kanina."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com