(Sean POV)
Nang makalabas si Sena, napabuntong hininga ako. Isinandal ang aking likuran sa upuan saka ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong ayusin namin ni Sena ang relasyon, ngunit napakatigas ng ulo niya. Gusto niya akong pahirapan. Ang tanong susuko ba ako?
Tss. Hindi.
Iminulat ko ang aking mga mata. Naghihintay si Leo sa sasabihin ko. Napatango ako sa kanya.
"Give me the list of the Rymalene confidant to make this thing worst."
"Here is what we gathered information Master Sean."
(Sena POV)
Ini-uwi nga ako ni Kuya Joshua sa pamamahay ni Sean. Kahit anong protesta ang ginawa ko, hindi talaga. Nakikinig na sila kay Sean at parang nakalimutan ang ginawa ng lalaking yun sa akin. Kuya naman eh. Si Sean ang nagka-amnesia, hindi tayo.
"Sena, patawarin mo na kaya si Sean." Humarap ako kay Kuya bago pa man nga i-apak ang mga paa ko palabas ng sasakyan.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com