Kringggggggggg... tumunog na ang bell, hudyat na ng simula ng klase, nandito parin si zack sa harapan ko..
Zack, Nag bell na, baka malate ka sa klase nyo..
sabi ko sa kanya
huh? wag na muna kaya akong pumasok, tapos naman na ang exam namin, kwentuhan muna tayo
Hindi pwede, nandito tayo sa library, tiyak na nakita ka ng librarian, sasabihin nun sa office nag cutting classes ka, papanget ang record mo.. dean list ka pa naman...
Gusto pa kasi kitang makausap ng matagal hanah, kahit iisa tayo ng school, bihira lang naman tayo magkita at mag usap ng ganito... malungkot nyang sabi
Napaka sincere ng mga sinabi nya, at may lungkot sa pagbitaw nya ng bawat salita..
Talaga bang nalulungkot sya dahil hindi kami madalas magkita?
Palagi naman kitang ka chat at katext ah, naguusap parin naman tayo.. masiglang sabi ko
Malungkot na tumingin sya sakin, magkaiba kasi iyong personal tayong nag uusap at sa phone lang.. graduating ka na diba? October na din.. ilang months ka nalang mag stay dito sa school...
Bumils ang tibok ng puso ko, bakit parang ang importante ko sa kanya para mag alala sya sa konting panahon nalang na makakasama ko sya?
Tumayo na sya at niligpit ang kanyang mga gamit...
Huwag kang mag alala, may 5 months pa akong i-stay dito... simula bukas 1 hour bago mag start ang klase mo,, palagi na akong pupunta dito para makapag kwentuhan pa tayo... basta huwag ka lang mag skip ng klase...
Sige, aagahan ko lagi pumunta dito.. nakangiting nyang sagot.. at promise mas pagbubutihin ko pa sa klase simula ngayon
Natatawa ako sa inasal ko kanina, para tuloy akong ate nya ,, the way na nagpapaala ..
Nakaalis na si zack, lutang parin ako
Inlove na nga talaga siguro ako sa kanya,
Sa maikli naming pagkakakilala, masasabi kong mabuting tao at mabait sya, palaging sincere sa bawat sinasabi nya.. hindi naman siguro masama kung hahayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya, nararamdaman ko din na may espesyal syang pagtingin sakin...
Tumahimik ka nga!!!! diba hindi ka maiinlove? diba wala kang tiwala sa love na yan? at sa mga lalaking yan? asan na lahat ng sinabi mo? gumising ka nga!!! paaasahin ka lang nyan, paiiyakin at sasaktan.... Hindi ka na ba natuto? magpapaka tanga karin ba tulad nila?? akala ko ba best example ang parents mo, nakikita mo nadin sa paligid, madaming babae ang nasasaktan dahil umasa!! umaasa sa happy ending!!! na baka sakaling mag exist ang fairy tale sa reality...
(ito ang mga katagang paulit ulit na sumasagi sa isip ko)
Gusto ng puso kong mainlove, ayaw naman ng isip ko dahil sa takot na masasaktan lang ako..
Gulong gulo na ako...
Ano nga ba ang susundin ko, Isip or Puso??