webnovel

Chapter 14

"Gutumin ka ba talaga?" Biro ko sa kanya. Humagikhik naman siya at umiling nalang.

Nasa loob kami ng restaurant dito sa Santa Rosa. Dito niya naisipang kumain kami. We both ordered fried chicken with rice.

"Not really," nilapag niya ang kanyang braso sa mesa at tinignan ako nang diretso. "I usually eat less and work out. Maybe today is an exception."

"You go to gym?" Para bang nagulat pa ako sa tanong na iyon gayong halata namang bugbog sa mabibigat na bagay ang kanyang katawan.

"Yup." Pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. "Twice a week is enough."

"That explains the hotness of your body," I joked and bursted into a laugh. Umiling naman siya habang nakangisi.

Pagkatapos naming kumain ay nagkaroon kami ng kaonting pag-uusap saka kami bumalik sa kotse. We drove off to Tagaytay to check if everything was settled down. Mabuti nalang talaga at mga hands on naman ang mga kasamahan ko.

"Siyempre maganda iyon!" Bulalas ni Euni.

Nasa veranda kami ng venue kung saan tanaw na tanaw ang Taal Lake at bulkan. The place was very refreshing. Para bang dinadala ka nito sa ibang mundo.

The sky was blue and the clouds were white cotton-like figures. Para bang isang napakagandang biyaya ang makitang nakangiti ang Haring Araw. Samahan mo pa ng haplos ng katamtamang init ng hangin, parang ayaw ko ng umalis sa lugar na ito.

I will come back here soon. Iyan ang nasa isip ko ngayon. Gusto kong bumalik dito hindi na dahil sa trabaho kung 'di dahil gusto kong magpahinga. I want a break from work and isolate myself from everyone. Three days is maybe enough to contemplate.

"Kumikinang pa naman ang mga gown." Dagdag ni Ivy.

We were talking about Aubriene. From the updates of her ig, nagpopost siya ng mga larawan niyang kuha para sa debut, as well as ang mga susuutin niya.

"Bata pa lang ay may pangalan na sa industriya." Komento ni Pat.

I was thinking about that, too. Sa aming magpipinsan, si Zette ang may mabangong pangalan dahil sa negosyo nila. Ako, ordinaryong tao lang na gustong mamuhay mag-isa. Isn't it that cool already? While some people are chasing for power, I only aim for peace.

"Ako kaya, 'no?" Si Euni, kaya napatingin kami sa kanya. Huminga naman ako nang malalim. "Gusto ko ring yumaman pero sadyang ito lang ang kaya kong gawin."

"Ano ba pangarap mo talaga?" Tanong ni Pat. Sumulyap ako sa kanya at sakto namang nagtama ang paningin namin.

Euni shrugged. "'Di ko rin alam, eh. Gusto ko sanang maging pulis."

"Oh, e bakit ito kinuha mong kurso?" Si Ivy ang nagtanong.

"'Di kasi ako pinayagan ng mga magulang ko. 'Di nila ako susuportahan kung magpupulis ako."

"Sayang naman!" Bulalas ni Pat. "Saka bakit kailangan pa ng permiso mula sa magulang kung talagang iyan ang pangarap mo?"

"Mahirap din kasi sumuway, Pat." Malungkot niyang sagot. "Baka itakwil nila ako."

"Naku, Euni!" Umiling si Ivy. "Alam mo bang puwede mong gawing inspirasyon 'yan? Like, patunayan mo sa mga magulang mo na tama ang naging desisyon mo sa buhay. Saka, pangarap mo 'yan, eh. Dapat walang sinuman ang makakahadlang sa pag-abot mo niyan."

"Ano ba plano mo ngayon?" Tanong ko. Lahat sila napatingin sa akin pero nanatili lang ang mata ko kay Euni.

Bumuntong hininga si Euni. "Actually nag-iipon ako ngayon para nga kumuha ng criminology. Tutal wala na akong problema sa pamilya kasi bumukod na ako."

"Ahh," si Pat sabay tango. "Mabuti naman kung ganoon. 'Wag mo talagang sayangin ang pangarap na iyan. Saka bata ka pa naman. Marami pang oportunidad ang darating."

Nagkuwentuhan pa sila samantalang nagpaalam ako na umalis muna. Kinuha ko ang cellphone ko at napagtantong maraming missed call doon.

14 missed call from Herana

4 missed call from Atifa

7 missed call from Morthena

Nag-iwan din sila ng mensahe para sa akin. Isa isa ko iyong binasa.

Atifa:

Saan ka na?

Why aren't you picking up your phone?

Hoy, bruha!

Baka naman ni-rape ka na ni Ximi!

Magpapatawag ako ng search and rescue operation kung 'di ka sasagot!

Lulu Cailleigh Alonzano Nadella!!!

Mukhang nag-enjoy sa view ni Ximi, ah?

Hoy!!!

Natawa ako sa mga message niya. Baliw talaga 'to.

Nagtipa ako ng reply at baka mamatay na kaiisip kung nasaan ako ngayon.

Ako:

Nasa Tagaytay na ako. Sorry I missed your calls. Busy lang. What's up?

Pagkasend ko noon ay binasa ko naman ang mensahe ni Morthena.

Morthena:

Insan, andito si Moffet!

Napalunok ako nang husto. Kumalabog muli ang puso ko. Bakit kaya ganito ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya?

Nagtipa muli ako ng sagot.

Ako:

Okay.

What, Luca? 'Yon lang ang sagot mo?

Huminga ako nang malalim saka binasa ang mensahe ng huling sender.

Atifa:

Kasama nila Morthena at Herana 'yong lalaking maputi at matangkad. If I'm not mistaken, si Moffet iyon. Do you know him?

Napatampal nalang ako sa noo ko. Kahit kailan talaga ang dalawang ito! Sakit sa ulo, mga bruha!

Ako:

Moffet's our batchmate. Why?

I sent my message and took a deep breath. I roomed my eyes around and napagtantong wala si Ximi. Nandito lang iyon kanina at nang sa gawi nila Euni ako tumingin, saka ko lang napagtanto na baka magkasama na naman ang dalawa.

Okay. Ingat nalang sa kanila.

Pagpatak ng alas sais ay isa isang dumating ang mga bisita. I recognized some of their faces, ang iba naman ay mga bata o may edad na at 'di ko kilala. Baka mga bago sila o siguro mga kakilala lang ng mga magulang ni Aubriene.

"Welcome!" Bati ko sa mga pumapasok. Halatang pinaghandaan nila nang husto ang gabing ito. Ang iba ay agaw-eksena dahil sa mga suot nilang mamahalin at kumikinang din.

"Ako na rito, Luca." Alok ni Jasper. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Salamat. Doon nalang ako sa magseserve ng pagkain."

"Sabi ni Ms. Nherrie na i-double check mo ang mga pagkain."

"Ah, ganun ba? Okay, sige." I nodded at him.

Tumungo ako sa kitchen area at nadatnan ang mga abalang tao. Bukod sa marami ang handa, kailangan ding masiguro na mainit init pa ito.

"Ayos ba lahat?" Tanong ko kay Kier, ang chef ng kusina.

"Oo, Luca. May naluto na rin naman."

"Lasagna kaya at ibang pasta?"

"Okay na. Isa isa ng ihahain sa mesa ng mga bisita."

"Sige. Saan si Ademe?"

Si Ademe ang tagalabas ng mga pagkain, kasama niya si Garin.

"Kalalabas lang. 'Di mo nakasalubong?"

"Ay? Hindi. Pero sige sige. Labas muna ako, ha?"

"Okay," tumango siya, ganun din ang ginawa ko.

Lumabas ako ng kusina at ang masiglang tugtog ang sumalubong sa akin. Malapit ng mapuno ang mga upuan. Nakita ko na rin si Ademe at Garin na maingat na naglapag ng mga menu sa mahabang table.

Sa isang parihabang mesa ay kasya ang walong tao, tig-aapat sa bawat gilid. Kung may mga kasamahan ka, sakto iyon para magtipon-tipon kayo. At sa mesa pa rin, may mga kandila na kulay ginto, so as the cover of tables, wine bottles and black napkins.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Hindi ko mahagilap ang kinaroroonan ni Ximi. Saan naman kaya iyon pumwesto? Magkasama pa rin kaya sila ni Patricia?

Ngumiwi ako at napagdesisyunang kunin ang cellphone ko. I need to call Herana, kung nasaan man siya ngayon. I was informed na imbitado siya, pati iba kong mga pinsan at mga pinsan din nila. To think that in Ximi's circle of friends, marami ring imbitado. Not to mention Moffet na kakilala niya pala!

Isang mensahe ang natanggap ko mula kay Herana. Binasa ko kaagad iyon.

Herana:

Table 16 kami, Luca. Where are you?

Kumunot ang noo ko. So, nandito na pala sila sa loob? Sino sino kaya ang mga kasama niya?

Tinignan ko ang table na tinutukoy niya at kaagad siyang nakita na palinga-linga ang mata. Mukhang may hinahanap. Nagreply naman ako.

Ako:

On my way. I can see you from here.

Pagkatapos kong i-send iyon ay naglakad na ako papunta sa table 16. Puro mga babae naman ang nandoon. Baka ibang table ang sa mga lalaki?

"Opps, sorry." Sabi ng isang lalaki, sabay hawak sa kamay ko, nang nabangga niya ang braso ko. I faced him at ganoon na lamang ang pagtigil ng mundo ko nang napagtanto ko kung sino iyon.

Moffet Margarico

My breathing hitched the moment he let go of my hand. Napaatras kaagad ako, 'di pinapansin ang kumakalabog na bagay sa dibdib. It was really him! That fresh, young and tall man I adored way back when we were in senior high school.

"I'm sorry, lady." He apologized, scratching his nape. "Ahm... can you please tell me where the comfort room is?"

I froze, didn't know what to do. Sobrang laki ng pinagbago niya! And with that same old scent, I can feel his soul!

"Mof!" Tawag ng pamilyar na boses. Saka lang ako nakabalik sa ulirat. Tuliro akong humarap kay Ximi. "What happened?"

"Oh!" Moffet chuckled. Damn his voice sounded so pleasing in my ear. "I accidentally bumped into this girl."

Into this girl?! So, hindi niya ako kilala?!

"You okay, Luca?" Ximi asked, tunog nag-aalala.

Para saan ba ang tanong na 'yon? Kung okay ba ako na nandito si Moffet sa harap ko o kung okay ba na nabangga ako nito?

I gulped once and nodded frequently. I bit my lower lip to keep my senses. Nakakahiya ka, Luca!

"I'm sorry again..." he trailed off, naghahanap ng pangalan.

"She's Luca." Singit ni Ximi.

"Oh," he chuckled. "Luca... I'm so sorry for being reckless."

"I-It's okay," I smiled faintly. Kinakapos ako ng hininga. "Anyways, the comfort room is there." Tinuro ko ang gawi ng cr. "Enter to that hallway, turn left and you'll find the room for men."

"Thank you," he said and smiled. Imahinasyon ko lang siguro na may kinang ang kanyang mata. "Gotta go, bro." Pagpaalam niya. Pag-alis niya ay sinundan ko pa rin siya ng tingin.

He changed a lot. Kahit na naka-tuxedo siya ay alam ko pa ring may nagbago sa pangangatawan niya. More masculine.

"You okay, Luca?" Pag-agaw atensyon sa akin ng lalaki. Nilingon ko siya at nginitian.

"Yeah..." I nodded. "Where have you been pala? I was looking for you the whole time."

Mabuti naman at nandito na siya. Si Pat naman kaya nasaan?

He remained his suspicious eyes on me while I darted mine to Moffet's back. 'Di pa rin ako makapaniwalang nagkita ulit kami. 'Yon lang ay 'di niya ako kilala.

"You like him?" He asked, merely a statement.

"H-Huh?" I stammered, looking back at him. "Of course not."

Nakatitig pa rin siya sa akin. Para bang isang malaking kasalanan ang humanga sa isang tao. Minsan lang naman 'to, ah?

"What's going on here?" Isang boses ng babae ang gumulat sa amin ni Ximi. We both turned to her.

"Hey," rinig kong sabi ni Ximi.

"May contest ba kayong magtitigan?" Tinarayan niya kami. Pinagkrus ang mga braso at tinaas ang kaliwang kilay.

"Herana!" Bati ko sabay yakap sa kanya. Wala akong maisip na gawin sa kanya. "You look wonderful tonight." Kumalas ako mula sa kanya, holding her shoulders. I faced her at ganoon pa rin ang reaksyon sa kanyang mukha.

"I already told you, Luca." Mariin niyang sabi at sumulyap kay Ximi na nanonood lang sa amin.

"What, Herana?" I smiled at her. "Saan nga ulit table mo?"

Play well, Luca! Kilala mo na 'yan si Herana kapag mag-inarte.

"Don't change the topic, Luca." Sinamaan niya ako ng tingin. "Alam kong-"

"Please, Herana. Not here." I distanced from her. "It's not what you think."

And why on hell was I explaining to her? Wala naman akong ginagawang masama!

"Siguraduhin mo lang." Pagbabanta niya at bumaling naman kay Ximi. "Ethan was looking for you, Maximilian. You better see him now."

Ximi just nodded and threw a one last glance to me before he left. Umikot naman ako para talikuran si Herana.

Ano kaya ang nasa isip ni Ximi ngayon? Baka isipin niyang masama si Herana.

"Si Atifa?" Tanong ko sabay harap sa kanya. "Si Morthena rin ba nandito?"

"Oo."

"Puntahan na natin." Sabi ko at hinatak siya papunta sa mesa nila. 'Di naman siya pumiglas at mabuti na rin iyon.

We marched the way to table 16 kung saan nandoon ang mga pinsan namin, both of our sides. Pero kung may isa mang wala, si Zette iyon.

"Luca!" Bati ni Raja with her hyper personality. She stood up to hug my neck. I was almost choked to death.

"Hinay hinay," saway ni Herana sabay hawi kay Raja.

"Sorry," Raja grinned. "Just too excited to see her again."

Si Raja naman ay pinsan ni Herana. We've met a year ago nang nagpatingin kami ni Lolo Pocholo sa kanyang kidney. She was his doctor at dahil doon, naging magkaibigan kami. Actually it was Herana who recommended her cousin to us.

"Parang close, ah?" Pagtataray ni Herana. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ang sungit mo ngayon." Atifa commented. "Parang kanina lang excited ka pa."

"Eh kasi 'tong si Luca, nagpapakatanga na naman."

"Uy, Herana." Saway ni Morthena. We both glanced at her and I smiled. She smiled back.

"Upo muna kayo." Si Isha ang nag-aya. Nagulat ako nang nandito pala siya.

Umupo kami ni Herana. Magkatapat lang kami. Sa tabi niya ay si Raja na katabi si Isha. While on my side, si Morthena na ang katabi ay si Atifa. The rest seats ay vacant na. Baka may hinihintay pa silang kaibigan.

"Si Zette?" Tanong ko.

Imbitado kaya si Zette?

"Naku 'wag ka na umasa roon." Si Morthena ang sumagot. "Alam mo namang 'di 'yon pinapayagan ni Tito Arthur."

"Sayang naman." Sabi ko. "Minsan lang naman 'to, eh."

"Sus, 'di ka pa nasanay." Si Atifa naman ang sumagot. "Tito Arthur is very strict. Gusto laging nasusunod."

Kung sabagay. Ganoon talaga si Tito Arthur, asawa ng kapatid ni mama. Maraming nagbago sa kanya mula nang namatay si Tita Rose.

"'Di bale, parating na sila Solaire at Jadeite. Sure akong makakadalo sila." Dagdag niya. Tumango lang ako, silbing sagot.

Chương tiếp theo