webnovel

Scratch 25

Minsan, may mga bagay talaga kahit puspusan ang paghahanda ay hindi pa rin sapat. May mga bagay talaga na hindi pa napapanahon o baka naman ay hindi para sa iyo ika nga.

Kagaya nalang ng nangyari sa mga kalahok ng MCHS. Nabigo man silang masungkit ang inaasam na korona sa Buwan ng Wika, Division Level: Sabayang pagbigkas, masaya pa rin nilang tinanggap ang trophy.

Nakipagkamay pa sila sa JMJU-IBED na siyang nakakuha ng Champion bilang award. Walang bitter dito. Happy lang.

Abot-tengang mga ngiti, pagbati ng congratulations at sigaw ng kasiyahan at ginhawa ang makikita sa kanila. Sa wakas, tapos na rin. At bilang tanda ng pagsasaya, kailangang magcelebrate. Nagpasya si Ginoong Bonnie na manlibre ng turon at juice sa kanyang mga estudyante.

Kahit lagi niyang napapagalitan at nasisigawan ang mga ito, sa loob ng maikling panahong pinagsamahan ay napalapit na rin ang kanyang loob sa mga estudyante. Para na rin niyang mga anak na pasaway.

"Sir? Nagcecelebrate po ba tayo ng pagkatalo?"

"Kahit 2nd runner up lang tayo, panalo pa rin tayo sa puso ko," banat ni Ryan.

"Ayieee!"

"Eh ikaw, number one ka ba sa puso niya?" pambabara ni Brianna na ngayo'y nakaangkla ang braso kay Franco. Sumama lang siya dito dahil namimiss niya na ang kanyang bebe Franco.

"BURN! Hoo!"

"Sana all number one sa puso niya!"

Ryan retorted back. "Eh ikaw, number ka rin ba sa puso niya? HAHAHA"

"Number one ba ako sa puso mo, bebe?" malambing na tanong ni Brianna na may kasama pang pout para maemphasize ang fierce na fierce niyang matte lipstick.

Hindi- ang dapat sana isasagot ni Franco. Iba ang totoong mahal niya. But everytime he looks at Brianna's eyes, para siyang kinukulam na naiinlab. "Syempre. Ikaw lang sa puso ko." wala sa loob na naibulalas ni Franco.

"AYIEEE!"

"AHAHAHAHA!" tawa naman nang tawa ang barkada nina Andy at Ark. Hayuf! Ang galing talaga nila.

"Anong puso? Baka pusod kamo."

Nagkaroon ulit ng tawanan.

"O, nasaan si Julian?"

"Nagchat siya sa'kin sir. Nasa ospital daw po siya, binabantayan si Sharry," sagot ni Francis.

"Hmm. Ganun ba?"

"Inatake po kanina sa puso si Sharry, eh."

"Hmm."

Mabilis na nalihis ang topic at napunta sa resulta ng iba pang mga events ngayong buwan ng wika. Enjoy na enjoy silang kumain, sinusulit ang minsanang libre.

"Cheers sa pagkatalo! 2nd runner up! Hooray!"

"Cheers!" they then tossed their plastic glasses with iced teas.

-*-*-*-*-

Maiwan yung drawing book ni Ark. Matapakan/matapunan ng sauce yung kay Andybecause they were fooling around while naga drawing tas nagakain. Tapos tawa-tawa lang sila after mabuhusan non. tapos mawala din nila.

Chismis pa rin. Charlotte and Ryan di makapaniwala sa nagawa ni Lexine. Kilala nila ang kaibigan nila. Hindi mang-aagaw si Lexine.

--

Magtatatlong oras nang nakaupo si Julian sa tabi ng hospital bed ni Sharry, nang magmulat siya ng mata at magkaroon ng malay.

Natawagan na ng ospital ang papa ni Sharry at papunta na ito doon. Nanggaling pa kasi siya sa isang probinsya, three hours away from their city.

"Sharry, gising ka na! Sandali tatawag lang ako ng doctor."

Napatingin si Sharry sa kasama.

Anong ginagawa dito ng gago niyang ex!

Okay ang pakiramdam niya pagkagising, maliban nalang nung narealize niyang kasama niya pala si Julian. Naalala na naman niya ang ginawa nitong panloloko sa kanya.

"Bakit ka nandito? Umalis ka na!"

"Babe—"

"Wag mo akong tawaging babe! Break na tayo. Simula nang hinalikan mo siya, pinalaya na kita."

His heart broke into pieces. His tears started to fall as he begged for her forgiveness and love. He can't just let her go! Mahal na mahal niya si Sharry. Gagawin niya lahat, maibalik lang sa dati ang kanilang relasyon.

"Babe, wag namang ganito." Lumuhod siya. "Sorry na. Hindi ko kaya na mawala ka sa'kin. Mahal kita, sobra. Aksidente lang yung nangyari. Please, pakinggan mo naman ako, o. Aayusin natin 'to. Please wag kang sumuko."

"UMALIS KA NA! Magsama kayo ni Lexine! ALIS! A…. A…." Napahawak siya sa dibdib. "AYAW NA KITANG MAKITA PA!" Hinugot niya lahat ng pwersa para hindi siya madala ng kanyang nararamdaman para kay Julian. Kapag nagpatuloy ito, baka bumigay siya.

Nasasaktan din siya ngayon. Sumasakit ang puso niya sa nakikitang kalagayan ng taong mahal niya. May parte sa kanya na gustong bawiin ang sinabi. Pero… tama ba iyon?

She felt betrayed.

Bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Pumasok ang kanyang papa kasama ang mga nurse.

"Ah—Ah—" She continued struggling in breathing. Her heart continued torturing her. Kaagad namang tumawag ang nurse ng doctor.

"Excuse me, iho. Pwede bang sa labas ka na muna? We have a situation here."

Ayaw man niyang umalis, pero kailangan. Mabigat man ang loob, tumalikod siya't lumabas ng kwartong iyon. Pero nilingon niya ang pintuan.

'Sharry… Sana maging okay ka na. Sana maging okay na tayo.'

Chương tiếp theo