webnovel

Chapter 23 - Cable Blade's Wrath

Lahat ay naa-alarma sa dalang panganib ni Cable Blade lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nahuhuli o napipigilan. Madami nang natatakot lumabas, habang ang iba naman gustong-gusto sya mahuli dahil sa pabuya ng gobyerno. Sa ngayon wala pa ring nakaka-alam kung nasaan sya at kung ano ang susunod nyang balak.

Sa shop nina Rouser, (8:47 PM)

"Yun lang, paano natin sya mahahanap?" –Rouser

"Susubukan ko sya ma-track gamit tong kapangyarihan ko, kaso… di ko alam kung hanggang saan ang abot nito eh" –Ako (Cloud Girl)

"Puro pera lang habol nya" –Jolo

"Hindi rin, kasi pumatay sya ng mga parang wala namang atraso sa kanya, lam mo yun. Parang natripan nya lang pumatay sabay alis na" –Kenken

"May gusto syang ipahiwatig nyan, pero oo… mukang pera lang talaga gusto nya. Dalawang beses kona sya nakaharap. Yung dati sa bandang Taft, and yung last time… sa SM Marikina, andon ka nun (Rouser)" –Ako

"Hindi ko alam yang sa Taft ah?!" –Rouser

"Pera din habol nya nun pero napigilan ko sya, balak nya nanamang umatake sa armored van nun. Buti na-alarma yung mga security ng van, tinamaan sya eh. Kaya tinakasan nya ako, may chance na akong mahuli sya nun, kaso di ko sya nahabol kasi niligtas ko yung pamilya nung mga nasa sasakyan na siniraan nya ng gulong"

"Parang napanood ko sa balita yan, pano nya nasira yung gulong nun?" –Rouser

"Pinatamaan nya ng grappling gun nya habang nagi-swing sya palayo"

"Asintado sya boss" –Jolo

"Bihasa sya, parang alam na alam nya mga pinag-gagagawa nya" –Kenken

"Habang ako naman, di ko pa gamay talaga kapangyarihan ko, kaya ko sana sya mahuli nun. Sayang talaga" –Ako

At nagka-ideya na si Rouser kung paano namin sya mahuhuli "May naisip na akong plano!! Makinig kayo, diba Cloud kaya mo naman mag… ano ba tawag mo dun? Yung parang nagiging multo ka?—"

"Cloud Phase"

"Yon! Boys try natin makagawa ng tracking device. Kunwari nakagawa na tayo diba, tapos itatrack mo sya Cloud, tapos ilalagay mo yung device sa… sa grappling hook nya kasi yun yung lagi nyang gamit eh. Then pag nasa isang spot lang sya, as in yung hindi sya nagalaw. Dun tayo susugod! Oh diba!!"

KENKEN: "Okay yan boss!"

JOLO: "Tama!! Tama!! Ang talino mo talaga boss!"

And napatanong nalang ako, "Gagawa kayo ng tracking device?"

"Oo naman! Panonoorin lang namin sa youtube kung pano gumawa ng isa… dapat yung maliit gawin natin, ano ba tawag don?" –Jolo

"Micro… micro tracking device" –Kenken

"Cloud, nasayo yung pinaka malaking part dito. Dapat ma-attach mo yung device sa grappling gun nya" –Rouser

"Or pwede ring sa espada nya, I mean sa sword sheath… para di nya mahalata. Lagi nya rin dala yun" –Suggest ko

"Yun!! Good idea!!"

Then inutusan ni Rouser yung dalawang kasama nya na bumili ng makakaen kasi may bisita daw sila. And habang wala yung dalawa, nagkausap kami.

"After natin mapahuli si Cable Blade nyan, ammmmmmm… wala na tayong gagawin noh?"

"Meron ah, lalaban pa din tayo, like sa mga gang, tapos mga drug-lord" –Rouser

"But, nag-aaral pa ako eh… second year college pa lang ako"

"Buti nababalanse mo oras mo sa pagiging ganto?"

"Remember last time nung may pinigilan tayong drug dealer non? Nagmadali akong makabalik ng school non kaso wala nako nadatnan nun, yun. Absent ako. HAHAHAHA!!!!"

"Kaya pala! Hahaha!"

"Ammmmmm… matagal mo na bang ginagawa yan? I mean yang pagiging hero?" tanong nya

"Medyo bago lang ako, 4 or 5 months palang ata, di ko pa nga gamay tong kapangyarihan ko talaga eh"

"Paano ka pala nagkaroon nyan? In-born? Galing kang science lab? Ibang planeta?"

"Nuh ba yan? Hahaha! Di ko masagot, di ko rin alam kung bat ako may gantong kapangyarihan. Nagulat lang talaga ako na one time, nagawa kong pagalawin yung ulap sa kalangitan and then natutunan ko agad ipang tira to ng ganto oh, Cloud Blast!!" nagpa-ulap lang ako sa loob,

"Hehehehe, may alam ka nyang mga martial arts? Taekwondo, Judo, Karate, Arnis, Aikido?" –Rouser

"Naririnig ko lang yang mga yan pero wala akong alam dyan, all I can do is talagang suntok lang" nakakahiya hahaha!!!

"Eh?!"

"Wala akong formal training, di ko talaga mastered tong cloud-bending powers ko, and yet I'm here… nagpapaka hero, para ngakong di hero talaga eh"

"Nagagawa mo naman ng tama eh, dapat nga ako tong tumatawag sayo ng Idol, dibale… pag di ka busy. Tuturuan kita ng mga alam ko sa boxing at arnis"

"Ammmmmm sige, hahaha! Remember nung nasa SM Marikina tayo nung nakawan sa jewelry shop, kakabili ko lang ng punching bag nun. Gusto ko rin matuto ng mga pang combat talaga"

Pagkadating nina Jolo at Kenken, kumain kami saglit ng instant kanin at ulam na galing sa 7/11, nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa.

Di nagtagal ay umuwi rin agad ako, yun lang naman yung nangyari… plans kung pano matatalo si Cable Blade. May contact pa rin ako sa kanya.

..

Ilang araw na ang nakalipas nun, wala pa rin kaming balita kung asan o ano yung ginawa ni Cable Blade, ina-update ako ni Rouser everyday bout sa mga ginagawa nya at yung sa progress nila sa pag-gawa ng tracking device.

Nang okay na yung device, kinuha ko agad yun sa kanya at tinuruan nya ako kung pano gamitin yun, and nag-patrol kami together para humanap ng nangangailangan ng tulong. minsan meron, minsan wala.

Until one night,

..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

Two and a half weeks ago, after namin magkampi ni Rouser, (7:16 PM)

"May tinuturo sakin yung ulap ko ngayon… sana eto na si Cable Blade" –Ako

"Sana nga, di na natin pwede mapalampas ang pagkakataon na to. Pinag-handaan natin tong part na to. Kaya natin to team… kaya natin to Cloud!" –Rouser

"Ako ang mauuna, icha-chat ko kayo agad pag nailagay ko na yung device. Sana lang talaga… pucha pag si Cable Blade to, aayusin ko talaga!" –

[CLOUD JUMP!!]

"Wow! Para syang rocket!!" –Jolo

"Sayang di ko navideohan!" –Kenken

"Pati ako na-amaze eh, hahaha! O sya, mag-ready na tayo. Babalitaan nya tayo tapos saka ako hahabol" –Rouser

"Akala ko Boss inlove kana sa kanya eh, haha!! Joke lang hehehe!" –Jolo

..

Ngayong naandito na ako sa ulap, napaka-taas ulit ng pwesto ko, isa pang cloud jump ang kailangan ko yung papunta naman sa pwesto na tinuturo mismo netong ulap na to.

And after ko nanaman maibala sa kanyon, naandito na ako sa panibagong ulap. Share ko lang, na sobrang linaw ng paningin ko kahit naandito ako sa ulap, malakas din yung pandinig at pandama ko pag naandito ako, yet ambagal ko pa rin maka-locate pag andito ako sa taas.

"Rouser… ammmmm,, dito ako napadpad sa Araneta. Makakadating ka ba agad?" –chat ko sa sakanya

"Sige, papunta na ako dyan. Kitakits"

"Geh"

Andito pa rin ako sa ulap at nag-iispiya ako, ang nakikita ko is… oh my god. Nakapwesto sya ng maayos at mukang may inaantay syang tao. Kita ko kaagad si Cable Blade sa itaas ng Shopwise, di sya kita ng mga tao kasi nakatago sya at walang time yung mga tao na lumingon dun.

"Rouser, nakita kona sya. Si Cable Blade"

"Claudia si Jolo to, otw na si Rouser dyan pero tatawagan na din namin sya para updated sya"

"Di ako susugod hanggat di pa sya gumagalaw pero susundan ko na sya agad"

Antagal nya ding hindi nag-paramdam nun after ng insidente nya ng pagpatay sa apat na pulis at dalawang sibilyan, ngayon naandito sya. Wala akong idea kung sino or ano pakay nya dito, malamang may armored van nanaman sya sasalakayin, o banko. Di kasi ako gala dito sa Araneta, pero alam kong Araneta to kasi galing nako once dito.

Humanap din ako ng place na pwede ako makababa ng maayos na hindi ako mawawalan ng tingin sa kanya. Napa-check ako ng phone at wala pa ring reply si Rouser. Ni-ready kona agad tong tracking device na gawa nila. Para kung sakaling—

"RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!"

INATAKE NI CABLE BLADE YUNG ISANG SASAKYAN MULA SA ITAAS AT IBINAON NYA YUNG ESPADA NYA!!!

May gusto sya patayin sa loob ng sasakyan!

At biglang nagpanic yung mga tao sa malapit na sasakyan at nagkagulo-gulo na sila sa pagtakbo! Sunod-sunod ang putukan ng baril. Tulad ng dati, binaril ni Cable Blade ng grappling gun nya yung gulong ng sasakyan para hindi ito makatakas.

Mukang VIP yung target nya ngayon at yung mga body guard pala yung nagsisibaril! Dahil sa pambabaril nila ay napatakas nalang si Cable Blade! Napa-grapple sya palayo.

"Hindi ko sya pwede napakawalan ngayon!"

Ilang saglit lang ay muling bumalik si Cable Blade para umatake, humanap lang sya ng ibang pwesto,

"CLOUD BLAST!!!!" at eto na ako para pigilan sya!

Napahinto ko sya, maging yung mga body guard "Umalis na kayo dito! Ako na ang bahala sa kanya!"

"IKAW NANAMAN!!!!" –Cable Blade

"Tama si Cloud Girl, pero paano tayo makaka alis neto, sira yung sasakyan natin?" –Guard 1

"Trabaho pa din nating bantayan si Senator Dela Vega!" –Guard 2

"Nasa loob nyan si Senator Dela Vega?!" nabigla ako sa narinig ko kaya napatanong ako para sure

"Oo, tinamaan ata sya ng espada nyang gagong yan!!!"

"Kaya kayong lahat ay tumabi kayo para hindi kayo magaya sa kanya!!" at binaril nya yung isa sa tagiliran gamit yung grappling hook nya!, pagkahatak nya sa hook ay nagkalat ang dugo…

"OH MY GOD!!!!!"

"Umalis na kayo dito! Umalis na kayo nina Senator ngayon na!!" utos ko

"Hindi ko kayo hahayaan makatakas!!" –Cable Blade

"CLOUD BALL!!!!!" binatuhan ko sya ng isa at this time naitama ko na sa muka nya!! Ngayong wala syang makita saka ko sya sinugod ng malapitan para mailagay ko yung tracking device! Pero napa-atras ako ng umatake rin sya gamit yung espada nya, medyo natatakot talaga ako!!!

Nawala yung ulap sa muka nya ng mag-grapple sya pataas, eto nanaman sya sa galawang Spider-Man nya.

Lalapitan ko sana para makita ko kung ayos lang ba si Senator nang biglang mag-hagis sya ng Granada mula sa pwesto nya sa taas. Agad akong nagbuga ng ulap para makontra yung Granada nya, at buti nalang hindi ito umabot sa lapag at napa-levitate ko ito!

"Wala na tayong oras! Humanap muna kayo ng safe na lugar para kay Senator!! Ako na bahala kay Cable Blade dali!! Habang nahaharangan sya ng ulap ko!!"

Buti nalang sumunod sila sa hiling ko at agad lumabas ng sasakyan sina Senator Dela Vega at ang mga kasamahan nya. Humanap ako ng pwesto na hindi matao para dun ilapag yung bombing hinagis ni Cable Blade, pinasabog ko ito kesa sa hindi, baka may makapulot pa eh tapos sasabog,

[BOOOOOOOOOOOOMMMMM!!!]

Nang ibalik ko sakin yung ulap ko, hindi ko na alam kung asan na si Cable Blade. Hindi kami nagkakitaan sa part na yun….

"RAAAAAAAAAA!!!!" bigla akong tinuhog ni Cable Blade gamit yung espada nya at naramdaman ko yung sakit! Ramdam kong tagos hanggang sa likod ko yung espada nya. Tumba agad ako sa lapag ng walang kalaban-laban.

Hinugot nya yung espada nya na medyo madugo. Eto kinakataot ko sa kapangyarihan kong bigla nalang na hindi gumagana… di ko inaasahan to.

Katapusan ko na ba?!

"Medyo pinag-isipan ko to eh, at gumana nga… na surpresang pag-atake ang papatay sayo. Ha! Asan na sina Dela Vega?! Saan mo sila pinapunta?!" –Cable Blade

"SUMAGOT KA AT TINATANONG KITA…" lumamig bigla ang boses nya na tila normal "Alam kong hindi ka namamatay ng basta-basta pero ngayon mukang naka-chamba ako…"

"Hindi ba ako namamatay? Namamatay din kaya ako?" –Nagawa ko pa syang masagot

"Di mo alam kapangyarihan mo?" –Cable Blade?

"Hindi eh, di ko pa ga—" kinagalit ito ni Cable Blade

Feeling ko mamamatay na ako, kaya bago sana ako mawala sa mundong to… gusto kong mailagay yung tracking device na gawa ni Rouser… dapat kong magawa yung misyon ko… yung part ko. Kahit na buhay ko yung kapalit. Kinuha ko kaagad ito sa bulsa ko.

"Hindi ko alam kung nasaan na sila…"

"Hindi kita maintindihan, maliban nalang kung tatanggalin ko tong takip mo sa bibig"

The moment na inilapit nya yung kamay nya, agad akong kumapit at mabilis kong inilagay yung device mismo sa lalagyanan nya ng espada. Kunwari tumumba na lang ako dahil nanghihina na ako.

"Eto na ang katapusan mo Cloud— Ahkkkkkk?!!!!" biglang may tumamang baton sa ulo nya?! At napa atras sya bigla

"PUTANG INA! Yung asungot mong kasama Cloud Girl!!!!"

Hindi ko na masyado kita yung mga sumunod na pangyayari… ang alam ko lang, andito na si Rouser…

..

..

..

..

..

Nakahandusay sa lapag si Cloud Girl, duguan at mukang wala nang buhay nang madatnan sya ni Rouser sa bandang Araneta….

"CLOUD?!!!! CLOUD?!!! HUYYYY CLOUD!!!! WAG KANG BIBITAW!!! CLOUD!!!!!!"

Chương tiếp theo