I DON'T know if I am just the one who's having different feelings about this place. Nakatayo kami sa harap sa labas ng isang lumang mansion. It's a beautiful mansion even though it looks creepy from the outside. I can't even imagine what it looks like from the inside. I'm sure maganda rin naman pero mas nakatatakot siguro kapag nasa loob na kami. And I won't dare myself to go in there.
May mga wild plants ng nakakatay sa buong harap ng mansion. Kahit nga sa second-floor ng mansion ay abot na ng mga ito ang mga bintana. Pati na rin ang paligid ay halos napupuno na ng mga halamang hindi naman kaaya-aya sa paningin. Mula pa no'ng pagpasok namin ng gate ay halos hindi na namin makita ang kongkretong daan papasok sa loob ng lupain papunta sa mansion.
Halatang hindi na ito naaalagaan ng may-ari ng ilang taon na. I'm wondering what happened to this place to be left uncared and seems lifeless histories were put in graves. Kaya mas lalo tuloy nagiging creepy ang pakiramdam ko habang iniisip kung ano kaya ang maaaring nangyari dito.
"Hey, wanna come inside?" excited na sabi ni Angel.
What the hell? Seryoso ba siya? Kahit nga ako natatakot na pumasok at baka anong klase ng demonyo ang makita ko sa loob. Kahit na ipinanganak ako na witch, may halong tao pa rin ako. Normal lang sa tao ang matakot, pero 'yong feeling na wala kang magagawa kasi nga tao ka lang. I mean, hindi sa minamaliit ko ang mga tao, kasi tao rin nama ako, tao rin si Mommy, ang gusto ko lang sabihin is that humas are powerless. Maraming aspects ang pagkakaroon ng power, pero pagdating sa kakayahan naming mga witches and wizards, malayong kaya nila makagawa ng parehong bagay tulad namin.
Humans were brutal and eviler than us. Most of our ancestors were wiped up by them. Pero walang ginawa ang mga mabubuting witches at wizards dahil sa ayaw nilang manakit ng mga tao. Ang pagiging ignorante ng mga tao ang dahilan kung bakit sila napapahamak at kung bakit sila nakapapanakit ng ibang nilalang sa mundo.
"Are you serious? Hindi ka ba natatakot pumasok, eh, tingnan mo nga ang harap ng mansion, labas pa lang ay halatang may nakatirang masamang multo o demonyo r'yan," kontra ko sa kagustuhan niyang pumasok sa loob ng mansion.
Marahan siyang natawa hanggang sa nilakasan niya ito. May sakit ba siya sa pag-iisip? Ano ang nakatatawa sa sinabi ko?
"Natatakot ka bang pumasok? A maldita kind you are, takot sa multo or demonyo? Eh, do you think they exist? Mahina ka pala, eh. Hanggang salita at pa as if mong kilos na matapang ka lang pala," natatawa pa rin niyang sabi.
Ah, talaga ba? Gusto niya siguro makakita ng isang patunay na they're really existing with us here on earth. Okay, pagbibigyan kita ng isa. Tingnan lang natin kung hindi ka maihi sa pants mong hambog ka.
"Okay, let's go." Nauna na akong tumungo sa pinto, at sinusubukang buksan ito.
Naiwan nang nakaawang ang expression ng kaniyang mukha. I'm totally scared right now for so many possibilities of different kinds of spirits we are about to encounter inside, if makapasok nga kami rito.
Habang nakatayo pa siya sa kaniyang kinatatayuan, dali-dali akong nag-cast ng incantation spell para mawala ang takot ko. Hindi ako lumalabag sa sariling pangako ko, huh, I am using my power for my own benefit, hindi para manakit ng tao. He wants to get inside and see one a hell of a bad spirit or demons.
So, I'm just helping him to see one. Hindi naman ako mananawag ng spirit o demonyo kasi nandito na naman sila sa loob ng mansion, so it's basically helping him to get inside since the door is locked from the inside or it's just stuck.
"Naka-lock, naka-box,
"Puno sa kahadlok,
"Ang akong kalisang mahimong mayabag,
"Hangtod dili na nako madungog.
"Kinahanglan nako mabawi para makaginhawa ko,
"Kuhaa akong kahadlok,
"Palihug himua kinig mawala."
When we are using incantation, enchantment, or spell, gumagamit kami ng ibang diyalekto para dito. Nagagawa naming makagawa ng malakas na spell para hindi agad mawala ang bisa nito.
Ang spell na ginamit ko ay para mawala ang takot na nararamdaman sa aking puso't isipan. Kaya handa na akong pumasok sa loob.
"Get away from the door!" biglang sabi ni Angel na tila ba may mabigat na pinasan.
Paglingon ko sa kaniya ay kumpirmado ngang may pasan siyang isang malaking bato. Agad akong umalis sa pintuan at tumayo sa gilid.
"Hoy, ano ang gagawin mo—Teka lang!" Pipigilan ko sana siya sa kaniyang gagawin pero huli na ang lahat nang bigla niyang buong puwersang pinukpok ang bato sa doorknob at nasira ito, resulta ng pagkabukas ng pinto.
"Ladies first?" nakangiti pa nitong sabi sabay gamit ang hand gesture niya na para makapasok muna ako.
Ngumiti lang ako nang peke sa mukha niya. He's doing everything just for this. What is he planning?
"Ayaw mo bang pumasok? O, takot ka lang, ano?" Nakaiirita talaga ang boses niya.
Hindi na lang ako sumagot at nilampasan siya.
Pagpasok namin sa loob, may mga pamilyar na portrait ang nakasabit sa walls sa hallway. Nakita ko na ang mga ito before, ha. Saan ko kaya nga nakita ang mga ito?
Hindi ko alam kung saan ito patungo pero parang haunted ang mansion na ito. Sa aura pa lang nito sa labas ay ramdam ko na ang kaiibang enerhiyang nagmumula sa loob nito.
Tila may isang kaluluhang hindi matigil-tigil dahil sa hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Mula sa ikatatlong palapag ng bahay, may bintana roon, at may nakita ako kanina habang nakatayo sa labas. Isang maputing lalaki. Sigurado ako na rito siya nakatira sa mansion dahil sa suot nitong mukhang mamahalin, na tila gawa ito mula sa private tailor.
Hindi lang ako nagpahalata kay Angel dahil baka matakot siya sa akin kapag nalaman niya na nakakikita ako ng mga multo at demonyo. Normal lang naman ito sa aming mga witches at wizards, eh, pero kapag ang mga tao naman ay hindi o malabo sa kanila na makakita marahil ay mga tao lamang sila.
Natatandaan ko rin ang sinabi ni Tito Hinubis sa akin. Kaya kailangan kong mag-ingat, baka mapahamak ako. Kahit na mabait na tao si Angel, not gonna lie that to myself, hindi ko rin alam kung ano ang kayang gawin niya kung sakaling malaman niya ang sekreto ko. Mas mabuti na 'yong nag-iingat kaysa maging huli na ang lahat bago ko pa pagsisihan ang bad actions ko.
"Talaga bang you want to do this, Angel?"
Back out na ako. 'Wag na pala. Baka ano pa ang malaman niya at masira ang mga plano namin nina Mommy at Tito Hinubis. Napasinghap ako nang malalim.
Lumingon siya sa akin ng may pagtataka sa kaniyang mga kilay. "Are you kidding? Nandito na tayo sa loob, oh, tapos ngayon mo pa 'yan itatanong sa akin? Ngayon pa ba ako aatras?" Tumalikod siya at dumiretsong pumasok sa isang malapad na silid.
Sa tingin ko ay isa itong dining room pero wait . . . Bakit may stairway paitaas dito, eh, it's literally a dining room dahil may long table with fine made material's chair along in its side. 'Yong hagdan ay nasa gitna ng malawak at malaking room. Tila isang castle ang design pero for me, it's kind a weird design of the house kasi bakit nila inilagay ang hagdan dito o ang dining nila.
Tsk, bakit ko ba ito pinoproblema. Ang dapat kong problemahin ay kung paano ko makukumbinsi si Angel na lumabas na. If something happened here, it's impossible for me to get out of here and save him without using my power.
Habang paikot-ikot ang tingin ko sa loob ng buong silid, natigilan ako sa isang portrait na nakasabit sa pader na halos puno na ng alikabok at spider web. Dagdag pa ang walang ilaw sa loob ng bahay, kaya hindi ko gaano naaaninag ang larawan.
"Here, I brought a flashlight," biglang nagsalita si Angel na halos ikinatakbo ng kaluluha ko.
Nahampas ko siya tuloy nang malakas gamit ang kaliwa kong kamay. Mabuti na lang at hindi sa balat niya tumama ito.
"Aray!" gulat niyang tugon sabay haplos sa bandang bahagi ng kaniyang balikat kung saan ko siya hinampas. "Bakit ka ba nanghahampas, ha?" nakakunot pa ang noo niyang sabi.
"Eh, bakit ba kasi bigla ka na lang nanggugulat, ha?
"Bakit ka nagugulat? Ang sabi mo hindi ka takot, eh, bakit parang tinakbuhan ka ng kaluluwa mo r'yan?"
"Hindi ako natatakot, ha, at kung matatakot man ako . . . Iniisip ko lang ang magiging kapakanan mo," palusot ko kahit napaka-cringe no'ng sabihin.
"Wow, you suddenly became a good person. That's a big news!" Tila nag-transform siya bigla from a dumb person to an uncle-like-person.
"Stop teasing me, Angel," walang gana kong sabi sabay hablot ng flashlight na hawak niya, at saka tumalikod paharap sa pader kung saan nakasabit ang sinasabi kong portrait kanina.
Binuksan ko ang ilaw mula sa ibinigay ni Angel na flashlight at itinutok ito sa portrait. I had almost fall on my knees when I saw the image that is coming from the portrait. It was her. She was there when I saw a vision of Vanessa's past.
Humarap ako kay Angel. "We should go, Angel," natataranta kong sabi habang hawak ang mga kamay niya. I am trying my best not to touch his skin, but I still did—accidentally. "We n-need t-to—"
A flash of cannot be determined vision suddenly appeared in my eyes and thoughts.
A vengeful spirit was trying to trap us inside the mansion by luring us by our badly needed dreams. And I cannot let that happen.
Once the vision ended, I aggressively pulled his shirt and went to the door.
Kapag may isang mortal akong nasangkot sa mga bagay na hindi kayang i-explain ng mga tao o ng science, siguradong mapapahamak ako. At hindi lang 'yon ang kinababahala ko, pati sina Mommy at Tito Hinubis ay maaaring mapahamak din kung sakaling malaman ni Angel ang tungkol sa tunay na existence ng mga multo at demonyo.
Dali-dali kong tinungo ang pinto palabas ng mansion habang umaangal si Angel sa ginagawa kong pagkaladkad sa kaniya.
"Prudence, stop! What are you doing?"
Umaangal nga siya pero hindi naman niya ako pinipigilan. It's more like he's letting me do whatever I want to do with him. Saka ko na siya kauusapin kapag nakalabas na kami rito.
Ilang hakbang na lang at maaabot na namin ang pinto. Nakikita ko na ang liwanag na sumisilip mula sa bahagyang nakaawang na pinto. Nang biglang gumalaw ang buong mansion. Ang sahig, magkabilang pader, at pati kami ay napagalaw na tila mga bagay sa loob ng isang kahon na inaalog-alog ng paulit-ulit.
Patumba-tumba kami ni Angel sa pader at sa sahig. Hindi namin kayang tumayo. At kung tatayo man kami ay paniguradong matutumba lang ulit kami. Hindi pa rin kasi tumitigil ang paggalaw ng buong mansion.
"Lumilindol ba?" sigaw ni Angel habang sinusubukan niyang i-balance ang sarili.
Hindi ko sinagot ang tanong niya marahil ay obvious naman. "Kailangan na nating makalabas dito!" sigaw ko habang gumagapang patungo sa pintuan. "Gumapang ka!"
I don't know if he did what I'm doing. Basta ang goal ko ngayon ay ang makalabas sa mansion na ito. Ilang gapang na lang mararating ko na ang pinto. Then a flash of sunlight welcomed me when I reached the door. Agad akong tumayo nang biglang lumindol ng sobrang lakas.
Kaya napagulong-gulong ako sa kongkretong hagdanan dahilan ng aking pagkatumba. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata, subalit tila ayaw ng liwanag na makita ko ang mundo, at ang nangyari sa mansion.
"A-Angel?"
Kailangan kong makita si Angel. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya, pero p-paano?
"A-Angel," sinusubukan ko pa ring idilat ang aking mga mata habang binabanggit ang pangalan ni Angel. Pero binigo ako ng aking sariling katawan. Ang bigat ng aking ulo at tila may malalaking bakal ang humihila sa akin upang humiga, at mawalan ng malay.
My mind was conscious, but my head and body seem reacting to its opposite. I have to save him. Angel.
Hindi ko narinig ang boses niya simula no'ng nakalabas ako at nahulog sa hagdan. Maybe my head was bumped and hit on a rock. Kaya ito siguro ang dahilan kung bakit may matulis na ingay ang tila binabarena ang aking dalawang tainga.
Angel.
Until the light in my head slowly fading and everything went silent with the light completely fades off. The next thing happen is . . . I don't know.