Mabigat ang salitang Ex. Sila 'yung nauna sa iyo, ang sinundan mo, ang unang minahal bago ikaw. Ang unang nakaranas ng halik at yakap, ang unang pinasaya at pinaiyak, ang una, ang dati, ang nakaraan.
Okay lang na maging protective ka sa Partner mo pagdating sa Ex. Okay lang na magalit ka kapag nakipag-usap ang Partner mo sa ex niya without your permission, nang hindi mo alam. Unang una, bakit sila mag-uusap? May utang bang sisingilin si Partner mo? May gamit na kukuhanin? Iyong nawawalang tabo ba sa CR n'yo na kay ex? Anong dahilan ng pag-uusap nila? Kung may importante man sila na dapat pag-usapan like utang, gamit na kailangang kuhanin, dapat alam mo 'yun, dapat hindi nila iyon itago sa iyo, dapat kasama ka na makikipag-usap dahil ikaw na ang bagong partner at kasama ka na dapat sa mga ganyang concern. Pero kung mag-uusap sila at magkikita para lang magkwentuhan, magchismisan, mag reminisce, bakit? Bakit pa? Anong pag-uusapan nila? Nakaraan nila? Anong pagke-kwentuhan nila? Past mistakes na nagawa nila sa lumipas nilang relasyon? Anong ire-reminisce nila? Happy moment nila together? No! That's bullshit. Hindi na nila kailangan 'yun, lalong hindi na nila kailangan pang maging friends or close man lang. Hindi dahil sa natatakot ka na baka maagaw ulit si Partner eh, hindi dahil insecure ka o wala kang tiwala, kasi kahit saang anggulo mo tignan, Ex is an Ex for a reason! Hindi na nila kailangang maging chummy chummy sa isa't-isa dahil kahit na baligtarin man natin ang mundo, may past sila, may nakaraan sila, naghalikan sila noon, nagyakapan, nagsex, nagdate, naging masaya, nagkasakitan at higit sa lahat, minsan nilang minahal ang isa't-isa pero nakaraan na 'yan at kahit sabihin pa nila na wala na silang balak na magkabalikan at nakapag moved on na sila, still, it is not right na mag-usap pa sila without your knowledge, it is not right na maging friends sila or magkaroon sila ng ano mang connection ulit. You need to respect your present relationship dahil kahit sinong tanungin mo, hindi kahit kailan naging okay na ang Partner mo ay nakikipag kaibigan sa Ex niya not unless you really don't give a damn about your partner.
Hindi ito issue ng insecurities eh, bakit ako ma iinsecure sa ex eh ex na nga 'yan, ako na ang Present, ang future, pero tang ina respeto na lang, huwag nang magbigay pa ng mga nakakabobong excuses na; "Wala naman kaming ginagawang masama!" Eh fuck you, ano? Hintayin ko pa na may gawin kayong masama? Hindi naman siguro kami pinanganak kahapon para hindi mag-isip in advance na kapag ang dalawang tao na dating nagmahalan kapag nagsimulang mag reminisce sa past nila'y imposible na walang dating damdaming magigising. Huwag tayong magpaka ipokrita, kahit na sabihin mo pa ng paulit-ulit na wala kang planong makipaglandian sa ex mo, hindi mo maaalis sa present mo na magalit kapag ipinagpilitan mo na makipag friends friends ulit sa ex mo.
Kung mahal mo ang present partner mo, you should know your limits, may mga restrictions na hindi mo dapat balewalain. Isa na sa mga restrictions na iyan ay ang EX. Ibang usapan na 'yan eh.
Hindi din ito issue ng trust. Alam mo, kahit na sabihin pa natin na may tiwala ang present partner mo sa iyo, hindi mo siya mapipilit na magtiwala sa Ex mo.
Dahil hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga EX. Period.
.
.
.
.
.