webnovel

Chapter 13: Newscaster

Summer's Outlook

Nakatago ako sa loob ng isang gilid dito sa loob ng TV station kung saan nagta-trabaho ang tao na may kagagawan ng lahat.

Pinagmasdan kong maigi ang bawat galaw ng tao na tinutukoy ng red circle. Ng makita ko nang papalapit s'ya sa'kin p'westo ay hinanda ko ang aking robo hand.

Nasa tapat ko na s'ya ng bigla ko s'yang hinila at pinuluput ang aking robo hand sa kanyang leeg at ang kanan ko namang kamay ay sa kanyang bibig para 'di s'ya makasigaw.

Nagpupumiglas ang tao kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang aking pagkakahawak. Hinila ko s'ya papunta sa isang taong lugar bago ko s'ya bitawan.

"IKAW?" gulat na bulalas ko ng makita kong sino ang taong tinutukoy ng red circle.

"Mi-miss Summer?" Nauutal na wika ni Angeline Margoxx. Ang newscaster na nagbalita sa mga nangyari sa'king lumang laboratoryo.

"Ikaw? Ikaw ang may kagagawan nang lahat? Ikaw ang sinabotahe sa'kin?" Galit na tanong ko sa kanya.

Gumuhit naman ang pagsisisi sa kanyang mukha saka paulit-ulit na umiling.

"'Wag tayo dito mag-usap. Nakamasid lang s'ya" ang sabi niya saka hinila ako papunta sa elevator.

Naguguluhan man ay hinayaan ko na s'ya sa gusto niyang gawin.

Pumasok kame sa elevator at pinindot niya ang 'G' botton na ang ibig sabihin ay 'ground'. Walang nagsasalita sa'min dahil na din sa nadami kaming kasabayan.

Napatingin pa ang iba sa aking mukha saka bababa sa'king kamay. Naririnig ko pa ang bulong-bulungan ng iba. Ang iba naman ay pasimpleng nagtatanong kay Angeline.

'Angie diba s'ya iyong imbentor na pumatay sa mga kasama niya? Bakit kayo magkasama?' pa-simple ko namang tiningnan ang babae saka si Angeline. Hindi pinansin ang tanong nang kasama niya bagkos ay tumahimik ito na parang walang naririnig.

Hindi na din naman nagtanong ang mga kasamahan niya hanggang sa nagsilabasan na ang iba.

Kami na lang dalawa ni Angeline ang nasa elevator kaya naglakas loob na akong nag tanong.

"Bakit mo ginawa sa'kin iyon?" Mahina pero nandoon ang galit at gigil ko para sa kanya.

"Hindi miss Summer. Napag-utusan lang ako. Hindi ako ang may kagagawan ng lahat. Tinakot lang ako kaya nagawa ko 'yun." Napatingin ako sa kanya ng sagutin niya ang tanong ko. Nakaharap lang siya sa labasan ng elevator kaya hindi ko makita ang kanyang ekspresyon.

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang bumukas ang pinto saka lumabas si Angeline. Sumunod ako sa kanya.

Pinatunog niya ang kotse saka tuloy-tuloy na pumasok dito. Sumunod naman ako sa kanya saka niya ito pinaandar.

"Ngayon sabihin mo na sa'kin ang totoo dahil hindi ako nakikipagbiruan sayo." Tumingin lamg s'ya sa'kin saka nagsimulang magsalita.

"Ng araw na ginagawa mo ang iyong imbensyon ay kinausap ako ng isa mga kasama mo" Napaharap ako sa kanya ng magsimula s'yang magsalita.

"Kasama ko?" Timango s'ya sa akin saka bumaling uli ang kanyang tingin sa kalsada.

"Sino?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Si Lucas Brunt." What? SI Lucas? My bestfriend? Seryoso ba siya?

"Si Lucas? May bestfriend?" Tumango naman s'ya sa'kin saka nagsimulang magsalita ulit.

"Inutusan niya akong pasukin ang data mo at lagyan ng virus. Hindi ako pumayag pero tinatakot niya ako. Papatayin niya ako Summer." Hindi ko kayang i-absorb ang mga sinasabi niya. Bakit n'ya kailangan gawin iyon sa'kin? At isa pa.

"Nandoon si Lucas nang mangyari ang patayan. Paanong si Lucas ang gumawa noon kung isa siya sa nga namatay?" Umiling-iling s'ya sa'kin saka muling nagsalita.

"Hindi s'ya tao Summer. Halimaw s'ya. Halimaw! Tinakot n'ya ako papatayin n'ya ako Summer. Nasa plano ang lahat." Ayaw kong maniwala pero bakas sa buses n'ya na nagsasabi s'ya ng totoo.

"Pero bakit n'ya naman sa'kin gagawin iyon? Bestfriend ko siya!" Giit ko uli sa kanya dahil ayaw ko talagang maniwala.

"Bestfriend na naiinggit sa'yo. Tinanong ko s'ya kung bakit n'ya 'yun ginagawa pero sinagot n'ya lang ako ng mapaklang ngiti. Matagal na daw s'yang naiinggit sa'yo. Sa mga success mo, sa mga naabot mo sa buhay at-" hindi na n'ya natuloy ang sasabihin n'ya ng bigla na lang s'yang tumigil dahilan para masubsob kaming dalawa. Buti na lang at maagap ako kaya napigilan ko ang aking pagkauntog.

"Bakit ka ba tumigil?" Galit na tanong ko sa kanya pero hindi s'ya sumagot. Tumingin lang s'ya sa harap kaya 'yun din ang aking ginawa.

Nagulat ako ng makita namin si Lucas na nakatayo sa harap.

"Papatayin n'ya tayo Summer!" Rinig kong sabi ni Angeline.

Hindi ako tumingin sa kanya dahil naka tingin lang ako kay Lucas.

S'ya na ba ang kaibigan ko? Ang bestfriend ko? Bakit ibang-iba na ang itsura n'ya ngayon? Pula na ang kanyang mata at may pangil ito.

Nanlalambot man ang aking tuhod ay lumabas pa din ako.

"Lucas." Tawag atensiyon ko sa kanya.

Tumingin lang s'ya sa'kin saka umiling.

Mabilis pa sa kidlat na nasa harap na s'ya ng kotse saka mabilis na sinuntok ang salamin nito.

"Ahhh!" Rinig kong sigaw ni Angeline nang nagkabasag-basag ang salamin at hinila si Angeline palabas ng kotse.

"Lucas anong gagawin mo sa kanya?" Tanong ko kay Lucas.

"Kung ano ang dapat sa babaeng ito." Sagot n'ya sa'kin saka tumakbo ng mabilis. Susunod ko sana pero nawala na kaagad sila sa'king paningin.

What was that? Totoo ba ang sinabi ni Angeline? Si Lucas? Bakit s'ya nagkaganoon?

Itutuloy...

Chương tiếp theo