webnovel

New Beginning, New Problem

"Bianca! Nakahanda na ang almusal! Bumaba ka na dyan!" Umalingawngaw ang baba ng bahay nila sa sigaw ni Henry.

Maya-maya pa'y dahan-dahang bumaba ang dalaga mula sa kwarto nito habang suut-suot pa ang pink na pantulog na nadidisenyuhan ng baboy na mga chibis.

"Waa!" Nanlaki agad ang mga mata ni Henry dahil sa kanyang nakita.

"Anong nangyari diyan sa mga mata mo? Parang pinaputok na chicharon na ah!" Insulto ng binata habang kumakaing nakataas ang isang paa sa upuan.

"Shut up. Wag ka na magcomment." Naiinis na tahol ng dalaga sa paos na paos niyang boses.

"Wa. Umiyak ka kagabi noh? Nabusted ka noh? Ahahaha." Tawang tawang asar ng kuya niya hanggang sa magsiliparan ang mga kanin mula sa nguso nito.

"Ay. Yucks! Kuya! Ayusin mo nga yang bunganga mo."

Napasmile siya bigla. Although nainis siya sa kuya niya, but it was actually effective para tumaas ang mood niya ngayon araw. Inisip niya na lang na baka sinadya ng kuya niya na inisin siya.

"Oh siya kuya. Bye! Wag mong kalimutan ang mga saksak kung aalis ka ah." Bilin ni Bea nang magsimula na siyang pumidal sa bisekleta.

"Oo. Sige na, mag-iingat ka." Nakasmile na sabi ni Henry saka iwinave ang kanyang kamay. After na mawala sa paningin ang bunsong kapatid, patakbong pumasok ang binata sa loob ng bahay saka tinawagan si Cody. He was actually smiling evilly.

'Ha! Bea. Sino kayang iniyakan mo. Sana alam man lamang nito mokong na 'to.'

"Hello." Nakasmile na bati ni Henry.

"Oh. Hello, manoy. Napatawag po."

But all those smiles was immediately collapsed. Henry suddenly frowned nang marinig ang paos na boses ni Cody.

'Don't tell me… they -!'

He furrowed his eyebrows then napatikom ang isang kamao. Ba't parang galit siya?

"Ah-h… ayos ka lang? M-mukha yatang paos ka. Umiyak ka ba kagabi?" While he's eyebrows had been already knitted, hindi na pa rin kinalimutan ang maging nice ang boses.

"Ahaha. Oo nga eh. Sakit sa lalamunan." Tawa bigla ni Cody sa cellphone.

Mas lalong kumunot ang noo ni Henry.

'They both cried last night.'

"Cody." This time, halatang seryoso ang boses ni Henry. Cold sweats broke on his forehead saka inantay na makakuha ng tyempo. Bakit parang tense na tense siya? Ayos lang ba siya?

"Oh… manoy? Bakit?" Oblivious kung ano ang nangyayari sa kanyang kausap, Cody went curious kung bakit napatawag ang panganay na kapatid ni Bea. Did something really happen to her? Hindi napigilan ni Cody ang mag-alala.

"You…" He paused.

'Kayo ba ni Bea?' Patuloy niya sa kanyang isipan but…

"Hays… wala wala. Nevermind. Sige. Pasensya sa abala. Sige Sige bye." He changed his mind. Inisip niya nalang na baka coincidence lang talaga. Ibababa na sana ni Henry ang tawag kaso…

"Ah-h. Wait lang po manoy."

"Oh. Bakit Cody?"

"Uhm… Ayos na ba si Bea?"

Nanginig bigla ang kamay ni Henry na nakahawak sa kanyang cellphone. Buti nalang at hindi niya ito nabitawan.

"B-bakit? May nangyari ba sainyo ni B-bianca?" Napapikit ang binata nang marealize niya na parang mali ang pagkaconstruct niya ng tanong. It sounded like he was mad.

"Ah-h. W-wala naman. Napatanong lang." Dahil dito parang nailing tuloy si Cody.

"Ahaha. Ayos lang nama si Bea. Yun… bobo pa rin. Ah. Nagkausap ba kayo kagabi?" Tumawa nalang si Henry para hindi mahalata ang galit niya.

Huh? Bakit ba siya nagagalit? Ang weird.

"Oh. Tinawagan niya ako kagabi."

Napakurap bigla si Henry.

'Si Bea ang unang tumawag kay Cody?'

"Talaga ba? Ah. May problema ba si Bea? Parang umiyak eh. Mas lalong lumaki tuloy mga mata nun." He dropped another question. Mas maganda nang makisiguro muna bago mangjudge.

"Ah-h… Hahaha. Wala naman po manoy. Haha. Nagdrama lang si Bea tungkol sa high school life namin." Napalunok si Cody. Actually wala pa siyang lakas ng loob na sabihin sa kuya ni Bea na nag-aminan na sila ni Bea. Tambak na ang sasabihin niya kay Henry! Hindi niya pa nga nasasabi ang patungkol sa fake relationship dati nila ni Bea, meron na namang bago.

"Ah talaga ba?" Biglang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Henry. He let out a sigh saka napakamot sa ulo.

"Ahaha. Pasensya kala ko kasi kayo na ni Bea. Ahaha."

Napaquiver bigla ang mga daliri ni Cody. Hindi niya gusto ang kanyang narinig mula sa kapatid ni Bea. Does that mean tutol si Henry sa kanilang dalawa?

"…" Hindi nakasagot si Cody. He just didn't know kung sasabihin niya ba ang tungkol sa kanila ni Bea o hindi pa. But hindi pa man siya napapabukas ng bibig ay nagsalita na naman ulit si Henry.

"But Cody… seryosong usapan… I should give you a very important advice…" Kumunot ang noo ni Henry at nagdalawang isip kung sasabihin niya ba talaga.

Cody fervently waited but seconds passed, walang nagsalita.

"M-manoy Henry?"

"Ah-h... haha. Pasensya. Nakalimutan ko sasabihin ko. Sa sunod nalang. Sige sige. Bye."

Toot!

Isang blink lamang ang nagawa ni Cody saka niya narealize na ibinaba na ni Henry ang tawag.

'What was that?' The young man was left in a daze.

Meanwhile, Henry had slump on the sofa at napatakip ng kanyang mukha as though problemadong problemado.

"Cody. Bea. I hope hindi kayo magkakamabutihan at baka masasaktan lang kayo sa huli kung malaman niyo ang totoo."

Napatikom nalang ang kamao ni Henry at malakas na sinuntok ang upuan.

Bakit kaya? Bakit ayaw ba ni Henry kay Cody?

Ang sakit naman. Kung kailan nagkamabutihan na sina Bea at Cody, ngayon pa maglalabasan ang ganitong problema.

Have you guessed why?

Xapkielcreators' thoughts
Chương tiếp theo