"T-tita?"
Halos sumabog ang puso ko nang bigla itong kumaripas ng tibok. Tila isang matang kwago ang mga mata ko na walang balak na kumurap habang nakatutok sa malamig na kamay ni Tita na lumagapak sa sahig.
Napakurba na lamang ako ng likod nang biglang kumirot ang dibdib ko. Sa unang saglit, ayaw kong maniwala sa nakita ko ngunit...
"T-...ti..ta..."
Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata hanggang sa naging malabo ang paningin ko.
Mas humigpit ang dibdib ko habang nakatingin ako sa payat na payat at maputlang babaeng walang buhay na nakahitaya sa malamig na sahig.
Dahan-dahan kong inilapat ang mga kamay ko sa buto-buto niyang balikat saka malamunay na inyugyog.
Hindi gumalaw si Tita. Ni hindi ko naaninag ang dibdib niya na huminga.
Napakagat na lamang ako saka bumuhos ang luha hanggang sa nahirapan ako sa paghinga at sa mabasa ang panyo na nakatakip sa ilong at bibig ko.
"T..Tita!!!"
Kasabay ng pagsabog ng kalangitan dulot ng kidlat at ulan ang hagulhol ko na tumunog sa buong bahay.
Nakaupo lamang ako sa tabi niya habang walang katapusan ang pagtangis. Wala akong marinig. Tila bubuyog na walang tigil na bumulong lamang ang tumusok sa tenga ko... nakabibingi.
Paulit-ulit ko na lamang tinawag ang pangalan ni tita, ni hindi ko na pinansin na natumba na ang aparador na nakaharang sa pinto.
"Uho!!"
Kinakapos na ako ng hininga nang basang basa na ang panyo. Dun ko na lamang napansin na nakapasok na si Tito sa loob ng kwarto.
"M-...ma..marisa?"
Narinig kong sinabi ni Tito. Nawala ang dugo sa kanyang mukha habang nakangangang nakatayo katabi ng lumang aparador at bukas na pinto.
Napatingin siya bigla sakin. Kumulubot agad ang kanyang noo saka itinikom ang mga kamay ng mahigpit.
"P*N*Y*T*!!! ANONG GINAWA MO?!!!"
Ubod lakas na sigaw sakin habang dumaloy ang luha niya sa mukha na ako naman tong walang tigil sa pag-iyak. Donapot niya ang marupok nang upuan.
"P**A!!!"
KRAK!!
Galit na galit niyang binali ang binti ng upuan saka napakalakas na ibinagsak ang sirang kahoy.
"PINATAY MO ANG ASAWA KO!!!"
Nanginig ang buo niyang katawan habang unti unting lumalapit sakin sabay angat ng baling kahoy na merong pako sa dulo.
Hindi ko na pinansin ang ginagawa niya.
Nakatoon lamang ako kay Tita habang walang tigil sa pag-iyak. Dun ko paulit ulit naaalala si Josh. Nawalan siya ng isang ina. Hindi ko maalis sa isipan na kung nagmadali lang sana ako, hindi sana mangyayari to.
Nang dahil sakin....
Mas nabalot ng luha ang mga mata habang mas sumakit ang dibdib ko.
"S-..so..sorry...hsf...J-josh!!!" Napayuko na lamang ako sa laki ng pagsisisi. Mas nagalit ako sa sarili ko ng maalala ang lahat ng ngiti ni Joshua.
Nagdilim ang paningin ni Tito. Pulang pula habang dilat na dilat ang mga mata niya.
"P***" Banta ni Tito sa malademonyo niyang boses. Nanginginig na mga hakbang ang ginawa niya at pahinto hintong lumalapit sakin.
"PINATAY MO ANG ASAWA KO!!!"
Itinaas niya bigla ang kahoy.
PAK!
THUD!
"S..sorry..J-josh..." Hagulhol ko habang napayuko. Tila na nanamlay bigla ang buo kong katawan. Unti-unti akong napapikit habang tumulo ang mga butil ng luha ko sa walang buhay na kamay ni Tita.
"Kale!!!"
"Kale! Anak!"
Napadilat na lamang ako sabay angat ng mukha sa may pinto.
"M-..ma..? ..P-p-pa...?"
Dun ko nakita ang katawan ni Tito na nakahandusay sa sahig na hawak hawak pa ang kahoy.
"Dyosko! Salamat sa Diyos!"
Mabilis na tumakbo si Mama't mahigpit na akong niyapos. Lumapit din sakin Papa at hinagkan ang noo ko.
"Ma!!!"
Nahagulhol na lang ako sabay yakap ng mahigpit sa kanila. Ibinaon ko na lamang ang mukha ko sa balikat ni Mama saka walang tigil na umiyak.
"M-ma?"
Napatigil ako bigla sa pag-iyak ng humaplos sa tenga ko ang nanginginig at paos na boses ni Josh.
Napatingin agad ako sa kanya saka ko nakita ang may pasa niyang noo saka dumudugo niyang labi.
"M-..ma?" Unti unti siyang lumapit samin habang blankong nakatitig kay Tita.
Napatingin sina Papa sa kanya't sabay baling ng tingin sa direksyon ng mata ni Josh. Nanlaki bigla ang mata ni Mama.
"M-ma-marisa?!"
Sigaw ni Mama sabay bitaw sakin at lapat ng mga kamay sa balikat ni Tita.
"Marisa!"
Malumanay niyang niyugyog si Tita saka idiniin ang daliri sa pulso nito.
Napatakbo naman si Josh at sumubsob sa tabi ni Tita saka napahagulhol.
"Mama!!!"
Napapikit na lamang si Mama sabay hugot ng kamay pabalik at tikom nito. Naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Kumirot ang dibdib ko.
Namuo ulit ang mga luha sa mga mata ko habang nakatitig kay Josh na walang tigil na umiiyak.
"S-..sorry..J-josh.." Napayuko ako sa harap ni Josh nang hindi ko makayanan ang konsensya ko.
"S-so-sorry..." Bumulwak ang luha ko kasabay ng tila talon na pagbuhos ng sipon ko.
Dahil dito biglang natigil si Josh sa pag-iyak at napatitig sa akin. Pumatak ang butil ng dugo mula bibig niya hanggang sa sahig malapit sa mukha ko.
"K-kale..." Lumipad ang malambing na boses ni Josh sa buong kwarto.
Hindi ako tumingin sa kanya. Sadyang wala akong lakas ng loob na tingnan siya. Labis labis ang pagsisisi ko. Wala akong maisip kung hindi sisihin ang sarili. Hindi ko man lamang naprotektahan ang huling pamilyang nagmamahal kay Josh. Ni hindi ko man lamang natupad ang binatawan kong salita kay Josh.
Idiniin ko ang mga ngipin ko saka itinikom ang mga kamay.
Wala akong kwenta. Wala akong kwentang kaibigan...
+++ BEA P.O.V. +++
"W-wala..akong kwenta..." Kale clenched his fist on his lap and his face was already mugged with luha saka sipon. Nakayuko lamang siya habang umiiyak as he kept on sharing.
Wala akong masabi. I don't know what to do and to say but I know how hard it is to bear that kind of past.
Humapdi ang mata ko. All those times; All those times na kasama ko silang dalawa; All those days na lagi kaming nag hahang out, and all those moments na nakikita ko si Josh na nakasmile, I would never thought na nangyari yun sa kanila.
Kumirut ang dibdib ko. Ba't ba to sa kanila nangyari? Why did they do to deserve that kind of past?
Memories of Josh's smile beneath his dazzling face resurfaced. Nung nagkukwentuhan kami sa may South Bon, nung nagbubrew kami, nung nagjajam kami sa videoke. All those smiles... behind those sweet smiles...
Naluha na lang ako. I can't stop myself from crying. Nasasaktan ako to think my friend... my close friend kept on smiling, kept on laughing yet no one knows that he's broken and shattered, that he's in an immense pain inside. No one knows na behind those smiles, nandun yung trauma nung bata pa sila.
Dun ko narealized... Josh grew up alone. I thought of him na mag-isa siya sa bahay nila. Mag-isang kumakain. Mag-isang natutulog. No one else kundi siya lang mag-isa. I can't hold it.
It was really painful na mamaltrato ng sariling ama, and it was more painful na mamamatay pa ang iyong ina, the only person who could understand all your sufferings. The first and last person that you could think that could comfort you.
Napayuko na rin ako. All I heard was the breeze of the soft wind that slapped the snowy curtains.
"A-all.. this...t-time... iinisip ko... do I still deserve to be his friend....?" Kale said.
Napatingin ako sa kanya. He was clenching his teeth. The pain on his face says it all.
"K-kale...I t-think...you deserve to be his friend... and I'm sure... Josh knows it too..." sabi ko saka ko pinunas ang bakas ng luha sa mukha ko.
"...but I am the...one who killed-"
"No you didn't."
Nagkatinginan kami ni Kale with both plumped eyes.
Napakagat ng labi si Kale na parang maiiyak ng husto. Bigla ulit siyang napayuko.
"Yes I did..." Madiin na sinabi ni Kale as he clenched his fist even more.
Humapdi lalo ang mata ko. I felt his guilt. I felt how he pressed all the blame on to himself. I understand... kaya mas lalo akong nasasaktan as I think the fact that Kale carried all the burden on to himself. Pretending that he already forgotten yung mga nangyari. Because of that he was already eaten by the guilt that fused him to objectively became Josh's guardian like friend.
Napakunot ang noo ko. I can't take it.
"No! You didn't. Don't just blame yourself. Wala ka namang ginawang ma-"
"But if I just went hurry that time..." I clenched his teeth again... "Kung hindi lang ako nagpadakip kay Tito... kung pinigilan ko si Josh na bumalik sa bahay nila... kung... kung humingi nalang sana kami ng tulong.."
Tumingin siya sakin as tears flowed out.
"If I have just been careful enough...hindi yun mangyayari."
Napatikom ako ng kamay as I grasped the bed sheet. I don't want to press my advice on him. I absolutely understand kung ano ang nararamdaman niya. But I just don't know kung paano ba sa kanya maipapaintindi na wala siyang kasalanan.
"..so.." I bit my lower lip. "...because of that...you already not deserve na maging friend niya? Because of that, you're going to throw away yung halos buong buhay niyong pagkakaibigan?" Pinunas ko ang mukha ko.
"K-kale... it doesn't mean that you own all the blame... mababago na ang nangyari..."
Then I just dropped it. Past is past. Kahit ipagdiinan ko pa na wala siyang kasalanan his guilt will still remain. I am no position para baguhin siya. But still I want to help. I was just too painful for me.
Napatitig siya sakin. As he curved his lips down na pinipigilang maiyak.
"A-ate...Bea...I... I-." Saka siya napayuko.
"Did you ever think kung ano ang iniisip ni Josh?" Bubuhos na naman ang luha but I resisted as I said in a quivering voice. Sinulyapan ko si Josh na mahimbing natutulog at nakayakap sa malambot na unan.
"Did you ever think kung inisip niya na hindi mo siya deserve? Did you ever consider his feelings?"
Naluha ako. I don't want to butt in but it was just really painful. Hindi ko gusto na pagsabihan si Kale because he has his own pain. He has different limit than Josh. But I just... can't stop being hurt to see them. Naalala ko ang nagyari kanina kay Josh. The way he acted upon hearing na natrap si Kale sa loob ng elevator. The way he cried calling upon Kale's name. Josh haven't even forgotten how Kale and his mom was trapped inside a room. At naging trauma niya pa to. And it pains me even more na nalaman ko that Kale thinks this way.
"..." Hindi nakaimik si Kale. He just bent down his head. Ilangnulit kung nakita ang mga butil ng luha niya na pumatak sa kamay niya
Mas naluha ako. "I am very sorry Kale." I thought.
Naawa ako kay Kale. It hurts. But I need to do this. I want him to understand.
Bumuhos na ang luha ko as I started to say those words.
"K-kale... J-josh.. needs you... hindi ko man alam ang lahat... but the way he act towards you.... y-you're the only family... t-that he could count on...y-you are the..only...p-person that h-he wants t-to be with."
Ang sakit. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Kale's tears... and Josh's smiles... those two...
My tears just flowed na parang walang katapusan.
Walang nasabi si Kale, he just bent down and cried.
"Please... be h-his one...and only...true friend..." I jabbed some air saka ako nagpatuloy. "You're the only...one who can make him.. happy..."
His eyes went wide as he tears bursted. Dahan dahan siyang tumingin sakin.
I smiled at him saka ko pinunas ang sipon ko.
"You're the only one who can do it."