webnovel

Kiss

Brad's POV :

"Gooooood Morning!!!!!"

Napahinto siya sa paglakad ng marinig ang masiglang boses ni Lola.

"Whoa! What's up with the energy?" Hindi niya mapigilang mapangiti.

Kapagkuwan ay hindi niya rin napigil ang ngiwi ng masilayan ang suot nito. Pero dahil good mood ito, hindi niya pwedeng sabihin ang nasa loob niya. Cool.

"Wala lang masaya lang ako. Friends na kasi tayo", ngumiti din ito ng matamis.

Hindi niya maintindihan ng mapatitig siya sa mga labi nito. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Tara, kain na tayo!" Hinila siya nito papaupo.

Habang kumakain nakatitig ito sa kanya. Tumikhim siya. "Baka naman malusaw na 'ko sa ginagawa mo?"

Namula ito."H-Hindi ah. Naninibago lang talaga ako. Parang ang bait bait mo kasi... err... este mas okay ka pala kapag mabait." Nag thumbs up pa ito.

"Wait. How'd you know about these foods? They're all my favorite", tanong niya.

"Ahh... Nagtext ako kay Jack kanina. Sinabi niya lahat ng paborito mo", maikling sagot nito.

Nagsalubong agad ang kilay pagkarinig sa pangalan ng lalaki. They even have each other's number?

"Can I see your phone?"

Umangat ang mukha nito. Nagtataka. "Ha? Bakit? Wala kang load?"

"Basta just do it. Give me your phone."

Dinukot nito ang cellphone nito sa bulsa at iniabot sa kanya. Kunot noo itong nakatingin sa kanya.

Pagka hawak niya, tiningnan niya ang speed dial nito. Pinindot niya ang number 1 button. Nagulat siya sa pangalang lumabas. Pangalan niya.

"You have my number?", tumingin siya ng nakangiti. Pakiramdam niya ay gumaan ang loob niya ng malaman na siya ang nasa number 1 sa speed dial nito.

Lalo yata itong namula kanina. "A-Ah eh... K-Kinuha ko kay Jack. Dapat lang na may number ako sayo dahil ikaw ang kasama ko sa bahay d-diba? I swear walang ibang meaning yun, for emergency purposes lang", yumuko ito.

Tumayo siya, "Thanks for the breakfast I enjoyed it."

"Ha? A-Aalis ka na agad? Galit ka ba kasi kinuha ko yung number mo ng walang paalam?" Tumayo siya at sinundan ito.

Hinarap niya ito at parang batang ginulo niya ang buhok nito. "I'm not mad okay? I have to go because I still have shoot today."

"Wew! Nakahinga ako ng malalim dun ah!"

"And also...."

"Yes?", tanong nito.

"Text me. Anything you want. Your thoughts. Just text me, anytime", bumaba ang mukha niya tsaka binigyan ng halik ang pisngi nito.

Tsaka ito tinalikuran.

****

Lola's POV:

N-Nangyari ba talaga iyon? Parang panaginip. Hinaplos niya pa ang pisngi kung saan lumapat ang labi ni Brad.

Ang lakas ng tibok ng dibdib niya. Parang sasabog anumang oras. Nakatayo pa rin siya kung saan siya nito iniwanan kanina.

Napakagat labi siya. Juice colored. Nabingwit na yata ang puso ko. Oh no!!!

Chương tiếp theo