webnovel

Fourteen

Napangiti ako ng malapad habang pinapanuod ko siya na pumapasok sa loob ng bahay nila at inanyayahan ang kanyang Lolo sa loob.

Tumalikod ako sa bahay nila at nagsimulang maglakad palayo-its her time to settle their family problem at hindi ako dapat makialam doon.

Nakapamulsa pa akong naglalakad pabalik sa bahay namin, napangiti ako ng madaanan ko ang kandilang sinindihan ko. May sindi parin ito at nangangalahati pa lang.

Pagdating ko sa bahay ay naruon na ang aking kapatid at Dad. Nagulat pa sila sa biglaan kung pagpasok.

Kunot noo nila akong tiningnan.

"Sino ka?" magalang na tanong saakin ni Mom.

Napangiti ako at tsaka mahigpit ko siyang niyakap. Nagulat pa silang lahat sa inakto ko-napatayo narin si Dad at nagbabalak na ihiwalay ako sa pagkakayakap kayMom ngunit siya naman ang mahigpit kung niyakap.

Bakas na bakas ang gulat sa mga itsura nila. Sunod kong tiningnan ang kapatid ko na hindi makapagsalita dahil sa ginagawa ko.

Lumapit ako sakanya at kinurot ang pisngi niya at mabilis ko rin siyang niyakap. Napakahigpit.

"Magaaral ka ng mabuti, huwag mong pasasakitin ang ulo nila Mom ha. I miss you."

"T-teka lang hindi na ako makahingi"

Pinakawalan ko na siya at nakangiting tumingin sakanila. Nararamdaman ko na ang pagkawala ng kamay ko, nauubos na ang kandila.

Hindi ko parin maipinta ang gulat sa mga mata nila.

"I Love you. Please live." sambit ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Huling sandali kong sinulyapan ang bahay namin, if I will go back, I will be back in this house with you as my family.

Pumasok ako sa bahay nila Ria ng nakangiti-bumungad saakin ang nagiiyakang mag-ina. Wala na doon ang panauhin nila. Napangiti ako ng bahagya at nagdiretso sa taas.

Napaupo ako sa hagdan at kinuha ang natitirang kandilang hawak ko.

"I should be wise for using you this time"

Chương tiếp theo