webnovel

Fifty

Fifty

Hindi ako makahinga ng maayos habang hinihintay si Liam, kanina pa ako pinapakalma ni Lovely pero parang hindi ko siya naririnig. Si Tita naman ay handing handa na sa kanyang kwarto, mas lalong  lumukso ang puso ko ng marinig ko na ang tunog  ng nagdoorbell.

Pakiramdam ko tuloy ay mamanhikan na siya dahil sa nerbyus ko, natatakot kasi ako sa mga pupwedeng sabihin ni Tita.

"Andiyan na si Liam" pangaasar pa lalo saakin ni Love habang wala akong magawa kundi ang samaan siya ng tingin. Nauna akong bumaba at pagbuksan siya ng pinto, naka police uniform pa ito at mukhang galing lang siya sa kanyang trabaho.

"Okay lang ba ang ayos ko?" Kaagad na salubong niya saakin ng magtama ang mga mata namin.

Tumango tango ako. "Okay na okay. Kinakabahan ka ba?" Hindi siya makasagot pero pasimple lang siyang ngumiti saakin, pinapasok ko na siya sa loob ng bahay. Kumuha ako ng maiinom habang hinayaan ko siyang pagmasdan ang bahay na kinalakihan ko. Si Love naman ay nasa kusina na at pilit na binibigyan ako ng mga pasimpleng pang-aasar.

"Pogi ni Liam ngayon." Aniya niya pa.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin at bumalik na sa Sala. Hindi nagtagal ay tuluyan na ring bumaba si Tita. Tumayo kaagad si Liam ng makita ito at nagbigay galang.

"Magandang gabi po." Nag-mano pa siya. Napatikhim si Tita ng magtama ang tingin naming dalawa.

Sabay kaming naupo ni Tita sa malaking sofa habang si Liam naman ay halatang kinakabahan, namumutla narin ito.

"Hindi ko alam kung papaano magsisimula pero ang gusto ko lang sabihin sayo, Liam. If you really love my daughter, just take her. Hindi naman ako iyong napapanuod niyo sa pelikula na kailangan pang tutulan ang feeling niyo sa isat-isa. Although there is a past between the two of you, I just hope na sana hindi ito makahadlang sa kung anong meron… Wait why I am sound like I am giving your permission to marry her." Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya.

"At Liam hindi mo naman siguro ako masisi kung hanggang ngayon narito parin ang sugat nung nakaraan pero saakin nalang iyon, maybe darating din ang panahon na matatanggap ko lahat  and  watching the two of you alam kong nakakaya niyo naman lahat.  You're love for each other is so unreachable kaya sino naman ako para tutulan iyon, after all I am just Billy's guardian..." Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Tita at napasimangot.

"No you're not, you were my parent…" Napangiti si Tita dahil sa sinabi ko. Malambing niya lang tinapik ang balikat ko at humingi ng paumanhin.

'So for me, sige na papayagan ko na kayo sa mga kung anong gusto niyo sa buhay niyo. If you want to court her, then do it. As long as you're both happy, NO! As long as Billy's happy." Niyakap ako ng mahigpit ni Tita at hindi ko na naman makontol ang luha ko. Naiiyak ako at natutuwa dahil sa mga sinabi ni Tita.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa, para makapag-usap kayo." Pareho kaming tumayo ni Liam.

"Thank you po" pahayag ni Liam at sobrang sincere na niyakap ni Tita si Liam.

"And thank you also for saving her last night and that time, for choosing her instead of your family." Tuluyan ng kumawala si Tita sa yakap ni Liam at naiwan kami roon sa Sala.

Nagpaalam saakin si Liam dahil may nakalimutan daw ito sa kanyang sasakyan pagbalik niya ay may hawak siyang tatlong boquet of roses, binigyan niya ako ng isa pero hindi ko maiwasang hindi mapahalakhak.

"Talagang ngayon mo lang ibinigay ito?" pangaasar ko sakanya. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Dala ng sobrang kaba, nakalimutan ko." Biglang dumaan sa harap namin si Love kaya ibinigay niya rin dito ang isa.

"Wow may flowers, thank you." Sabi nito at umakyat na rin sa itaas.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Liam saamin, may emergency daw sa Headquarters. Hindi na rin niya naibigay  ang bulaklak kay Tita dahil sa pagmamadali. Pinanuod ko lamang siyang umalis sa harap ko at pumasok na din ako sa loob.

Nakita ko si Tita na payapang nakaupo sa kanyang hardin habang pinagmamasdan ang mga bituin. Tumabi ako sakanya at iniabot ang bulaklak na galing kay Liam, lumapad ang kanyang ngiti ng maamoy ito.

"Alam na alam niya ang mga gusto ko." Tipid akong ngumiti at tumingin na rin sa mga bituing nagkikislapan.

"Billy." Tawag niya ng aking pangalan.

"Did you think if your parent sees you now, will they be proud? Sasabihin ba nilang tama ang pagpapalaki ko sayo?"

"Yes of course, they are always be proud of me and always be thankful to you dahil ikaw ang nag-alaga saakin, not anybody else. And we will forever be grateful to your kindness Tita…" hinawakan ni Tita ang aking mga kamay habang ngumingiti.

Binalot kami ng katahimikan ni Tita. I look at her again with a sincere look.

"Tita."

"Uhm."

"What makes you change your mind at payagan si Liam na manligaw saakin?"

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at tumingin sa kanyang hardin. "Nakita ko lang kung gaano ka niya gustong protektahan, kung gaano ka niya kamahal. That Night when you became a hostage, hindi na ako makapag-isip ng tama, nablangko ang isip ko but for me Liam is a brave person itinaya niya ang lahat ng meron siya para lang maligtas ka. Wala siyang alinlangang niya  kinuha ang kanyang baril para lang patamaan sa paa ang may hawak sayo, and that time I see the love and protection na kalimitan ko lang makita sa ibang nagmamahal kaya nag-iba ang tingin ko sakanya. And maybe what he said in that magazine was actually true, that he choose to be a policeman for you."

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa sinabi ni Tita. "At alam kong you really deserve each other and maybe ito rin ang gusto ng mga magulang mo para sayo kaya hindi ko na hahadlangan." For the nth time, I hug her. Niyakap ko si Tita ng mahigpit para maramdaman niya kung gaano ako nagpapasalamat because she adopted me, she raise me like her own child.

"Pst…" sabay kaming napatingin ni Tita sa aming likod at nakita ko roon ang nakahalukipkip na si Lovely.

"Tapos na ba kayo sa pagda-drama, lets watch a movie." Nagtawanan kaming tatlo roon habang papasok sa loob. Panay ang pagalit ni Tita kay Lovely dahil sa problema nito sa Lovelife niya samantalang hindi ko maiwasang hindi mapahalakhak  habang pinapanuod sila.

Tumalikod ako sandali sakanila at nagpigil ng aking luha.

Tita Marra, Lovely and Liam lets live and survive for the long time and be happy.

Chương tiếp theo