webnovel

CHAPTER 12

Naalimpungatan siya sa tunog ng alarm clock kaya agad siyang umupo para abutin sa bedside table. Pinatay niya ito saka kinuha ang katabing remote ng motorized shades para itaas at makita niya ang labas. 7 0'clock na ng gabi kaya madilim na sa labas.

Agad siyang tumayo at lumapit para makita ang labas. Napaawang ang bibig niya nang makita ang view. Maliban sa mga ilaw ng mga katabing bahay, naamaze siya sa view ng swimming pool at garden. Napakagandang tignan at tila nang eenganyo ang tubig.

Naisipan niyang maligo at abalain ang sarili. Wala pa rin si Saga at hindi niya alam kung uuwi ba ito o hindi. Hanggang ngayon ay nalilito pa din siya kung bakit ito nagwalk-out. Para sa kanya, totoo naman lahat ng sinabi niya dito.

Nagmadali siyang naligo dahil naisipan niyang magluto nalang para abalahin ang sarili. Nang matapos siya sa paliligo ay agad siyang nagpalit at nagdesisyong bumaba. Wala nang ibang tao sa bahay kundi siya. Nalaman niya mula kay Saga na hindi stay-in ang driver at house keeper nito dahil hindi naman kailangan ng lalaki ang pagsilbihan ng 24/7. Ayon din dito ay mag-asawa pala ang dalawa at pinapagamit nito ang isang sasakyan para may magamit ang mga ito sa pag-uwi at pag-pasok.

"What a thoughtful man," komento ng tinig sa utak niya na sinasang-ayunan niya. Mabait na amo ang lalaki dahil hindi niya tinanggalan ang dalawa na makasama araw-araw ang kanilang pamilya.

Nadismaya siya nang makitang may pagkain na sa lamesa. May nakalagay sa note na iinitin nalang kung kakain na. Napagtanto niyang baka ganoon ang talagang gawain ng housekeeper para nga naman wala nang ibang gagawin pa ang amo nito.

"What should I do now?" dismayadong tanong niya sa sarili. Hindi pa naman siya nagugutom kaya hindi pa niya gustong kumain.

Napagdesisyonan niyang manuod nalang muna sa cinema room. Aakyat na sana siya nang makarinig siya ng tunog ng sasakyan. Nagdalawang-isip siya kung itutuloy ang pag-akyat o sasalubungin ang dumating. Sa huli nanaig ang pangalawang option niya.

Nagtungo siya sa pinto palabas at binuksan ito. Nasilaw siya sa liwanag galing sa headlights ng sasakyan kaya agad niyang tinaas ang kamay para takpan ang mga mata. Nang mamatay ang ilaw ay ibinaba niya ang kamay at hinintay na lumabas ang nakasakay.

Nagtaka siya nang makitang ang driver ng lalaki ang lumabas sa driver's seat at hindi ang lalaki.

"Nasaan po si Saga kuya Marlon?" nag-aalalang tanong niya. Bago pa makasagot ang matanda ay lumabas ang lalaki sa may passenger's seat.

Napakunot-noo siya at tinitigan ito. Agad niya itog sinalubong nang mapansing hindi tuwid ang paglakad nito papunta sa kanya.

Agad niyang kinuha ang kanang kamay nito at nilagay sa balikat niya para alalayan.

"Ako na po ma'am Luna," pagbobolontaryo ng driver pero tumanggi siya.

"I'm okay kuya Marlon. Pwede na po kayo umuwi para di kayo masyadong gabihin," sabi niya dito.

"Sigurado po kayo ma'am?" nagdadalawang-isip na stanong nito.

"Opo," sagot niya at pinagpatuloy ang paglalakad. Mabigat ang lalaki dahil hindi biro ang laki nito at isa pa ay petite siya. Nagpapasalamat nalang siya at di naman bagsak na bagsak ang lalaki dahil nakapaglalakad naman pero kailangan lang ng alalay.

"Why did you even drink?" sita niya dito pero di ito sumagot. Agad niyang pinaupo ito sa sofa dahil pagod na siya. Hindi niya alam kung kaya niyang alalayan ito paakyat ng hagdan mamaya.

"I miss you," turan nito at muntik na siyang mapasigaw dahil sa pagkabigla nang hilain siya payakap. Napaupo siya sa lap nito at tila naglalambing na isiniksik ang ulo sa leeg niya. Naamoy niya ang pinaghalong amoy ng pabango nito at alak. Pinigilan niya ang sariling singhutin ang amoy nito dahil nagustuhan niya ang kombinasyon ng alak at pabango nito.

"Where have you been?" malumanay na tanong niya dito at hinayaang yakapin siya.

"Office," tipid na sagot nito.

"Why are you drunk then," tanong niya at kumawala mula sa pagkakayakap para makausap niya ito ng matino. Kung papatagalin pa niya kase ang paglalambing nito ay baka kung saan na naman mapunta ang lambing nito dahil hindi niya din kayang pigilin ang sarili kapag nagkataon.

"I want a hug," reklamo nito at ibinuka ang mga kamay na tila sinasabing bumalik siya sa mga bisig nito. Hindi niya ito pinagbigyan at agad na lumayo para di siya nito hilain ulit.

"I'll get you a water," napabuntong hiningang sabi niya dito saka iniwan para kumuha ng tubig sa kusina. Nang makakuha ay agad siyang bumalik.

"Here, drink some water," sabi niya dito. Dumilat ito at walang imik na inabot mula sa kanya ang baso para inumin.

"Good," puri niya dito. At least nakikipagcooperate na ito sa kanya. "Can you manage to go upstairs o mamaya nalang?" tanong niya dito.

"I can manage now," sagot nito. Mukha namang di pala ito ganon kalasing to the point na babagsak ito sa paglalakad.

"Alright, let's go upstairs," sabi niya dito at inalalayan ulit ito. Dahan-dahan silang naglakad at sa wakas ay nakarating naman sila ng kwarto na hindi naaaksidente. Pinagpawisan siya dahil mabigat ang lalaki pero at least hindi siya ganong nahirapan. "I'll just get a wet towel to clean you up," sabi niya dito pero napatigili siya nang hawakan siya nito sa kamay.

"I'll take a bath," sabi nito na ikinailing niya ng mariin.

"That's not a good idea. You're drunk and might slip and hit your head," sabi niya na ikinatawa nito.

"I'm not that drunk," pangdedeny nito kaya pinameywangan niya.

"You are and no more objection," mariing sagot niya dito.

"You'll be a scary wife," tawa nito na ikisamangot niya. "If you want, you can watch me shower," tila nang-aakit na suhestiyon nito. Napaisip siya sa sinabi nito, hindi dahil sa naakit siya kundi naisip niyang kung ayaw nito magpapigil sa paliligo, babantayan niya nalang ito para masigurado ang safety nito. Siyempre, hindi niya ito papanuorin habang naliligo.

"Fine, you may take a bath but I'll be waiting where I can hear in case you slip or something," irap niya dito at tumalikod na para mauna sa bathroom. Mukha naman palang hindi talaga ito masyadong lasing base sa mga pabirong panunukso nito sa kanya. Kung matutumba man ito ay kasalanan na nito dahil iniinis siya.

Pumwesto siya sa may vanity mirror dahil may upuan don at may couch din kung saan pwedeng-pwedeng humiga. Katabi lang nito ang shower pero may harang dahil may malaking drawer kung saan nakalagay ang mga towels at bathrobes at iba pang gamit.

"I'll wait for you here," sabi niya sa lalaki.

"Are you sure you don't wanna watch or join?" nang-aakit na ngiti nito na inirapan niya. Hindi niya ipapahalatang marupok siya pag kasama ito.

"Just do your own thing," irap niya dito at ibinato ang isang twalya. Narinig niyang tumawa ito pero pumasok na din ng shower.

Narinig niyang nag-umpisa na tong maligo kaya nahiga muna siya sa couch. Napagod siyang alalayan ang lalaki at tila gusto niya ulit magbabad sa tub at magrelax. Sa ganda ng banyo ng lalaki ay parang ito, maliban sa kwarto, ang pinakapaborito niyang lugar sa bahay nito. Sobrang ganda kase at luwang at makikita pa ang view sa labas habang nagbababad sa tub.

Napatayo siya bigla nang may narinig siyang parang bumagsak. Agad siyang kinabahan at agad na tumakbo para tignan ang lalaki.

"Saga!" agad na tawag niya at walang sabi-sabing binuksan ang pinto ng shower room. Ang kaba ay napalitan ng pagkapahiya nang mabungaran ang hubad na lalaki. Kasalukuyang binabanlawan nito ang mabulang buhok. Napadako ang mga mata niya sa sahig at nakita ang bote ng shampoo. Napagtanto niyang galing sa nahulog na bote ng shampoo ang narinig niyang tunog kanina.

"S-sorry," nautal niyang sabi. Aalis na sana siya nang bigla niyang naramdamang hinila siya ng lalaki at ang kasunod ay ang maramdaman ang malamig na tubig sa katawan niya.

"Saga," wala siyang ibang nasabi kundi ang pangalan nito sa inis sa ginawa nito.

Creation is hard, cheer me up!

Sorry for the late update. I got busy in school for the previous weeks. Forgive me hehehe

Thank you for the 2 comments asking for an update. It means a lot to me. Take care guys!

Abogoddesscreators' thoughts
Chương tiếp theo