webnovel

Shawn

SA tagal ba nang hindi nila pagkikita kaya hindi niya ito nakilala o baka ito mismo ang nagbago?

Tinawag niya ako sa totoong pangalan ko. Ibig sabihin ay alam niya na?

"Iha, come here. Join us!" Tawag pansin ng kanyang ina.

She nodded her head and walked closer. She gave her a peck before she faced her best friend. "You come back. Why you didn't inform me?"

They seated first before Winona finally answers, "Element of surprised, Jyra. Kita mo nga nagulat ka." She picked up the orange juice on the table with a playful smirked on her face.

Kanina pa niya napapansin ang inaakto nito. She can't name it, but it scares her to death. It feels like she's about to kill her soon.

"Nagkita kami sa airport, Iha. At nasabi ko ang pag-amin mo. You both are really beautiful. I am very willing to be your mother." Mrs. Friis opened up.

She smiled weakly. "I don't think I deserve this." Sumulyap siya kay Winona, "The real Winona should take it... she's the truth and no one else."

Naging hilaw ang ngiti ni Winona. She put back the glass on the table with a loud noise. "Anong ibig mong sabihin?"

"I'll just get your snacks on the kitchen ladies." Mrs. Friis excused herself when she felt she had too.

When the woman disappeared and the untangled curiosity filled on her system, she took a deep sigh. "Look Winona. Hindi ko babawiin kung ano man ang inangkin mo na. I'm just giving to you what truly yours from the very beginning. Aren't you happy 'bout that?"

"Talaga? Ano itong nalaman ko sa Candella?" She threw her a sharp glared.

"Win—"

"Akala ko pa naman titigil ka na sa pagmomodelo. Pero bakit bumabalik ka pa?" she interrupted her.

Umiling siya nang maraming beses. She can't defy her for one reason. Hindi magandang sabayan ang galit nito dahil ayaw niyang sa huli ay magkakasakitan sila.

Tumayo si Winona. Hindi ito mapakali at halatang naiinis sa hindi niya malamang dahilan. Agresibo itong lumingon sa kanya. "Ginagawa mob a ito dahil gusto mong makuha si Vika sa akin?"

"I'm not, Winona. Look I didn't say anything about that. When you showed up your face using my alter ego, you didn't hear anything, any words from me. Bakit ka nagagalit kung bumalik ako?" Hindi niya na napigilang magtaas ng boses. This isn't right but she can't understand why Winona's acting like this as if she doesn't want her to come back on stage. Supposed from the very beginning it was not included in their deal. She still can do whatever she wanted. But, Why is she acting like this to her?

"Dahil ibinigay mo na sa akin iyon. Lahat; the stage, your principles, and even your whole self. Kapag ibinigay mo na ibig sabihin ay hindi ka na babalik. Ako na ang mukha ni Vika. Ako si Vika," buwelta nito sa kanya.

Umiling-iling siya dahil hindi niya maintindihan ang logic ng kaibigan. Yumuko siya at saglit na pumikit. Gusto niyang maunawaan ang pinupunto nito pero hindi niya makita ang kapangahasan ng pagbalik niya. Sumagi sa isip niya ang reaction ng dalawang babae noong pinapanood niya ang sariling video sa Candella. Nilangaw ang event ni Vika at mula noong magpakita ito ng mukha ay marami ang nawalan ng gana rito.

Hindi kaya natatakot siya kasi iniisip niyang lalamangan ko siya? That I will get her spotlight?

Nangungusap niyang minasdan ang kaibigan. Pero sana mali ang kutob niya. "Winona, this is crazy. Ano ba iyang iniisip mo?" Tumayo siya upang lapitan ito. Ngunit napahinto siya dahil sa biglang pagbukas ng pinto.

Magkasabay silang lumingon ni Winona roon.

Malik is currently loosing up his bow-tie. Oblivious to their attention when he unbuttoned his first two buttons of his white bottom shirt. He is actually looking hot, but she's not in the mood right now. Her excitement to come here crushed down on her feet.

"Malik!" Winona called out, her voice seems very shocked and surprised at the same time. Iniwan siya nito at agad nagtatakbo patungo sa binata.

Napako si Malik sa kinatatayuan. Nabitin din ang paghila nito sa neck-tie nang saglit nitong tingnan si Winona bago nanatili sa kanya. He's a bit shocked but his eyes were showing a bunch of question.

"I miss you." Ani Winona, yumakap ng buong sigla kay Malik.

Ngunit hindi gumanti ng yakap ang binata, dahil tinitimbang nito kung ano man ang iniisip niya.

Ito ang isa sa mga reyalidad na kinatakatakot niya. Gusto niyang aminin kay Winona ang tungkol sa kanila ni Malik, pero hindi maganda ang pag-uusap nila kanina lang kaya sa huli ay pinili niya ang tanguan si Malik. Ngumiti siya rito na nagsasabing pagbigyan ang kaibigan at huwag muna sabihin ang tungkol sa kanila.

Malik stared at her. He seems annoyed and unwilling to her decision but he got distracted when Winona look up and kiss his cheek.

Napaiwas ng tingin si Jyra.

Saktong dating ni Ginang Friis, bitbit ang tray ng muffin na pasalubong nito. "Malik, sakto ang dating mo. Halina at tikman niyo itong pasalubong ko"

Inabala ni Jyra ang sarili sa pagtulong sa ina. "Gusto niyo pong kuhanin ko na rin ang juice?"

"Sige, Iha. Salamat." Mrs. Friis glanced at her midway of putting one piece of the muffin to each small plates.

Bago tumalikod doon ay nilingon niya si Winona. Hinihila nito si Malik palapit sa lamesa. Mukha itong nakalimot na nasa paligid siya at parang sila lang ang tao sa mundong ito.

She shrugged her little heartaches and proceeded on the kitchen. Lulu gave to her the pitcher. Ito naman ang nagpresinta na dadalhin ang mga baso dahil medyo mabigat. When they comes back, naabutan niya si Winona na nagpapaalam sa ina. Humalik ito kay Mrs. Friis bago lumingon sa kanya. "We're leaving." Anito nang hindi ngumingiti.

"Yeah, sure. Ingat kayo." Ngumiti siya nang pagkalawak-lawak. Her eyes stayed on their hands.

Winona is holding her man's hand in a tight gripped. Malik is dead serious and kept on looking at her. Mukhang ayaw nitong umalis kaya tinanguan niya ulit ito.

Pinatong niya sa lamesa ang bitbit at tumingin sa ina.

Tahimik itong nagmamasid sa kinikilos niya. "Sweetie, pasensiya na kung pinangunahan kita." Lumapit ito sa kanya upang hawakan siya sa kamay. "Sigurado ka ba talagang ayaw mo akong maging ina?"

Nangusap ang mga mata niya. Umiling din siya nang may lungkot sa mga labi. "Gusto ko po. Nang makilala ko kayo, I feel special. Hindi niyo pinaramdam sa akin na nagkasala ako sa inyo. Bagkus mas tinanggap niyo pa po ako ng buo. Thank you so much."

Piniga ni Mrs. Friis ang kamay niya nang may ngiti sa mga labi. "Malaki ang pagkakaiba niyo ni Winona."

"Bakit niyo po nasabi iyan?"

Kinuha nito ang muffin at inabot sa kanya. "Tikman mo iyan, Iha. Masarap 'yan. Promise!"

Tumango siya at kinuha iyon.

"Hindi ko matukoy kung ano ang ipinagkaiba. Basta ramdam ko lang na may bigat siyang dinadala sa puso niya. Kanina, alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan. At sa pagkakaintindi ko sa mga nangyayari, masama ang loob niya sa'yo. Panalangin kong magkaayos kayo, anak."

Bumagal ang panguya niya sa kinakain. Ang matamis na lasa noon ay tinalo ang pait ng sakit sa mga nangyari kanina. Hindi lang kasi ang ina ang nakakapansin sa ugali ni Winona. At sa totoo lang unti-unti ay bumabagabag iyon sa kanyang isipan. Gusto niyang isipin na parte iyon ng karma niya dahil sa pagpayag sa deal, pero iba na ito ngayon. Parang dapat niya na talagang sabihin kay Winona ang lahat. Itama ang lahat, kahit sa mabagal na paraan, hinay-hinay, masakit man isipin pero iyon ang tama.

"Open minded na tao si Winona, ma. Alam kong magagalit siya, normal iyon, pero sa huli ay mauunawaan niya. She's my best friend after all. And I will not let her heart coated with darkness." She took another bite of muffin and smiled at her mother.

"Napakabuti mong bata. Natatakot akong sa sobrang bait mo na iyan ay sa huli ikaw ang masaktan. Anak, kung ano man ang pasya mo. I'm here, okay?" Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tainga. "Hindi rin ako bulag sa mga nangyayari sa'yo. Sa pagitan niyo ni Malik. Lalo sa isa ko pang anak na lalaki."

Tuluyan siyang nanghina at napapikit dahil doon.

"Oh, Shawn? Where are you going?"

Napatuwid siya nang pagkakaupo at tumingin sa kaliwang bahagi kung saan naroon ang tinutukoy nito.

"I'm going out with my buddies." Sagot nito, marahil ay hindi siya napansin dahil abala ito sa pag-zipper ng suot na itim na glossy jacket. Nang matapos ito, agad na tumigil at nanatili ang tingin sa kanya. "I changed my mind." He shrugged his shoulder and fished out his phone. "What are your plans tonight, Ma?" he asked, his phone was glued to his left ear but his eyes never leave her.

Umiwas siya nang tingin. Napasalin ng juice nang mapansin ang titig ng kanyang ina sa kanya at kay Shawn. Nanginginig ang kamay niya sa pagdampot ng baso at bago uminom ay nasulyapan si Shawn na lumabas.

"Fred, hindi na ako sasama."

Hindi niya na narinig ang ilan pa sa mga sinabi nito. Sumulyap siya sa ina.

"Does my son knows about you and Malik?"

Sinagad niyang ubusin ang juice bago sumagot, "Opo, Ma."

Malungkot na ngiti ang sumibol sa labi nito. She understands why. Walang ina ang gustong nasasaktan ang kanilang anak. And Shawn was her only son.

"Matalik na magkaibigan si Shawn at Malik. Kailanman hindi sila nag-away o baka nagkaroon man pero hindi nila iyon itinatanim sa puso nila. They were like real brothers." Tumawa ito kinalaunan, marahil ay may naalala na nakakatawa. "Gusto naming matutunan ni Shawn ang pag-manage ng business. Pero hinayaan namin siyang gawin ang gusto niya. Noong una akala namin kaya niya kinuha iyon dahil sa idolo niya si Malik. Nagkamali kami ng papa mo. Shawn love his work and he is very passionate to that."

Tumango siya. Parehas ang dalawa na matured sa kahit anong pasya nila sa buhay. They gave all their focus to it as if they will not let it slip on their hands uncared.

"But, struggles are really true," Mrs. Friis suddenly murmured.

She sighed because of that. Paano nga ba niya haharapin si Shawn? Si Winona? Lalo ang totoong pagsubok niya sa buhay na si Andrei Holmes.

Nagpaalam si Mrs. Friis na mauna na sa pag-akyat sa itaas. Sinabihan siya nitong doon na matulog na sinang-ayunan niya naman. She was thinking that Malik must be taking good care of her best friend. And she trust him a lot.

She silently open the backdoor and stepped out. Yakap ang sarili ay tumingala siya. Walang bituin. At ang nakakapanginig na simoy ng hangin ay nagpapabatid ng masamang panahon. Napapikit siya nang may tubig na pumatak sa kanyang pisngi. Nang tumingin siya sa paanan, doon niya na napansin ang unti-unting bumubuhos ang ulan.

She's about to take the rain until a strong arm pulled her.

"You'll going to catch a cold, what are you doing?"

Chương tiếp theo