webnovel

My Heart is White

BUMABA siya upang puntahan si Winona sa sinasabi nitong private pool na may bar. Hindi kasi ito puwede sa public beach kaya pribado lang ang setting kahit ang ibang models.

Sa ikatlong araw ay mas dumami ang tao sa beach kaya para kay Jyra, mainam ang ginawa ni Winona. Nilagpasan niya ang akala mo walang katapusang sun lounger at dumiretso sa bridge na gawa sa kawayan. She's really amazed with her discovery. She thought from afar that the bridge was really made from bamboo, they were just a design.

Kinagat niya ang labi nang makita ang caption na Lambingan.

"Kung sino man ang gumawa niyan. I hate you." Inirapan niya iyon at nilagpasan. Lahat ng makita niyang magandang view ay kinukuhaan niya ng picture bukod lamang doon.

Napahinto siya sa bukana nang matulala sa ganda ng loob. Coconut trees were properly arranged on each side. They serve as lamp post and with different sizes. The roads were carpeted with dark stone texture. Ang santan ang nagsilbing bakod niyon pero may ilang halaman din na hindi niya kilala.

Sa kabilang side ay may mga kubo. Gumawi ang atensyon niya sa arrow at daang tumutukoy patungo roon. "Cottage," she read. Sa itaas noon ay ang kasalungat na VIP B&P, kung saan ay ang pupuntahan niya. Tinunton niya iyon habang kinukuhaan ng video ang paligid.

"Nature is green. Sunset is orange and black. Sea is blue, while the color of my heart is-" She looked up to capture the sunshine. "It is white because empty without you." Bumungisngis siya sa naisip na poem. She thinks she's stupid. Stupid of saying her heart's white not red.

Tumaas ang kilay niya ng hindi makita ang bakas ni Winona sa paligid. She's expecting her waiting in there but she's nowhere to find.

"You're late, dear friend."

Kamuntik lumabas sa dibdib niya ang puso sa gulat. Bigla kasing umahon si Winona sa pool at hinawakan ang paa niya. "Hilarious... very hilarious," aniya ritong busangot ang mukha.

Tawa nang tawa si Winona sa kanya na ngayon ay lumulutang sa tubig. "Do you like the place?"

"Yes. Lambingan, ha?" Iniwan niya ito para dumiretso sa Kubo Bar. Natuwa siya dahil maraming klase ng inumin doon at hindi mawawala ang alak. Naupo siya sa stool chair na gawa sa kahoy habang pumipili ng iinumin.

"Magandang hapon po," bati sa kanya ng bartender.

Nanatili siyang nakatingin sa likuran kaya nag-alangan ang lalaki. Nahihiya itong nagkamot ng ulo bago bumulong, "Foreigner yata. Tangina, mapapasubo ako." Buong ngiti itong humarang sa kanyang vision. "Good afternoon, M-ma'am. D-drinks?" Lumunok ito nang pagkalalim-lalim.

"Kuya, gusto kong subukan 'yang sex on the beach." Kumindat siya sa lalaki noong natulala ito sa kanya.

Mula naman sa gilid ay umalingawngaw ang malakas na tawa ni Winona. "Kuya, mukha bang foreigner ang best friend ko?"

Muling nagkamot ng batok ang lalaki. "Opo, Ma'am. Kinabahan po ako. Bago kasi ako rito, madalas ang kumukuha sa VIP B&P mga mayayamang pinoy. Iyong kabila po kasi pang foreigner."

"What is your name, kuya?"

Nahihiyang tumingin sa kanya ang lalaki. "Ramsey po, Ma'am." Namula ang pisngi nito nang mahuli siyang pinapanood ang ginagawa. Natulala kasi siya bigla sa suot nitong kuwintas. Naalala niya si Jessica Holmes.

"Ramsey, puwedeng patingin niyang suot mong kuwintas?"

Lumapit sa kanya ang lalaki. "Alin po?"

Sinenyasan niya itong lumapit, ganoon din ang ginawa niya para mas makita sa malapitan ang disenyo. Kulay brown iyon na may disenyong nakapako sa krus si Jesus Christ. Sinubukan niyang abutin iyon at hinipo.

"Winona?"

Agad siyang umatras dahil sa nakakagulat na boses. Paglingon niya sa kaninang dinaanan ay nakita niya si Shawn na seryosong nakatingin sa kanya. Sa likod nito si Malik.

Biglang dumagundong ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan.

Dumiretso si Shawn sa likuran niya habang si Malik naman ay sumama kila Colin.

"Good afternoon, Sir." Rining niyang bati ni Ramsey sa kapatid. Abala siya sa pagmasid kay Winona at Malik.

"Seriously, vodka?"

Hindi niya nilingon si Shawn na ngayon ay inaabot sa kanya ang order niya. Tumango siya nang makitang nag-squat si Malik para abutin si Winona na patungo sa gilid. He touch Winona's chin. They seem really sweet lover.

Bumaling siya kay Shawn, agad kinuha ang baso at inisang lagok. Daig niya ang tumakbo nang hingalin sa ginawa. Gumuhit ang pinaghalong hapdi at tapang ng vodka sa lalamunan at dibdib niya. Naiinis siya. Inakala niyang silang dalawa lang ang pupunta rito. Gusto pa man din niyang pag-usapan nila ni Winona ang mga nangyari, ang ginawang pagpapalit, at puwedeng mangyari sa hinaharap.

"Vodka 'yan. Ano ka ba?" puna ni Shawn sa kanya.

Hilaw na ngiti ang lumandas sa labi niya. "As if I care Shawn. Pumunta ka na roon. Alam mo namang hindi ako sanay lumangoy kaya iinom nalang ako."

"Mababaw lang 'yan. Baka nga hanggang dibdib mo lang."

Sumenyas siya kay Ramsey ng isa pa. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Shawn.

"Ramsey, kapatid ko si Shawn. Shawn si Ramsey."

Napatuwid ng tayo si Ramsey nang harapin siya ni Shawn. "Sir, ano pong sa kanila?"

"Blue Hawaiian," Sagot nito bago humarap sa kanya. "Are you alright? Hindi mo kinain 'yung isda."

"Shawn, hindi ko gustong kumain ng isda sa umaga. Baka irrenovate ko 'yon para makain ko mamaya... thanks, Ramsey." Kinuha niya ang pangalawang order para uminom. Humarap siya sa pool at naabutan si Pao at Fred na parang mga batang nakasakay sa salbabida.

Tawa nang tawa sila Colin noong hindi kinaya ng salbabida si Fred. Maging siya ay natawa dahil sa reaction naman nito. Nakangiti niyang nilingon si Malik. Nawala ang ngiti sa labi niya nang mahuling nakatingin ito sa kanya.

"Kahapon ka pa hindi nag-e-enjoy. Go for swimming, Winona. Enjoy the water. Don't worry, I'll guard you today."

Hindi niya na nasagot si Shawn nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Bago sagutin ang tawag ay pinanood niya muna ang pakikipag-fist bump ni Shawn sa mga kaibigan. Iniwan na pala siya nito

"Hello?" bulong niya.

"Ma'am Jyra, si Roena po ito. May natanggap po akong email kay Sir Frank. Regarding sa tie ups ng Lazarde sa launching ng Vixie Enterprises. Kayo po ang pinapadalo niya bilang representative dahil kasalukuyan pong may problema sa Paris."

Sasagot na sana siya nang maingayan sa biglang pagkantiyaw nila Colin kay Fred. Dumiretso siya sa entrance para makalayo. Lumingon siya sa likuran bago tinakpan ang bibig. "Paano magkakaroon ng agreement ang Lazarde sa Vixie kung walang magdadaan sa akin?"

"Ma'am si Sir Frank po ang makikipag-meet kay Mr. Caleb para sa agreement. Bali may free exhibit po kasi ang Vixie, lahat po ng invited ay malayang i-explore ang mga inihanda nila. The last time po kasi mukhang agree ang mga head para makipag-partner sa Vixie. Big company po kasi iyon formerly Sun of Vergina."

"I see. Do you have the list of invited?" Nagdadalawang isip siyang pumunta dahil baka naroon din ang Friis. Pero kapag hindi naman siya nagpakita, she will missed the opportunity of their company. Kilala kasi ang Sun of Vergina sa lungsod as top company. Ngayon nga ay pinapalago nito ang North Gate, lalo at doon pa gagawin ang main.

"Naku, Ma'am, piling mga company ang invited kaya tiyak puro malalaking tao ang dadalo. Ipapadala ko po sa email niyo ang copy ng invitation."

Something inside of her spark, "Kailan raw?" Nakapag-decide na siya, pupunta siya para sa kanyang yumaong ina. Meeting big person means Lazarde's potential of growth.

"Sa ikalawang linggo po, Ma'am."

"I will call you back, Roena." Agaran niyang putol sa kausap nang marinig ang malakas na tawanan nila Shawn. Nagmadali siyang bumalik dahil baka hanapin siya ni Winona. Pinagtulungan nila Carl, Pao at Colin si Shawn na buhatin. Ihuhulog nila ito sa pool, habang si Shawn naman ay mura nang mura.

Itinapon nila iton sa gawi niya. Tumilamsik ang tubig sa suot niyang gypsy dress.

"Ayan na siya!" babala ni Colin, nakisabay sa biglang pagtakbo nila Carl. Galit na galit si Shawn at tinutugis ang mga kaibigan.

Nakangiti siyang lumapit kay Ramsey para ubusin ang alak. She's just watching them while on the phone talking her father. She has to check if they'll be in here on the day of the exhibit.

"We'll be in China on the next week, sweet." Ang kanyang ina ang sumagot dahil nagpaalam si Ginoong Friis para hiwain ang pakwan.

"Hindi ko na po kayo aabalahin. Enjoy there, Mama. Ingat kayo ni Papa. I love you." Agad niyang pinatay ang tawag at binato ng tsinelas si Fred. Kanina pa kasi nito binabasa ang kanyang paa. "Fine. Magbababad na ako," pagsuko niya dahil kanina pa siya nito ginagambala.

"Marami naman kaming sasagip sa'yo rito kung sakaling... alam mo na," tukso pa nito sa kanya.

Nginiwian niya ito bago inisang lagok ang natitirang alak. Hindi pa siya nahihilo, siguro dahil late na siyang sumubok sa alak kaya high ang tolerance niya. Lumapit siya sa isang sun lounger. Tumalikod siya kila Winona para tanggalin ang kanyang suot. Naghanda naman talaga siya ng swim suit kahit pa wala siyang balak magbabad.

Nabitin ang pag-angat niya ng gypsy dress nang biglang natahimik. Nagtataka man ay tuluyan niyang tinanggal ang suot. Under her gypsy dress was a yellow two piece. When she faced them she got shocked that all of them were watching her.

Nahuli pa niya ang nabiting pagbato ni Shawn ng salbabida kay Colin.

Dumiretso siya sa gilid para mag-shower. Saglit siyang nagbasa roon bago dumiretso sa gilid para maupo.

"Gusto mo ng salbabida?" Si Shawn, hinihila 'yung ang gamit ni Pao. Nakikipag-agawan naman si Pao, halatang iniinis lang si Shawn.

Nakangiti siyang umiling. "Sa mababaw lang ako," deklara niya. Tiningnan niyang maigi ang asul na tubig. From her position she can see the bottom of the pool. Obviously, she's in the shallow part. Hindi na siya nag-alangang tumalon para ilubog ang sarili. Naramdaman niya ang hapdi sa mula sa sugat pero ininda niya lang iyon. I forget about you little toe.

They stayed there for two hours; enjoying the pool with volleyball games and more. They even took some group photos, at si Ramsey ang nagsilbing kanilang photographer.

"Ma'am."

Inaayos ni Jyra ang bathrobe na suot nang bigla siyang tawagin ni Ramsey. Nahihiya itong lumapit sa kanya. "Picture po sana tayo."

Ngumiti siya bago tumango. Hinayaan niya itong umakbay sa kanya at bahagyang lumapit para ngumiti. Siguro ay naka-apat na shot sila sa ibang anggulo.

"Thank you po, Ma'am." Ang nahihiyang si Ramsey habang namumula ang pisngi.

"Mukhang magkakaroon pa ako ng karibal dito, a."

Sabay silang lumingon ni Ramsey kay Fred. Lalo tuloy nahiya si Ramsey dahil sa sama ng tingin ni Fred dito.

"Tara na, Fred. Bye, Ramsey." Muli niya itong nginitian bago iniwan. Halos takbuhin pa niya sila Shawn na nauuna na. Hinahanap niya sila Winona pero nauna na raw dahil pinapatawag na.

Tirik pa rin ang araw kaya nagpasya ang grupo na pumunta sa kalapit na Island. Shawn's group tried the kayak while Jyra serves as their photographer. Nag-stay sila sa isang isla para mag-dinner. Doon na rin sila nagplano para sa panghuling araw nila roon dahil medaling araw ang uwi nila sa Manila.

Marami mang hindi nasubukan si Jyra ay naging masaya siya. She doesn't know why. Wala si Malik dahil tiyak kasama ito ni Winona, pero nasulit niya ang buong maghapon na iyon.

Nakatulugan niya na nga ang pag-upload ng ilang picture sa kanyang Instagram sa pangalang Winona Friis. She has Facebook but she kept it private and not searchable while Winona doesn't have an account on any social network.

Kinabukasan ay hindi na nila sinayang ang plano nila. Inakyat nila ang Tarak Peak. Si Fred ang nagpatagal sa kanila sa pag-akyat at inulan ito ng kantiyaw dahil si Winona na babae ay wala lang. It took them three hours instead of maximum 1.5 hours.

"Partida diet pa si Fred niyan." Si Pao inakbayan ang kaibigang tinutukoy.

"Huwag niyong ganyanin si Fred. Ang tapang nga niya e, kahit mahirap sinubukan niya."

Umani ng tukso si Fred dahil sa sinabi niya. Wala naman siyang ibig sabihin doon, ayaw niya lang na tinutukso ito dahil sa katawan nito. Naniniwala siyang kahit kayang tanggapin ni Fred ang tukso nila, tao lang ito nasasaktan. Ayaw niya ng ganoon.

Bago sinubo ang panghuling slice strawberry ay tumingin siya kay Fred. Nahuli niya itong tulala sa kanya.

"Fred, kasangga mo ako. Huwag kang mag-alala." Kinindatan niya ito bago sinubo ang strawberry.

"Tangina, pangkaibigan lang ang label mo. Hayaan mo, Fred, irereto ko sa'yo 'yung friend noong pinopormahan ko," pag-alo ni Pao rito.

Dinampot ni Colin 'yung hita ng manok. Marahas nitong kinagatan iyon bago bumaling sa kanya, "Maiba tayo. Wala ka bang boyfriend, Winona?"

Sumulyap siya kay Shawn bago sumagot, "NBSB ako."

Katahimikan ang bumalot sa mga ito kaya kumunot ang noo niya.

"Mukha ba akong gahaman sa lalaki?" tanong niya, dinukwang ang plato ng yelo para lagyan ang juice niya.

"Hindi kami maniniwala sa'yo, Winona." Si Carl, seryoso at walang humor ang boses. Inirapan pa siya nito bago tumingin sa ibang gawi.

"Hindi ko kailangang patunayan sa inyo kung totoo iyon o hindi. Basta wala pa akong nagiging boyfriend, iyon ang alam ko noon pa." Tumayo siya para lumabas sa kubo. Tutal ay hindi niya gaanong nasulit ang beach, uubusin niya ang memory ng camerang dala niya para roon.

Ilang saglit ay nagsunuran na sa kanya ang mga nagtatawanan ng sila Shawn.

"They want to try the air surfing on the water," ani Shawn na ngayon ay naka-wayfarer na.

"Itong si Pao nasubukan na raw 'yan sa Batangas. Ang hirap daw, kaya nagpustahan kami." Si Colin sa kanyang pabida galawan. Dinibdiban nito si Fred bago inakbayan. "Magpapaubaya kami sa kung sino man ang makakayang lumutang sa loob ng limang segundo na maging manliligaw mo."

"Fuck you, Colin. Hindi 'yan ang usapan natin kanina sa loob," basag ni Shawn. Napatanggal ng suot na wayfarer at ngayon ay sinisindak ng tingin si Colin.

"Easy. Easy. Ito naman hindi mabiro."

Ganoon nga ang nangyari. Nagkaroon ng kaunting instruction sa grupo ng mga boys bago nila subukan iyon. Nagkaroon din ng demonstration sa pagitan nila kaya iyon naman ang ginawang oras ni Jyra para makapag-selfie. Tatlong oras ang naubos nila roon at ang nanalo sa pustahan nila ay si Shawn at Pao. Colin almost reach the four seconds kung hindi lang siya na out of balance ay tiyak tatlo silang panalo.

Shawn: Sabay na tayong pumunta sa Lambingan. Inaya tayo ni Lily para sa bon fire.

Kasalukuyan niyang inaayos ang gamit dahil bukas ng madaling araw na ang uwi nila. She glanced on her phone when it beeps again for another message.

Shawn: Okay sige huwag nalang kung ayaw mo.

Nag-panic siya sa mensaheng iyon ni Shawn. Paano niya hihindian iyon kung alam niyang gustong makita ni Shawn si Vika. Of- course papayag siya kahit pa naroon si Malik. Isang gabi nalang. Tiyak makakahinga na siya matapos lang iyon.

Winona Friis: Bon fire is exciting. Let's go, Shawn. Ayusin ko lang ang gamit ko. Tawag ako kapag pababa na ako.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na si Shawn.

Shawn: Nasa labas kami. Tambay. Naghahanap ng last chic 'tong mga unggoy na alaga ko.

Natatawa niyang hinagis sa kama ang cellphone para mabilis matapos ang ginagawa. It took her more minutes because of an urgent call from Frank. He just informed her about the situation in Paris and also the reason why she has to attend the exhibit.

"I'm so proud of you, Frank. Mom will surely come back because of that."

"Oh, you're so witty. Don't make a laugh about, Mom!"

Iyon ang ilan sa mga pag-uusap nila hindi maipagkakailang namiss niya ito. Tumunog ang elevator, she stepped out immediately half running just to be out of the hotel. She's really late. Naligo pa kasi siya, at ngayon ay inuulan ng message ni Shawn. Naabutan niya itong nakaupo sa madilim na parte at nang makita siya ay tumayo agad para lumapit.

"I'm sorry I'm late," bungad niya rito.

Tahimik nilang nilakad ang Lambingan bagay na ikinataka niya. Shawn was giving her a cold shoulder for an unknown reason. Hindi na siya nagtanong. Nang marating nila ang Lambingan, hindi naman sila nahirapang hanapin sila dahil ang malaking liwanag mula sa bon fire ay tanaw agad.

Lumapit si Lily sa kanya ng makita siya nito. Hinalikan siya sa pisngi bago hinila. Pilit siyang tumitingin kay Shawn para magpapigil, ngunit nanatili itong walang pake. Ayaw niyang sumama kay Lily pero iniwan na siya nito para dumiretso kila Pao.

"Boys, meet my girlfriend, Winona Friis."

Nahihiya niyang nginitian ang mga kaibigang lalaki ni Lily. They were accommodating and friendly. Some of them stayed just to talk to her. Hindi siya manhid, alam niya kung bakit ganoon ang trato ng mga ito sa kanya. Tiniis niya ang ilang minutong pakikipagkaibigan sa mga ito kahit pa gusting-gusto niya ng umalis at puntahan ang nagkakasiyahang sila Winona. Nang magdatingan ang ilang babaeng modelo ng Swizz, doon gumawi ang ilang atensyon ng mga ito. Iyon na ang ginawa niyang tsempo para makaalis.

Para siyang nakawala sa hawla sa bilis ng lakad niya. Sumasayaw ang shopo maxi dress niya dahil sa lakas ng hangin. It is summer but the night breeze was freezing cold. She doesn't mind it, what matters her most is her friend's company.

Mid-way she stopped when someone pulled her from the corner. Nasa likuran ito at takip-takip ang bibig niya habang ang isa'y nakahawak sa kanyang braso.

"Alam kong hindi ikaw si Winona. Sino ka?"

Chương tiếp theo