webnovel

Last Stand

"Anong sealed?"

Sabay silang lumingon ni Winona sa pinto noong sumulpot doon si Frank. She was worried. Narinig kaya nito ang usapan nila?

"Can you leave us for a moment?"

Frank didn't drop any name but instinct pushed her to check Winona. She nodded her head, and without any sound, Winona understood what it means.

"We'll talk about that later, Win," pahabol niya nang makarating ang kaibigan sa pinto.

Saglit na huminto si Winona pero hindi lumingon sa kanya. "Sa kusina lang ako."

When the door shot off, Frank switched on the lights. Nanatili itong nakatayo. Naka-cross ang mga braso at nakasandal sa frame ng pinto. "Mom's secretary called me. Even, Attorney Steven called my attention regarding the will. I came here to say I'm not interested. Take those all, Jyra."

She felt stabbed in her chest with those words. "What does that mean?" she asked, hiding the bitterness on her voice.

Umiwas nang tingin si Frank sa kanya, tumingala ito matapos ay pinisil ang ilong. "Malaki ang kasalanan ko kay mommy. Wala akong karapatan sa kahit anong mayroon ang Aldrich," pag-amin nito.

Hindi na naunawaan ni Jyra ang sinasabi nito dahil sa nakitang bandage sa gawing pulso ng kapatid. Lumapit agad siya rito para hawakan iyon. "Anong nangyari rito?"

Hinablot ni Frank ang kamay at itinago sa likuran. Patay malisyang hindi narinig ang tanong.

Umiling-iling siya rito. "Is this the life you dream of?"

Frank dismissively pursed his lip. Kahit anong mangyari hindi nito sasabihin kay Jyra na kaya nagkaroon ng sugat ay dahil sinuntok nito ang nang baboy sa picture ni Vika. He heave a deep sighed. "At the age of ten, hindi na ako virgin. Ginagawa kong tubig ang alak at mas piniling mag-aral sa beer house. Smoker. Palagi akong napapaaway. Hindi ako bagay rito. Isa akong dumi sa pangalang, Aldrich."

"Alam ko," Jyra mumbled. Nanghihina niyang binalingan ang kumot upang tupiin. "Alam ni mommy ang lahat ng iyan."

Naguguluhang lumapit sa kanya si Frank. "She knew?"

Patamad siyang tumango, saglit na sumulyap dito. She heard Frank muttered a curse. Kung hindi lang masama ang pakiramdam niya at naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang ina, baka nasapok niya na ito. "Kahit magpalibing ka ng buhay, hindi noon maitatama ang lahat ng ginawa mo. Sa kabila ng lahat ng 'yan, mahal ka pa rin niya. Tinanggap niya ang lahat ng masasamang ginawa mo. Kahit hindi mo manlang siya kinakausap, kapakanan mo pa rin ang iniisip niya. She kept your wallet full... what shame. You cannot even buy an underwear using your own money."

Napayuko ang kapatid niya.

She knew with those powerful words; pain and conscience surely strike her brother. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina. Frank may look hard and rough, but he actually has a warm heart. Madali siyang maapektuhan kapag ang pinag-uusapan ay pamilya o kung sino mang malapit dito.

"I love mom as much as I love myself. Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa dinami-rami ng puwede niyang ampunin ay ako pa. Kung hindi sa kanya, hindi ko matatamasa ang lahat ng ito. Sadyang—"

"Sadyang, ano?"

"I don't know anything about business. Kung suntukan 'yan, payag akong maging leader."

Ngumiwi siya sa biro na iyon ni Frank. Tiyak naman kasing totoo ang sinabi nito. Frank has big arms coated with thick muscles that can crash one's face in just one blow. His height was not a problem too. She was tall and... Taller if she uses killer heels but that won't stomp down his brother's height.

"Accept whatever has given to you." Aniya, pinagpag ang magkabilang balikat nito. Kahit pa wala namang dumi roon. "You can have all the sexiest woman if you have money. Wait... I don't need to jot down it all to you. You are an intelligent man, for sure, you could have them... in Frank's unique way." She teased before turning her back on him to walk straight to her make-up table. Dinampot niya roon ang suklay. Gumuhit ang sakit sa anit niya noong subukang suklayin ang likurang bahagi ng ulo.

"Fine. I will do it in one condition."

She stopped to whatever she was knotting on her hair and stared to his brother reflection from the vanity mirror. "Condition, what?"

"Ayokong mag-stay rito. Gusto ko ang unit mo sa Nightingale Palace. Make me one last moment of hardship to be memorable."

Marahas niyang pinatong sa lamesa ang suklay. Masamang tinitigan si Frank.

Bakas sa mukha ng kapatid na hindi nagbibiro sa hinihiling. But, Nightingale is one of her sacred places. She never allowed anyone to visit there except her manager and Carla. Thinking the result of; if she agreed or not, she sternly stared at Frank's eye. Clouds of information formed on her head as she formulates each day what he will do on her fortress.

Napalunok siya nang maalala ang hilerang bonsai na inilagay niya sa tabi ng golden piano.

"One-week maximum." She offered as she tried to calm down herself, even if she had the thought of kicking his ass.

"Come on. One week is not enough. Make it for two months."

"Uy! Uy, Frank. Hinay ka lang... hindi mo alam kung gaano kabigat sa kalooban kong may lalaking papasok doon. Pasalamat ka pa nga ginawa kong one week." Tuluyan nang nagising ang natutulog niyang diwa. Inumpisahan kasi ng offer ni Winona, ngayon ay pati ang pinaka-iingatan niyang lugar ay gagambalain.

She frustratingly brushed her hair using her bare hands. I've been insane from Winona's offer. And I am still not comfortable with it. Ugh! I think I will die early. Wala sa sarili niyang nilakad pabalikbalik ang maliit na espasyo. Tumigil lang nang magsalita ang kanyang kapatid.

"Fine. One month. I will assure you. Hindi man lahat, pero hindi mapapahiya ang tiwalang pinagkaloob mo ngayon, Ate."

Frank was serious as he fucked himself. Even the authority on his voice assured the option. His aura remained dark but mixed with desire and hope.

"I realize, ikaw nalang ang mayroon ako. Mom, sacrifice her life for us. Ayokong pagsisihan ang lahat ng ito ng hindi binabayaran ang kabutihan niya. Para kay mommy, at para sa'yo, Ate."

May kung anong kumurot sa kanyang dibdib. Uminit din ang gilid ng kanyang mga mata para sa mga nagbabadyang gustong kumawala. Hearing those words from Frank is what her mother wished. Sadly, she cannot hear it anymore.

"I will protect our name. I will protect you, Ate."

May ilang pag-uusap sila upang ibahagi ni Jyra ang mga limitation ni Frank sa unit niya. She even explained some restriction when he starts learning the business. At dahil hindi pa graduate si Frank, ipagsasabay niya iyon. Her brother was determined to learn, and she cannot deny that she was very excited about the outcome.

"I'll see you tomorrow at three. Doon nalang sa Jams bucket ang meeting place para malapit kay Attorney."

She waved her hand and watched his car disappeared from her sight.

When she entered the house, her nostrils filled by a delicious smell coming from the kitchen. Nagmadali siyang dumiretso roon at naabutan si Winona na katuwang ang kusinera nila.

"Do you want to go to University?" she opened a topic.

Winona, glanced at her. Nagulat ito sa biglang pagsulpot niya.

Halatang wala sa sarili ang kausap. Malaking sakripisyo ang pinili nito para sa career na pinapangarap. Hindi niya ito masisisi. Kumpara kasi sa kanya na nakapag-aral sa pribadong eskuwelahan, si Winona ay piniling sa bahay mag-aral. Tulong ng kanyang ina na si Carla.

Hindi nakapag-aral si Winona noon, dahil ang kumuha rito ay dalawang matanda. Ibinigay daw siya rito dahil magsasara na ang bahay ampunan. Maging ang ilang batang naiwan ay ganoon ang nangyari.

Kaya noong mapalitan ang surname niya bilang Aldrich, hiniling niya sa ina na hanapin si Winona. Nahanap nila ito sa malayong probinsiya. At nalamang patay na ang mga kumupkop. Mag-isang binuhay ni Winona ang sarili sa pagsasaka at pagtatanim.

Awang-awa siya rito. Noong una ay hindi siya kinikibo ng kaibigan dahil sa sama ng loob. Binigyan ng sariling lugar ni Carla si Winona. Nag-offer naman ang ina niya na pag-aralin sa magandang eskuwelahan ito, ngunit si Winona na mismo ang umayaw. Nahihiya ito sa kamangmangan niya noon.

Ngumiti si Winona sa kanya. Saglit na may binulong sa kusinera matapos ay lumapit sa kanya. "Anong sa palagay mo?" Tanong nito habang pinupunasan ang basang kamay.

"You have too, since, ikaw na ang magiging Vika. You should familiarize on how to socialize with true or fake people." Iginaya niya si Winona patungong sala.

The grandeur staircase welcomed their sight as they passed through it approaching the three elegant sofas that were arranged squarely. They don't have enough figurines or tables as the display, because as per Carla Aldrich she wanted her house filled only with their beautiful faces. Kaya ang bawat side ng bahay ay plain white o may kurtina na champagne ang kulay. Even the marbled floor compliments the neatness of the house.

"Mukhang kakailangan kong tumawid ng bundok, dagat at apoy maging si Vika lang," tukso ni Winona na sinusubukang pangitiin siya.

She gets what Winona said. But thinking her own case right now she can't afford to be happy. She nodded her head.

Magkamukha man sila ni Winona sa unang tingin. Kapag tinitigang maigi ay makikita kaagad ang pagkakaiba. It is ironic, she looks soft and kind but actually, she's serious and hard to please. Unlike, Winona, she's full of humor. A very warm woman but her strict face described it differently.

"Kailangan ko na bang mag-diet? Gym?" Winona adorably queried.

Tinapik ng hintuturo niya ang kanyang ibabang labi. Humor is very odd for Vika. But, Winona is a fast learner. She can do it. "You have four months to do that. Tomorrow, I'll go for a photoshoot in the NAIA terminal two. Ako pa rin si Vika hanggang bukas dahil iyon na ang huling shoot ko. Sa comeback, ikaw na siya."

Tumango si Winona at nilingon ang gawing kusina. "Luto na ang pagkain. Kain na tayo."

Sa hapagkainan ay ibinahagi ni Jyra ang mga ilan sa kailangan matutunan ni Winona. Magmula sa pananamit, posture, voice, tone, restriction at pagkakatiwalaan. Pasado alas nuebe y medya ng makabalik siya sa kanyang kuwarto. May kausap siya sa wireless telephone nang sumulyap sa salamin.

"Dahil sa value added tax, marami sa mga empleyado ang kinabahan. May ilan ay nagrereklamo sa dagdag na sahod, kesyo hindi sapat at kulang pa. Sadly, marami ang lumipat ng trabaho. Iha, we need to resolve this. I have an option but I want you to be here or any representative of consent. Hands-on, darling," a woman from the other line said.

Patamad ni Jyra na hinayaang ibinagsak sa kama ang katawan. Ang dami pala niyang dapat isipin. Bukod sa nag-aaway na mga investor sa Paris Branch, Dubai Branch is asking for a hands-on.

"Salamat sa information, Tita Trish. Probably, I'll go in there to personally fix the issue." Nilipat niya sa kabilang side ng tainga ang telepono.

"That will be a good help. Anyway, I'm sorry for your lost. Gusto kong makilibing, kaso sino naman ang tatao rito? I am very thankful to Carla for being such a good friend. Siguro ganito lang talaga kapag tumatanda na."

Alam naman iyon ni Jyra. Carla was already old when she met her. Sadyang pakiwari niya ay kailan niya lang ito nakasama tapos mamaya ay kukunin na agad sa kanya.

"You are one of her trustworthy friends. She acknowledged and understood your reason." She tried to speak slowly. Muli na namang nag-unahan ang luha sa kanyang pisngi habang tulala sa kisame. A small sob escaped when she tried to inhale.

"Alam kong mahirap... pero kailangan mong maging matatag. Kilala kita, Jyra. Pinalaki ka niyang malakas ang loob. Anak, palagi rin kayong mag-iingat ng kapatid mo."

"Sure, Tita Trish. See you soon. Take care!"

Namatay ang tawag kasabay nang pagpatong niya ng braso sa mga mata. Instantly the light life she's dancing for the past six years become heavy. Losing Carla was like losing the other half of her life.

Inalis niya ang braso at ngayon ay tinitigan ang sing-sing na suot. She played with it like the usual when she felt nervous. Hindi man ito gaya ng mga event niya noon, pero ang kabang nararamdaman niya ngayon ay mas mabigat, delikado at nakakatakot. Parang isang rabbit na papasok sa isang isinumpang gubat. Makakaya niya kayang makabalik ng ligtas at maganda?

TUMAMA ang sinag ng araw sa kanyang mga mata. Pero tiniis niya iyon at seryosong tinitigan ang lalaking sumusuporta mula sa kanyang posisyon.

"Very good, Vika. That's a wrap!" Sigaw ng photographer nang makuha ang perpektong posisyon para sa kanya.

A perfect figure for the proposed Taxi Aircraft in Dubai. Rumors spread that one of the sons of the ruler of Dubai got her interest. Though, Vika never goes out of the country for a project. A local representative of Dubai paid big for her appearance, and actually, they wanted her to visit as well. The Swizz management didn't confirm yet for the visitation. Pero hula niya mapapapayag din ang mga ito.

She glanced at the laptop to see the raw photos. As usual, she looks really mysterious with her black steel mask. Napapaligiran iyon ng itim na feather kaya halos matakpan din ang buong mukha niya bukod lamang sa mata, ilong, at bibig.

Hindi kagaya ng mga normal na araw kapag may ganito siyang project ay kampante siya sa resulta. Ngunit ngayon ay naiiba. Wala siya sa hulog. Hindi niya gusto ang kuha sa kanya. Mukha siyang napipilitan sa posisyon ng binti at kamay niya. Lalo kung paano siya titigan noong lalaki. Siguro ay ramdam nitong hindi siya masaya kahit pa natatakpan ang mukha niya ng mask.

Ipinakita sa kanya ang ilan pa sa nagustuhan ng photographer. Kapansin-pansin ang matingkad na pulang tinta ng kanya labi sa makulimlim na background. Maging ang ulap at ang ambiance ng airport ay nakisang-ayon sa kanyang prisensiya.

This is the outcome of my stubbornness.

Pinagsabihin na kasi siya ni Frank na huwag ng pumunta pero nagpumilit siya. Paano niya ba ito hihindian kung bawat shoot ay mahalaga sa kanya? She treated them as her always first project; important, fresh and new experience. Unfortunately, this one was different. The project was unique and exclusively for her. But she's not in her usual positive days. She's in her deep grief.

I guessed my last stand was terrible and worst performances I've ever done.

"Miss V, this way please."

Matamlay siyang sumunod sa kanyang dresser upang makapagpalit. They will be moving on the east wing for the final photo shoot.

Dapat sa Dubai gaganapin iyon. Hindi sinang-ayunan ng kanyang manager. This is not the first time that overseas project offered her. It is just to avoid knowing her real identity. Iyon ang dahilan kung bakit lalong naiintriga ang lahat sa kanya, na tumagal ng dalawang taon.

Bakit niya itinatago ang kanyang mukha? Anong mayroon kay Vika?

Habang naglalakad ay natigilan siya sa pagpasok sa malaking Eroplano. Using a voice changer she asked her helper, "Bakit dito tayo nagdaan?"

Lumapit ang babaeng naglalaro sa bente ocho ang edad upang sumagot ng pabulong, "Lahat ng entrance nabarahan ng media at fans. Mahihirapang makapasok at matatagalan, hindi pa naman puwedeng paghintayin ang photographer. Mayroon din daw na guest."

She stopped in the middle of the aisle of the airplane. "Who is the guest?"

"Hurry up, V. We can't afford to lose the patience of the guest," anang representative ng Swizz.

"Sheikh yata," bulong ng kanyang helper. Hinawakan siya nito sa braso upang itagilid sa makipot na daan.

Buti na lamang at may mask siya kung hindi ay kitang-kita ng mga ito kung paano siya mag-poker face. Inaasahan kasi niyang eksaktong lunch ay nakauwi na siya.

Doon sila tumagos sa boarding kung saan maraming mga passenger ang umaabang sa kanilang boarding time.

Riding an escalator going down, all the passengers on the boarding area turned their heads on her.

"Thanks, God. Mga foreigner mga tao rito." Bulong ng helper niya habang hinihila siya pakaliwa.

"Malik!"

Lumingon siya sa likuran dahil sa narinig na sigaw. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang may-ari ng pangalang iyon ay nasa paligid. Kanina ay annoyed siya, ngayon ay bumiglang bumigat ang puso niya sa sobrang kaba. Mabuti na ngalang at hawak siya, kung hindi ay tiyak kanina pa siya napahinto.

It can't be. Come on, Jyra. Baka kapangalan lang. Huminga siya ng malalim at nilingon ang kanyang helper. Mukhang hindi naman nito napansin ang ginawa niya. For the last chance, she glanced on the back. Isang lalaking nakatalikod sa gawi niya. Kausap nito ang lalaking kanina na sumigaw.

It must be him. She faced forward, thinking about the image of a broad shoulder man wearing a business attire.

Could it be you? Huh, Malik?

Chương tiếp theo