webnovel

Chapter 19 : A Kiss? , He's back?

Kasey's POV

Sobrang tahimik lang ng kapaligiran at ito ako ngayon nakatanaw sa tanawin na nakikita ko rito mula sa itaas.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin o gawin sa ganitong pagkakataon kaya naman, nanatili na lamang ako na nakatanaw sa labas.

Nang biglabigla ay,

"Kasey" mahinahong tawag ni Nice

"hmmm?" tanging tugon ko saka sya nilingon

Nang.....

Nang maramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko. At iyon ay ... Ay ang... Ang labi ni Nice!.

He kissed me!, his lips was on mine. While his palms are on my cheek and neck.

We stayed like that for a few more seconds with both of our eyes closed, he's lips might not be moving unlike in the books I have read or dramas I watched but then this made me feel like that the time have stopped for a moment.

But then, as I returned to my senses I immediately pull myself from him. This was so embarrassing!.

"I'm sorry, I shouldn't do that, I'm really sorry" he said as he was looking at the different direction.

How should I react at this situation?, kung kanina ay sobrang awkward namin, ano pa kaya ngayon?!.

I wasn't able to utter any word to him, because I think I have lost my voice a while ago. Pakiramdam ko rin ay sobrang pula na ng muka ko.

"Kasey?, bumaba na tayo" malumanay nyang sabi.

Nandito na pala kami sa baba at sya ay nakababa na rin habang nakalahad ang kanyang mga kamay sa harapan ko. Sobrang nahihiya at naiilang man ako ay inabot ko pa rin ang kamay nya na nag iintay upang alalayan ako sa pagbaba ng gondola.

"s-salamat" mahina at nauutal kong sabi matapos kong makababa.

"witweew!~" sipol ni Hanz ng makababa na din sila

Sila Vincent naman at Claude ay may mga ngiti na hindi maipaliwanag, hindi naman siguro nila nakita yung nangyari kanina, hindi ba?.

"wag nga kayong makalapit-lapit sa akin, mga traydor!" inis na sambit ni Nice

"wag ka namang ganyan" sabi ni Kris na tila asong inaamo si Nice

"Kasey!" masiglang sambit ni Cherry at saka ako niyakap

"galit ka ba?" nag aalala namang tanong ni Denise.

"oo!" pikon kong sambit, habang pilt na pinapakalma ang puso kong sobrang bilis sa pag tibok.

"tara na nga, nakaharang na tayo sa exit" masungit na sambit ni Nice

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng amusement park para umuwi dahil plano namin na tumulong sa preparations para sa party mamaya.

"Kasey-chan?, I'm right!, it's you!" masiglang sambit ng isang babae na ngayon ay nasa harapan ko

"Don't you remember me?, it's me Emi Takenori"

Now that she said her name, I remembered her. She was one of my classmate when I was still studying here.

"Ayase and Ryouma will be surprise too if they see you" saad nya habang hawak hawak ang kamay ko.

Ayase? Ryouma?, nandito din sila?.

"Ayase-chan!, Ryouma-kun! Hayaku! Kasey-chan is here" sigaw nya sa direksyon na kinaroroonan nila.

(Translation: Hayaku-faster)

"sino sya?" bulong na tanong ni Cherry

"classmate ko nung dito pa ako nag aaral" paliwanag ko.

At isang 'ah' lang isinagot nya.

"it's been a while Okamoto-san" sabay na sambit ni Ryouma at Ayase

"yeah" tanging sagot ko.

Bakit ba kailangan pa na mag krus ang landas namin ngayon, kung kailan pasko. At kung kailan naman na unti-unti ng naghihilom ang sugat ng nakaraan ko.

"Who are they, Kasey-chan?" tanong ni Emi

"They are my friends" walang kabuhaybuhay kong sagot.

At saka ko isa-isang ipinakilala sila kila Emi, and as they return 'Hi' , 'Hello' and 'Nice to meet you' at each other, I felt a sudden chill as if there was someone who was staring at me.

And I'm right, matalim at di ko mapaliwanag ang ekspresyon ng mga mata nya habang nakatingin sa akin.

"Kasey, are you alright?" tanong sa akin ni kuya

"h-ha?" gulat kong tanong

"kanina ka pa wala sa sarili mo simula ng dumating kayo galing sa pamamasyal nyo, mabuti pa magpahinga ka na lang muna, para naman magkabuhay ka mamaya" nag aalalang sambit ni kuya

"okay lang po ako" pagtanggi ko sa alok nito

"sigurado ka ba?, medyo maputla na yang kulay mo oh?" nag aalala pa rin nitong sambit

"okay lang talaga ako kuya, saka ako ka ba sadya kayang maputla ang kulay ko" pagsalungat ko sa kanya

"ah basta!, maupo ka na muna dito sa gilid" sabi nikuya at saka ako pilit na pinaupo.

"kuya naman, okay lang talaga ako, masyado ka lang talagang exaggerated" protesta ko

"Kasey, iniingatan at pinangangalagaan lang kita, tulad ng pangako ko kay mama at papa" sabi nito

"alam ko kuya, pero okay lang talaga ako, tara na tumulong na tayo kila tita" saad ko.

Tama naman kasi si kuya, simula kasi ng makita ko syang muli ay tila nablanko ang paligid ko, at unti-unting nagbabalik sa alaala ko ang nakaraan ko, ang nakaraan na kasama sya, sila. Sana lang ay iyon na ang huli naming pagkikita dahil matagal ko na silang pilit na inalis at binura sa isip at alaala ko.

"MERRY CHRISTMAS!!!!" masaya at masigla naming bati sa isa't isa sa pagsapit ng 25th .

Nag umpisa na rin kaming magpalitan ng mga regalo, na sa katunayan ay kanina pa nila gustong-gustong gawin, kaso si lolo mapilit antayin daw kasi muna namin na mag 12 o'clock bago kami mag exchange gifts. Kaya habang inaantay na mag 12 in the midnight ay naglaro na lang kami ng kung ano-anong parlor games na maisipan, kaya naman pansamantalang nawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina, nang....

Nang magtama ang mga mata at tingin namin ni Nice ay walang anu-anong nagbaliksa akin ang naganap sa Ferris wheel, maging ang sensasyon na naramdaman ko na tila ba naramdaman kong muli ang malambot nyang labi sa labi ko.

~phone ring~

"Kasey cellphone mo yung nagriring hindi ba?" sabi ni Tita

Kaya naman nabalik ako sa realidad.

Mula sa unregistered number ang tawag, sa una ay nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero baka naman si papa ang natawag kaya singot ko na.

"Moshi moshi?!" pambungad ko

"Kasey?" sambit ng nasa kabilang linya na boses ng isang lalaki

Ang boses na hanggang ngayon ay sariwa pa sa isipan ko.

"R-ryouma?" nauutal kong sambit.

Chương tiếp theo