webnovel

Chapter 379

"Hon, naka bihis na ko!" bungad ko kay Martin ng sagutin ko ang tawag niya.

"Saan ka pupunta?" takang tanong niya sa akin.

"Diyan!"

"Dito?"

"Oo," nagtatampo ko ng sabi, kasi mukhang naka limutan niya yung usapan naming dalawa.

Sabado na kasi ngayon at napagkasunduan naming pumunta sa bahay namin sa Bulacan kasi nga need ng dalhin yung damit na isusuot nila Mama, Papa at Mike para makita kung kasya ba sa kanila. Next Saturday na kasi yung kasal namin ni Martin.

Lahat ng imbitasyon at mga kakailanganin ay naayos na namin ni Zaida, kahit tutuusin halos wala naman akong ginawa kung ang pumili lang kasi nga plantsado na ang lahat, habang si Martin naman ang taga bayad.

Di niya talaga ako hinayaang bumunot kahit piso para sa kasal naming dalawa at ang sabi pa mag-asawa na daw kami kaya dapat siya lang daw ang gagastos.

"Wag ka ng pumunta dito at mapapagod ka lang, uuwi nalang ako diyan mamaya para sunduin ka."

"Ay naku, kung uuwi ka pa dito gagabihin pa tayo kaya ako na pupunta diyan tapos padala mo nalang yung isang kotse kay Mang Kanor mamaya. Isa pa sinabihan ko si Ziada na diyan na dalhin yung mga damit nila Mama kaya magkikita kami mamaya diyan." paliwanag ko.

"Kaya lang," tatangi pa sana si Martin pero agad ko siyang sinupalpal.

"Wag ka ng makulit, aalis na ko!"

"Oh siya mag-ingat ka. Tawagan mo ko mamaya pag malapit ka na!"

"Oo,"

"Michelle!" muling tawag ni Martin kaya muli kong ibinalik sa tenga ko yung phone ko.

"Bakit?" mahinahon kong sagot.

"Tawagan mo ko kapag malapit ka na para masundo kita sa baba."

"Alam ko naman kung saang floor ka kaya no need na sunduin mo ko!"

"Basta tawagan mo ko kapag malapit ka na, wag kang makulit!" pagpupumilit ni Martin sa akin.

"Opo!" masunurin kong sagot.

Pagkatapos nun ay nagpaalam kami sa isa't-isa bago ako kumilos para umalis na. Alas dos alang naman ng hapon at kung di ako ma-traffice mga 3:30 to 4:00 ng hapon nasa Casa Milan head office na ko.

Dahil maluwag ang kalsada mas napaaga ang dating ko dumating ako ng alas tres, at bago ko tawagan si Martin ay dumaan muna ako sa isang bake shop at omorder ako ng tinapay para sa meryenda namin.

Palabas pa lang ako ng tindahan ng tumunog yung phone ko, "Hon?" mahina kong sagot habang naglalakad ako sa nakaparada kong sasakyan.

"Asan ka na?"

"Malapit na ko, mga ten minutes andiyan na ko," sagot ko kay Martin.

"Dun ka mag park malapit sa kotse ko may bakanteng space dun, hinatyin kita!"

"Wag na, aakyat nalang ako!"

"Ingat ka, love you!" tanging sagot sakin ni Martin bag ako binabaan ng tawag. Isa lang ang ibig sabihin ayaw niya ng makipag negotiate ako sa kanya regarding sa pagsundo niya sakin sa parking area. Ang sa akin lang sana is wag na siyang mag-abala kasi nga alam ko naman madami pa siyang dapat gawin.

Sa isang linggo naming pagsasama ni Martin sa iisang bubong, magkasabay kaming kumakain ng breakfast at dinner and then we make love pagkatapos nun ay pupunta siya sa study room niya at di ko namamalayan kung anong oras siya dun natatapos dahil nga sa pagod ko sa ginagawa naming exersice pero kapag nagigising ako ng wala siya sa tabi ko agad ko siyang sinusundo at pinagpapahinga na.

Pagdating ko sa parking area andun na si Martin naka tayo at hinihintay ako kaya paghinto ng sasakyan ko ay agad niyang binuksan yung pintuan sa may driver seat kung nasaan ako.

"Kanina ka pa naghintay?" taas kilay kong tanong kasi iniisip ko na after naming mag-usap sa phone ay bumaba na siya at sa tantiya ko inabot din ako ng ten minutes.

"Sakto lang pagbaba ko, natanaw ko yung kotse mo!" sagot ni Martin sakin habang kinukuha yung dala kong tinapay saka niya ko inalalayan para makababa.

"Talagang sinundo mo pa ko?" sabi ko uli habang naglalakad na kami papunta sa elevator. Hawak-hawak ng kanang kamay niya yung meryenda namin samantalang yung kaliwa naman ay naka pulupot sa baywang ko.

"Oo para di ka maligaw!" pagbibiro niya sakin.

"Baka kamo may tinatago ka sakin kaya ayaw mo kong umakyat na mag-isa sa opisina mo?"

"Ano naman ang dapat kong itago sayo?" taas kilay na tanong ni Martin sakin.

"Malalaman ko din yun Mr. Ocampo kaya kung ako sayo mabuti pa sabihin mo na!" pagbabanta ko.

"Wala akong nililihim sayo Mrs. Ocampo kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano!" sagot ni Martin sakin bago niya ko kinabig papalapit sa kanya para magdikit ang katawan naming dalawa at saka niya ko hinalikan sa labi. Buti nalang talaga nasa private elevator niya kami kaya di ako natatakot na baka may biglang pumasok.

Pasalamat nalang din ako sa lipstick ko na kahit anong gawing kiskis ni Martin ay di natatanggal at kumakalat, paano ba naman pinutakte niya ko ng halik hanggang sa dumating kami sa floor ng office niya.

Umiiling nalang ako habang naglalakad kaming dalawa papasok sa opisina niya samantalang siya abot langit ang ngiti.

"Good Afternoon po Sir and Ma'am," bati samin ng mga tauhan niya kasama na dun si Yago at Xandra.

"Good Afternoon!" masaya kong bati samantalang si Martin ay tumango lang bilang pag-acknowledge sa kanila. Bago kami tuluyang pumasok sa opisina niya ay ibinigay ko muna kay Yago yung isang pack ng tinapay para paghatian nila para sa meryenda.

"Timpla kita kape?" tanong ko kay Martin.

"Please!" sagot naman nito sakin kaya agad akong dumiretso sa maliit na pantry niya at nagtimpla ako ng dalawang tasang kape. Pagkatapos ko yung gawin ay bumalik ako sa mini sala ni Martin kung saan din siya naupo.

"Malapit ka na ba matapos?" tanong ko kay Martin bago ko sinulyapan yung mga papel na nasa ibabaw ng mesa niya.

"Malapit na!" sagot nito sakin bago niya dinampot yung kapeng tinimpla ko.

"Buti naman kung ganun, kasi wala kang study room dun sa bahay kaya di ka pwedi mag-uwi ng trabaho."

"Wag kang mag-alala wala akong balak magdala!" sagot niya sakin sabay kindat.

"Very good!" naka ngiti kong sabi kasi syempre gusto ko din kahit papano is makapag relax siya sa araw ng day-off niya.

Chương tiếp theo