"Ano yang dala mo?" tanong ni Lucas kay Martin kasi bitbit nito yung baunan na naglalaman ng adobong manok, di man lang talaga nag-effort na ilagay sa paper bag na para bang proud na proud na ipakita sa lahat na may dala siyang baon.
"Adobong manok."
"Saan galing?" curious na tanong ni Lucas kasi first time niyang makita si Martin na may bitbit na baunan.
"Kay Michelle!"
"Uy Michelle pinagluto mo si Martin?" exited na sabi ni Lucas na para bang tuwang-tuwa.
"Oo, order niya!"
"Order niya?" takang ulit ni Lucas.
"Oo!" diretso kong sagot balak pa sanang magtanong ni Lucas kaya lang nakarating na kami sa parking lot kaya inuna niyang buksan yung sasakyan kaysa magsalita.
Dahil nga si Lucas yung driver, lakas loob kong umupo sa unahan para si Martin sa likod. naka-upo na ko at inaayos ko nalang yung seat belt ko ng marinig kong magsalita si Martin.
"Let me drive!" sabay kuha ng susi sa kamay ni Lucas, napatingin na lang ako at di ko na nagawang magreklamo at ganun di Lucas na umupo na likuran ng sasakyan.
"Hawakan mo!" sabi ni Martin sabay patong sa lap ko yung baunan na naglalaman ng adobo.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Martin kay Lucas.
"Ikaw na bahala kung saan, basa masarap!"
"Ikaw may gusto kang restaurant?" baling ni Martin sakin ng wala siyang nakuhang sagot kay Lucas.
"Kahit saan!" non-challant kong sagot. Di naman kasi ako mapili sa pagkaian kahit sa turo-turo okay lang ako pero di ko akalain na sabrang pagtitipid ni Martin dinala niya kami sa Casa Milan Manila kung saan naroon yung Pad niya.
"Bakit dito tayo?" reklamo ni Lucas.
"Tinatanong kita kanina, sabi mo ako bahala ngayon nagrereklamo ka." sabi ni martin habang tinatanggal yung seatbelt niya.
"Kaya lang!" protesta pa sana ni Lucas pero di na siya pinatapos ni Martin.
"Baba na wag kang maarte!" sabay kuha ng baunan niya na nasa lap ko parin naka patong. Dahil pababa na si Lucas ay kumilos narin ako para bumaba.
"Good Afternoon mga Sir and Ma'am!" bati samin ng receptionist na si Leslie. Maganda yung pagkakangiti nito sakin na para bang gusto niyang malaman kung nagkabalikan na kami ni Martin kasi nga magkasama kami.
Bigla tuloy akong natatakot kasi nga sa lugar na ito madaming may alam na Ex ako ni Martin baka may magsabi kay Ellena na nakita kaming dalawa na magkasama maglunch at maging issue.
"Natatakot kang malaman ni Ellena na naglunch kayo ni Martin pero di ka natatakot na malaman niya na naghahalikan kayong dalawa!" sabi nanamn ng demonyo sa utak ko.
"Kasama niyo naman si Lucas kaya walang problema," sabi ng angel ko na nagpapakalma sakin, kasi tama siya bakit nga naman ako matatakot eh may kasama naman kaming iba.
"Paki init nga ito!" sabi ni Martin sa waiter na naka sunod samin na agad naman inabot yung baunang ibinigay ni Martin. Maya-maya lang ay muling lumapit iyon samin para kunin yung order namin.
"Pili ka na ng gusto mo!" sabi ni Lucas sakin sabay abot ng menu. Naka-upo kami sa pang-apatang lamesa, katabi ko si Lucas samatalang katapat ko naman si Martin.
"Steak sakin!' sagot ko, sinadya kong orderin yung mahal kasi di naman ako magbabayad.
"Beef tenderloin sakin, Ikaw Bro?"
"Chapsuey!" sabi ni Martin.
"Di ko alam vegetarian ka pala!" pagbibiro ni Lucas.
"May manok pa ko kaya okay na ko dun!" walang ganang sagot ni Martin.
"Anong nakain mo at pinagluto mo si Martin?" pang-aasar ni Lucas.
"Para makabayad sa utang!" diretso kong sagot.
"Makabyad sa utang?"
"May utang siya sakin kaya need niya kong pagsilbihan!" diretsong sabi ni Martin na nagdala ng pagkabigla kay Lucas na parang di makapaniwala, nagpapalipat-lipat siya ng tingin sa pagitan namin ni Martin pero di na kami nagsalita hanggang sa dumating yung order namin.
"Beef tenderloin?" tanong ng waiter.
"Sakin!" sagot ni Lucas kaya inilagay ng waiter yung order niya sa tapat niya.
"Yung steak po?"
"Akin." simple kong sagot at inilahad ko na yung kamay ko para abutin yun pero naunahan parin ako ni Martin kaya tiningnan ko siya pero parang wala siyang paki sa masakit kong tingin kaya nung iabot ng waiter yung chapsuey kinuha ko iyon pati yung manok saka kanin na request niya.
Yung steak kasi potato mash lang ang kasama pero bago pa dumikit yung kutsa ko sa kanin para sana durugin iyon ay bigla yung iniangat ni Martin at ibinalik niya yung steak sakin na hiwa.
Napatingin nalang ako sa kanya at di alam kung anong sasabihin lalo pa nga nung marinig ko yung sinabi ni Lucas,"Sweet!"
Samantalang si Martin parang walang narinig at nag-umpisa ng kumain. Di ko tuloy alam kung anong gagawin ko o anong sasabihin sa huli ay kumain nalang din ako pero sa bawat subo ko ay may gulay na dumadagdag sa pagkain ko.
"Hays!" butonghininga ko kasi kanina pa ko naka tingin kay Martin at hinihintay kong tingnan niya ko kasi gusto kong senyasan siya kung anong ginagawa niyag kalokokan pero di man lang niya ko tiningnan na para bang pinggan niya lang yung sinasalina niya ng gulay. Si Lucas naman hanggang tenga ang ngiti.
"Pahinge!" sabi ni Lucas sabay amang ng tinidor niya sa adobo pero bagao yun makalapit sa kanya ay inilayo yun ni Martin.
"Pahinge lang!"
"Bawal?" sagot ni Martin.
"Bakit bawal?" takang tanong ni Lucas.
"Sa sobrang mahal ng pagkakabili ko nito bawal ipamigay!"
"Bakit magkano ba yan at magabbayad ako!" mayabang na sagot ni Lucas
"Fifty thousand for ten pieces!" deklara ni Martin.
"Put* anong meron diyan sa adobo at ganun ka mahal?" di makapaniwalang tanong ni Lucas na napamura pa nung marinig niya yung presyo nun.
"Kung afford mo kumuha ka, charge kita five thousand per piece!" sabi ni Martin sabay lapit na kay Lucas nung adobo. Napa ngiti lang ako kay Lucas na para bang nag-iisip kung anong meron sa adobo bakit ganun yun kamahal. Kasi kung susumahin yung kinakain namin ngayon ay di pa aabot ng five thousand pero yung isang chicken wings nagkakahala ng ganun.
"Never mind!" sagot nalang nito sa huli.
"Yaan mo pagluluto nalang kita para matikman mo!" offer ko.
"Subukan mo!" sabi ni Martin na punong-puno ng pagbabanta.