webnovel

Chapter 245

Disperas ng pasko sa halip na nagsasaya kaming pamilya nasa hospital parin kami. Tapos na yung operation ni Papa pero naging maselan yung kalagayan niya. Dahil narin siguro sa edad na rin siguro. Naka lapit na ko sa mga kaibigan namin saka sa ibang kaibigan, buti nalang kahit papano di naman nila ako pinahiya at kahit papano nagbigay sila sakin.

Pabalik na ko ng hospital dun na kami magkikita ni Martin.

"Hon, nasa entrance na ko ng hospital." Text niya sakin.

"Malapit na ko! Kung gusto mo mauna ka na muna sa taas, dun mo na ko hintayin!" Reply ko sa kanya.

"Wait na kita dito sa baba."

"Okay!" Sagot ko kay Martin. Ewan ko ba pero parang naging iba na yung pakikitungo ni Mama kay Martin, buti nalang kahit papano di na masyadong pinalaki ni Martin.

"Hi!" Bati ko kay Martin nung magkaharap na kami.

"How are you?" Sagot niya sakin, sabay halik sa labi ko.

"Okay naman!"

"Hon!" Sabi ni Martin na punong puno ng pag-alala.

"I'm fine, don't worry!" Sagot ko sa kanya sabay kapit sa braso niya para umakyat na kami sa taas.

Bumili ako ng pagkain para sa dinner namin.

"Ma!" Sigaw ko nung papasok na kami sa pinto ni Martin.

"Kamusta lakad mo?" Tanong naman ni Mama sakin habang nag bless ako sa kanya at ganun din si Martin na benendisyunan din ni Mama.

"Bamuti nama Ma!" Sagot ko. "Asan si Mike?" Tanong ko ng di ko siya mapansin.

"Umuwi saglit at wala na daw siyang susuutin pero pabalik na yun. Nagtext kanina sabi niya malapit na daw siya."

"Hintayin nalang po natin siya bago mag dinner." Sagot ko naman.

"Sige! Silipin ko muna si Papa mo ha!" Sabi ni Mama sabay tayo at iniwan kami ni Martin.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko kay Martin nung makaalis na si Mama. Di na kasi kami masyadong nagkaka usap kasi nga may biglaang din siyang out of town at ako naman busying busy sa paghahanap ng financial.

"Okay naman, na close deal namin yung isang project para sa end-year event na gaganapin sa Casa Milan Manila!" Kwento ni Martin habang hawak-hawak yung kamay ko at nilalaro yung mga daliri ko.

"Mabuti naman kung ganun!" Proud na proud kong sabi sa kanya.

"Hon, may Christmas Eve reunion sa ancestral house namin sa Cavite. Gusto ko sana sama ka sakin."

Mahinang sabi ni Martin na puno-puno ng pag-aasa na sasama ako sa kanya.

"Hon, sorry! Nakaratay pa si Papa kaya ayaw ko muna sanang iwan si Mama at Mike dito sa hospital." Malungkot kong sabi. Feeling ko kasi sakin humuhugot ng lakas yung pamilya ko kaya di ko sila pweding iwan lalo pa nga at sa ganitong sitwasyon.

"I know naman. Sorry napaka in-sesensible ko!" nakukunsensyang sabi ni Martin.

"Hon naman! Gusto ko rin sana magkasama tayo ngayong pasko pero di rin pwedi kasi kailangan ka din ng pamilya mo!" Yumakap na ko ng tuluyan kay Martin para damhin yung init ng katawan niya.

"Kaya nga eh! I miss you pa naman, sobra!" Malambing niyang sabi habang hinahalikan yung muka ko na para bang nangigil sakin.

"Behave ka nga mamaya dumating si Mama, nakakahiya!" Saway ko sa kanya kasi wala kami sa private room baka biglang may pumasok.

"Hays! Kailangan bumawi ka talaga sakin!" Malungkot niyang sabi sakin.

"Opo babawi ako!" Bilang paunang pambawi hinalikan ko siya sa labi pero di pumayag si Martin na saglit lang magdikit yung labi namin kaya hinawakan niya yung likod ng ulo ko.

Bigla kaming naghiwalay ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Mike.

"Sorry!" Sabi ng kapatd ko habang nagkakamot ng ulo.

"Tawagin mo na si Mama para maka kain na tayo!" Utos ko nalang kay Mike para kahit papano makabawi ako sa kahihiyan. Pagtalikod ni Mike agad kong hinampas si Martin na natatawa sa kalokohan niya.

"Haha...haha...! Halkhak niya habang sinasalag yung palo ko.

"Tuwang-tuwa ka pa sa kalokohan mo! Tulungan mo ko mag-ayos ng pagkain!" Utos ko kaya gad naman niya kong tinulungan.

Natapos yung hapunan namin ng tahimik buti naman kahit papano naging okay na si Mama kay Martin. Tumatawa narin siya sa joke ni Mike kaya kahit papano naging okay naman.

"Umuwi ka na!" Sabi ko kay Martin. Nanunuod kaming apat ng palabas sa TV.

"Maya-maya!" Sagot naman nito sakin habang yung mata ay nanatili sa screen ng Tv.

"Malayo ka pa! Anong oras na? Maggagayak ka pa sa party!"

"Pwedi namang ma-late!"

"Hon naman!" Sabi ko kasi ayaw ko naman na magalit pa yung parents niya kapag anong oras na siya makarating sa Cavite. Walang nagawa si Martin kundi tumayo at mabilis na nagpaalam kay Mama at Mike.

Hinatid ko siya hanggang parking area para kahit papano magka moment kaming dalawa.

"Text-text na lang tayo mamaya!" Sabi ko sa kanya, papalabas na ko ng kotse. Pinilit niya kasi ako na usap muna kami saglit sa loob pero syempre di bastang usap yun.

Feeling ko namamaga na yung labi ko sa patuloy niyang paghalik. Kahit kaila talaga yung lalaking ito pag nadikit sakin para ayaw nang humiwalay. Kung di ko pa paalahanan na mag ten na di pa talaga titigil.

"Hon!" Tawag niya sakin na para bang nagpapa-awa.

"Kasalanan mo yan! Umuwi ka na at maligo ng malamig na tubig para mawala yan!" Naasar kong sabi sa kanya habang nakatingin ako sa bukol sa pagitan ng dalawa niyang binti.

"I love you!" Tanging nasabi nalang niya at muli akong hinalikan sa labi pero this time smack na lang yung ginawa niya.

"I love you too!" Sagot ko sa kanya sabay haplos sa pisngi niya.

Pagkatapos nung mabilis ng umalis si Martin kaya bumalik na ko sa kwarto namin nila Mama.

Nadatnan ko silang dalawa nagkwentuhan tungkol sa nakaraang pasko.

"Sayang Ma, di ko matitikman yung pinaupong manok mo ngayon ah!" Reklamo ni Mike halatang naglalambing kay Mama.

"Hayaan mo pag labas ni Papa mo pagluluto kita nun!" Naka ngiting sagot ni Mama.

"Pagluto mo din ako Ma!" Lambing ko din sabay siksik sa pagitan nilang dalawa.

"Ano ba yan Ate, ang tanda mo na gumaganyan ka pa!" Reklamo ni Mike kasi nalayo siya kay Mama.

"Sus nagsalita yung bata! Hoy dese-otso ka na!" Sagot ko kay Mike sabay pitik sa noo niya.

"Aray ko!" Reklamo nito. Pipitik rin sana sakin nung isumbong ko siya kay Mama.

"Ma oh si Mike lalaban na sakin!"

"Grabe siya, lalaban kagad!"

"Beh!" Sabay labas ko ng dila sa kanya.

"Sana andito si Papa mo at nakikipag kulitan satin!" Biglang sabi ni Mama na naluluha nanaman.

Chương tiếp theo