webnovel

Chapter 216

"Bitawan mo nga yung girlfriend ko!" Galit na sabi ni Martin habang tinatanggal yung kamay ni Zaida na naka pulupot sa baywang ko.

"Selos kagad!" Reklamo naman na isa na wala ng nagawa kundi bumitaw at nung itinulak ni Martin palayo sa akin.

"Hon naman, dahan-dahan!" Reklamo ko kasi kundi ko nahawakan si Zaida malamang tumumba na.

Pero di na natapos yung pagrereklamo ko nung bigla akong hilahin ni Martin at halikan. Okey lang sana kung smack lang pero napaka-hot ng ginawa niya. Ang masaklap pa dahil nga sa pagkakabigla ko napaliyad ako kaya ang naging position naming dalawa is parang nasa soap opera na naka slant.

"Binura mo na yung lipstick ko!" Tanging nasabi ko nung matapos kaming maghalikan. Naka tayo parin kami sa gitna at alam ko nasa amin dalawa parin ang mga mata ng lahat na andun.

"Di naman nabura!" Sagot ni Martin habang pinunasan yung labi ko.

"Kulit mo!" Sabay kurot sa tagiliran niya.

"Powder room tayo Michelle!" Tawag sakin ni Zaida.

"Tara!" Sagot ko naman sabay bitaw n kay Martin. naka hawak parin kasi ako sa leeg niya.

"Samahan ko kayo!"

"Banyo lang kami sasama ka pa!" Sagot ko kay Martin sabay pisil sa pisngi niya.

Alam ko naman na lasing na siya pero wala pa naman sa point na tabingi na yung lakad kaya lang lalo ng naging singkit yung mata niya at naging daring narin.

"Kahit na, sasama parin ako!" Pag-iinsist niya.

"Wag kang makulit!" Saway ko sabay alis na. Hinila ko si Zaida at tuluyan na kaming lumabas.

Nasa ground floor yung banyo at dahil nga madami rin tao sa club wala kaming nagawa ni Zaida kundi pumula para makapag-banyo.

"Re-touch ka!" Sabi ni Zaida sa akin habang iniabot sakin yung face powder niya habang naglalagay siya ng lipstick sa kanyang labi.

Morena si Zaida kagaya ni Martin yun talaga siguro yung natural color nung pamilya nila kasi si Lucas ganun din ang kulay. Matangkad ako sakany ng two inches at samantalang ang buhok niya is wavy na hanggang balikat lang. Ang nakakatawag atensyon sa kabuuang muka ni Zaida is yung nunal niya sa lower lip. Kung titingan mo siya sa kabuuan masasabi mong siya morena beauty.

"Wag mo kong masyadong tingnan di kita type." Pagbibiro niya sa akin.

"Iniispi ko lang kasi kung magpapa tan ako, bagay kaya sakin?"

Inosenteng tanong ko habang naka harap kay Zaida iniabot ko narin sa kanya yung face powder niya kasi tapos na ko mag-apply. Kinuha naman niya yun at inilagay sa bag niya, maya-maya inabot niya sakin yung pink lipstick na kagaya ng shade ng suot ko ngayon. Muli akong humarap sa salamin at nag-apply nun.

"Kung iimagenin ko, mukang bagay naman sayo! Yung ganda mo naman kasi ay di dahil maputi ka lang kundi propotion talaga yung face features mo."

"Talaga?"

"Oo naman, kaya pag mag-asawa na kayo ni Martin at nasayo na yung sahod niya libre mo ko lagi ng shopping ha!" Sabay kindat ni Zaida sa akin.

"Pwedi na kitang libre ngayon! Binibigyan na niya ko ng allowance!" Proud kong sagot at sabay kaming tumawa.

"Haha...haha..! Baliw! Tara na!" Yaya niya sa akin nung maibalik ko yung lipstick.

"Tara!"

Tuluyan na kaming dalawa lumabas. Paglabas namin ng banyo di maiwasang mapadaan kami sa dance floor at nagkataon naman ang tugtog ay "Kill this love", by Black Pink.

"Sayaw tayo!" Hila sakin ni Zaida sa gitna ng dance floor.

Naka crop top and jeans ang porma ni Zaida at kagaya ko naka ankle boots din siya. "Kill love... Nana..nana!" Sigaw niya habang tumatalon talon papuntang gitna at hila-hila ako.

Wala akong nagawa kundi sumunod na sakanya di ko lang akalain na mag click kami ni Zaida sa pag indak ng sa tugtog pati pagkembot namin sabay na sabay din.

Akala ko pagtapos ng kanta aalis na kami pero nung marining niya yung dance monkey na tugtog muli siyang umindak perehas na kaming pawisan dalawa, sayang lng yung re-touck na ginawa namin kanina.

Dahil nga parehas kaming may magandang figure at syempre di rin papatalo yung muka di maiwasang may mga lumalapit na saming lalaki na gusto sanang makipag sayaw pero syempre di ko yun ini-entertain at tanging kay Zaida lang ako naka focus pero iba si Zaida nung may lumapit sa kanyang hot guy na humawak sa baywang niya agad niya kong tinalikuran.

Agad akong napa iling pero sabagay okey lang naman yun kasi single naman si Zaida. Kahit iba na yung kasayaw niya nasa likod lang niya ako puwesto para di siya mawala sa paningin ko.

Patuloy parin ako sa pag-indak at walang paki sa paligid. Maya-maya may naramdaman akong lalaking dumikit sa bandang likuran ko, haharap sana ako para sabihin sa kanyanyang back-off pero may nauna sakin magsabi nun.

"BACK-OFF!" Galit na sabi ni Martin sa lalaki habang nanlilisik yung mata.

"Hon sayaw tayo!" Sabay kapit sa leeg niya para mabaling sa akin yung tingin niya at malaman ng mga lalaki sa paligid na I'm taken.

"Balik na tayo dun sa party!" Bulong niya sakin habang hawak-hawak yung baywang ko habang ako patuloy sa pagtalon.

"Sayaw muna tayo!" Muli kong yaya sa kanya kasi kahit nasa gitna kami ng sumasayaw na tao si Martin ay nanatili lang naka tayo at naka tingin sakin.

"Bumalik na tayo baka di lang mata ang matusok ko dito baka makaputol din ako ng kamay!" Pagbabanta niya.

Di ko tuloy alam kung matatawa ako o matatakot sa sinabi niya kaya masusi kong pinagmasdan yung muka niya. Nang mapansin kong seryoso siya wala akong nagawa kundi sumuko. Tumango ako bilang senyas na okey balik na tayo.

Hinila niya ko para maka alis kami sa crowd at syempre hinila ko rin si Zaida na tuwang-tuwa sa pakikipaglingkisan sa hot guy na nakilala lng niya.

"Wait!" Protesta niya sa akin pero kahit anong piglas niya di ko siya binitawan kaya ng ginawa sakin ni Martin.

"Di ko pa nakukuha name at number niya!"

"Next time na lang kamo! Kailangan na nating bumalik bago magpalit ng anyo si Martin!" Sagot ko sa protesta niya.

"Bakit ka kasi nagpahuli?"

"Abay malay ko bang makikita ako ni Martin sa crowd. Daig pa niya CCTV na may Michelle detector!" Pagbibiro ko habang umiiling ako habang naglalakad kami.

Hawak ni Martin yung kanang kamay ko at nauna siya samin samantalang ako hawak ko rin kamay ni Zaida paakyat na kami sa second floor.

Chương tiếp theo