webnovel

Chapter 220

"Kung di mo naman hahalikan yung nabunot mo eh di wala namang problema dun." Kibit balikat kong sagot.

"Malamang suntukin ko yung nabunot mo kung ganun ang mangyayari." Galit naman niyang sagot.

Natawa na lang ako sa reaksyon niya paano parang bata.

Pumunta kami sa isang malaking mall around Makati area. Bago kami mamili ng damit at pang exchange gift namin naisip muna namin mag dinner.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin habang naka upo na kami sa dalawahang lamesa. Pinili naming kumain sa isang Filipino food sa may ground floor ng mall.

"Type ko yung bagnet saka chapsuey mukang masarap eh." Sagot ko naman habang naka tingin sa menu.

"Samahan ko nalang ng sinigang na bangus para may sabaw tayo ha!"

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon kaya agad niya itong inorder sa waiter.

"Anong iniisip mong bilhin ng pang exchange gift mo?" Tanong sa akin ni Martin nung maka alis yung waiter.

"Iniisip ko kung belt or neck tie yung bibilhin ko, atleast kasi yung general na sinusuot ng lalaki. Ikaw, ano sayo?" Tanong ko rin sa kanya sabay dampot ng isang basong tubig na nasa lamesa namin.

"Baka jewelry bilhin ko. Ano sa tingin mong maganda earrings or bangles?"

"Wow, sosyal!" Papuri ko.

"Sabagay mga sosyal nga pala yung mga list of friends mo." Muli kong sabi ng maiisip ko yung mga list of friends na meron siya.

"At least wala silang marereklamo!" Sagot naman niya sa akin.

"Ikaw, Anong gusto mo?" Tanong niya uli sa akin.

"Gusto ko? Bakit tinatanong mo?" Takang tanong ko.

"Syempre bibilhan din kita!" Sabay kindat sa akin.

"Wag na!" Mabilis ko namang tangi.

"Bakit ayaw mo?"

"Ang dami mo ng gastos, saka nalang ako!"

"Siya nga pala speaking of gastos. Pwedi bang ako na ang magbayad nung sa wedding dress ko saka yung mga sa damit nila Mama at Papa."

"Huh?" Tanging sagot niya sa akin habang naka kunot ang noo at naka titig sa akin.

"Paano kasi wala man lang akong ambag sa kasal natin kaya sana kahit yun lang payagan mong ako na magbayad."

"Ano ka ba naman Hon di ba nga sabi ko sayo ang tanging gagawin mo lang ay umatend sa kasal natin at coordinate kay Zaida yung gusto mong mangyari at speaking sa gastos ako na ang bahala kaya wag mo na yung alalahanin."

"Nakakahiya naman kasi!" Mahina kong sabi habang napakagat ako sa labi ko at napilitang yumuko. Paano kahit piso ayaw ni Martin maglabas ako ng pera.

Dahil sa reaksyon agad inabot ni Martin yung kamay ko.

"Hon!" Tawag niya sa akin.

Napilitin akong mag-angat ng tingin at tiningnan siya.

"Kung papayagan kitang ikaw magbayad ng susuutin mo at nila Papa't Mama. Saan ka naman kukuha ng pambabayad mo?"

"Gagawan ko ng paraan!" Mayabang kong sagot.

Kahit papano naman may savings na ko plus yung binibigay sakin ni Martin na allowance na di ko nagagastos then if ever kulang baka magloan nalang ako sa mga goverment agency. Kaya medyo confident akong hilingin yun sa kanya.

"Sige!" Sagot nama niya sa akin.

"Talaga!" Tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

"Oo, text mo si Zaida na send sa email mo yung payables para sa gown mo at yung kina Papa't Mama."

"Okey!" Masaya kong sabi.

Agad kong kinuha yung cellphone ko at agad ko ding tinext si Zaida.

"Zai, please send sa email ko yung bill para sa gown ko and para sa dress nung parents ko. Ako kasi magbabayad." Laman ng text.

"Okey, send ko sa email mo!"

"Thanks!"

"WC!" Huli niyang reply.

Sobrang busy ata at two letters nalang ang naisulat kaya di na ko nagreply.

"Natext mo na?" Tanong ni Martin.

"Yup!" Masigla kong sagot.

"Okey!" Napapa tango pa niyang sabi.

Maya-maya dumating na yung pagkain namain kaya nagsimula narin kaming kumain ni Martin.

Nag settle na ng bill si Martin ng tumunog yung phone ko indicating na may pumasok saking email. Agad ko namang sinilip at galing iyon kay Zaida.

Pagbukas ko nung sinend niyang SOA nanlaki yung mata ko at bigla kong nabitawan yung phone ko na nahulog sa sahig.

"Okey ka lang Hon?" Tanong ni Martin sa akin

Bigla akong nanlamig na parang magkakasakit ako sa nabasa kong amount dun sa billing ni Zaida.

"Ma'am yung phone niyo po." Sabi sa akin nung waiter na dumampot sa phone kong nalaglag buti nalang di nabasag.

"Salamat!" Sagot ko habang iniabot yun pero di ko na yun pinatagal sa kamay ko at muli kong nilagay sa bag ko.

"Anong yari? Yun na ba yung bill na sinend ni Zai?" Tanong ni Martin na natatawa.

Malamang alam na niya yung amount nung bill kaya pinagtatawanan niya ako. Sa halip na sagutin ko siya irap yung ginawa ko. Dahil nga tapos na siyang magbayad tumayo na ko at agad naman siyang sumunod. Malay ko ba na abot hanggang isang milyon yung wedding gown ko. Paano pa yung kay Papa at Mama sa tantiya ko baka abutin ng dalawang milyon lahat-lahat. Nag-iisip ako ng malalim ng maramdaman ko yung paglapit sa akin ni Martin.

Natatawa parin siya habang inakbayan ako palabas na ng restaurant. Naglalakad kami papunta sa second floor ng mall kung nasaan yung mga botique kung saan kami mamimili ng damit namin at pang regalo narin.

"Nagtext sakin si Zai kailan ka daw magsesettle?" Tanong niya sa akin.

Mahahalata mo talagang nang-aasar dahil nasa muka parin niya ang ngiti.

"Iniisip kong papalitan yung design nung gown na sinasabi ni Zai, di ako nagagandahan. May nakita ako sa Net na mas maganda yun na lang yung sa akin."

"Anong klase?" Siya naman ngayon ang nagtaka sa sinabi ko.

"Wait lang!" Sagot ko habang nagsearch ako sa google ng wedding gown.

"Ito oh!" Pinakita ko sakanya yung gown na nasa Lazada kung saan nasa twenty thousand lang ang price range.

"Seryoso ka?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman! Isang beses lang naman susuutin kaya dapat maging practical ka kaya pwedi na ito sa akin." Pagmamalaki ko sa kanya. Plus sakto iyon sa budget ko.

"Di ako papayag na yan ang susuot mo sa kasal natin!" Mabilis niyang reklamo.

Chương tiếp theo