"Hon, pwedi bang tapon na natin yun mga basura na yun. Ang babaduy kaya nila saka nag papangit ng sulat." Sabi ni Marti habang palabas kami.
"Hon wag mo ng pakielaman yung mga yun okey."
"Bakit?"
"Ipapabasa ko pa yun sa magiging anak ko."
"Kaninong magiging anak?" Ulit niya sa sinabi ko.
"Magiging anak natin." Paglilinaw ko.
"Very good!" Naka ngiti niyang sagot.
"Kain na tayo!" Yaya ni Mama nung makita kaming dalawa kaya agad kaming puwesto sa harap ng pagkain para maka kain na.
"Alam mo Ma, tinatago pa ni Michelle yung mga love letter niya pati yung sa Ex niya sabo ko itapon na niya ayaw pumayag!" Sumbong ni Martin kay Mama.
Agad ko siyang tiningnan ng masama paano kasi parang bata.
"Akalain mo yun nakita mo yun Kuya. Di yun ipapatapos ni Ate kasi papabasa pa daw niya yun sa magiging anak niya gaya-gaya kasi yan kay Mama eh."
"Ibig pong sabihin Ma meron din kayong mga old love letters?"
"Madami! Pero mas madami yung kay Ate."
"Oo nga puno yung isang box."
"Haha... may tatlong box pa siyang nasa ilalaim ng kama niya!"
Nanlaki yung mata ni Martin sa narinig niyang sinabi ni Mike tapos tumingin siya sa akin para confirm kung totoo yung sinasabi ni Mike.
"Di kaba nagwalis sa ilalim ng kama ko kanina." Sabi ko sakanya pero binigyan ko ng sipa si Mike sa ilalim ng lamesa paano napaka daldal paano nalang kung di ako tigilan ni Martin at gustong ipatapon ang lahat ng iyon.
"Di mo ba alam Kuya simula ng day care yan si Ate ay tumatanggap na yan ng love letter." Mayabang pang sabi ni Mike.
"Daldal mo talaga eh noh!" Di ko na napigilan sitahin siya kasi nga sinipa ko na siya sa ilalim pero di parin niya ko ma-gets or sadyang inaasar niya talaga ako.
"Tumigil na kayo!" Saway ni Mama.
Kaya nanahimik na kami at ganun din si Martin.
"Tapusin ko muna labahan ko!" Paalam ko at nauna na kong tumayo.
"Pahinga ka muna!" Pigil ni Martin sa akin.
"Saglit na lang yun, Ikaw matulog ka na at tigilan mo yung kakalkal dun sa kwarto ko." Saway ko sa kanya bago ako tuluyang bumalik sa harapan ng labahan ko.
Almost five na ng hapon ako natapos sa paglalaba at sobrang sakit ng likod ko.
Agad akong pumasok sa kwarto para kumuha ng damit pero laking gulat ko ng wala dun si Martin. Kanina kasi umakyat siya sa taas at inalok akong magmeryenda pero tinanggihan ko yun kasi nga busog pa ko simula nun ay di na siya umakyat.
Pagbaba ko sa sofa at dinatnan ko silang nagtatawanan habang naglalaro g chess si Papa at si Martin ang player samantalagang si Mama at si Mike naman ang cheerer nilang dalawa.
"Check ka Pa!" Sigaw ni Mike na halatang nasa side ni Martin.
"Alam ko! Wait lang at nag-iisip pa ko!" Protesta ni Papa.
"Hon, tapos ka na?" Tanong sa akin ni Martin ng mapansin na niya ako
"Oo ligo lang ako tapos alis na tayo." Sagot ko naman sa kanya saka tuluyan na kong pumasok ng banyo.
Habang naliligo ay rinig na rinig ko parin ang tawanan nila at base dun mukang natalo si Papa at ayaw pumayag kaya nagyaya pa ng second round pero ayaw ng pumayadg ni martin kasi nga daw paalis na kami. Kaya declare nalang daw na draw yung laban nila kaya nagtatawan sila dahil sa proposal ni Papa.
Hanggang lumabas ako ng banyo di parin sila natatapos sa pag-aasaran. Umakyat na ko sa taas para mag-ayos ng sarili ng biglang may kumatok.
"Hon!" Tawag ni Martin.
"Oh!' Sagot ko naman habang tinutuyo ko ng tuwalya yung buhok ko.
"Pasok ako!"
"Okey!" Pag-sangayon ko kaya agad siyang pumasok.
"Ako na magtutuyo ng buhok mo!' Presenta niya at kinuha na yung blower sa kamay ko at sinimulan ng tuyuin yung buhok ko.
"Sa Pad ko na ikaw matulog ha!"
"Di pwedi magagalit sila Papa at Mama."
"Pumayag na sila nagpaalam na ko"
"Huh?" Takang tanong ko.
"Oo napagpaalam na kita tapos naihanda ko narin yung uniform mo." Sabay nguso yung bag na nakapatong sa kama ko.
"Ano yung laman nung ecobag?" Tanong ko sa kanya kasi maliban sa bag ko na ginagamit sa trabaho may katabi iyong ecobag.
"Secret!" Pang-asar niya sa akin.
Hinayaan ko nalang hanggang sa maka alis na kaming dalawa.
"Tulog ka muna, gisingin na lang kita mamaya pagdating natin dun." Utos sa akin ni Martin.
Bahagya niya pang pinahiga yung upuan para mas maging kumportable ako sa position.
Dahil nga sa pagod ay naka tulog ako kagad. Naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog yung cellphone ko pero bago pa ko tulyang tumayo para kunin yun ay inabot na yun sa akin ni Martin.
"Hello!" Medyo grogy ko pang tanong.
"Hoy Michelle seven pa lang tulog ka na?" Sigaw ng babae sa kabilang linya.
"Anna tigilan mo ko! Anong kailangan mo?" Masungit kong sagot habang nanatili parin akong naka pikit.
"Pauwi si Kuya bukas may pinadala akong pasalubong para sayo kunin mo."
"Sabihin mo hatid na lang niya sa bahay!"
"Ayaw nga niyang pumunta sa inyo eh... natatakot kay Tita baka daw bugbugin siya."
"Sus matagal na siyang nakalimutan ng nanay ko kaya wag siya kamong mag-alala." Sagot ko at tuluyan na kong tumayo para pagmasdan yung kinaroroonan ko.
Asa kotse parin ako ni Martin samantalang siya ay nasa driver seat parin at naka tingin parin sa akin. Nasa may parking lot kami ng isang establishment kung saan organizer ng mga occasion. Malaman doon yung sinasabi ni Martin na wedding planner na dapat naming kausapin.
"Ayaw eh... meet nalang daw kayo diyan malapit sa work mo."
"Okey sige!" Pagsang ayon ko.
"Hon?" Protesta ni Martin.
Nginitian ko lang siya para sabihing okey lang at wala siyang dapat alalahanin.
"Kasama mo boyfriend mo?'
"Oo!"
"Fiance mo ko!" Muling sabad ni Martin.
"Oh narinig mo fiance ko day siya at di boyfriend at may meeting kami sa wedding planner kaya wag kang magulo. Bye na!"
"Grabe ka pinagpalit mo ko sa lalaki."
"Naman!"
"Michelle!" Sigaw ni Anna.
"Bye na usap tayo bukas!" Paalam ko at tuluyan ko ng pinatay yng phone at di ko na siyang hinayaang magsalita.