webnovel

Chapter 190

"Hays!" Buntong hininga ko.

Wala akong nagawa kundi ituloy nalang ang pagsisipilyo habang patuloy na kumikinang yung sing-sing na nasa daliri ko.

Mabilis lang akong naligo kasi nga maliligo din naman ako mamaya at agad ding nagbihis. Nagsuot ako ng leggings and white t-shirt paparesan ko yun ng beach sadals para kahit mabasa okey lang.

Binalot ko muna ng tuwalya yung buhok ka naisip ko kasi mamaya na ko mag dryer para di magising si Martin dahil sa ingay.

"Hello, good morning order sana ako ng food. Two topsilog with egg paki well-done yung isa tapos pahingi narin ng hot water and cup. Paki deliver later mga six. Okey Thank you!"

Mahina kong sabi sa telephone. Omorder na ko ng breakfast namin bago ako magumpisang mag-ayos baka kasi maka limutan ko wala kaming kainin ni Martin lalo pa nga yung tour package na kinuha ko is free lunch lang.

Nagsimula na kong magligpit ng mga dadalhin namin inuha ko yung back pack namin ni Martin.

Inuna kong ilagay yung mga gamit ko like tuwalya, spare na damit pampalit pag-uwi and yung rushguard ko. Di ko rin kinalimutan yung lotion, sunblock, sabon and other na kakailanganin ko sa paliligo. Nung matapos ako ng sa akin kay Matin naman yung nilagyan ko halos patapos na ko sa pagliligpit ng marinig kong magsalita si Martin.

"Morning!"

"Morning!" Ganting bati ko sa kanya sabay sipat sa relo ko mag six na ng umaga. Kaya muli akong nagsalita.

"Bangon ka na!" Uto s ko.

"Hmmm...!" Pagsang-ayon niya at tuluyan na siyang tumayo.

Lumapit siya sa akin at agad yumakap sa likuran ko habang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Kanina ka pa gising?" Lambing niya.

"Medyo, Inayos ko kasi yung mga dadalhin natin."

"Dapat ginising mo ko para tulungan kita." Sambit niya sabay halik sa pisngi ko.

"Hay naku ibang tulong yung gagawin mo!" Irap ko sa kanya.

"Haha...haha... Tinulugan mo ko kagabi ha!"

"Hay naku Martin mabuti pa maligo ka na parating na yung pagkain natin kaya bilisan mo." Pag-mamadali ko sa kanya.

"Kiss muna!"

"Maligo ka na! Amoy laway ka!" Pagtataboy ko sakanya habang itinutulak siya papasok sa banyo.

"Bilisan mo lang ha, wag ka ng magdilly-dilly diyan!" Muling sigaw ko bago ako bumali sa upuan para ipagpatuloy ang pagliligpit ng damit niya.

Maya-maya lang ay dumating na yung inorder kong pagkain sakto lang dahil tapos na ko agligpit ng mga dadalhin namin.

Inaayos ko na yun sa table ng lumabas si Martin galing banyo habang naka tapis lang ng tuwalya sa baywang niya habang pinupunasan ng yung ulo niya para tuyuin ang buhok niya.

"Pwedi mong hawakan libre lang!" Pag tease sa akin ni Martin paano napansin niya ata na titig na titig ako sa katawan niya. Paano ba naman kasi napaka yummy talaga ng kawatan niya di ka magsasawang tingnan lalo pa nga wala kang makikita kahit kaunting taba at abs pack na pack.

Pinagpatuloy ko nalang yung pagliligpit sa lamesa bago pa tumulo yung laway ko.

"Nasa may kama na yung damit mo, magbihis ka na!" Utos ko sakanya para maka kain na kami.

Umupo na ko sa lamesa habang hinihintay siya.

"Bilisan mo!" Pagmamadali ko sakanya.

"Coming!" Sigaw naman niya. Maya-maya naririnig ko na yung yabag niya papalapit sa akin.

"Gutom na?" Tanong niya sa akin ng halikan niya ko sa pisngi.

Hinintay ko muna siyang maka upo sa tabi ko bago ako magsalita.

"Lalamig na kasi yung pagkain kapag nagtagal ka pa!" Irap ko sa kanya.

"Kala ko kasi gutom na gutom ka na." Naka ngiti niyang sagot.

"Tapa pala inorder ko, okey lang?" Tanong ko sa kanya habang nagsisimula na kong kumakain.

"Okey lang!" Sagot niya sa akin at nagsimula narin kumain.

"Hon, wala ka bang sasabihin sa akin?" Tanong niya sa akin habang naka tingin sa muka ko.

"Anong sasabihin ko sayo?" Takang tanong ko din. Pero alam ko yung tungkol sa sing-sing yung gusto niyang itanong ko pero sympre maang-maangan too the max ako.

"Yung tungkol sa sing-sing!" Usal niya.

"Tungkol sa sing-sing?" Kunot noo kong sagot.

"Oo yung sing-sing na binigay ko sayo!" Medyo iretable na niyang sabi.

"Huh, ito?" Sabay taas ng kaliwa kong palad kung saan makikita niya doon yung promise ring na binigay niya sa akin last time.

"Di yan!" Mabilis niyang sagot.

"Hindi ito, eh ito palang naman sing-sing na binigay mo sakin." Naka kunot noo ko naring tanong.

"I mean yung nilagay ko na sing-sing sa daliri mo kagabi." Explain niya.

"Wala naman sing-sing sa daliri ko kagabi maliban dito sa promise ring na binigay ko sakin. Sure ka ba sa daliri ko mo iyon naisuot?" Naka taas kilay kong tanong.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Hon, Oo naman sigurado akong sa daliri mo iyon isinuot saka wala naman na tayong ibang kasama dito." Naalarma niyang depensa.

"Malay ko ba? Naka tulog ako kagad kagabi di ko na nga naramdaman na lumabas ka or tumabi ka sakin sa kama."

"Di ako lumabas kahit pa tingnan mo sa CCTV. Pagkatapos kong maligo agad akong tumabi sayo kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung ano-ano"

"Eh bakit defensive ka?" Tanong ko sakanya.

"Di ako defensive! Pinapaliwaga ko lang. Saka di yun yung point asan na yung sing-sing na inilagay ko diyan sa daliri mo."

"Aba malay ko sayo, paggising ko wala namang sing-sing na nakalagay sa daliri ko maliban dito sa suot ko." Kibit balikat kong sagot habang kumakain.

"Imposibleng malaglag yun, sure ako sa sukat ng daliri mo!" Pabulong niyang sabi habang tumayo at pumunta sa kama.

Nagsimula siyang tanggalin lahat ng unan at ipagpag ang kumot pati yung sapin. Nung wala siyang makita kahit iniangat na niya yung foam sa may sahig naman siya nagsimulang maghanap pati ilalaim ng maka di niya pinaligtas.

Habang ginagawa niya iyon nililigpit ko naman yung pinagkainan namin at inilagay ko sa labas ng pinto para kunin ng room service. Pagbalik ko nakita ko si Martin na lumabas sa banyo mukang hanggang doon naghanap na siya.

Tumatagaktak yung pawis niya at makikita mo sa muka niya yung pag-aalala Sabagay kahit ako mag-aalala rin dahil sa presyo ng sing-sing na yun.

"Ano nakita mo?" Inosente kong tanong.

"Hindi!" Malungkot niyang sagot na akala mo ay iiyak na.

Chương tiếp theo