webnovel

Chapter 188

"Mamaya ikaw naman tatantusan ko!" Sagot ko sa kanya habang iniirapan siya.

"Haha..haha... and I love that!" Bulong niya sa akin sa tenga habang sabay pulupot ng mga kamay niya sa bewang ko.

"Ewan ko sayo!" Sabay siko sa tagiliran niya.

"Sungit!" Muli niyang bulong sa akin at syempre di niya kinalimutang i-tease ako sa pamamagitang ng pagkagat ng punong tenga ko. Sinimangutan ko siya dahil dun.

"Kain na muna tayo, saka na yang pa-cute mo!" Sabi niya sa akin bago ako iginaya palabas nung banyo.

"Excuse me di ako sayo nagpapa-cute." Paalala ko sa kanya.

"So.. anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin habang di na papawi ang mga ngiti sa labi niya..

"Naasar ako sayo!" Sabi ko sakanya sabay kurot.

"Bakit nanaman?" Pa-inosente niyang tanong habang lumapit na sa lamesa at hinila niya yung isapng upuan para sa akin na agad ko din inupuan kasunod nun ay umupo narin siya sa may tabi ko at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa aking pinggan.

"Sabi ko naman kasi sayo na wag mo kong lagyan ng hickey kung saan-saan. Malalagot nanaman ako nito kay Mama kapag nakita niya ito." Pagsesentimento ko.

"Don't worry bago naman tayo makabalik sa Manila di na yan visible saka bumili ako ng concealer pantakip mo diyan." Sabay kindat pa sakin.

"Ayos ah! Mukang prepared ka pala!" Sarcastic kong sabi.

"Oo naman, may dala na nga rin akong condom if ever pumayag ka if ever namang ayaw mo nung gumamit may dala na rin akong pills kaya no woory ka talaga pero if ever gusto mo na agad magka baby tayo mas pabor yun sa akin." Tuloy-tuloy niya sabi sa akin.

Di ako naka sagot sa mga sinabi niya. Parang mali ata talaga na pumayag akong magbakasyon kaming dalawa.

"Kain na!" Utos niya sa akin nung mapansin niyang di ko ginagalaw yung pagkaing inilagay niya sa pinggan ko.

"Ayaw mo ng food, pwedi akong omorder ng iba. Ano like mo?" Muli niyang tanong sa akin habang tumayo para kunin yung wirelss phone para siguro tumawag sa receptionist.

"Okey na sakin ito." Matipid kong sagot at nagsimula na kong kumain.

"May problema?" Tanong niya sa akin habang kumakain na rin.

"Wala naman!" Kibit balikat kong sagot.

"Eh parang galit ka?"

"Di naman!"

"Eh bakit ang tipid ng sagot mo na parang ayaw mo na akong kausap."

"Iniisip ko lang kasi naisipan mong magdala ng concealer, condoms at pills pero parang nakalimutan mo atang magdala ng engagement ring para sa akin."

"Actually may dala din ako kaya lang hinihintay ko lang yung magandang tyempo para ibigay sayo pero dahil nga binanggit mo na wait ko kunin ko." Akma na siyang tatayo ng pigilan ko siya.

"Ano ka ba binibiro lang kita! Ikaw naman patola ka!" Mabilis kong sabi.

Di ko sure kung may dala talaga siyang sing-sing para sa akin or binibiro lang din niya ako pero syempre ayaw kong sumugal kasi di ko alam ang isasagot sa kanya if ever magpropose na talaga siya sakin. Even do napag-usapan naman na namin na after one year saka namin pag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Pero di ko parin maintindihan si Martin kung bakit parang madaling-madali siyang magpakasal kami dahil ba sa sex or may iba pa siyang dahilan na sadyang di ko maintindihan.

Dahil sa inasta ko biglang natahimik si Martin para siyang nalungkot sa reaksyon ko kaya di ko mapigilang magpaliwanag.

"Hon, diba usapan natin after one year natin pag-uusapan yung tungkol sa kasal?"

"Oo, pero gusto ko sana Hon ma-engaged na tayo para next year kasal nalang pag-uusapan natin." Paliwanag niya sa akin.

"You mean may dala ka talagang sing-sing para sakin ngayon?" Gulat na gulat kong tanong.

"Meron!" Matipid niyang sagot.

Muli sana akong magsasalita pero di ko na alam kung paano ayaw ko naman siyang saktan pero paano ko sasabihing saka na lang para tuloy akong biglang kinabahan.

Naka tingin sa akin si Martin na pawang naghihintay ng sasabihin ko sa kanya pero nanatiling tikom yung labi ko habang muli akong kumain, di ko na tiningnan si Martin kahit ramdam na ramdam ko yung mata niya ay naka focus parin sa akin.

"Ayaw mo ba?" Malungkot niyang tanong.

"Yung pagkain? Gusto ko.... masarap!" Sagot ko sa kanya pero alam ko naman di yun ang tinatanong niya sa akin at ang hiling ko sana ay pagbigyan niya na ko at tuluyan ng kalimutan yung proposal niya.

"Yung engagement yung tinatanong ko."

Wala akong nagawa kundi tingnan siya dahil sa tingin ko di niya talaga ako titigilan hanggat di ko sinasagot ang tanong niya.

"Next year na lang natin pag-usapan" Paki-usap ko sa kanya.

"Same lang naman yun, ngayon or next year."

"So talaga dapat ngayon?" Takang tanong ko sa kanya.

"Oo!" Matipid niyang sagot habang tumatango-tango pa.

Wala akong nagawa kundi umupo ng tuwid at tumingin sa kanya para malaman kung talagang seryoso siya sa sinasabi niya at andun sa mga mata niya nakikita ko yung determination niya na papayagin ako sa gusto niyang mangyari.

"Anong bato yung nasa sing-sing?"

Dahil nga sa tingin ko wala na kong lusot pinili ko nalang pagaanin yung sitwasyon ng usapan naming dalawa.

"Diamond." Sagot naman niya sa tanong ko.

"Hmmm... white?"

"Red."

Mabilis akong nagtaas ng tingin ng marinig ko yung sinabi niya paano ang red diamond is the most expensive color ng diamond at makikita niya sa muka ko ang labis na pagkabigla. Halos malaglag ang panga ko sa sahig nung marinig ko pa yung mga sunod niyang sinabi.

"Round cut red diamond siya na two carats with white gold band worth...!"

Di na niya natapos yung sasabihin niya dahil tinakpan ko na yung bibig niya.

"Ayaw ko niyan!" Mabilis kong sagot habang nilalamig yung buong katawan ko.

Paano ba naman sa red diamond palang nalulula na ako and take note two carats pa siya at di na yun kayang compute ng utak ko.

"Hon?" Tanong niya sa akin at halatang takang taka sa reaksyon ko pero andun yung pain sa mata niya. Naisip niya marahil na tinangihan ko yung proposal niya dahil sa sinabi ko.

Chương tiếp theo