webnovel

Chapter 185

Mag four na ng hapon kami matapos sa pamimili ng mga kakailanganin namin para sa pag tour sa buong Palawan kasama na dun yung mga daily necessities and light snacks namin.

"Pagod ka na?" Tanong ko kay Martin nung lumabas siya galing banyo para umihi.

"Di naman, bakit gusto mo mag exercise tayo?"

"Oo, exercise tayo! Tara!" Sabay hila ko sa kamay niya palabas uli ng Hotel.

"Saan tayo pupunta?"

"Mag-exercise!" Matipid kong sagot habang naka ngiti. Paano alam ko naman yung tinutukoy ni Martin na exercise pero sakin kasi literal na exercise ang gusto kong gawin namin.

"Exercise sa labas at sa ganitong oras?" Takang tanong niya sa akin habang naka tayo kaming dalawa sa harap ng Hotel.

"May pupuntahan tayo kung saan maganda mag exercise." Naka tingin lang sa akin si Martin at di na muli pang nagtanong hanggang pumara ako ng tricycle.

"Mag-taxi na lang tayo!" Reklamo niya.

"Ano ka ba kahit paminsan-minsan sumakay ka din ng pang pahirap na sasakyan." Sabay hila sa kanya papasok sa tricycle. Dahil nga nauna na kong pumasok wala na siyang nagawa kundi sumakay na rin.

"Kuya pahatid naman kami sa may Puerto Princesa Bay Walk."

"Ah sige po Ma'am, tamang-tama palubog na yung araw maganda ang view doon at talagang dinadayo ng mga turistang kagaya niyo." Sagot sa akin ni Manong Driver habang nagmamaneho.

"Manunuod tayo ng sun set?" Tanong ni Martin sa akin.

"Oo manunuod tayo, habang naglalakad para ma exercise ka!" Sagot ko sa kanya sabay kindat.

Napa-iling na lang siya sa akin habang kinabig ako palapit sa kanya kahit kung tutuusin very crowded na kami sa loob ng tricyle paano ba naman medyo maliit yung tricycle na nasakyan naming dalawa kaya para kaming sardinas na dalawa pero mukang nag-eenjoy naman si Martin sa sitwasyun namin lalo na kapag nalulubak dahil nakaka take advantage siya sa akin.

"Tigilan mo yung pagpisil-pisil mo diyan! Itutulak kita mamaya!" Pagbabanta ko kay Martin. Pero sinugurado kong kaming dalawa lang ang nakaka rinig ng sinabi ko sa kanya.

"Ini-exercise ko lang naman yung mga daliri ko! Bakit ka nagagalit?" Pa inosenteng sagot sa akin ni Martin pero punong-puno ng malisya yung ngiti niya.

Muli ko pa sana siyang bubulyawan ng biglang magsalita yung driver na ankarating na daw kami sa may Bay Walk. Kaya agad kaming bumaba. Mabilis na inabot ni Martin yung one hundred peso bill sa driver.

"Keep the change Manong!" Naka-ngiti niyang sabi sabay akbay sa akin.

"Galante!"

"Galante ako kasi nag-enjoy ako sa ride!" Sabay kindat sa akin.

"Dapat ako binibigyan mo ng tip kasi ako naman itong nilalamas mo!"

"Haha...haha... mamaya bibigyan kita ng reward at tiyak ko titirik ang mata mo dahil sa dun!"

"Tigilan mo ko!" Sagot ko sa kanya at tuluyan na kong nauna sa kanya sa paglalakad. Mabilis naman siyang humabol sa akin at umakbay.

Tinanggal niya rin yung ipit ng buhok ko at dahil dun kumawala yung makapal at alon-alon kong buhok.

"Bakit mo inalis? Akin na!" Sabi ko sa kanya habang inaabot ko yung ipit ko na itinago niya sa bulsa ng kanyang short.

"Mas gusto ko kapag naka lugay yung buhok mo!" Sabi niya sa akin habang hinalikan ang ulo ko.

"Mainit kaya!" Reklamo ko.

"Di naman na!" Sagot niya sa akin. Sabagay malapit ng lumubog ang araw kaya di na maalinsangan plus dahil nga nasa tabing dagat kami napaka lakas na ng simoy ng hangin. Naglakad lang kami ng dahan-dahan habang naka akbay siya sa akin.

Madami ding taong naglalakad na kagaya namin may mga lovers, magbabarkada, family and mga foregner. Maganda ang view sa Pwerto Princesa Bay Walk matatanaw mo yung bulubundukin ng Palawan habang punong-puno ng makukulay na ilaw yung mga poste pero andun parin yung katahimikan ng paligid despite na madaming tao kaya pwedi kang mag-munimuni.

"Upo tayo dun!" Yaya sa akin ni Martin habang tinuturo yung isang bakanteng upuan sa gilid.

"Sige na mauna ka na!"

"Bakit saan ka pupunta?"

"Bili lang akong tubig dun!" Sabay turo yung mga stall sa kabilang kalsada kung saan puno ng mga nagtitinda.

"Samahan na kita!" Sagot niya sa akin.

"Wag na, saglit lang ako. Isa pa tanaw mo naman ako at saka wag kang mag-alala di kita iiwan!" Sabay halik sa labi niya at tuluyan na kong umalis na di ko na hinintay na sumang-ayon siya kasi alam ko naman na magpupumilit nanaman siyang sumama sa akin.

Bago ako tuluyang tumawid sa kalsada muli akong lumingon sa kinakaroonan niya. Natuwa naman ako kasi di niya ko sinundan at naglalakad na siya papunta sa bangko na itinuro niya kanina kaya tuluyan na kong tumawid ng kalsada pero sa halip na sa tindahan ng tubig ako dumiretso ay tumuloy ako sa nagtitinda ng mga ihaw-ihaw.

Actually gusto ko talagang kumain nun pero dahil kasama ko si Martin malamang di niya ako papayagang bumili kaya di ko siya isinama sa pagpunta dun para makapili ako ng maayos.

Bumili ako ng isaw ng manok at baboy, pati paa saka dugo, sinamahan ko na rin ng laman ng baboy para kay Martin. Habang inaabot ko yun sa tindera feeling ko may naka tingin sa akin at pinagmamasdan ang kilos ko, kaya agad akong lingon sa dereksyon ni Martin at di nga ako nagkamali nakatingin siya sa akin kaya agad ko siyang nginitian pero sa halip na suklian niya ko ng ngiti ay umiling-iling siya na senesenyasan akong wag akong bumili nun pero syempre di ko siya sinunod at inilabas ko lang yung dila ko para lalo siyang asarin.

Habang hinihintay kong maluto yung ipinapaihaw ko ay naka tayo ako sa bandang gilid habang naka harap kay Martin at ganun din siya sa akin. Parehas naming pinagmamasdan ang isat'isa sa malayo. Minsan nag funny face kaming dalawa para malibang habang nag-iintay.

"Miss luto na po yung order mo."

"Ah talaga!" Sagot ko na nagulat paano nawili ako kay Martin.

Mabilis akong nagbayad pero bumili muna ako ng inumin para saming dalawa bago ako bumalik sa kanya.

"Bakit ang tagal mo?" Reklamo niya.

"Dami kasing bumibili!" Sagot ko sa kanya habang umupo na ko sa tabi niya at inilapag yung binili ko.

Chương tiếp theo