"Michelle, Andito na sundo mo!" Sigaw ni Mama sa akin mula sa baba. Naka bihis naman na ko at naayos ko narin yung dadalhin ko kaya lang nagcheck parin ako baka sakaling may nakalimutan pa ko.
Nung sa tingin ko okey na ang lahat binuhat ko na yung maleta ko at isinukbit ko na yung sling bag ko at tuluyan na kong lumabas.
Di pa ko nakaka hakbang ng unang baitang ng hagdan bumungad sa akin si Martin na paakyat narin kaya napahinto ako. Agad siyang humakbang paakyat at kinuha yung maleta sa kamay ko at higit sa lahat di niya kinalimutang dampian ng halik yung labi ko.
"Morning!" Bati niya sa akin nung maghiwalay yung labi naming dalawa.
"Morning! Bakit umakyat ka pa pababa narin naman ako!" Sabi ko sakanya habang bumababa na kami ng hagdan.
"Baka kasi mahirapan kang bitbitin yung maleta mo kaya sinundo na kita."
"Gaan-gaan nito!" Sabi ko naman sa kanya.
"Yaan mo na kasi ako, alam mo naman ayaw kitang nahihirapan."
"Nagda-drama ka nanaman!" Sabi ko sa kanya habang kumapit ako sa braso niya.
"Nag-almusal ka na ba Martin?" Tanong ni Papa nung tuluyan kaming maka baba.
"Sa airport na lang po ako maglunch Tito!" Magalang na sagot niya. Paalis narin sila Papa at Mike papuntang office and school.
"Di ka pa kumakain?" Takang tanong ko naman.
"Kasasabi lang nga diba ni Kuya, sus si Ate talaga!" Pambabara ni Mike sa akin.
"Ikaw, pumasok ka na nga!" Bulyaw ko kay Mike.
"Alis na kami Ma, Kuya Martin una na kami, Ikaw na bahala sa ate ko ha baka maligaw yan sa Palawan hawakan kong mabuti." Bilin pa ni Mike kay Martin bago tumakas dahil alam niya na babatukan ko siya.
"Sige na mauna na kami, ingat kayo ha!" Bilin ni Papa at tuluyan naring lumabas habang hinatid sila ni Mama sa labas.
"Ikaw kumain ka muna!" Baling ko kay Martin sabay kuha sa kamay niya yung maleta ko na hawak parin niya at inilapag ko muna sa gilid ng pinto bago ko siya tuluyang hinila papuntang lamesa.
"Baka ma late tayo!" Reklamo niya habang pinaupo ko siya sa lamesa.
"Maaga pa ten pa naman yung flight natin." Sagot ko sa kanya habang tinggal ko yung takip ng nasa lamesa. Naiwan doon ay pritong tuyo at sinangag na kanin yun ang almusal namin kanina.
"Kumakain ka ba niyan?" Tanong ko sa kanya habang kumuha ako ng pinggan at kutsara.
"Oo naman, palagay mo sa akin!" Reklamo niya.
"Malay ko bang marunong kang kumain niyan." Pang-aasar ko sakanya pero kinuhaan ko siya ng suka na may sili at bawang panalong pares ng tuyo sa umaga at umupo ako sa tapat niya.
Akala ko mag-uumpisa na siyang kumain ng damputin niya yung kutsara at tinidor pero bigla siyang tumayo at ibinalik ang kubyertos at naghugas ng kamay at muling bumalik sa lamesa.
"Magkakamay ka?" Takang tanong ko.
"Oo naman ang hirap kayang kumain ng tuyo ng naka kutsara at tinidor." Sagot nya sa akin.
Di ko napigilang matawa, "Oo nga naman saan ka ba nakakita ng kumakain ng tuyo na di tinedor at de kutsara."
"Si Mang Kanor nag-almusal na ba?" Tanong ko sa kanya kasi nga nakaka hiya naman na maghintay yung isa dun sa labas habang kumakain si Martin.
"Kumain na daw siya, Niyaya ko ngang pumasok para makapag-almusal or magkape ayaw naman. Okey lang daw siya dun!" Sagot ni Mama sa tanong ko nung pumasok na.
"Naka-alis na sila Papa?" Tanong ko kay Mama.
"Oo, naka alis na!" Sagot ni Mama habang kumuha ng tubig at inilagay sa tapat ni Martin. Doon ko lang naalala na di ko pala nakuhaan ng tubig yung isa.
"Sorry nakalimutan ko!" Sabi ko kay Martin habang nginitian siya.
"Buti pa si Tita inaalala ako samantalang yun girlfriend ko di man lang niya inisip na bigyan ako ng tubig paano na lang kapag nabilaukan ako." Pag-dadrama naman niya.
"Nag-uumpisa ka nanaman!" Sagot ko sakanya.
"Tita inaaway po ako ni Michelle!" Sumbong ni Martin sa Mama ko. Di ako makapaniwala na ginawa niya yun parang bata.
"Baliw!" Usal ko na tanging kaming dalawa lang ang nakaka rinig kasi umalis na si Mama papasok sa kwarto nila ni Papa.
"I love you!" Sagot naman niya sa akin.
Ganun naman lagi yun kapag may sinasabi ako sakanyang negative or masakit na salita ang lagi niyang sagot is I love you at dahil dun wala na kong nagawa kundi manahimik na lang.
Hinayaan ko nalang siyan kumain at di na ko sumagot. Nakaka tuwa lang siyang pagmasdan na kumakain habang naka kamay kasi kahit naka kamay siya napaka elegante parin niyang tinangnan ngi di man lang nabawan yung poise niya hatalang napaka elegante and napaka guapo.
"Nagaguapuhan ka nanaman sakin?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
"Oo naman kasi kung pangit ka di kita sasagutin noh!" Sagot ko sa kanya.
"So mahilig ka rin pala sa guapo?" Pag-tease niya sa akin.
"Naman! Kung ako nga pangit marahil di mo din ako papansinin."
"Naman din!" Sagot din niya sa akin habang sumusubo ng pagkain niya."
"Magaling kung ganun! So kailangan ko palang maintain ang aking kagandahan para di mo kko iwan!"
"Syempre! Sayang naman yung ka guwapuhan ko kung papangit ka!" Pagiging narcistic niya.
"Ah ganun!" Sagot ko sa kanya habang tuluyan na kong lumapit sa kanya para pingutin yung tenga niya.
"Sige lapit ka punasan kita ng tuyo!" Sabay lapit sa akin ng kamay niya na parang ipapahahid sa muka ko.
"Ew... ka talaga! Diyan ka na nga muna dalhin ko nalang muna yung maleta ko kay Mang Kanor para para pagtapos mo diyan alis na tayo!" Tuluyan na kong umalis at binitbit yung maleta ko palabas.
Pagbalik ko tapos na siyang kumain at hinuhugasan na niya yung pinggan na ginamit niya.
"Hinayaan mo na lang sana diyan!" Sabi ko ng maka lapit na ko sa kanya.
"Naki-kain na nga ako magiiwan pa ba ako ng kalat." Sagit niya sa akin habang nilalagay na yung pinggan niya sa pingganan namin.
"Bahala ka na nga diyan!" Sagot ko sa kanya bago ako kumatok sa kwarto ni Mama para magpaalam uli.
"Ma, alis na po kami ni Martin!" Nagliligpit si Mama ng kwarto nila ni Papa nung pumasok ako.
"Ah ganun ba, sige ingat kayo ha at sarado mo nalang yung pinto."
"Opo Ma!"
"Alis na po kami Tita!"
"Sige ikaw na bahala ay Michelle, Martin ha!"
"Opo!" Magalang na sagot ni Martin at tuluyan na kaming umalis.