"Ayaw ko! Di ako papayag sa gusto mong mangyari!" Sabay yakap niya sa akin ng mahigpit.
"Martin sana maintindihan mo ko!"
"Di ako papayag!"
"Martin please!"
"Feeling ko kasi kapag pumayag ako tuluyan ka ng mawawala sa akin." Sagot ni Martin sa akin habang naka tingin sa muka ko. Nasa mata niya yung takot at pag-aalala.
"Di naman yun sa ganun kaya lang ayaw sakin ng family mo." Sagot ko sa kanya malapit nanaman pumatak yung luha ko..
"Who cares if they don't like you ang importante gusto kita at yun lang ang mahalaga."
"Pero di pwedi yun, importante sila sayo and ayokong ako ang maging dahilan para sa di niyo pagkakaintindihan." Tuluyan ng pumatak yung luha ko ayaw ko kasi sana ng kumplekadong relasyon. Pagpatak ng luha ko agad iyon pinunasan ng thumb niya para di tuluyang umagos sa pisngi ko.
"Michelle listen, ganito na lang uuwi ako ngayon sa Laguna para linawin sa kanila na di na imposible na para samin ni Elena kaya wag na silang umasa. Aayusin ko ito ngayon ha kaya wag mo ng isiping makipag hiwalay sa akin okey! Tahan na!" Pag-aalo niya sakin habang hinalikan ako sa magkabilang pisngi.
"Di mo na ba talaga siya mahal?" Halos pabulong kong tanong sa kanya.
"Hindi na! Ikaw na yung mahal ko at di yun magbabago sa pagbabalik niya"
"Di mo ko panakip butas?"
"Bakit mo yan naiisip? Mahal kita and I'm sincere about it."
"Pero sabi kasi nila sobra yung pagmamahal mo kay Elena dati at lumaki kayong sabay kaya imposibleng di mo na siya mahal." Napabuntung hininga si Martin dahil sa sinabi ko at idinikit niya yung noo niya sa noo ko habang nasa baywang ko yung dalawang kamay niya.
"Tama ka minahal ko nga siya ng sobra, sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko at sa lahat ng taong naka paligid sa akin. Inalay ko sa kanya ang lahat oras ko, pangarap ko at sarili ko kulang na nga lang sambahin ko siya. Pero yung pagmamahal na yun nawala ng ipalaglag niya yung baby namin."
Ramdam na ramdam ko yung bigat ng nararamdaman ni Martin Di ako maka paniwala sa sinabi niya sa akin na pinalaglag ni Elena yung baby nila. Paano? Agad kong tanong kasi base sa mga narinig ko sa mga kaibigan at pamilya niya mahal na mahal siya ni Elena. Bakit niya nagawang ipalaglag yung isang inosenteng baby na bunga ng pagmamahalan nilang dalawa so why? Yun ang tanong ko sa sarili ko di ko napigilang itanong kay Martin.
"Bakit?"
"Di pa daw siya handa masyado pa daw kaming mga bata. Pwedi naman daw kami uling magkaanak kapag okey na ang lahat. Kapag nakapag tapos na kami and stable na yung mga career namin"
"Eh bakit siyang pumayag gawin niyo yun kung di pa pala siya handa?" Di ko napigilang mapa sigaw kasi diba anong sense kung ayaw mo pa palang magkaanak eh bakit ka pa nakipag sex, sabihin na natin eh gustong-gusto mo talaga eh may pills naman, condom or any way na di maka buo hindi kung kailan naka buo ka na saka mo sasabihing di ka pa handa. Medyo nagulat si Martin sa reaksyon ko pero napa ngiti siya at hinila ako paupo sa kama malamang nangawit na sa pagkakatayo namin.
"Since birth magkasama na kami ni Elena magkasama kaming matutong gumapang, maglakad, at magsalita. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong sa halip na Mommy ang una kong mabigkas ay Elena ang una kong nasabi. Lagi kaming magkasama halos buong araw at gabi. Minsan sa bahay siya matutulog minsan naman ako sa bahay nila and it continous hanggang mag college kami. May gamit ako sa kwarto niya at ganun din siya sa kwarto ko. So akala namin normal na sa aming dalawang mag sex kasi magpapakasal naman kami at kami na forever."
"Kaya naman pala ayaw pumayag ng pamilya mo na maniwalang may mahal ka ng iba kasi kahit nga ako nagduda na sa pagmamahal mo ng marinig ko yung love story niyong dalawa." Pero sa halip na sagutin niya ko bigla niya kong hinalikan sa labi.
"Ikaw na ang mahal ko at di na siya." bulong niya sa akin sabay kabig sa akin papalapit sa kanya.
"Pero I think kailangan niyo parin niyong mag-usap."
"Kakausapin ko siya don't worry."
"Di naman ako nag-aalala kahit pa nga bumalik ka sa kanya maiintindihan ko."
"So hahayaan mo nalang akong mawala sayo, ganun?" Sabay higa sa akin sa kama at pinatungan ako habang magkatapat ang muka naming dalawa.
"Kung yun ang gusto mo di naman kita pipigilan!"
"Ganun?"
"Oo!"
"Kaya lang may iba akong gustong gawin ngayon eh!" Sabay tingin sa malulusog kong dibdib at pabali sa muka ko.
"Manahimik ka nga diyan! Mamaya marinig ka ng parents ko!' Sabay tulak sa kanya paalis sa katawan ko. Hahalikan pa sana niya ako uli ng may biglang kumatok sa pintuan.
"Ate kain na tayo!" Sigaw ni Mike mula sa pintuan.
"Tayo na! Kain na tayo!" Naiinis kong sabi kay Martin buti nalang si Mike yung tumawag sa amin kahit papaano di ako nun ilalaglag paano kong si Mama or Papa eh di patay ako. Pero bago niya ko tuluyang iwan muli niya kong hinalikan sa labi saka tumayo at inalalayan ako para makatayo narin.
Nauna na kong lumakad papalapit sa pintuan hawak ko na yung door knob pipihitin ko na sana ng biglang magsalita si Martin sa likod ko.
"LET'S GET MARRIED!"
Nang marinig ko yung sinabi niya agad ko siyang nilingon at nakita ko sa muka niya yung kaseryosohan sa proposal niya pero para sakin di pa napapanahon lalo pa nga at di pa ako tanggap ng pamilya niya.
"Pakasalan mo yung lela mong panot!" Sagot ko sa kanya sabay irap. Agad akong lumabas ng kwarto at andun pa yung magaling kong kapatid na naka ngise. Napailing na lang ako alam ko naman kung ano yung tumatakbo sa utak ng kumag na ito.
"Anong ginawa niyo sa loob, bakit ang tagal niyong lumabas?" Tanong ng maurirat kong kapatid.
"Nag nobena kasi kami di pa nga natapos kaya lang kumatok ka." Pa simpleng sagot ko pero di ko maiwasang kaltukan siya sa ulo para malinawan.
"Aray! Kung galit ka kay Kuya Martin wag mo kong damay!" Pagrereklamo niya habang kumaripas ng takbo nung akma ko pa sana siyang sisipain.
"Tawa ka diyan!" Sita ko naman kay martin na tumatawa sa likod pero sa halip matakot ay inakbayan niya ko habang naglalakad kami pababa.