webnovel

I will never leave you

"Lasing ka na?"

Muling tanong sa akin ni Nika mukang grabe na talaga yung pamumula ng pisngi ko kaya yun ang iniisip nila.

"Di pa ganito talaga ako kapag umiinom ng alak namumula!"

"Ah okey sabagay diretro ka pa naman maglakad."

"Oo saka di namam ako iinom beyond my capability."

"Tama yun lalo na kung iba yung kainuman mo pero with Martin no worries ka napaka maalaga ng taong yan!"

"Kaya nga!"

Sagot ko kay Nika bago ako tuluyang pumasok sa isa sa mga cubicle sa banyo at ganun din siya. Paglabas ko nasa harap na ng salamin siya ng salamin at naghuhugas ng kamay. Lumapit narin ako dun at naghugas na rin ng kamay.

"Matagal na kayo ni Martin?"

Tanong niya sa akin habang nagkatinginan kami sa salamin.

"Bago pa lang nasa three months pa lang kami!"

"Nahuli na si Elen?"

"What do you mean?"

"Wala naman akong masamang ibig sabihin Michelle. You know naman that Elena is my friend actually magkasama kaming umalis papuntang America. Ang pinagka iba lang namin is kasama ko si Dave dahil nga same kami ng proffesion di gaya ng sitwasyon ni Elena at Martin. Magkasama kami dun sa loob ng four year at during ng time na yun walang ginawa si Elena kundi mahalin si Martin."

"Kung mahal talaga niya si Martin bakit siya umalis?"

Takang tanong ko habang kumuha ako ng tissue para tuyuin yung kamay ko.

"Di lang dahil sa pag aaral kaya umalis si Elena andun din kasi yung mother niya sa America which is may sakit at bilang nag iisang anak obligasyun niyang alagaan iyon."

"You know Nika di ko alam kung anong nangyari sa love story ni Martin at Ellena at wala ako sa posisyun para humusga kung sino ang may kasalanan kung bakit natapos yun or kung bakit hindi naging happy ending. Ang akin lang if gusto ni Martin na iwan ako para maki pag balikan kay Elena wala namang problema yung sa akin di ko naman siya pipigilan or papahirapan. If that is Martin wish i set him free."

"At sino naman nagsabi sayo na yun ang gusto ko"

Sabay kaming napa tingin ni Nika sa may pintuan ng banyo dahil nga public toilet ito kaya di isinasara ang pinto. Naka tayo dun si Martin habang naka tingin sa akin. Muli kong sinipat yung muka ko sa salamin ng masiguro kong okey naman at walang mali sa make-up ko ay tuluyan na kong lumabas.

Pagkalabas ko ng banyo agad kong hinawakan yung palad ni Martin dahil alam ko galit nanaman siya. Ewan ko ba dito napaka sesitive sa hiwalayan topic naming dalawa.

"Anong ginagawa mo rito?"

Tanong ko para sana ma divert yung usapan namin. Pero di sinagot ni Martin yung tanong ko sa halip ay si Nika yung binalingan niya na naka sunod sa akin sa paglabas ng CR.

"Alam kong kaibigan mo si Elena pero wala kang karapatang kumbinsihin yung girlfriend ko para iwan ako at balikan yung kaibigan mo."

"What's happening here?"

Takang tanong ni Dave na kalalabas lang din ng CR ng lalaki.

"Martin!"

Mahina kong tawag sa kanya para sabihing tama na. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at sabay na kaming lumakad papalis at iniwan si Nika pero nung mapatapat na kami kay Dave biglang nagsalita uli si Martin.

"Pagsabihan mo yang asawa mo na wag nakikielam sa personal kong buhay!"

Pagkatapos nun ay tuluyan na kaming umalis pero sa halip na bumalik kami sa event area ay sumakay kami ng elevator. Mukang galit na talga si Martin dahil sobrang dark ng muka niya na alam mong nagpipigil lang siya ng galit. Nanlalamig yung kamay na naka hawak sa kamay ko kaya agad ko iyong hinawakan ng dalawa kong palad para sana kumalma siya. Siguro naramdaman niya yung pag alala ko kaya tiningnan niya ako sa muka. Sabihin ko sanang okey lang yun pero di ko na nagawa ng bumukas ang elevator at nauna na siyang lumabas habang hawak yung kamay ko. Agad niyang ti-nap yung key card ng room namin para maka pasok kami pag dating sa loob agad niya kong siniil ng halik na para bang ibinubuhos niya dun lahat ng sama ng loob niya kasi napa rough ng ginagawa niya.

Kahit medyo nasasaktan ako tinugon ko parin yung halik niya habang nakakapit ako sa leeg niya. Samantalang siya ay nasa baywang ko yung kanang kamay niya samantalang yung isa ay nasa likod ng ulo ko para masigurado niyang di ako makakatakas. Hangang makarating kami ng kama at doon ay sabay kaming bumagsak na di parin napuputol yung paghahalikan naming dalawa.

Nung parang mauubusan na kami ng hangin agad siyang bumitaw at tumayo para hubarin yung suot niyang Amerikana na inihagis sa sahig. Sunod yung bow tie niya at yung polo shirt na hirap na hirap niyang tangalin yung mga butones. Nakita ko sa mga daliri niya yung panginginig dahil parin sa galit kaya agad akong umupo at hinawakan yung dalawa niyang kamay para pigilin yung pagkasira ng kawawang damit at syempre pagkasira rin ng hymen ko dahil sa ganitong attitude ni Martin malamang magulo ang isip niya kaya kailangan ko siyang payapain.

Dahil dun bigla siyang napahinto at tiningnan yung muka ko.

"I love you!"

Punong puno ng pagmamahal na sabi ko sa kanya. Nung marinig niya yung agad niya kong niyakap at dahil di ako prepare muli kaming natumba sa kama.

Niyakap ako ni Martin ng ubod ng higpit at ganun din ang ginawa ko.

"I WILL NEVER LEAVE YOU!"

Muli kong bulong sa kanya at dahil dun nag angat siya ng muka at itinapat sa akin.

"Talaga?"

Tinugon ko lang siya ng tango.

"Maliban na lang kung ikaw ang mang iiwan sa akin!"

"Na hindi mangyayari!"

Sabay muling halik sa akin pero mas smooth na yun di gaya kanina. Nang matapos iyon muli niya kong tiningnan sa muka at bilang tugon ko dun hinaplos ko yung muka niya ng palad ko na agad niyang hinawakan at dinala sa labi niya para halikan.

"I love you more!"

Sabi niya sa akin na nagdulot ng matamis na ngiti sa labi ko. Sa akin naman okey lang kung iiwan niya ko para kay Elena masasaktan ako "Syempre" pero di ako selfish na ipagkait yung kaligayahan para sa kanilang dalawa pero hangat ako yung pinipili ni Martin wala din akong karapatang tanggihan yung pagmamahal na ibinibigay niya. Di naman ako santa para ibigay kay Elena yung lalaking nagsasabing ako na ang mahal niya para lang sa ikaliligaya ng lahat.

Chương tiếp theo