Nasa may pintuan na kami ng hawakan ni Martin yung kamay ko. Balak ko sanang hilahin kasi nga nahihiya ako lalo pa nga at Boss siya dito. Pero lalo niya itong hinawakang ng mahigpit na parang walang paki alam, doon ko lang napansin na nasa unahan pala namin si Alvin at papunta siya sa direksyong pinanggalingan naming dalawa, marahil para kunin yung mga gamit niya dun.
"Ingat!"
Maikling sabi ni Alvin nung magkatapat kami. Di ko alam kung saan niya ko pinag-iingat sa biyahe ba o sa taong kasama ko na akala mo pinag sakluban ng langit at lupa.
"Kaw din!"
Matipid kong sagot dahil bumilis ang lakad ni Martin at dahil nga sa height difference naming dalawa mas malaki ang hakbang niya at dahil dun parang naging lakad takbo ang nang yari sa akin.
Pagdating namin sa sasakyan niya hinihingal pa ko ng sabihan niya kong sumakay na habang binuksan niya yung pinto ng back seat. Si Mang Kanor yung naka upo sa driver seat sa tabi niya may maliit na maleta doon ko lang napansin na naka Americana pa si Martin marahil galing pa ito sa meeting at dumiretso ng airport para maka uwi. Pagtingin ko sa kanya naka pikit na yung mga mata niya marahil wala pa siyang tulog dahil bakas din yung eye bag niya. Bigla tuloy akong naawa doon ko lang napagtanto marahil exited pa siyang makita ako tapos ganun yung nadatnan niyang eksena.
Lumapit ako sa pwesto niya at hinila yung ulo niya papunta sa balikat ko para yun ang gawin niyang unan. Mabilis niya kong niyakap at isinubsow yung buo niyang muka sa leeg ko at nagpaka wala ng isang malalim ng buntong hininga.
Ipinulupot ko ung mga braso ko sa baywang niya para tugunin yung yakap niya at tiningnan ko yung muka niya nung marahil maramdaman niya yung tingin ko agad siyang nag angat ng tingin at sinalubong ang titig ko. Makikita sa mata niya ang lungkot dahil sa nangyari.
"I'm sorry! Di na mauulit!"
Sabay haplos ko sa noo niyang naka kunot. Sobrang lapit ng muka namin sa isa't-isa kaya mabilis niyang nahuli yung labi ko.
Dahil nga alam ko na may kasama kaming ibang tao sa sasakyan bahagya ko siyang itinulak.
"Nakakahiya kay Mang Kanor!"
Bulong ko sa kanya at mukang na intindihan naman niya ko kaya muli na lang niyang ipinatong yung ulo niya sa balikat ko.
"Sa bahay ka na matulog."
"Di pwedi di ako naka pagpaalam kay Papa at Mama."
Mabilis kong tanggi.
"Pwedi ka namang tumawag para maka pag-paalam."
"Next time na lang, promise!"
Pagmamaka awa ko kasi di ko alam paano ako magpapaalam sa mga magulang ko na ganitong biglaan na di ako uuwi.
"Di ko pa nakaka limutan yung nakita ko kanina, di pa kita napapatawad."
Sagot ni Martin sa akin habang naka pikit parin ang mga mata at naka patong yung ulo sa balikat ko. Talagang ilalagay niya ko sa alanganing posisyun ang hirap naman nitong paki usapan nasabi ko na lang sa sarili ko.
Di ko sumagot at hinayaan ko munang maka pagpahinga si Martin kahit papano. Medyo traffic kaya halos isa't kalahating oras yung naging biyahe namin.
Pag hinto ng sasakyan namin sa parking lot agad kong hinaplos yung pisngi niya para gisingin siya.
"Dito na tayo!"
"Hmmm!"
Tugon niya sa akin hinayaan ko muna siyang mag adjust ng mata niya bago kami lumabas. Dinala ng ni Mang Kanor yung mga gamit namin sa elevator dahil nga may sariling elevator na ginagamit si Martin kahit isang oras yung naka bukas walang problema.
"Pahinga na po kayo Kuya si Michelle na po bahala sa akin!"
"Sige po Sir! Una na po ako Ma'am!"
"Sige po Kuya!"
Pagpapa alam ko rin kay Mang Kanor habang sumasara yung pintuan ng elevator.
"Masama ba paki ramdam mo?"
Tanong ko kay Martin habang kinapa ko yung noo at leeg niya baka meron siyang fever pero para sakin normal naman siya maliban ng sa medyo haggard niyang itsura.
"Ito yung masama ang paki ramdam!"
Sabay turo sa dibdib niya kung saan naroon yung puso niya.
"Sige na dito na ko matutulog kaya tigilan mo na yang drama mo!"
Pag bukas ng pinto tinulungan ko siyang hilahin yung maleta niya samantalang siya ang nagbitbit ng bag ko at iba pang abubot niya.
"Tawag muna ako sa bahay!"
Paalam ko sa kanya at muli akong lumabas ayaw kong marinig niya yung kasinungalingang sasabihin ko sa mga magulang ko.
"Hello!"
"Hi Ma!"
"Oh Michelle bakit?"
"Ma, di natapos yung project namin dito sa Batanggas eh pina pa-overtime kami ni Boss kaya di po ako makaka uwi."
Mahaba kong salaysay kumakabog yung dibdib ko talagang di ako sanay magsinungaling. Kainis talaga itong lalaking ito sabi ko sa sarili ko habang naka tingin ako sa direksyon ni Martin na kumuha ng pagkain namin sa elevator.
"Naku Ate baka dumating na si Kuya Martin at diyan ka lang matutulog sa bahay niya! Kunyari ka pa!"
Narinig kong boses ni Mika na nang aasar. Bwisit na ito ibubuking pa ko. Malamang ni loud speaker ni Mama yung phone.
"Tigilan mo nga ako Mike sasabihan ko talaga si Martin wag ka ng dalhan ng pasalubong!"
"Si Ate di na mabiro! Ingat ka diyan ha, wag niyong kalimutang mag condom!"
"Hoy bunga-nga mo Mike!"
Narinig kong saway ni Mama.
"Michelle matanda ka na alam mo na tama at mali basta wag mong isusuko ang bandera!"
"Si Mama naman nasa trabaho ako! Wag kang maniniwala kay Mike!"
Dipensa ko naman lalo lang tuloy na dagdagan yung guilty ko.
"Tumawag na si Martin kanina at pinag paalam ka na kaya di mo na kailangan pang magsinungaling! May tiwala kami sa inyong dalawa na di niyo sisirain yung pangako niyo na gagawin niyo lang yan sa araw ng kasal. Naintindihan mo ba Michelle!"
Matigas na sabi ni Papa. Bwisit para tuloy gusto kong bugbugin si Martin.
"Sorry po!"
Yun na lang ang nasabi ko mukang komota yata ako ngayon sa kaka sorry ah.
"Ayaw ko ng maulit ang pag sisinungaling mo!"
"Opo pa! Sorry po uli!"
Halos maiyak na ko.
"Umuwi nga maaga bukas ha!"
"Opo!"
"Sige na at magpapahinga na kami!"
"Good night po!"
"Bye!"
Pinatay na ni Papa ang linya pero nanatili parin akong naka tayo dun sa labas at naka tingin sa kawalan.
"Kain na tayo!"
Sabi ni Martin sa akin. Naka pag palit na siya ng damit at halatang bagong ligo.
"Bakit di mo sinabi na pinag paalam mo na pala ako sa bahay?"
Naiinis kong sabi.
"WHY YOU NEED TO LIE?"
Di ako sumagot sa tanong ni Martin at tiningnan ko lang siya.
"Alam mo Michelle honest ako sa nararamdaman ko para sayo at may malinis akong intensyon. Ginagalang ko yung mga magulang mo kaya di ko alam kung bakit mo kailangang magsinungaling?"
"Hays!"
Butong hininga lang ang naisagot ko kasi totoo naman bakit ko nga ba kailangang magsinungaling kung nagsabi ako ng totoo di sana nalaman ko na pinag paalam na niya ako.