Naging tahimik ang buhay ko ng ilang araw kasi nasa business trip si Martin three days siya sa Singapore para sa isang project niya doon. Kaya nagawa ko ng mayos yung mga pending ko na di matapos tapos dahil sa kakulitan niya. Minsan nag te-text siya para kamustahin ako or tumatawag. Naging ganun yung Gawain naming dalawa.
Si Alvin di ko pa nakaka usap kas inga pumunta na siya sa Palawan at three days naring wala samantalang yung mga nabulabog kong suitor ay muli ng nanahimik kaya masaya ako na papasok ako sa umaga at uuwi sa gabi.
Kasalukuyan na kong nagpapahinga ng tumunog yung cellphone ko malamang si Martin sabi ng isip ko. Di nga ako nagkamali siya nga yung nag text. Tuwing ganong oras kasi siya sa akin nagte-text or tumatawag.
"Anong gawa mo?"
"Patulog na."
"Video chat muna tayo! Please!"
"Wala akong data, saka gabi na. Need na nating magpahinga may work pa tayo bukas!"
"Grabe ka! Two days and three nights na tayong di nagkikita sa tuwing gusto kong makipag video chat sayo lagi mong sabi wala kang data."
"Yun naman yung totoo wala akong pambili ng data petsa de peligro na kaya saka diba pauwi ka naman na! Magkikita na tayo bukas kaya wag ka ng maarte diyan!"
Pagsusungit ko, akala mo naman kasi parang teen ager na kailangan lagging nagkaka kitaan. Para kasi saakin yung mga ganyang eksena di na bagay sa eded naming dalawa.
"Tama ka bukas uwi na ko. Doon ka sa bahay ko matulog ha kasi kailangan nating bumawi sa isa't isa sa di natin pagkikita ng ilang araw.
"YOU WISH!"
Capital letter kong reply sa kanya. Ano siya hilo bakit ako matutulog dun anon a lang iisipin ng magulang ko saka ng ibang tao. Kahit papano dalagang Pilipina parin ako at pinapangalagaan ko yung sarili ko. Saka alam ko wala naman siyang mabuting gagawin.
"Sige kung ayaw mong matulog sa amin diyan na lang ako matutulog sa inyo!"
Paghahamon niya sa akin na akala mo talaga sigurado siyang makakatulog siya sa amin.
"Haha…haha…bahala ka! Tingnan natin kung uubra ka kay Papa at Mama!"
Ganting hamon ko sa kanya. Kilala ko si Papa at Mama malamang di yun papayag.
"Anong pusta mo?"
"Hilig mo talaga sa pusta noh?"
"Eh confident ka kasi na di ko kayang maki tulog sa inyo kaya tinatanong kita kung anong pusta mo?
"Sige pag nanalo ka matutulog ako sa sa bahay mo at kapag natalo ka di mo ko kukulitin ng isang buwan!"
"Grabe ka naman isang buwan na di tayo mag-uusap at magkikita parang sinabi mong makipag break ka na lang sa akin ah!"
"Haha…haha… obvious ba?"
Pang-aasar ko lalo sa kanya. Feeling ko kasi yung relationship naming dalawa is hinog sa pilit parang andiyan na sige na lang ganun kaya kung sakaling mag break kaming dalawa or magdecide kami na di na ituloy I think hindi mabigat yung impact. Pero dahil andito na nga eh di pangatawanan na lang lalo pa nga at maayos naman yung pakikisama ni Martin sa akin at sa pamilya ko.
Maya-maya tumatawag na siya. Napa iling na lang ako pero aagad ko ding tinaggap yung call. Nasa roof top ako ng bahay naming nagpapahangin kaya di ako nag aalala ng maiistorbo ko ang pahinga nila Papa at Mama.
"Hello!"
Mahina kong sagot.
"Ano nanaman yang sinasabi mo?"
Galit na bungad niya sa akin. Mukang mainit yung ulo.
"Wala akong sinasabi!"
Pagmaang maangan ko.
"Eh ano yung obvious na sinasabi mo?"
"Hala wala naman akong sinasabi!"
"Anong walang sinasabi eh ano itong tinext mo? Gusto mo i-send back ko pa sayo?"
"Wala akong sinasabi i-tenext ko lang yan sayo haha…haha…! Magka-iba yun!"
"Michelle"
"Oh…!"
"Di mo ba ako na miss?"
"Hindi!"
Mabilis kong sagot.
"Hays! Kahit kunti?"
"Haha… haha… Bakit nagdadrama ka kung kalian pauwi ka na bukas?"
Masaya kong sagot sa kanya.
"Paano sabi mo kanina gusto mo ng makipag break sa akin. Tapos di mo ko na mi-miss paano ako di mag dadrama?"
"Ikaw kalalaki mong tao napa drama mo! Alam mob a yun?"
"Ikaw naman napaka babae mong tao di ka man lang maglambing sa boyfriend mo ngi di ka man lang magsabi na bilhan kita ng pasulubong kung di pa kita i-tetext di ka pagtetext!"
Mahabang sintemento ni Martin.
"Okey sorry na! Ayaw lang kitang istorbohin baka mamaya kasi busy ka. Alam mo naman di ako materialistic na babae kaya kahit ano okey lang sa akin. Pero kung mapilit kang dalhan ako ng pasalubong okey na sa akin yung Merlion."
"Haha…haha… Kahit kailan ka talaga Michelle!"
"Atleast napatawa kita! Okey ka lang ba diyan?"
"Okey naman medyo stressfull lang pero na settle naman na lahat. Kaya lang may pakain pa yung business partner ko ditto kaya gabi na ako makaka uwi."
"Sige… ingat ka na lang!"
"Yung pustahan natin paano?"
"Ikaw ano bang kaya mong ipusta?"
Balik kong tanong sa kanya kasi baka mamaya may masabi nanaman akong iba magtampo nanaman siya kaya siya na lang pinapapili ko.
"Pag ako nanalo matutulog ka sa bahay ko kapag ako natalo matutulog ako sa bahay niyo!"
"Muka mo! Haha… haha…!"
"Sige ito na lang kapag ako nanalo sa bahay ka matutulog, kapag ikaw nanalo walang kiss sa isang araw."
"Yun lang? Gawin mong one month!"
"Masyado yung mahaba di ko yun kaya. Ngayong ngang magtatatlong araw na di kita na kiss nalulungkot na ko one-month pa kaya!"
"Sige isang lingo!"
Huling hirit ko para matapos na!
"Sige deal!"
Mabilis niyang sagot.
"Okey!"
Pag-sang ayon ko atleast ma-save ko yung labi ko ng isang lingo.
Kasi tuwing uuwi na lang ako lagi na lang akong nagtatago kay Mama para di niya mapansin.
"Michelle!"
"Hmmm!"
"Matutulog ko na?"
"Sana kaya lang may isang istorbo kasing tumatawag!"
"Sige patutulugin na kita. Sa isang kondisyun?"
"At anong kundisyun naman ang gusto mo?"
"Say you miss me please!"
Pagmamaka-awa ni Martin sa akin.
"Wag na! Baka bigla kang umuwi!"
"Michelle naman!"
"Sige na! Good night!"
"Michelle!"
"Bye… kita tayo bukas! Good night! I miss you!"
Di ko na hinintay yung sagot niya at mabilis ko ng pinatay yung cellphone. Bigla akong nahiya sa sinabi ko. Napa iling na lang ako at bumalik sa kwarto ko para matulog.
Nag day-off ang author last night sorry...!
Thanks sa vote!
Muwahh!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!