webnovel

FRENCH KISS

Pero di ako tuluyang nakalabas ng pintuan ng abutan niya ako. Agad niya kong niyakap sa baywang. Sabay haggis uli sa akin sa kama.

"Martin!" Muli kong sigaw.

"Unfair yun three thousand lang talaga dapat sa akin. Saka madami ka namang pera. Bawasan mo pa yung laman ng wallet mo." Pagpapaliwanag ko habang naka tihaya ako sa kama samantalang si Martin nakatayo sa paanan ko na parang hari habang nasa baywang yung dalawa niyang kamay.

"Kiss me at ako na magbabayad lahat!" Command niya sa akin.

"Ayaw ko nga!" Sabay tagilid feeling ko kasi isa akong alay na ilang saglit lang ay makakain na. Pero di niya ako hinayaang tumagilid agad niyang hinawakan yung dalawa kong paa.

"Martin!" Tawag ko sabay sipa para makawala sakanya. Pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Sabay hila niya sa akin para lumapit yung katawan ko sakanya.

"Martin!" Muli kong sigaw.

"Kiss me!" Muli niyang sabi sa akin nung magkatapat na yung muka naming dalawa. Nakadapa siya sa akin pero di magkadikit yung dibdib naming dalawa. Nakatukod yung dalawa niyang braso sa gilid ko. May pagitan ng isang dangkal ang muka namin.

"Fine! Smack lang kasi may share naman akong three thousand sa bill natin. Ano payag ka?"

Iling lang ang isinagot sa akin ni Martin.

"Anong gusto mo?" Naiirita kong tanong.

"FRENCH KISS!"

Maiksing tugon niya sa akin.

"French kiss? Inosente kong tanong." Yung ganun-ganun?" Sabay baling-baling ko sa ulo ko. "Ganun gusto mo?" Maang-maangan kong tanong sa kanya.

"Oo" Maiksi niyang sagot sabay tango pa sa ulo niya. Na parang kumbinsedo pa siya sa magdedemo ko.

"Di ako marunong nung… Wag ka ngang ano… Tulungan nalang kita magligpit ng mga damit mo. Ako nalang mag aayos. Ano payag ka na? Muli kong bargain sa kanya habang namimilog ang mata ko at nakangiti para talagang makumbonse siya.

"Sige!" Agad siyang pumayag sabay alis sa pagkakadagan sa akin. Tuluyan na siyang humiga sa kama pero may bahid ng ngiti yung muka niya. Parang okey naman sakanya yung proposal ko.

"Ligpitin mo na yung mga damit ko. Meron ako nakasampay sa beranda saka yun naka hanger sa may aparador. Iwanan mo nalang ako ng isang t-shirt at pantalon na susuot ko mamaya pag alis natin." Utos niya sa akin sabay pikit ng mata. Mukang napagod na siya sa pang-aasar sa akin kaya hinayaan ko nalang siya. Agad naman akong bumangon at sumunod sa kanya mahirap na baka magbago pa isip.

Inuna kong kinuha yung mga damit niya sa aparador. Maayos ko yung itinupi at dahan dahang inilagay sa bag niya. Agad akong pumuntang biranda para kunin yung ibang mga damit niya dun. Pero laking gulat ko nung makita ko yung mga nakasampay doon. Pano ba naman puro niya yun briefs as in briefs niya lahat ng nakasasampay dun. Kaya pala nung ligpitin ko yung nasa aparador puro lng yun damit at mga short kasi yung briefs niya siguro nilalabhan niya pagkatapos niya maligo. Ang tagal kong nakatayo sa beranda di ko alam kung pano ko dadamputin yung mga brief niya or more tupiin pa. Dahil kahit papano parang napakasagwang hawakan ko yung mga yun.

"Hays!" Butunghininga ko.

"Martin!" Muli kong tawag sakanya. Pero di niya ako sinagot kaya agad akong lumapit sa kama para tingnan siya. Dahan dahan akong umupo.

"Martin!" Tinawag ko uli siya sabay yug-yog ng bahagya sa balikat niya.

"Hmmm" Ungol lang ang sinagot niya sa akin. Pero nagmulat siya ng mata at tiningnan niya ako.

"Pwedi ba ikaw na magligpit nung mga briefs mo dun sa biranda!" Mahina kong sabi.

"Bakit? Tumagilid narin siya ng higa paharap sa akin. Itinukod niya yung kanang kamay niya sa ulo niya. Parang gusto niyang marinig kung ano yung dahilan ko sa pagtangi sa pagligpit ng mga briefs niya. Pero di na ko muling nagsalita kasi nga di ko alam pano papaliwag sa kanya. Kaya siya na ang nagsalita uli.

"Diba usapan natin liligpitin mo lahat ng damit ko at sa pagkakaalam ko kasama yung brief sa mga damit ko."

"Alam ko naman yung na kasama yung briefs sa damit mo. Pero diba napaka akward naman na ako magliligpit nun. Sige na ikaw na magtupi!" Pagpupumilit ko sakanya habang namumula yung pisngi ko. Pano ba naman pinaguusapan naming dalawa yung tungkol sa underware niya.

"Sige ako na magtutupi. Sabay bangon sa pagkakahiga. "Pero Kiss muna!" Sabay nguso uli ng labi niya.

"Ikaw puro ka Kiss. Kiskisin ko na muka mo mamaya eh!" Irap ko sakanya sabay talikod. Wala ng ibang alam puro kiss sabi ko sa isip ko.

"Ikaw kaya di tumutupad sa usapan. Ako naman madaling kausap kung ayaw mo wala naman problema ligpitin mo na yung mga B..R..I..E..F...S ko dun!" Talagang ini emphasize pa niya yung briefs niya.

"So wala na talagang option? It's either tupuin ko yung mga briefs mo doon or kiss kita. Ganun ba yun?" Tanong ko sakanya habang nakatitig ako sa kanya. Tanging tango lang ang sinagot niya sakin.

"Wow ah... ganda ng option mo!" Sarkatikong sabi ko sa kanya.

"Hays!" Muling butunghininga ko bago sumang ayon.

"Fine… eh di tupiin!" Sabi ko naman sabay tayo. Agad akong pumunta sa biranda para kung yung mga pinaka mamahal niyang mga briefs.

"Whoosh!" tunog ng hanger ng bigla kong hablutin sa sampayan kasi kung iisa-isahin ko pa lalo lang akong maasar. Sabay hagis sa kama kung saan siya naka upo. Sinadya kong tamaan siya nun. Peo agad niya yung iniwasan kaya di naman siya nasaktan.

"Galit ka?" Takang tanong niya.

"Di noh… Bakit naman ako magagalit. Eh diba nga binigyan mo ko ng napaka gandang option. Ano ba namang pinagtutupi mo lang naman ako ng mga B..R..I..E..F..S.. MO!" Sabay salampak ko sa kama at inumpisahan ko ng magtupi. Iniisp ko nalang briefs iyon ng kapatid kong si Mike. Sige lang Michelle iilang piraso lang naman ito, Kaya mo yan. Pag cheer ko sa sarili ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking pinagtutupi ng briefs yung girlfriend niya ang masaklap di ko alam kung inuurat lang ba ako nito para makapang tsansing sa akin. Kunting tiis nalang iilang oras nalang naman kaming magkakasama ng ungas na ito. Yun nalang iniisip ko para matapos na ako.

Chương tiếp theo