webnovel

Im not an easy girl

"Wag mo ng alalahanin yun, ako na bahala!" Sabi niya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko, paano siya na ang bahala.

"Kung magpapakabait ka lahat ng project ng hotel namin sayo ko ibibigay." Muli niyang sabi pero parang iba dating nun sakin kaya bigla akong kinabahan kaya di ko mapigilang linawin iyon.

"Pano magpakabait?" Sabay hinto ko sa paglalakad at tiningnan siya sa muka para makita kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

"Ganito kasi yun, dapat pag inakbayan kita di ka magpupumiglas, dapat pag hawak ko kamay mo dapat hahawakan ka din ng mahigpit. Tapos pag kiss kita dapat kiss mo din ako, tapos pag hahawakan ko katawan mo dapat...!" Di ko na hinayaang tapusin niya yung sinsabi niya ata gad kong tinakpan yung bibig niya.

"WAIT!" Sigaw ko.

"Bakit?" Tanong, pagka tanggal sa kamay ko sa bibig niya.

"Baliw ka ba?" Tanong ko kasi di ako makapaniwala sa sinasabi niya. Nanlalaki yung mata ko sakanya pati butas ng ilong ko.

"Seryoso ako!" Diretsong sagot niya at dahil dun agad akong naglakad palayo sa kanya kasi nagpupuyos ako sa galit baka di ko siya matantiya talagang tatamaan na siya sakin.

"Haha… hahaha!" Narinig kong tawa niya kaya huminto ako sa paglalakad para tingnan siya ng masakit pero nung makita kong naglalakad na siya papunta sa akin minabuti ko ng tumakbo pero ano ba namang laban ko sa lalaki sa takbuhan kaya agad niya kong naabutan at inakbayan.

"Bitaw!" Pagpupumiglas ko.

"Balik na tayo sa hotel!" Yaya niya sakin.

"Ayaw!"

"Pag di ka sumama sakin dito kita tuturuang magpakabait!" Pagbabanta niya sakin kaya wala akong nagawa kundi sumunod na sakanya kasi paglingon ko sa paligid walang tao at yung kinalalagyan namin is seclude area at madilim, kaya pinili ko nalang sumunod sa kanya.

Naglakad kaming tahimik habang akbay-akbay niya ko hanggang maka rating kami sa kwarto namin. Yung dibdib ko walang tigil sa pagtibok ng mabilis di ko alam kung dala ba yun ng wine na ininom ko o dala ng utank ko na kung ano-ano ang naiisip.

Wala akong kibo hanggang sa ihiga niya ko sa kama, pinakikiramdaman ko lang siya kasi if ever may gagawin siyang masama talagang makikipagbuno ako sakanya pero dahil nga wala naman siyang ginagawa, hinayaan ko lang.

Una, tinanggal niya yung suot kong sandals at kinumutan ako. Akala ko pagkatapos nun is lalabas na siya pero laking gulat ko ng humiga rin siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?" Sabay hawak sa laylayan ng kumot para kung sakalaing balak niyang hilahin ay di niya kagad makuha.

"Matutulog!" Matipid niyang sagot sabay pikit ng mata. Nakatihiya siya sa kama at di man lang nagkumot para siyang tuod na nakahiga.

"Bakit dito ka matutulog? Eh may sarili ka namang higaan dun sa kabila. Lumipat ka na dun." Pagtataboy ko sa kanya at bahagya ko pa siyang itinulak pero di siya tuminag.

"Dito ako matutulog gusto kitang katabi!" Sabay yakap sa akin.

Tumagilid na siya ng higa habang nakaharap sa akin agad ko siyang itinulak para makalayo ako sa kanya pero di talaga siya bumitiw.

"Mainit… Bitaw!" Pagrereklamo ko.

"Kung naiinitan ka eh wag kang magkumot." Sabay hila sa kumot na nakapulupot sa akin dahil nga nasa dalawang dibdb niya yung kamay ko agad niya itong natanggal kaya agad ko siyang sinigawan.

"Martin!"

"Bakit? Diba sabi mo naiinitan ka, kaya tinatanggal ko yung kumot. Bakit nilalamig ka na uli? Wait, yakapin kita uli." Sabay muling yakap ng maihagis niya yung kumot bandang paanan naming dalawa.

"Pwedi ba para kang sira! Tigilan mo nga ako!" Sabay pagpupumiglas ko.

Pero sa halip na tuluyan akong makawala sakanya eh lalo niya akong naikulong ng bigla niya kong patungan. Biglang nanlaki yung mata ko, Gulat na gulat ako sa ginawa niya lalo na nung halikan niya ko sa labi.

"Hmmm!" Tanging nasabi ko kasi sinakop na niya yung buo kong labi pero di parin ako tumigil sa pagpupumiglas pero lalong naging aggressive yung halik niya sa akin ang masklap pa hinawakan niya yung dalawa kong braso at itinaas sa uluhan ko para di ko siya maitulak.

Andun na kinakagat niya yung labi ko para mapilitan akong ibuka yun. Nung makikita siya ng opening agad niyang ginamit yung dila niya para masakop yung buo mga labi. Grabe yung kaba ng dibdib ko halos naririnig ko ang pagkabog niya. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan ni Martin at unti-unti akong tinutupok nun. Kaya di ko maiwasang tumugon sa halik niya.

Di ko alam kung dahil ba sa impluwensya ng alak kaya ko tinugon ang halik niya pero di ko napigilan parang naging blangko na yung utak ko. Alam ko lang di ako nagpatalo sa pagiging agressive niya. Malapit na kami mawalan ng hininga ng maghiwalay ang labi namin. Parehas kaming hinihingal. Agad niya kong tiningnan sa mata parang gusto niyang magpaalam sa akin kung pwedi namin ipagpatuloy ang ginagawa namin.

Bigla akong bumuntunghininga at nagsalita.

"Hindi ba masyado pang maaga para gawin natin ito?" napakahina lang ng boses ko pero alam ko narinig ako ni Martin. Kailangan ko paring pangalagaan ang sarili ko. Bago lang kaming magkakakilala halos wala pang isang lingo

"I AM NOT AN EASY GIRL."

Umalis siya sa pagkakapatong sa akin nung marinig niya yung sinabi ko pero di niya ako binitiwan at yakap-yakap parin niya ako.

"Good night!"

Yun lang ang narinig kong sabi niya sabay halik sa noo ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakapikit na siya. Muli akong bumuntunghininga at bahagya akong umusog para lumayo sa kanya ng bahagya.

"SLEEP!" mariin niyang sabi na parang nagbabanta sa akin. Muli niya kong kinabig papalapit sa kanya pero muli akong umusog kaya muli siyang nagmulat ng mata na parang nagbabanta na kapag pinagpatuloy ko iyon baka di na siya makapag pigil.

"Wait lang, need kong tanggalin yung bra ko!" Sagot ko sakanya habang inaabot ko yung hook sa likod. Di ako sanay n may bra matulog saka di yun maganda para sa mga babae.

Pero bigla akong natigilan, doon ko na-realize yung sinabi ko na para bang pinapaalam ko sakanya na maghuhubad ako.

"Shit!" Sabay takip sa bibig ko. "Baliw ka talaga Michelle, ano nagbibigay ka ng motibo para kang sira... umayos ka nga. Kanina lang sinabi mo na di ka easy girl tandaan mo yan. Di pa nga tapos yung paniniremon ko sa sarili ko marinig ko si Martin magsalita.

Chương tiếp theo