webnovel

Island Hoping

"Asan na si Mang Kanor?" Tanong ko nung maalala ko. Di ko kasi siya nakita simula kanina pag gising ko.

"Baka nasa dagat, namamasyal!" Sagot niya sa akin.

"Ahhh... okey!" Maikling kong tugon. Halos patapos na kming kumain ng magsalita siya uli.

"Mag Island hoping tayo mamaya!" Sabi niya habang sumandal sa upuan at hawak hawak yung tasa ng kape.

"Hindi ba may meeting pa tayo kina Sir Edison?" Takang tanong ko habang hinawakan ko narin yung tasa ko. Tapos narin akong kumain kaya ginaya ko na yung pagkakasandal niya sa upuan.

Casual na kami nag-uusap nawala na yung intense na usapan namin kanina.

"Sinabi ko mamayang gabi nalang tayo mag meeting."

"Pumayag siya?"

"Hmmm!" Matipid niyang sabi.

"Pero paano natin maiikot yung hotel kung gabi yung meeting?"

"Meron naming floor plan yung hotel pwedi dun ka na mag base para sa proposal mo. Kaya wag kang mag-alala." Sabay ngiti.

Di ko na siya sinagot kasi mukang na plano na niya yung dapat naming gawin. Agad ko ng inubos yung laman ng tasa ko at marahang ipinatong yung tasa pabalik sa lamesa.

Nang makita niyang ubos na yung laman ng tasa ko, agad na siyang tumayo para ideclare na alis na kami kaya tumayo narin ako. Di ko na hinintay na yayain pa niya ako. Malapit na kami sa elevator ng magsalita siya.

"Dala ka ng extrang damit mo saka don't forget sunblock medyo mainit eh." Pinapasok niya muna ako sa elevator bago siya pumasok. Pag dating naming sa kuwarto ganun uli ginawa niya pinauna niya uli ako a true gentleman.

Agad akong pumasok sa kuwarto at kumuha ng extrang damit nilagay ko sa maliit kong back pack. Dahil basa ako naisipan ko munang mag shower. Pag labas ko ng CR naka upo na si Sir Martin sa sala mukang hinihintay niya na ko.

"Wait lang Sir ha!" Sabi ko habang pumasok ako sa kuwarto ko.

Agad din akong lumabas bitbit yung back pack ko. Hinayaan ko lang nakalugay yung buhok ko dahil nga basa pa. Naka suot ako ng t-shirt, cotton short at tsinelas ang suot ko. Samantalang siya naka suot lang ng sando, satin na short at sandals hunk na hunk ang dating. Medyo naka simangot siya habang nakatingin sakin. "Alis na tayo Sir?" mahinahon kong tanong.

Agad siyang tumayo at dinampot din yung maliit niyang bag pero nakasimangot parin di ko alam kung anong iniisip niya. Hinintay niya muna akong lumabas bago niya isinara ang pinto. Pagkasara niya agad niya kong inakbayan at mariing sinabi na.

"Di ba sabi ko sayo wag mo na kong tatawaging Sir?"

Biglang namula yung pingi ko at nagtayuan ang buhok ko sa batok pano sobrang lapit niya sa akin dahil sa pagkaka akbay tapos naramdaman ko pa yung init ng hininga niya sa tenga ko habang nagsasalita. Para akong na kuryente di ko alam kung anong gagawin ko kung pano ako mag rereact.

"Naintindihan mo ba yung sinabi ko?" Sabay yugyog sakin ng bahagya habang akbay parin ako papuntang elevator. Tanging tango lang ang isinagot ko dahil di ko alam kung papaano at kung ano ang isasagot ko pero mukang di siya kumbinsido kaya nung malapit na kami sa elevator bigla niya kong hinarap sa kanya nasa dalawa kong balikat yung kamay niya at bahagya siyang yumuko para magtapat yung muka naming dalawa.

"Kapag tinawag mo pa kong uling, SIR… HAHALIKAN KITA!" Mariin niyang sabi.

Nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya kaya agad ko siyang itinulak para kahit papano magkaroon kami ng distansya na agad naman niyang naintindihan kaya siya na mismo ang bumitaw.

Pinindot niya yung elevator na agad namang bumukas kaya agad akong pumasok. Puwesto ako sa bandang sulok ng elevator malayo sa kanya. Parang ayaw ko ng ibuka yung bibig ko mamaya totoong halikan niya ko pag natawag ko siyang Sir. Kaya minabuti ko nalang na wag na siyang kausapin at halos ayaw ko narin siyang tingnan.

"Ding!"

Tunog ng elevator na nagiindicate na nasa ground floor na kami. Hinintay ko siyang unang lumabas pero di siya kumikilos at nakatingin lang din siya sa akin. Kaya wala akong nagawa kung unang humakbang palabas.

Paglabas namin sa elevator agad kaming nagpunta sa pangpang kung saan may nagpaparent ng mga bagkang de motor. Doon ko nakita si Mang Kanor na kumakaway samin na agad naman naming nilapitan.

"Good Morning Mang Kanor, Sama ka samin?"

"Naku Ma'am di po, may inuutos pa po kasi sa akin si Sir Martin na kailangan kong gawin kaya di po ako makakasama sa inyo."

"Ay ganun po ba sayang naman". Malungkot kong sabi, akala ko pa naman kasama namin si Mang Kanor kahit papaano sana di masyadong nakakailang. Pero sigiro talagang sinadya ng Mokong na ito na di pasamahin si Mang Kanor eh para masolo ako. "Kainis talaga!" mukang may balak siya. "Bakit kasi ako pumayag... OMG!"

Akala ko ordinaring bangkang de motor lang ang aarkilahin ni Sir Martin di ko akalaing aarkila siya ng isang speed boat. Iba na talaga ang mayaman biruin mo pumayag siyang magbayad ng twenty thousand pesos para sa isang araw na paggamit ng isang Yamaha 195S grabe napaka luho niya. Iba na talaga ang mayaman. Samantalang ako isang buwan ko na yung sahod.

"Sakay ka na Ma'am!" Sabi ni Mang Kanor sa akin nung matapos niyang maisakay ang isang maliit ng cooler at picnic basket. Mukang pinaghandaan talaga ni Sir Martin yung island hoping namin ang dami naming baon. Ito siguro yung inutos niya kay Mang Kanor kaninang umaga. Agad akong sumakay sa tulong ni Mang Kanor, Si Sir Martin kasi naka pwesto na sa manibela ng Bangka.

Umupo ako sa bandang likuran ng Bangka pero agad naman akong pinalipat ni Sir Martin sa harapan.

Nang masigurado niyang okey na yung pagkakaupo ko agad na niyang pinaandar yung Bangka.

"Ingat po kayo!" sigaw ni Mang Kanor habang kumakaway. Siguro gusto din sumama ni Mang Kanor isip ko kasi muka siyang nalungkot nung umalis na kami.

"Walang awa!" Nasabi ko sabay irap kasi Sir Martin.

"Ayaw niyang sumama, Niyaya ko siya pero tumangi siya sabi niya enjoy nalang daw tayong dalawa masyado na daw siyang matanda para sa ganitong klaseng activities!" Seryosong paliwanag ni Sir Martin sa akin habang busy sa pagmamaniobra ng bangka. Mukang nabasa niya yung iniisip ko o baka nakita niya yung pag-irap ko huhuhu kaya di ko na tiningnan si Mang kanor na kumakaway parin sa tabing dagat.

"Sa may Majestic Bangui Windmills muna tayo pumunta", sabi uli ni Sir Martin.

Chương tiếp theo