webnovel

The Bud and The Guardian

Sa nayon ng Claristun kung saan nangyari ang labanan ay malaki ang natamong pinsala nito. Halos maubos ang mga tirahan ng mga taga-roon at ang populasyon nila ay bumaba ng 60%. Lahat sila ay nanlumo at nakaramdam ng guilt sa nakitang pinsala ng labanan at yung iba naman ay sugatan. Hindi nila pwedeng iwanan ang mga tao roon ng basta-basta pero hindi rin nila pwedeng ipagpaliban pa ang paghahanap sa Aconitum Vulparia.

"Kailangan natin silang tulungan pero hindi naman natin pwedeng i-delay pa ang paghahanap sa bulaklak." saad ni Carlie.

"Yun din ang naisip ko. Alam kong mas mabilis ang paghahanap kung tayong lahat ang maghahanap pero sa kasalukuyang sitwasyon hindi natin pwedeng iwan ang mga tao rito." aniya ni Carlisle.

"Kailangan silang gamutin agad para hindi na manganib ang buhay nila." saad naman ni Casimir.

"Si Cloudia, Cloyce balikan mo si Cloudia ng magamot na sila." saad naman ni Cassiel.

"Hep! Hep! Hep! Anong tingin niyo kay Cloudia, hindi napapagod? Sa bawat pag-gamot niya nanghihina siya at nalilipat sa kanya ang sakit. Kaya kung pwede hayaan muna natin siyang magpahinga. Tsk kung tutuusin kailangan niya pang gamutin ulit si Cornelia dahil bumukas na naman ang mga sugat nito ng makipaglaban sa demonyong yun." galit na saad ni Christopher.

"Paano yan?" pag-aalalang tanong ni Chayanne.

"Dalawang grupo ang gawin natin. Yung maghahanap at maiiwan."

"Anong basehan mo sa grupong yan?" tanong ni Cyrus.

"Ano pa ba? Edi yung kakayahan niya. Maiiwan dito ang hindi masyadong makakatulong sa paghahanap."

"Tsk. May pakiramdam akong maiiwan ako." saad ni Christopher.

"Mabuti naman alam mo. Ganun na nga si Christopher, Cassiel, Ciara, Charlene at Cyrus." matigas na saad ni Carlisle.

"Pati ako maiiwan? Tss. Anong klaseng pag-gugrupo yan?" angal ni Cyrus.

"Ano bang kaya mong gawin? Kontrolin ang elementong lupa at bakal? Mas kailangan ka dito kaya huwag ka ng umangal pa." diin ni Carlisle sa desisyon niya.

"Tss. Kakailanganin niyo rin tulong ko." asar na sabi ni Cyrus. Lumakad na si Cyrus at binangga pa si Carlisle, hindi pa nakontento ay pinalambot niya ang pagkakayari ng lupa para matumba si Carlisle. Natawa pa ito at tuloy-tuloy sa paglakad. Naasar naman si Carlisle at akmang susundan niya si Cyrus ay hinawakan na siya ni Chayanne.

"Hayaan mo nalang, kahit ako nagulat kung bakit mo siya pinaiwan habang ako pinasama mo."

"Malaki ang maitutulong ng mga hayop sa gubat para matunton ang talong hinahanap natin."

"Ang sabihin mo lang gusto mong lagi siya sa tabi mo." sabat ni Christopher sa usapan ng dalawa tsaka sinundan si Cyrus. Sumunod naman sina Ciara, Cassiel at Charlene sa dalawang nauna.

Umalis na ang grupo nina Carlisle para simulan ulit ang paghahanap sa bulaklak habang ang grupo nina Cyrus ay tinutulongan na ang mga tao roon na ayusin ang kanilang nayon at gamutin ang mga sugatan. Si Ciara ay nagsilbing pain-reliever sa mga sugatang hindi kayang tiisin ang sakit at hapdi ng mga sugat nila. Sa kantang inaawit ay natutulungan niyang pakalmahin ang mga taga-roon. Si Cyrus naman ay inaayos ang mga tirahan nila at mas pinatibay ang pagkakagawa nito. Si Cassiel naman ang tumutulong sa mga naiipit at nagtatanggal sa mga bagay na nakatusok sa kalamnan ng mga sugatan para hindi na sila nahihirapan. Si Christopher naman ang nagsisilbing source of communication sa pagitan nila at sa grupo nina Carlisle at sa hide-out. Si Charlene naman ay nagpapalaki ng mga halamang gamot at punong namumunga para makapag-simula ulit ang mga tao sa Claristun.

Sa isang banda ang grupo nina Carlisle ay nagsisimula na sa paghahanap. Sila rin ay naghihiwalay-hiwalay para mas mapabilis ang kanilang paghahanap. Nakaka-usap naman nila ang isa't isa kahit wala yung baraha sa tulong ni Christopher. Si Cloyce ay palipat-lipat sa pagitan ng grupo ni Casimir at Carlie at sa grupo nina Carlisle at Chayanne, minsan ay lumalayo siya sa grupo para maghanap sa mga lugar na hindi na kayang tahakin ng naka-paa lang. Malayo na sila sa mismong sentro ng Claristun at padilim na pero sige pa rin sila sa paghahanap. Sa tulong ng mga alitaptap may ilaw ang bawat grupo sa kanilang dinadaanan. Kahit mga pagod na ay ang bulaklak pa rin ang nasa isipan nila habang ang grupong natira sa nayon ay naghahanda na rin ng pagkain kung baka sakali makabalik ang mga ito agad. Hindi lang pala hanggang telepathy ang nagagawa ni Christopher at dahil kaya rin niyang mapakinggan ang paligid nito, nagpunta siya sa pinakamataas na puno at inakyat ang tuktok nito. Doon nagconcentrate siyang pakinggan ang bawat ingay na maririnig niya at tinutunton ang lokasyon nito depende sa ingay na ginagawa. Kahit ang ingay ng hangin ay natutukoy niya kung saan ito galing dahil na rin sa amoy nitong dala.

"Carlie may nakita na ba kayo?" tanong ni Carlisle sa kabilang grupo.

"Wala pa, kahit palatandaan wala pa rin. Subukan mo kayang magpatulong sa mga hayop Chayanne." aniya ni Carlie.

"Ginawa ko na rin yan kaso wala silang nakikitang talon, baka nga wala talaga rito ang bulaklak na iyon." saad ni Chayanne.

"Nagkakamali kayo." sabat ni Christopher. "Sa lokasyon niyo ngayon Chayanne lumakad pa kayo ng mahigit isang daang hakbang may makikita kayong bangin sa itaas. Titigan niyo ang bangin na yun may makikita kayo, parang may narinig lang akong boses galing jan, hindi pa ako sigurado pero mas maiging subukan niyo na."

"100 steps. Ano sa tingin mo Carlisle?" tinignan ni Chayanne si Carlisle ngunit wala na pala ito sa likuran niya. Naisip niya na baka nauna na ito pagkasabi palang ni Christopher kaya nagmadali siyang sundan ito.

"Carlisle nasan ka na?" walang sagot siyang narinig. Nag-aalala na si Chayanne kung napano ito at biglang nawala. Nagsimula ulit siyang lumakad hanggang sa narating niya ang bangin na sinasabi ni Christopher, tumingala siya ngunit wala naman siyang nakita sa bangin na iyon. Hinanap niya si Carlisle ngunit wala pa rin siyang nakita. Sinubukan niyang kontakin si Carlisle sa tulong ni Chris ngunit pati si Chris ay hindi niya magawang abutin. Nag-aalala na ng husto si Chayanne at ng may marinig siyang kaluskos ay bigla siyang napalingon sa pinaggalingan nito. Nandilat ang kanyang mata sa pagkabigla, nanlambot ang mga tuhod niya at nanginginig siya.

"Bayad yan sa pagpapa-alala ko sayo." nakangiting saad ni Carlisle sabay kindat. Tumalikod na ito at inobserbahan ang bangin. Habang si Chayanne ay nakatayo pa rin at tulala sa ginawa ni Carlisle.

"Hinalikan niya ako." sa isip niya. Naalala niya ulit ang halik na ninakaw mula sa kanya. Napatakip siya sa kanyang bibig at inulit ang pangyayari sa isipan niya. "Malalambot ang mga labi nito kahit wala naman sa itsura nito, ang bango niya at yung pagkakayakap niya sakin habang nakahalik sobrang higpit nun na tila secured ako sa pagkakayakap niya. Hinalikan niya ako sa labi." pag-iimagine niya sa nangyari. Tila nawala siya saglit sa mundong ito.

"Chayanne tignan mo yun. Chayanne." turo ni Carlisle sa nakita ngunit wala pa rin siyang nakukuhang sagot mula sa pagtawag niya sa kasama.

"Chayanne, Chayanne!"

"H-ha? A-ano yun?" para siyang tinatangay ng hangin ng matitigan si Carlisle.

"Sa bandang itaas parang may kung anong ingay na nagmumula doon." turo ni Carlisle. Ngunit tulad ng kanina ay walang imik si Chayanne at panay ang ngiti sa kanya. Nilapitan niya ito at hinawakan ang bewang. Bumulong siya sa tenga nito.

"Gusto mong ulitin ko?" pilyong ngiti ang binitiwan ni Carlisle. Tila nagwawala naman ang utak ni Chayanne at napakabilis din ng tibok ng puso niya. Pero ng marinig ang sinabi ni Carlisle ay namuo ang hiya sa dibdib niya at namumula ang pisngi nito. Buti nalang at madilim kaya hindi ito nakikita pero nararamdaman ni Carlisle ang kaba sa dibdib ni Chayanne.

"S-saan ba yung tinutukoy mo?" nauutal na tanong ni Chayanne. Itinuro ni Carlisle ang parang agos ng tubig na nagmumula sa bangin pero kung hindi mo ito tititigan ng husto ay hindi ito nakikita.

"Siguro yan ang talon na hinahanap natin."

"Ipaalam natin sa iba." pilit iwinaksi ni Chayanne ang sensayong naramdaman at inayos ang sarili.

"Mabuti pa nga." sang-ayon ni Carlisle. Agad na kinontak nila ang mga kasama para magkasama silang pupuntahan ang talong nakita. Sa tulong narin ni Cloyce ay agad silang nakapunta sa kinaroroonan nila Chayanne. Tinitigan ng mabuti ng mga bagong dating ang tinutukoy ni Carlisle na talon. Sa unang tingin ay tanging bangin lang ang nakikita nila pero di nagtagal ay unti-unti na nilang nakikita ang talon.

"Paano natin aakyatin yan?" tanong ni Carlie.

"Mas maigi sana kung kaya nating lumipad o di naman kaya may makakapagpataas sa atin." aniya ni Chayanne.

"Subukan kong takbuhin paakyat sa bilis ko hindi ako mahuhulog. Titignan ko mula sa taas ang talong yan." boluntaryo ni Casimir.

"Sige subukan mo Mir." aniya ni Cloyce. Tumakbo agad si Casimir at laking gulat niya malayo-layo na ang natakbo niya ay hindi pa rin siya nakatakbo pataas. Sa pagtataka ay tumigil siya sa pagtakbo ng bigla siyang lumubog. Kitang-kita ng iba ang nangyayari at akmang aapak ay napansin nilang lumulubog ang mga paa nila. Agad silang umatras at nakita naman nila si Casimir na lumalangoy pabalik. Tinulungan siyang umahon at hingal na hingal siya.

"Tubig, hindi yan lupa kundi tubig." hingal na saad ni Casimir.

"Ibig sabihin pala nito ay —-" putol na pahayag ni Chayanne habang nakatingin sa bangin.

"Tama ka Chayanne, ang mismong bangin na ito ang talong hinahanap natin. Pero ang tanong ay kung nasaan ang bulaklak ng Aconitum Vulparia." aniya ni Carlie.

"Mas maigi na to dahil ang bulaklak na lamang ang hahanapin natin." sabi ni Cloyce.

"Obserbahan natin ang paligid baka may makita tayo." sabi ni Carlisle. Sa gitna ng usapan nila ay isang malaking bato ang paparating. Agad hinablot ni Carlisle si Chayanne, nagteleport si Cloyce kasama si Carlie at tumakbo naman si Casimir na muntik ng tamaan ng malaking bato.

"Kasalanan ko ba sa talon na ito?" asar na saad ni Casimir.

"Umalis na kayo rito." isang boses ng galit na lalake ang umecho pa palapit sa kanila.

"Sino ka?" tanong ni Carlie.

"Umalis na kayo dito!"

"Hindi kami aalis dahil kailangan naming makuha ang bulaklak ng Aconitum na kumikislap ang gitna nito, kailangan namin yan para sa kasama naming nalason." sabi ni Chayanne.

"Ang bulaklak ng Aconitum, ang healing bud. Paano niyo nalaman ang tungkol sa bulaklak?" tanong nito.

"Sa kasama namin. Pakiusap isa lang ang kailangan namin." aniya ni Carlie.

Lumabas mula sa isang yungib ang lalaking may katangkaran rin, kaso may buhat-buhat itong napakalaking bato. Imbes na mangamba ay parang pangkaraniwan na sa kanila ang mga kagaya nilang may kapangyarihan. Napakalakas ng lalaking ito dahil kung titignan sa structure ng katawan nito ay hindi mo aakalaing makakapagbuhat ito ng napakalaking bato na kaya silang tabunan lahat. Mismo ang lalake ay natigilan sa nakikitang reaksyon ng mga nakaharap niya. Hindi ito takot at hindi ito napaatras, medyo nagpipigil pa nga ang mga itong matawa.

"Seriously? Itatapon mo na naman ba samin ang batong yan? Galing pa kami sa labanan kaya ayaw na namin ng isa pang laban." kibit-balikat na saad ni Carlie.

"Bakit pakiramdam ko kilala ko kayo?" aniya ng lalake. Tumabi agad si Casimir sa lalake at sumandal sa likuran nito. Ang lalake mismo ang namangha sa bilis ni Casimir.

"Siguro kagaya ka rin namin." saad ni Carlisle.

"Ano ba kayo?" ibinaba ng lalake ang batong pasan-pasan nito.

"Hindi pa namin alam kung ano talaga kami pero nagkakaisa kami dahil ramdam namin ang koneksyong namamagitan sa isa't isa." tapik ni Carlie sa braso nito.

"May pangalan ka ba?" tanong ni Cloyce.

"Pangalan? Sa bawat panaginip ko tinatawag nila akong Cryptic Shaun Gilbert Winchester."

"Cryptic Shaun Gilbert Winchester, I see." inilahad ni Carlie ang kamay at ngumiti. "I am Carlie Samantha Gilbert Winchester."

Tinanggap naman ni Cryptic ang kamay nito at naramdaman niya ang koneksyong sinasabi nila. Tinignan niya ang iba pa at nakangiti ito sa kanya.

"So ang Aconitum Vulparia pala ang ipinunta niyo rito."

"Yes at kailangan namin yun para sa kasamahan namin." aniya ni Chayanne.

"Nasabi mo na nga dalawang beses na."

"Ituturo mo ba kung nasaan ito?" tanong ni Carlie.

"Oo naman, pasensya na pala sa pag-atake ko sa inyo. Minsan lang kasi namumulaklak ang aconitum vulparia at yung kikislap pa mismo kailangan niyo."

"Paulit-ulit na tayo." nakangising sabi ni Casimir.

"Sumunod kayo." paghakbang ni Cryptic ay isang paanan ng mga bato ang lumabas. Nagtuloy-tuloy ito sa isang kweba na pinasok nila. Sa pagpasok nila ay isa-isang umilaw ang mga torch na nasa gilid nito. Tumigil lang sila sa isang bukana ng kweba na ang matatanaw lang sa baba ay mga bulaklak ng Aconitum Vulparia.

"Wait! naalala niyo yung sinabi ni Cornelia? Di ba ang tanging makakakuha nito ay yung nagkaka-isa ang damdamin ng pipitas nito sa bulaklak. Dapat rin kasali nito ang ugat para hindi ito mamatay agad." saad ni Chayanne.

"Naalala ko yun. Sino ang kukuha?" tanong ni Carlisle.

"Baka kailangan natin si Charlene, di ba kaya niyang kontrolin ang iba't ibang halaman?" suhestyon ni Carlie.

"Tama ka, sige pupuntahan ko na si Charlene." sang-ayon naman ni Cloyce.

"Ano ba ang inaalala ninyo?" tanong ni Cryptic.

"Maingat dapat ang pagkuha ng bulaklak para hindi ito mamatay. Isang beses bawat isang dekada lang namumulaklak ang bulaklak na yan."

"Wala man akong alam sa sinsabi niyo pero simula ng mapunta ako rito, pakiramdam ko inaalagaan ako ng mga bulaklak na yan. Nalaman ko sa mga nagpunta dito na healing bud ang tawag dito, ang simpleng bulaklak nagpapagaling ng mga karamdaman ng tao. Pero ang kumikislap na healing bud ay hindi nakalaan para sa mga tao at pilit nila itong kinukuha kaya narito ako. Tinataboy ko ang sino mang may masamang balak sa bulaklak na ito pero binibigyan ko naman ang kung sino ang totoong nangangailangan nito. Sa mga nabigyan ko na tinawag na nila akong Guardian of the Healing Bud. Siguro ang nag-iisang bulaklak na ito ay namukadkad dahil kailangan siya ng isang higit pa sa tao. Ngayon ko lang ito nakitang kumikislap dahil dalawang araw pa lang ng nagsimula itong bumuka." pahayag ni Cryptic.

"Ikaw ang guardian ng bulaklak na ito. At higit pa sa isang tao ang kaya nitong pagalingin. Habang tumatagal mas lalo ko ng ginustong mabawi lahat ng memorya ko." sabi ni Carlie.

Hindi nila napansin nakababa na pala si Cryptic papunta sa healing bud na kailangan nila. Pipitasin sana niya ito agad ng marinig niyang sumigaw si Chayanne at Carlie.

"Huwag mong pitasin na lang, isama mo yung ugat, buhatin mo nalang yung mismong batong tinatayuan nito." sigaw ng dalawa.

Nakuha naman ni Cryptic ang ibig sabihin ng dalawa at binuhat ang pinag-uugatan ng bulaklak kaso doble ang laki nito sa ibinato niya kanina kina Carlie. Nanlaki ang mga mata nila sa laki ng batong tinutubuan nito.

"Mabuti nalang at malakas si Cryptic kundi mahihirapan tayong kargahin yan." halos bulong na saad ni Carlisle na nakatingin sa kasamang lalake.

"Maraming salamat Cryptic sa pagbibigay mo ng bulaklak na yan, pero kase."

"Ano yun?"

"Wala ni isa sa amin ang kayang magbuhat ng ganyan kalaki at kabigat na bato. Pwedeng samahan mo kami hanggang sa pagbalik namin sa kasama namin?" tanong ni Carlie.

"Oo naman, isasara ko nalang ang kweba para walang makakapasok dito." lumabas na sila at medyo nahirapan dahil sa laki ng bato, minsan sumasabit at minsan masyadong masikip ang dadaanan kaya kailangan pa nilang gumawa ng paraan. Hindi naglaon ay nakalabas na sila ng kweba. Itinulak ni Cryptic ang isang bilugang bato sa gilid para takpan ang lagusan ng kweba habang ang isang kamay ay nakapasan pa rin sa malaking bato. Nakaisip naman si Cloyce ng paraan kung paano mapapabilis ang pagbalik nila sa hide-out dala ang bulaklak.

"Kung magteleport nalang kami ni Cryptic kasama ang bato deretso sa hide-out?" suhestyon ni Cloyce.

"Bat ngayon mo lang naisip yan Cloyce, gawin mo na." segunda ni Carlie.

Nagteleport na si Cloyce kasama si Crytic ngunit tila nagdisappear lang sila ng dalawang segundo at bumalik nakatayo pa rin sa posisyon nila.

"Masamang ideya, kaya ko lang sigurong i-teleport na kasama ko ay yung kaya ko lang buhatin." tila alam na ng mga kasamahan niya ang mangyayari at deresto balik sa paglalakad.

"Cryp magsabi ka lang kung pagod ka na at para makapagpahinga na tayo."

"Okay lang ako ang inaalala ko ay kayo baka pagod na kayo madilim na rin kaya mahihirapan tayong makita ang daan."

"Walang problema sa ilaw." pumalakpak si Chayanne ng dalawang beses at nagpatiuna na ang mga alitaptap para ilawan ang daan. "Yan may ilaw na tayo, gusto ko rin doon na lamang sa nayon magpahinga kasama ang iba pa para matignan na rin ang kalagayan ng mga tao roon."

"Tama ka Chay ako rin, gusto ko doon na lamang para makapagpahinga ako ng walang alalahanin." segunda ni Carlie.

Ilang oras ng paglalakad ay narating din nila ang nayon, ibang-iba na ito ng una nilang makita ni Carlie at nung nasira sa labanan. Magagandang bahay na ang naroroon na mukhang matibay at wala na doon ang mga bangkay ng mga nasawi sa labanan. May mga halaman na rin sa gilid na namumulaklak din at mga halamang gulay din. Natumpok nilang gawa ni Charlene ang mga halamang yun at si Cyrus naman ang gumawa ng mga bahay nga mga taga-roon. Sinalubong naman sila ni Christopher na bumaba sa punong inakyatan. Namangha ito sa laki ng batong dala-dala ni Cryptic. Nagtaka si Chayanne kung bakit nag fist-bump pa sina Carlisle at Chris at panay ang tawanan ng dalawa. Nilapitan naman siya ni Chris bago ito tumakbo para tawagin ang iba pa.

"Kumusta naman ang halik ni Carlisle Chayanne?" panunukso ni Chris na medyo may kalakasan ang boses nito. Napalingon naman ang iba pang mga kasamahan at ang mga mata'y nanunukso.

"Ikaw Chayanne ha hindi ka nagsasabi may nangyari palang ganun habang kayo lang dalawa." panunukso din ni Carlie. Inakbayan siya agad ni Carlisle habang nakayuko dahil sa hiya.

"Huwag niyo naman tuksuhin, ako naman may gawa nun. Wala siyang alam." sabay kindat kay Chayanne. Nagtatawanan na silang papalapit sa pinakamalaking bahay doon.

"Si Cyrus kita mo hindi nagpapatalo gumawa ng sariling bahay." aniya ni Casimir.

Ipinakilala ni Carlie ang bagong kasama nila na maghahatid ng bulaklak para magamot na si Charice. Sinubukan din ni Cyrus na palutangin ang batong dala-dala ni Cryptic pero ng siya na ang may kontrol sa bato ay biglang nanuyo ang mga ugat nitong nakayakap sa bato. Kaya agad naman niya itong ibinigay kay Cryptic.

"Siya talaga ang gusto ng bulaklak na humawak sa kanya, bukas na bukas din ay aalis na tayo papunta sa hide-out natin. Malayo ang lalakarin natin kaya maghahanda tayo ng mga makakain at inumin sa paglalakbay natin." aniya ni Cyrus.

Nagpahinga na silang lahat habang si Cryptic ay nasa labas lamang at kahit nakalapag na ang bato ay hawak-hawak niya pa rin ito. Lumabas naman si Charlene at tinignan ang bulaklak. Hindi siya nakakapagsalita, napagsabihan na naman din si Cryp tungkol doon pero hindi niya maiwasang magkwento tungkol sa bulaklak. Maya-maya pa ay nagpaalam na itong matulog pero hindi siya umalis ng hindi komportable si Cryp sa kinalalagyan niya. Gumawa si Charlene ng higaang gawa sa mga halamang may malalambot na bulaklak para hindi manibago si Cyrp at pinasilungan niya ito sa isang malaking dahon na galing sa isang halamang malalapad ang dahon at itinaas ito ng konti at inayos niya ito. Tuluyan na itong pumasok ng makitang nahimbing na si Cryptic.

Samantala sa hide-out ang lalaking taga-Claristun ay na-engganyo sa mga kapangyarihang taglay ng bawat isa sa kanila. Inoobserbahan lamang nito ang bawat kilos ng mga GW sa hide-out. Pero ang tumatak sa isipan nito ay ang babaeng nagbenda sa ulo niya. Nasugatan man siya nito ay kasalanan naman pala niya. Hindi na siya makapaghintay pa sa pagkakataong makita ito ulit ng harap-harapan at matitigan ang bawat anggulo ng mukha nito.

"Nigel pakikuha naman nung mga bendang nasa bag ko. Hindi ko pwedeng tanggalin ang kamay ko sa sugatang bahagi na ito medyo malalim kasi yung sugat kaya bebendahan ko muna bago gamutin uli." aniya ni Cloudia. Agad naman sumunod si Nigel at nagmasid sa ginagawang pag-gamot ni Cloudia. Dahil gusto nitong makatulong ay lagi lang itong nagmamasid ng kung ano pa ang pwede niyang maitulong sa mga tao sa hide-out. Pero sa isipan niya mas gusto niyang masdan ang babaeng nakita niya sa kagubatan at mas kilalanin pa ito. Hindi niya alam sa anong paraan pero sa isiping makikita niya ito ulit ang siyang nangingibabaw.

Chương tiếp theo