webnovel

In Times of Trials

Nagising ang lahat ng maaga para simulan ang paghahanap sa antidote para kay Charice. Nagteam-up na sila ayon sa paghahati sa kanila ni Carlie. Tulad ng napagkasunduan sina Venz ang naiwan para bantayan ang kinaroroonan nila at si Charice kasama si Cornelia. Naghiwalay-hiwalay na ang bawat grupo nang maramdaman ang kakaibang barrier sa kanilang harapan. Ang grupo nina Carlie ay sa kaliwang bahagi maghahanap papunta sa dulo ng Claristun habang ang grupo nina Cyrus ay sa kanang bahagi papunta sa gitna ng Claristun maghahanap. Pag may isang nanganib pwede silang makapag-usap sa tulong ng isang barahang nilagyan ni Cornelia ng spell, bawat isa sa kanila ay may hawak na isang baraha. Doon nila magagawang kausapin ang mga kasama.

Nakarating na ang bawat grupo sa starting point kung saan sila magsisimulang maghanap, ito ay sa dulong bahagi ng barrier na sakop na ng Claristun. Sa unang hakbang nila papasok sa barrier ay agad na silang natunugan ni Charlemagne. Hindi muna ito gumawa ng aksyon dahil alam niyang matatagalan pa bago mahanap ang mismong sentro ng nayong tinutuluyan niya o mas tamang sabihing kinasasakupan niya. Si Cydee naman ay nasa isang sound proof na kwartong ginawan niya rin ng sariling barrier para hindi siya maistorbo sa konsentrasyon niya. Habang nakaupo sa sentro ng kwarto ay bigla niyang nasagap ang presensya ng mga dayuhang nakapasok sa barrier na gawa ni Charlemagne. Dito ay naulit muli ang kanyang nakitang pangyayari na naputol nung biglang umulan.

Sa isang banda ay unti-unti ng nararamdaman ni Caien ang kanyang kapangyarihan ang hindi niya lamang matiyak ay kung bakit hindi na niya nailalabas ang maitim na aurang ipinamalas niya ng ubusin ang lahi ng mga Devoughnaire pwera nalang sa isa na kasa-kasama niya sa parehong dimensyon. Sa mga naiwang kasamahan ay si Venz ang namahala doon, hinati niya ang mga kasama para magronda sa mahigit 500 meters mula sa kinatatayuan ng kanilang hide-out. Nagsisimula na namang umepekto ang lason sa katawan ni Charice, namumutla na ito ng husto at base sa nakikitang takbo ng lason ay hindi na kinaya ng spell ni Cornelia na pigilan itong kumalat.

"Carlie, Cyrus." sambit niya sa mga pangalan habang hawak ang baraha.

"Bakit Cornelia?" sabay na sagot ng dalawa.

"Nagsisimula ng kumalat ang lason ano na ba ang progress sa paghahanap niyo?"

"Wala pa kaming nakikitang kahit anong bulaklak sa lugar na ito." aniya ni Carlie.

"Pareho lang dito wala pa kaming nakikita." sagot naman ni Cyrus.

"Bilisan niyo gagawa rin ako ng paraan para bagalan ang pagkalat nito."

"Cornelia n-nauuhaw a-ako." sabat ni Charice sa pag-uusap nila.

"Good luck sa paghahanap." agad namang kumuha ng tubig si Cornelia para kay Charice. Pagkatapos mapainom ang kasama ay agad binuklat ni Cornelia ang kanyang book of spells. Inaral niya ang bawat spell at hinanap ang eksaktong kailangan para bagalan ang pagkalat ng lason.

"Cornelia kumain ka muna." abot ni Vladimar ng pagkain sa nagbabasang si Cornelia.

"Okay lang mamaya na."

"Kumain ka naman kahit konti para may lakas ka para sa mga spells mo. Kailangan mo rin magpahinga."

"Okay lang talaga. Ilapag mo nalang yan jan kakainin ko nalang pag nagutom ako." sabi niya ng hindi nililingon ang kausap. Umalis nalang si Vladimar dahil hindi niya napilit ito. Laging minomonitor ni Cornelia ang kalagayan ni Charice para ma-update ang mga kasamahan.

Ang grupo nina Carlie ay may nakikitang bulaklak ngunit hindi naman ito pasok sa mga katangiang sinabi ni Charlene.

"Cyrus." sambit niya habang hawak ang baraha.

"Nakita niyo na?" agad na response ni Cyrus.

"Hindi pa tanongin mo nga si Charlene kung alam niya ang pangalan ng bulaklak na hinahanap natin."

"Sige tanungin ko lang." agad namang kinausap ni Cyrus si Charlene na nakatingin din sa baba dahil nakasakay siya kasama ni Cyrus sa isang platform.

"Carlie pasensya raw dahil nakalimutan niya yung pangalan ng bulaklak." balik naman ni Cyrus sa kasamang naghihintay ng kanyang tugon.

"Ganun ba, sige pag-igihan niyo pa ang paghahanap." sabay buntong-hininga.

Malayo-layo na ang narating ng bawat grupo pero kahit ni isa ay walang nakakita nito. Gustuhin man nilang magpahinga ay hindi nila pwedeng gawin dahil ayaw na nilang magsayang pa ng oras. Buhay ng kasama nila ang nakasalalay sa antidote na iyon. Samantala, sa paghahalungkat ni Cornelia sa librong ibinigay sa kanya ay may nakita siya sa isang pahina na may nakaguhit na isang bulaklak, binasa niya ang patungkol dito at dali-dali niyang tinawagan ang mga kasama.

"Kayong lahat makinig kayo!" saad niya gamit ang baraha.

"Ano yun?"

"Bakit?"

"Anong problema?" tugon ng mga kasamahan niya ang iba ay nakikinig lang.

"May impormasyon ako tungkol sa hinahanap ninyong bulaklak. Makinig kayong mabuti."

"Sige Cornelia sabihin mo samin. Lahat kayo makinig kayo sa bawat impormasyong ibibigay ni Cornelia." utos ni Carlie.

"Ang bulaklak na yun ay tinatawag na Aconitum Vulparia."

"Aconi ano?" bulalas ni Casimir sa usapan.

"Sabing makinig na muna eh!" dahil kasama nina Carlie ito ay binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Sorry po." bulong ni Casimir.

"Itutuloy ko na ha? Wala ng sasabat. Inuulit ko ang pangalan ng halamang bulaklak na yun ay Aconitum Vulparia. Natatagpuan lamang ito kung saan may flowing water at tumutubo lamang ito sa bato. Konti lang ang mga Vulparia na namumulaklak at ang kailangan natin ay ang pinakamahirap hanapin sa lahat, ang Vulparia na kumikislap tulad ng sinabi ni Charlene. Babala nga pala, sa oras na makita niyo ito bunutin niyo pati yung ugat at dapat buhay ito para mapakinabangan ito." tumahimik saglit si Cornelia na tila naguguluhan.

"Cornelia anjan ka pa ba?" walang sagot mula sa kabila.

"Cornelia may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Carlie.

"M-may parte ng impormasyong pasok sa babala ang hindi ko mabasa dahil malabo ito."

"Dapat malaman natin yan kaya mo bang alamin ito?"

"May alam akong pwedeng pagtanungan kaso-"

"Kaso? ano yun Cornelia?" tanong ni Ciara.

"W-wala, babalikan ko nalang kayo pagnalaman ko na." biglang putol ni Cornelia sa usapan.

"Cornelia? Cornelia?" wala ng sagot silang natanggap.

"Mas okay na yun dahil alam na natin kung saan ito hahanapin." aniya ni Cloyce.

"Tama, sa ngayon focus na muna tayo sa paghahanap sa bulaklak ng Vulparia. Siguro naman by that time na makita na natin to may update na si Cornelia sa iba pang babala nito." saad naman ni Cassiel. Agad na bumalik sa paghahanap ang bawat grupo ngayon ay mas alam na nilang lugar na hahanapin. Pareho ang naisip ng bawat isa, talon ang mismong hahanapin nila dahil dumadaloy ang tubig dito at maraming batong nakapalibot sa mismong tubig nito.

Sa hide-out naman nila kung saan pinipilit basahin ni Cornelia ang malabong bahagi ng pahina ay wala pa ring nababasa mula rito. Luma na ang librong ito at halos wala ng nababasa sa iba pang mga pahina rito. Hindi nagagamitan ng spells ang mismong libro dahil si Elder Welhelmina lamang ang pwedeng mag alter sa bawat pahina nito. Isa lang ang alam niyang pwedeng mapagtanungan kaso wala na ito. Wala na siyang ibang alam na pwedeng pagtanungan tungkol dito at minabuti na niyang subukang itanong sa mga kasamahan kung alam nila ang tungkol sa bulaklak na iyon. Una niyang nilapitan si Venz para tanungin tungkol dito pero wala siyang nakuhang impormasyon, sunod niyang nilapitan ang nag-uusap na mga kababaihan ngunit gaya ni Venz ay wala ring naitulong ang mga ito. Pabalik na siya sa silid na kinalalagyan ni Charice para ipagpatuloy ang ginagawa niya ng makasalubong niya si Vladimar. Alam niyang wala rin siyang makukuhang impormasyon dito kaya dumeretso na siya sa pagpasok sa silid. Sumunod naman si Vladimar at doon nanatili. Nakita nitong hindi nagagalaw ni Cornelia ang pagkain.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong nito.

"Hindi pa." tipid na sagot nito. Kinuha ni Vladimar ang libro palayo kay Cornelia.

"Akin na nga yan!" galit na saad nito.

"Gusto mo rin bang mag-alala ang mga kasamahan mo sayo? Pag nahimatay ka sa gutom edi mas lalong wala kang magagawa para tulungan yung kasama mo."

"Hindi ako pwedeng tumigil may kailangan pa akong alamin."

"Ano ba kasi yan baka makatulong ako."

"Aconitum Vulparia."

"Ano?"

"Pangalan pa nga lang hindi mo na alam kong ano yun ano ba maitutulong mo?"

"Pasensya na kung wala akong alam sa mga ganyan at wala akong kapangyarihan para makatulong pero naman nag-aalala ako sayo." natigilan si Cornelia sa sinabi nito.

"T-tulad ng sinabi ko hindi ako pwedeng tumigil." kinuha ni Cornelia ang libro at binuksan ito.

"Gusto kong magkasilbi sayo. Gusto kong may maitulong sayo."

"Kung gusto mong makatulong wag mo muna akong guluhin." giit ni Cornelia. Naupo na lamang si Vladimar sa gilid at tinignan ang librong hawak ni Cornelia.

"Welhelmina Devoughnaire."

"Paki-ulit?"

"Welhelmina Devoughnaire, sino siya?"

"Siya yung kumupkop sakin at nagturo sakin ng witchcraft." biglang nalungkot si Cornelia ng maalala ulit ang matanda.

"Nasaan ba siya?"

"W-wala na siya." sinara ni Cornelia ang librong hawak-hawak.

"Sorry hindi ko alam."

"Okay lang." natahimik ang silid na okupado nila. Tumikhim si Vladimar para maputol ang katahimikan sa pagitan nila.

"Ano, sino ba yung kakilala mong pwedeng mapagtanungan tungkol sa nilalaman ng librong yan?"

"Si Elder Welhelmina lang may alam ng lahat ng nasa loob nito. Siya ang nagsulat ng mga spells na ito para may guide ako. Kaso wala na siya."

"Bakit hindi mo subukang maghanap ng spell jan sa libro mo na kayang kausapin yung kaluluwa niya o ano." biglang sabi ni Vladimar ng hindi nag-iisip.

"Bakit di ko naisip yan! Salamat ng marami Vlad."

"Seryoso? biro lang naman yung sinabi ko e."

"Yun ang pinakamatalinong birong nalaman ko." nayakap ni Cornelia si Vladimar sa sobrang saya. Nilapitan niya si Charice at inassure na makukuha nila ang antidote na yun. Binuklat ni Cornelia ang libro at tumabi naman sa kanya si Vladimar na tumutulong din sa paghahanap. Hanggang sa nakita niya ang isang spell na kayang tumawag sa espiritu ng kakilala niya. Nakapaloob ito sa mga kulay itim na pahina, na ibig sabihin ay isang sacrificial spells.

"Eto yun." turo ni Cornelia sa pahinang may spell.

"Sigurado ka ba dito?"

"Di ko pa nasusubukan to pero it's worth the try." medyo nag-alangan si Vladimar sa plano ni Cornelia.

"Tumabi ka muna Vlad gagawin ko na to agad."

"Kaya mo ba?"

"Oo naman ako pa." nginitian niya ang palayong si Vlad.

Gumawa ng hexagram si Cornelia at nakatayo sa gitna nito. Memoryado niya ang kailangan gawin at ang spell na ito ay kabilang sa sacrificial spells. Kung saan may kapalit sa bawat casting nito lalo na at summoning spell ang gagawin niya. Naglabas siya ng patalim at sinaksak ang dibdib. Nabigla si Vladimar sa ginawa ni Cornelia at tumakbo palapit kay Cornelia ngunit hindi niya nagawang makalapit dito dahil sa nilalabas na kapangyarihan nito. Tumutulo na ang dugo sa patalim at tinanggal niya ito. Pinatak ang dugo sa mismong hexagram na ginawa at nagbigkas ng spell.

"Hear these words, hear my cries, spirit from the other side, come to me who call you near, cross now the great divide!" pagkasabi nun ay sinugatan niya ang kanyang palad at tiniis ang sakit sa mga sugat nito.

"I call on thee the spirit of Welhelmina Devoughnaire to bid and answer my call." isang portal ang nagbukas at iniluwa dun ang kaluluwa ni Elder Welhelmina na nakangiti.

"Nagawa mo akong tawagin Dweisse or mas tama na Cornelia Syren Gilbert Winchester."

"Natutuwa akong makita ka ulit, Elder." unti-unting sinisip-sip ng hexagram ang dugong pumatak dito. Bawat patak ng dugo ay nagsisilbing pamalit sa bawat segundong naroroon ang kaluluwang tinawag niya. Hindi na niya inalintana ang unti-unting panghihina.

"Cornelia!" tawag sa kanya ni Vlad.

"Ayos lang ako huwag kang mag-alala."

"Dweisse ano ba ang maitutulong ko at kailangan mo pa talaga akong patawirin?" nag-aalalang tanong ng matanda.

"Elder Welhelmina, may isang bahagi po kasi ng pahina sa libro mo ang malabo na at di ko na mabasa. Importante ang impormasyong naroon na kailangan ko." paglalahad ni Cornelia.

"Cornelia just stop the chase and ask her directly tungkol sa bulaklak ng Aconitum Vulparia." sabat naman ni Vlad na hindi na mapakali. Napatingin sa gawi niya ang matanda at tinitigan siya nito.

"Aconitum Vulparia, ang healing bud. Para saan yan Dweisse."

"Nalason po ang kasamahan naming si Charice siya po yung nakahiga sa likuran ko, kailangan ko ang impormasyong tumutukoy sa babalang nakatala doon patungkol sa pagtatanggal nito. Yung natitirang bahagi po nun ay hindi na kayang basahin." paliwanag ni Cornelia.

"Hindi ko na patatagalin to--" biglang nawala si Elder dahil biglang nawala ang balanse ni Cornelia sa sugat na ginawa niya.

"H-hindi maaari to." muli siyang tumayo at pilit itinuloy ang spell.

"Dweisse nakasaad dun na ang tanging makakukuha lang dito ay ang mga taong may kakahayang mapag-isa ang puso niya sa mga halaman. May buhay din ang---" at tuluyan ng bumagsak si Cornelia sabay ang pagkawala ng matanda. Agad nilapitan ni Vlad ang nahimatay na dalaga at inihiga sa kama. Dali-dali niyang nilapatan ng first aide ang sugat na gawa ni Cornelia sa sarili. Marami-raming dugo ang kailangan para sa summoning spell na iyon at para sa first timer na gaya niya, swerte na lamang kung mabubuhay siya. Nag-panic na si Vladimar dahil ayaw pa ring tumigil ng pagdurugo ng mga sugat nito lalo na sa kanyang sugat sa dibdib. Tumulong na ang iba pang kasamahan ni Vlad para masolusyonan ang kalagayan ni Cornelia.

"Cornelia." sabay na sambit ng magkakambal. Tiningnan nila ang markang nakaukit sa kanilang mga kamay at napansin na unti-unting nawawala ang linyang dumudugtong sa kanilang mga marka.

"May masamang nangyari kay Cornelia!" bulalas ni Ciara sa gitna ng paghahanap nila.

"Nararamdaman ko rin Ciara." agad kinuha ni Cyrus ang baraha at kinontak ang barahang hawak ni Cornelia.

"Cornelia! Cornelia! anong nangyare?" matagal bago may sumagot sa tawag niya.

"Cyrus, s-si C-Cornelia." sagot ni Vlad.

"Anong nangyari sa kakambal namin?!" galit na tanong ni Cyrus.

"May ginawa siyang spell at tinawag niya ang kaluluwa ng kumupkop sa kanya, isang sacrificial spell, maraming dugo ang nawala sa kanya, tinakpan na namin ang sugat pero ayaw pa ring tumigil sa pagdugo ang mga ito." natatarantang paliwanag ni Vlad.

"Papunta na kami!" saad ni Cyrus. Biglang may humaplos sa mukha ni Cyrus. Isang malamig na hangin ang humipo sa kanya.

"Cyrus."

"Cornelia?" napatingin ang lahat kay Cyrus ng banggitin ang pangalan ni Cornelia.

"Kailangan na nating bumalik Cyrus, kailangan tayo ni Cornelia." aniya ni Cloyce.

"Parang narinig ko ang boses ni Cornelia."

"Cyrus, ang pusong kayang makiisa sa mga halaman lang ang may karapatang kumuha sa bulaklak ng Vulparia." pagsabi nun ay nawala na ang malamig na hangin.

"Ang pusong kayang makiisa sa mga halaman lang ang may karapatang kumuha sa bulaklak ng Vulparia," pag-uulit niya. Kinuha niya ang baraha at ipinaalam sa kabilang grupo ang nangyari kay Cornelia at sa dagdag impromasyon tungkol sa Vulparia. Nag-aalala man sa kalagayan ni Cornelia pero sa puso ni Carlie alam niyang may tulong na darating para kay Cornelia.

"Cyrus, ipagpatuloy natin ang paghahanap." matigas na tugon ni Carlie.

"Carlie! nanganganib ang buhay ni Cornelia! uunahin pa ba natin ang bulaklak na yan kesa sa buhay ng kapatid namin?" galit na saad ni Cyrus.

"Nanganganib din ang buhay ng isa pa nating kasamahan! Kung nagawang magsakripisyo ni Cornelia para dun, para lang malaman natin kung paano kunin ang bulaklak na iyon edi gawin din natin ang tungkulin nating mahanap agad ang bulaklak para hindi mabalewala ang sakripisyong ginawa ni Cornelia."

"Nasasabi mo lang yan dahil wala ka sa sitwasyon namin! Hindi ikaw ang mawawalan!"

"Nasasabi ko to dahil naniniwala akong may tutulong kay Cornelia! Nasasabi ko yun dahil ramdam ko ang mga presensya nila. Alam ko ring sinusubaybayan nila tayo at hindi nila kayang tignan na lamang ang nangyayari kay Cornelia!"

"Pwede ring walang darating na tulong at pwede ring mamatay si Cornelia!"

"Tignan mo ang marka mo, tanungin mo rin ang mga kasamahan natin doon." mahinang saad ni Carlie. Agad naman tinignan ni Cyrus ang marka nito sa kamay, bumagal ang mga linyang dumudugtong sa marka niya at ipinagtanong rin niya kay Vladimar kung andun pa ba ang marka sa kamay ni Cornelia.

"May marka pa naman ang kanang kamay niya pero,"

"Pero ano?

"Dahan-dahan itong nawawala."

Hindi na malaman ni Cyrus kung ano ang gagawin, kung ano ang mas uunahin sa dalawa. Kinausap niya ulit si Carlie.

"Andun pa raw ang marka pero dahan-dahan itong nawawala."

"Narinig ko. Pero maniwala ka Cyrus may darating na tulong. Ipupusta ko buhay ko." mariin na saad ni Carlie. Tumingala si Carlie sa kalangitan at ngumiti. "Alam kong may tutulong." nakatingala pa rin siya.

Itinuloy nila ang paghahanap pero ngayon ay determinado na silang mahanap ito agad para mapuntahan na rin si Cornelia. Samantala, sa Cloud City ay nagpapaalam na sina Cloudia at Christopher na bababa na sila sa dimensyong kinaroroonan nina Carlie at Chayanne. Nakita nila ang mga pangyayari at narinig nila si Carlie sa pagtitiwala nitong sila'y darating.

"Keeper of light, we are very grateful for keeping us pero mas may kailangan kaming gawin sa baba kesa sa tingnan ang mga pangyayari roon." aniya ni Christopher.

"At saka, maraming adventures ang mararanasan namin doon. And alam din naming hindi niyo naman kami pababayaan diba?" nakangiting saad ni Cloudia.

"Alam namin na nararapat kayong palayain sa mga gusto niyong gawin. Ngayon kailangan niyo ng bilisan ang pagbaba sa sa Starfall Moor Dimension para tulungan ang kagaya niyong kailangang magamot agad." aniya ng Keeper of Light.

"Ihahatid ko na kayo papunta sa destinasyon niyo." anyaya ng Spirit of Wind.

"Sana maihatid ko rin kayo."

"Ako rin."

"Ehemm.- Kung may maitutulong kami tumingala lang kayo, lagi kaming nakaantabay sa inyong dalawa." saad naman ng Lord of Darkness. Niyakap ng dalawa ang mga kumupkop sa kanila sa huling pagkakataon. Nagpaalam na sila at lumabas na ng Cloud City. Sa tulong ng Spirit of Wind ay nasa loob sila ng isang whirlwind at binuksan naman ng Keeper of Light ang daanan papunta sa Starfall Moor Dimension.

Sa gitna ng matinding pag-aalala ng mga naiwang kasamahan sa hide-out ay biglang may isang whirlwind ang namuo sa loob mismo ng hide-out. Nabigla man ay hindi na sila natakot o nangamba dahil napapalibutan naman sila nga mga kasamang may mga kapangyarihan. Lahat sila ay nag-aabang sa makikita pag nawala na ang ipo-ipo. Sa isang pitik ng kamay ay nawala agad ang whirlwind at dito ay laharan na nilang nakita ang mga bagong makakasama nila. Hindi na sila nagpakilala at deretso silang nagpunta sa kinaroroonan ni Cornelia.

"Mas malala pala to kesa sa inaasahan ko." saad ni Christopher.

"Masyado na maraming dugo ang nawala sa kanya." aniya ni Cloudia.

"Kaya mo ba siyang gamutin Cloudia?"

"Oo naman. Ako pa." nakangiting saad ni Cloudia na kinindatan pa ang kasama. "Pero pagkatapos gusto kong mahiga sa isang malambot na kama." pagbibiro pa niya.

"Sige gagawan kita ng higaang ganun pero sa nakikita ko puro lupa at bakal lang ang meron dito."

"Okay na rin yan kesa walang masilungan."

"Pwede bang gamutin niyo na lang agad si Cornelia." sabat ni Vladimar. Nagkatinginan sina Cloudia at Christopher at pinigilan lang ang matawa.

"Hindi ako ang gagamot, siya lang." turo ni Christopher sa kasama at tumayo na ito para bigyan ng lugar si Cloudia at ng magamot na agad si Cornelia.

Inilapat ni Cloudia ang dalawang kamay sa mga sugat ni Cornelia. Nagliwanag ang mga kamay nito at sinimulan na niya ang pagsara sa hiwa na ginawa ni Cornelia sa sarili.

"Medyo matatagalan yata bago ko tuluyang maisara ang mga sugat niya maraming dugo ang nawala. Chris kumuha ka ng maligamgam na tubig."

"Para san?"

"Punasan mo si Charice, tinutuyo na ng lason ang balat niya kaya kailangan mo itong punasan ng punasan hanggang sa matapos ako rito." aniya ni Cloudia. Agad namang sinunod ni Christopher ang sinabi ni Cloudia. Tumulong naman sina Vlad at sila ang kumukuha ng tubig at nagpapakulo naman ang iba. Dahil nagagamot na si Cornelia ay bumalik na sa normal ang marka nito pati na rin kina Ciara at Cyrus na labis ang tuwang naramdaman ng malamang may dumating na tulong.

"Hindi ka nga nagkamali Carlie." nakangiti ng sambit ni Cyrus.

"Sabi ko naman sayo di ba? Ikaw lang tong walang bilib sa guts ko. Hahaha."

"Ngayon ang kailangan nating gawin ay mas pag-igihan ang paghahanap sa Vulparia."

Ang grupo nina Carlie ay napunta sa isang madilim na nayon. May mga bahay pero parang isang ghost town. Walang katao-tao o di naman kaya nagtatago ang mga taong naninirahan dito. Pinuntahan nila ang nayong iyon para magbakasakali na may mapagtanungan kung saan matatagpuan ang alon o di naman kaya makakuha pa ng impormasyon tungkol sa lokasyon ng Vulparia o di naman kaya ay may magturo sa kanila sa kinaroroonan nito. Papasok na sila sa nayon ng biglang may humarang sa kanilang mga tao. Sinubukan nilang kausapin pero walang imik ang mga ito at sa postura pa lang ay handa na silang umatake. Mula sa di kalayuan ay may biglang sumigaw ng "FIre" at nagliparan na ang mga panang papunta sa kinatatayuan nila. Mabilis na nailipad ni Kugure si Chayanne at mabilis ding nahila ni Casimir si Carlie. Nagtago sila sa likod ng mga puno. May narinig na naman silang sigaw " Attack!" at sumunod naman ang mga taong nakapalibot sa kanila kanina. Mas inilayo pa ni Kugure si Chayanne dahil ayaw niya itong masaktan habang si Carlie ay inutusan si Casimir na puntahan ang grupo ni Cyrus para makahingi ng tulong. Agad namang sinunod ni Casimir ang utos nito at mabilis na tumakbo paalis. Naghanap si Carlie ng matataguan nito at sinubukang kontakin ang mga kasama pero wala siyang natanggap na anumang sagot.

Mula sa himpapawid ay hinanap ni Chayanne ang pinagtataguan ni Carlie pero wala siyang maaninag. Isang ibon ang inutusan niyang patingnan ang lokasyon ni Carlie at sumunod naman ito. Sina Carlie, Chayanne at Kugure ay nalagay sa isang hindi inaasahang sitwasyon. Lalaban ba sila o makikipag-usap sa lalakeng kumukontrol sa mga tao roon. Hindi pa nila alam ang pwedeng mangyari kaya sa ngayon ay nagtatago na muna sila hanggang sa makarating ang iba pang kasama.

Chương tiếp theo