webnovel

The Keeper of Light

Malakas ang ulan na nagsimula pa nung nakaraang araw, magtatatlong araw na ngunit tila walang balak tumigil ang ulan. Ang ilog ay umaapaw na sa kagubatan at ang mga lugar na may mababang spot ay binabaha na.

"Grabe ng ulan, tatlong araw na pero ang lakas lakas pa rin."

"Nakakatamad kumilos, sarap matulog ng matulog." nakapulupot kay Charlemagne ang dalawang dalagang tulog na tulog. Palihim na tumitingin si Cydee sa kinaroroonan ni Charle di niya malaman kung bakit naiinis siya sa mga babaeng dumidikit dito.

"Pakiramdam kong may hindi tama sa ulan na ito."

"May nakita ka ba na patungkol dito?"

"Wala, simula ng umulan parang hinaharang nito ang divination ko."

"Ganoon ba?" tinamaan na ng antok si Charlemagne dahil din sa ulan para siyang nanghihina at laging inaantok.

Sa Fetid Swamp ay nag-aalala na ang mga kasamahang naiwan nila Venz doon pati na sina Carlie at Chayanne. Tatlong araw na pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Hindi pa nakakabalik ang grupo ni Venz na naghahanap sa silver-eyed lion. Ang tangi nilang magagawa ay ipanalangin na ligtas ang mga ito. Katulad ni Charlemagne ay sumama rin ang pakiramdam nina Carlie at Chayanne, parang may unti-unting humihigop sa kanilang lakas. Dahil sa sama ng pakiramdam ay hindi sila lumabas ng kwarto.

Habang umuulan sa lupa ay iba naman ang nangyayari sa kalangitan. Sa maitim na ulap na nagdadala ng malalakas na ulan, sa itaas ng mga ulap na iyon ay may nakatagong city doon na nakatayo sa ibabaw ng isang buong ulap. Tinatawag itong Cloud City na tinitirhan ng mga Elemental Guardians. Sila rin ang may gawa sa pagpapalit ng panahon. Kamakailan lang ay nasira ang balance nito simula ng may bumagsak sa kanila na dalawang nilalang na tila himbing na himbing ang mga ito. Ang Guardian of Light ang naunang nakakita sa dalawa at ito na mismo ang kumopkop sa dalawa. Naging abala ang Guardian of Light sa pagbabantay sa dalawang nilalang na ito at tila natutuwa pa itong pagmasdan ang dalawa na nagbabasa ng libro. Hindi malaman ng ibang Elemental Guardians kung paano nila pakikitunguhan ang Guardian of Light dahil ang buong atensyon nito ay wala na sa tungkulin nito. Tatlong araw na ang nagdaan at hindi pa lumalabas ang Guardian of Light sa teritoryo nito. Ang Cloud City ay nahahati sa anim na na teritoryo, isa sa Lord of Darkness, sa Guardian of Light, Spirit of Wind, Spirit of Water, Spirit of Fire at Spirit of Electro. Nagkikita-kita lang ang mga elemental guardians sa Divine Altar kung saan doon sila nagpupulong-pulong. Sa ngayon may isang pagpupulong ang nagaganap, patungkol ito sa Guardian of Light.

"I can't go any further, if I keep on covering Guardian of Light's responsibility I will end up flooding the whole land. It may cause a massive destruction to the crops and the animals that the humans protected."

"You are right Spirit of Water. But how are we suppose to get near the Guardian of Light when he's to attached to those humans." segunda ng Spirit of Wind.

"Hindi naman pwedeng ako ang pumalit sa Spirit of Water, ano? Papaulanin ko ng apoy? I will only cause destruction to the land and to the humans." sarkastikong saad ng Spirit of Fire.

"Your authority can cross the Guardian of Light's territory Lord of Darkness. I didn't use my element together with Spirit of Water, mas magiging malala lang ang sitwasyon." saad ng Spirit of Electro.

Nagkagulo na ang mga Guardians at tahimik lang na nakikinig ang Lord of Darkness. Nag-iisip ito kung paano niya haharapin ang Guardian of Light.

"I can't hold back my element that long, mas lalo lang lalakas ang ulan kung hindi natin magagawang ibalik ang balanse ng mga elements." nag-aalalang saad ng Spirit of Water.

"Lord of Darkness, you're the only option left."

"Alright then, I guess it's time to take the matters myself." tumayo ang Lord of Darkness at naunang umalis sa Divine Altar. Yung ibang mga guardian ay nagkatinginan lamang at isa-isang umalis. Nagsibalik sila sa kanya-kanyang tungkulin.

Ang Spirit of Water ay nangangambang baka mas lumakas pa ang dala nitong ulan sa pagdating ng mga araw kung hindi maibabalik ang balanse ng bawat elemento. Tinignan niya ang energy core na paiba-iba ang nilalabas nitong enerhiya, kung minsan ay halos nawawala na ang liwanag nito at kung minsan naman ay halos parang sasabog na ito. Nagpapahiwatig lang ito na nawawalan na ng balanse ang mga elemento at hindi rin magtatagal ay mawawalan na ng kontrol ang mga guardians sa elementong hawak nila at kapag nawala ang liwanag na bumubuhay sa core mababalot ng kadiliman ang mundo at may ibang nilalang ang maaaring umabuso sa sitwasyong iyon. Mas ipinangangamba nila ang maaaring paggising ng mga nasa Underworld kung hindi ito maaagapan agad.

"White Light, White Light you are shinning so bright, Come now, hop now and let us all have fun." masayang nakikipagkulitan ang dalawang nilalang sa guardian of light. Tuwang-tuwa naman itong pagmasdan ang mga ngiting nakikita niya mula sa mga mukha ng kanyang kinupkop.

"I never regret having you here." masayang tugon nito.

"If you're that content having us here, why not the other Guardians?" inosenteng tanong ng binatilyo sa Guardian of Light.

"What made you think that way?"

"I overheard them talking."

"Did you go outside my territory?"

"No, I just heard them talking. And the Lord of Darkness is heading over here right now."

Mabilis na umalis ang guardian of light para tignan kung papunta na nga ba talaga ang Lord of Darkness sa territoryo niya. Laking gulat niya ng mabuksan ang pinto ay nasa harapan na ito at siya rin naman ang ikinabigla ng makita siya nito.

"What a pleasant surprise to finally see you." Bati ng Lord of Darkness.

"What brings you here? You're about to trespass in my territory." medyo inis na saad nito.

"I am what you are, we may have different elements but we stood in the same stone."

"What do you mean?"

"As the Lord of Darkness, I stand as your superior and your twin! I came here for one purpose only and I know you know what I'm trying to tell you."

"You want me to dispose those living creatures?"

"Those creatures are humans, and I'm not telling you to dispose them but instead to do your duty as the Keeper of Light."

"I'm just a guardian brother, there's a great difference between a keeper and a guardian. I don't have the capabilities of a keeper, I'm only your puppet. Why can't you just do Both and leave us alone!" galit na saad ng guardian of light. Isasara na sana niya ang pinto ngunit hindi niya ito nagawa sapagkat nakaharang na ang kakambal nito.

"You are the Keeper of Light! You haven't fully pledged to your responsibilities that's why you haven't been able to figure it out. As we talk right now the people down there needs you and your light. The core is about to lose its light, if you won't accept the fact that you're its keeper, everything will be in doom."

"What does it have to do about these two creatures I found? Why do you have to blame them?"

"Those creatures are humans, they belong down there and not here. What would they think about the keeper of light leaving its duties and letting their lands be in absolute chaos?"

"Lord of Darkness, are we to blame? Because of us the Keeper of Light is being too irresponsible." Sabat ng dalagang nakatago sa likod ng binatilyo.

Nagulat ang dalawa dahil hindi nila napansin na nakalapit na pala ang dalawa sa kanila. Bakas sa mukha ng dalaga ang lungkot habang ang binatilyo ay medyo galit sa takbo ng pag-uusap ng dalawang guardian.

"I've heard everything. The guardian of light is right, if he's just a puppet then why not do his part take all the light he has and use them."

"You don't know what your talking about. If only I am blessed to be the keeper I won't even bother encouraging my twin to accept his fate. I wanted that light too but I'm more bound to use darkness."

Hindi makapaniwala ang keeper of light sa narinig. Ginusto rin pala ng kakambal ang maging keeper of light.

"Then why not be the Keeper of Light."

"If I can be then why not. But like I said I'm more capable on handling the darkness, I once feared it but eventually I learned to accept that it's my fate. That's why you should be proud you've been chosen to be its keeper. It's not our choice, it's always been the elements choice to choose their keeper."

"That's right Keeper of Light." Sang-ayon ng ibang elemental guardians.

"Everyone."

Napayuko ang Keeper of Light sa pinagtapat ng kakambal. Ang buong akala nito ay perpekto ang Lord of Darkness. Mataas ang tingin niya sa kakambal niya kaya ganun na rin siya kalayo dito. Ngayon na narinig na niya ang saloobin ng kakambal ay nagbago na ang tingin niya rito, pareho lang pala sila ng nararamdaman. Ang kaibahan lang ay natanggap na ng kakambal niya ang fate nito habang siya naman ay pilit tinatakasan ang responsibilidad.

"You two, what's your names? I've heard humans aren't called just plain humans." Tanong ng Spirit of Wind.

"Names?" nagkatinginan ang dalawa.

"You two are no ordinary humans, there's something about you two that makes it hard for us to ignore your presence."

"I feel the same way, these two seems more superior creatures than us." Nakatingin na ang mga guardians sa dalawa.

"We don't remember anything."

"Yeah, even our names, we can't remember it."

"It may sound crazy but I think I know your names, but just the first one." Hirit ng Spirit of Electro.

"What is it then?" Duet ng dalawa.

"Cloudia and Christopher. That's what I saw from the fire you two were playing."

Niyakap ni Cloudia ang Spirit of Electro. Natuwa naman Ito sa ginawa na pagyakap ni Cloudia.

"Now I know why The Keeper of Light gets too attach To these humans. hahaha." Nagtawanan sila at gumaan ang loob ng mga guardians sa dalawa.

"Are you now the Keeper?" Nilahad ng lord of darkness ang kamay at nginitian ang kakambal. Ito ang unang pagkakataong ngumiti ang Lord of Darkness sa kanya. Tinanggap niya ang kamay nito pati na rin ang responsibilidad niya bilang Keeper of Light. Masaya rin sina Cloudia at Christopher sa natunghayan nila, parang reconciliation na rin yun ng kambal.

"So enough with the drama and let's get back to work."

"Can we come?" tanong ni Cloudia.

"Sure, watch how we do the trick." sabay kindat sa dalawa.

Papunta na sila sa kani-kanilang pwesto para ayusin ang cycle ng bawat elemento. Pagkarating sa tapat ng energy core ay nakita nila ang Spirit of Water na nakahiga sa sahig. Dali-dali nilang nilapitan ito at inalam kung anong nangyari. Tinignan ng Spirit of Wind ang Shadow Crystal na nagsisilbing mata nila sa lupa. Kalagim-lagim ang nakita nila, may mga bahay na ang inaanod ng baha, maraming bangkay ng hayop ang palutang-lutang, ang mga puno ay isa-isa na ring natutumba dahil sa lakas ng agos ng tubig.

"This is all my fault." bulalas ng Keeper of Light.

"Blaming yourself won't help. Spirit of Water can you still stand up?" tanong ng Lord of Darkness.

"Y-yes I can." mahinang sagot nito. Nilapitan ni Cloudia ang Spirit of Water at hinawakan ang kamay nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, gamit ang sariling elemento na dumadaloy sa katawan nito, nagsimulang mag regenerate ang kapangyarihan nito. Bumalik ang dating lakas ng Spirit of Water para maibalik ang balanse ng mga elemento, pero ang kapalit naman pala nito ay malilipat kay Cloudia ang anumang sinapit ng kanyang ginagamot.

"Cloudia!" sinalo agad ni Christopher ang hinimatay na dalaga.

Nag-alala ang lahat ngunit mas malaki pa ang dapat nilang alalahanin sa ngayon, kailangan na nilang kumilos para maayos ang balanse.

"We must do all that we can to make Cloudia's effort worth it." saad ng Keeper of Light.

Isa-isa silang tumayo sa kanya-kanyang elemental stand. Nang makapwesto ay sinimulan na nila ang unang bahagi ng pagsasaayos ng balanse. Dapat maiugnay ng bawat isa ang mga elementong hawak nila. Ang unang dapat nilang gawin ay i-stabilize ang buhay ng core. May anim na port ang energy core kung saan papasok ang bawat elemento, sa loob ng core ay mag-uunite ang bawat element at kapag sakto ang timpla ng bawat elementong papasok dito naglalabas ito ng gintong liwanag.

"Everyone, release your elements." utos ng Lord of Darkness. Sabay-sabay sila sa pagrelease ng elemento nila.

"Be sure to exert the right amount to stabilize the core's energy."

Nahihirapang mag-adjust ang Keeper of Light sa tamang amount ng liwanag na dapat nitong e-release. Hindi niya alam kung tama na ba yung liwanag na iyon or kulang pa.

"I-I don't k-now if I'm d-doing o-okay."

"Feel your element, be one with your element." sabi ng Spirit of Fire.

"I'm d-doing m-my best."

"This is the most crucial part Light, think about the humans living in there." saad naman ng Spirit of Water.

Tinignan ng Keeper of Light ang nakahigang si Cloudia na akay-akay ni Christopher. Nakita niyang nginitian siya ni Christopher at sa simpleng ngiting yun nakakuha siya ng lakas. Huminga ito ng malalim at pinikit ang mata, pinakikiramdaman niya ang liwanag. Nagconcentrate siya at pinag-isa ang sarili sa elemento niya. Tinanggap niya ng maluwag sa sarili ang kanyang tungkulin bilang Keeper nito.

"The Keeper's glowing." nakangiting sabi ng Spirit of Fire.

"I know the Keeper can do it." sagot ng Lord of Darkness.

Nagawang kontrolin ng Keeper of Light ang elemento nito, tamang-tama lang ang nai-release nitong liwanag. Matapos ang pagpasok ng mga elemento ng bawat guardian, nagsama-sama ang mga elementong ito sa loob ng core. Medyo nagwawala ang core, di malaman kung sasabog o ano.

"All we can do now is watch." saad ng Spirit of Electro.

Gustong kumawala ng mga elemento sa loob ng core, ang bawat elemento ay parang nagpapaligsahan sa loob nito. Naglalabas ng electric charges ang core na indikasyon ng malapit na pagsabog nito.

"This is not good."

"Keeper of Light , protect Cloudia and Christopher."

"What's happening?" tanong nito ng makalapit na sa dalawa.

"It's about to explode." malungkot na saad ng Lord of Darkness. "This is your first time doing the unity of element. I'm to blame for making you do this right away without giving you the right information."

"No, its not erupting nor exploding. Look!" tinuro ni Christopher ang core. Tinignan ng mga guardians ang core pero ganun pa rin ito.

"How can you tell? its still unstable."

"It looks like your elements are fighting but its not. How can you forget that your elements have a mind of its own. You may be the guardians, you're all here to lead them and direct them, that's why the elements are the ones choosing their guardian." paliwanag ni Christopher.

"How can you say that?" 

"I heard them." nakangising saad nito.

Tumingin ulit ang mga guardians sa core. Unti-unti itong humuhupa at ng lumaon ay nagstabilize ang energy nito. Naibalik ang balanse ng bawat elemento.

"Its stable. ITS STABLE!" masayang hiyawan ng mga guardians.

"See, I know you can do it." Tinapik ng Lord of Darkness ang balikat ng kambal nito.

"Hey, a while ago you were just blaming yourself because of this and that." panunukso naman ng Keeper of Light.

Nagising si Cloudia sa masayang aura ng mga guardians. 

"Cloudia, are you alright?" tanong ni Christopher.

"Yes I am. Don't worry about me." niyakap ng mga guardians ang dalawa. 

"So tell us what happened." nakatingin ngayon ang mga guardians kay Christopher.

"I told you I just heard it. They seem to be happy having the light back in the cycle. It's like they're welcoming a new family member." 

Ipinakita ng Spirit of Water ang Shadow Crystal.

"Show us the current situation of the land." lumabas ang mga imahe ng kagubatan at ng mga taong naninirahan sa lupa.

"Humupa na ang ulan, I wonder okay lang ba sila Vladimar?" nag-aalalang tanong ni Chayanne kay Carlie na parehong nasa taas ng isang malaking puno. Nagawang pasukin ng tubig ilog ang Hunter's Hide-out kaya kailangan nilang akyatin ang pinakamalaking puno.

"Ang isipin mo muna kung paano tayo bababa. Girl, tignan mo naman hindi ko nga namalayan ganito na pala kataas ang naakyat natin." 

"Wala tayong magagawa jan, binaha eh kesa naman magpaanod tayo di ba?" kaswal na kung mag-usap ang dalawa.

"Chayanne, pagkatuyo ng daan gusto ko sanang sundan natin sila, ang grupo nila Venz. Alam kong kaya natin silang sundan."

"Bakit nag-aalala ka kay Venz?" may pahiwatig na sabi ni Chayanne.

"Hindi ah, nahihiwagaan ako sa silver-eyed lion na yun. Di ba friend mo siya pakiramdaman mo kaya kung buhay pa ba ito."

"Buhay pa yun, sigurado ako. Ramdam kong humihinga pa ito."

Sa Cloud City naman ay pinagmamasdan nila ang iba pang damage na nagawa ng baha. 

"Glad no one's hurt." 

"Yeah." segunda ng lahat. 

Sina Cloudia at Christopher ay nakatingin pa rin sa shadow crystal na kung saan nakikita nila ang nag-uusap na sina Chayanne at Carlie. Napansin din ng Keeper of Light ang reaksyon ng dalawa. 

"Do you know the two of them?" tanong nito.

"I don't know, but it feels like I knew them." sagot ni Christopher.

"Chayanne, Carlie." sambit ni Cloudia.

Parang narinig naman ni Carlie ang pagtawag ni Cloudia at napatingala ito sa langit.

"Carlie? anong meron di kana nasagot." pagtataka ni Chayanne.

"Parang may narinig akong bumanggit sa mga pangalan natin."

"Talaga? Saan?" palinga-linga naman itong naghanap.

"Doon." turo ni Carlie sa langit.

Nakita na nila ang liwanag sa wakas. Nawala na ang maiitim na ulap na nagdadala ng malakas na ulan.

Sa kabilang banda ay hinawi ng Spirit of Wind ang ulap na nakaharang sa tanawin ng dalawang kasamang titig na titig sa dalawang babaeng nakatingala sa kanila. Parang nagkakatitigan ang bawat isa sa kanila. 

"I think I know where we are going next." nakangising saad ni Chrispother. 

"Are you sure you wanna leave us?" tanong ng Spirit of Water.

"I guess we don't belong here, were humans and we must live where a human being should be." makabuluhang tingin ang iginawad naman ni Cloudia sa Lord of Darkness na tila parang nahihiya ito.

"You can stay if you want to." ganti naman nito.

"Thanks for the offer but we must be where we are needed to be."

Tiningnan ulit ng dalawa ang shadow crystal at nakatingin pa rin sina Carlie sa kalangitan. Ngumiti naman sina Cloudia at Christopher at nabigla sila ng ngumiti din sina Carlie at Chayanne sa kanila. 

"We will take you to your next destination but for now, may we enjoy your company even just for another while?" 

"Sure." niyakap ni Cloudia lahat ng guardians at hinila si Christopher para sumali sa yakapan.

Naibalik na ang balanse ng bawat elemento at masayang sinalubong ng mga tao ang liwanag na nagtatapos sa kadilimang dala ng ulan. Paunti-unti nilang tinayo ang mga nasirang bahay at tulay, nagtanim ng mga halaman at nilinis ang mga duming naanod sa baha. Sa liwanag na natunghayan ay panibagong pag-asa naman ang dala nito sa mga taong inakalang katapusan na nila ng sa loob ng tatlong araw ay tanging malalakas na bagsak ng ulan sa mga bubungan nila ang kanilang naririnig. Sa bawat dilim ay may liwanag, may bagong pag-asang hatid ang liwanag na iyon para kay Carlie. Balang araw ay malalaman din niya kung sino siya at kung ano ang tungkulin niya sa lupang tinatahak.

Chương tiếp theo