webnovel

KABANATA ISA

*****

Halo-halong boses ang naririnig ko sa mga oras na iyon. Halos lahat yata sila ay nagkakasiyahan. Halos lahat yata sila ay nagtatawanan. Nakakabingi. Nabibingi ako sa halakhakang pumupuno sa buong kalye na dinaraanan ko.

Nagmumukha akong baliw dahil sa tuwing inaakala kong babangga ako sa isa man sa kanila ay inililihis ko ang katawan para hindi lang sila madiktan ng kahit na isang hibla ng balahibo ko. Dahil kahit sa isipan lang ay pinanginginigan na ako ng laman.

Pero iba ang dating noon sa mga taong nakakakita. Wala silang alam. At dahil nga sa wala silang alam kaya mabilis lang para sa kanila ang manghusga.

Inabot ko ang tasa na nakalapag sa lamesetang nasa kanan ko at mabilisang tinungga iyon. Parang mainit na tubig ang tuluyang humagod sa lalamunan ko at awtomatikong napangiwi ang mga labi ko sa dala nitong pait.

Nilagyan kong muli ang tasang nag-aabang ng alak at dahan-dahan na ibinalik sa lameseta. Ipinahinga ko ang likod sa upuang de-kahoy at napapikit habang taimtim naman na pinakikinggan ang mga taong nagkakasiyahan sa ibaba.

Hanggang kailan naman kaya ang kasiyahang tinatamasa nila ngayon? Aabot ba ng isang taon? Ng isang buwan? Ng isang linggo? O ngayon na lang mismo? Nalulungkot ako. Dahil lang sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay maaaring mawala ka na lang ng parang bula sa ibabaw ng mundong ito.

Hindi ba't unfair 'yon? Ni walang ni hoy 'ni hay ay iiwan mo na lang ng biglaan ang mga mahal mo sa buhay. Siguro swerte na nga lang talaga ang mga namamatay sa sakit at sa katandaan, dahil may chance pa silang baguhin ang daang tinatahak nila. Pero paano na lang itong mga nilalang na walang kaalam-alam? Paano na lang silang naghihintay sa mga mahal nila sa buhay. Paano ang mga batang naghihintay sa pagdating ng kanilang mga magulang galing sa trabaho? Paano sila magagabayan ng maayos kung may magdidikta sa kung hanggang saan ang iaabot ng kanilang buhay?

Anong karapatan nila? At sino ba sila?

Hindi ako naapektuhan sa biglaang kumusyon na nangyari sa ibaba. Malakas ang naging pagsabog. Hindi lang isa o dalawa, dahil triple-triple. Bawat pagsabog na dumadagundong ay susundan pa ito ng isa pa hanggang sa wala na akong ibang marinig na kasiyahan kundi ang ingay na lang ng mga taong naghihiyawan at natataranta.

Napamulat ako at kaagad na ibinaba ang tingin mula sa lokasyon ng mga bahay na pinagmumulan ng ingay. Limang kalye ang layo ng lugar sa pwesto ko pero umaabot pa rin sa akin ang nerbyos ng mga taong nakatira doon.

Gamit ang bintana ng kwartong ito ay napagmamasdan kong mabuti ang apoy na malayang nakikisabay sa malakas na ihip ng hangin. Kasabay nito ang sunod-sunod na pagdagundong ng mga pagsabog. Tuluyang lumagablab ang apoy sa mauusok na lugar. At wala pa sa isang minuto kung tatyansahin ang bilis ng pangangalap ng apoy sa mga kalapit.

Para lang akong nanunuod ng isang natutupok na kahoy na ipinanggagatong sa tsiminea. Kasabay ng malamig na panahon ay ang biglang pagsiklab ng mainit-init na panggatong.

Siguradong bukas ay magiging usap-usapan na naman ito sa syudad, sa T.V, sa radyo at pati na rin sa buong mundo. Ang ilang lugar sa Footbridge ay natupok dahil sa naiwanang nakasinding kandila. Kandila nga ba talaga? O baka may iba pang dahilan.

Hindi ko na magawang magtaka sa mga oras na ito. Ang pangyayari kahapon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagmumukmok ako sa lugar na'to. Iyon ang huling palatandaan na totoo nga ang mga naririnig ko. Na mangyayari nga talaga ito.

Tumayo ako at kaagad na isinara ang kurtina na pinamumugaran nang alikabok. Sampung taon na akong namamalagi rito, at sa mga taong iyon ay hindi ko pa napapalitan o nalalabhan man lang ang karamihan sa mga gamit ko.

Bago humakbang palayo sa harapan ng bintana ay muli kong sinulyapan ang mga bahay na mabilis nang nilalamon ng apoy. Tanging liwanag lang ng malawak na syudad na ito ang nakikita kong kagandahan tuwing gabi. Dahil maliban sa mga mala-alitaptap nilang liwanag ay napagagaan nito ang nararamdaman ko.

Pwera na lang sa mga gabing gusto kong nakasarado ang lahat ng maaaring pasukan nang mga dahilan kung bakit nasisira ang mundo. Katulad nito...

Hindi ito sinasadya ng langit. Hindi ito ginusto ng karamihan. Dahil pinaplano ito ng mga kaluluwang nagtatago sa kadiliman.

Tinungo ko ang aparador at kinuha ang t-shirt na nakasampay sa pinto. Ipinampatong ko iyon sa suot kong manipis na sando at tinernuhan ko ng makapal na jugging pants.

Kinuha ko rin ang perang nakalakip sa ilalim ng unan ko at isiniksik iyon sa bulsa ng suot kong pang-ibaba. Bago buksan ang pinto ay isinuot ko pa ang hooded jacket na nasa likod nito at tuluyan nang lumabas. Pupunta ako sa bahay ng kaibigan ko upang kumpirmahin ang isang bagay.

Naglakad ako paibaba ng hindi pinapansin ang mga taong nakakasalubong at nadaraanan ko. Dahil katulad pa rin ng dati ay hindi sila nagsasawang pag-usapan at pagchismisan ang boring kong buhay. Ano bang mahihita nila sa akin? Basta ang alam ko, nagbabayad ako ng tama para sa upa at tubig. Sa ngayon, hindi ko pinakikialaman ang mga trip nila. At kung darating man ang araw na iyon, sisiguraduhin kong iyon ang mga araw na katulad na nang problema nila ang pinuproblema ko.

Pagkatapos makipagsiksikan sa masikip na hagdan-paibaba ay tuluyan na akong nakalabas ng gusali. Katulad ng inaasahan ay nagkakagulo na ang mga taong mapipirwesyo. Umaalingawngaw sa paligid ang mga pumipitong mga bumbero. Nagmamadali ang karamihan. At sumisigaw ang ilan.

Inayos ko ang pagkakataklob ng hood sa ulo ko at inilagay ang dalawang palad sa bulsa ng jacket. Iniyuko ko ang ulo at nagmamadaling maglakad. Papalayo sila sa lugar na iyon habang ako naman ay papalapit nang papalapit. Pero bakit nga ba? Bakit nga ba ako pupunta?

Napatigil ako sa paglalakad ng may marahas na humila sa balikat ko. Muntik ko na siyang masuntok kung hindi lang dahil sa liwanag na nakatutok sa mukha niya. Si Minerva... Siguro nabalitaan na niya.

"Pupunta ka ba?" tanong nito.

Tahimik akong tumango. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Halatang kagagaling niya lang sa tulog dahil sa gulo-gulo nitong buhok at namamagang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa dibdib.

"Hindi na pinapatuloy ang mga gustong pumasok Furen, maghintay na lang tayo rito," malakas nitong sabi para marinig ko. Hirap na kaming magkaintindihan dahil sa ingay na dala ng mga taong nagmamadali. Hinila niya ako sa isa sa mga eskinita at doon ay naghintay. May ilan pa ngang dumaraan sa pagitan namin kaya napagdesisyunan ni Minerva na tumabi na lamang sa akin.

"Kinakabahan ako. I know, she will be fine. She need to be fine." Kahit hindi man niya sabihin ay alam ko kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib niya. Punong-puno ang katawan niya ng mga positibong pananaw, pero sa nakikita ko ngayon ay mukha na siyang bibigay.

"I hope so," pikit-mata kong sagot.

Naghintay kami ng ilang minuto. Pa-wala na rin nang pa-wala ang mga taong nagsisitakbuhan at tunog na lang ng mga bumbero 'na dumarating at umaalis ang tanging maririnig sa lugar.

Lumabas kami sa eskinita at kaagad na bumungad sa amin ang makakapal na mga usok. May kung anong kumurot bigla sa dibdib ko. Naninikip ito at pakiramdam ko ay nasu-suffocate nito ang mga nasasaksihan ko.

"Hindi,"

Napalingon ako kay Minerva. Isang hakbang ang layo niya sa akin pero hindi ko man lang magawang tapikin siya sa likod. Hindi ko man lang siya magawang damayan.

"She can't... She need to live." Nanginginig ang mga balikat nito habang nakatingin pa rin sa natutupok na mga bahay. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago siya nilapitan.

"Kailangan na nating umalis," aniko.

Umiling siya. "Minerva,"

"We will wait. Darating siya."

Napayuko ako. Anong gagawin ko? "Sige, pero hihintayin natin siya sa rescue center. Pupunta naman siya d'on. Kailangan lang nating makaalis dito."

Muli siyang umiling. Paano ko ba sisimulang sabihin? Pero sasabihin ko ba talaga? Masasaktan lang siya. "Halika na."

Lumingon siya sa akin ng may namumugtong mga mata. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha at matamang tiningnan ako na animo'y nakikiusap na maghintay pa ng ilang oras.

"No, hihintayin natin siya rito. Darating siya," nakangiti nitong tugon na hawak-hawak pa ang mga palad ko. Paos ang lumalabas na boses sa bibig nito at pinipilit ang sariling paniwalain sa isang bagay na imposible ng mangyari.

"Minerva, please... Let's go home. Iuuwi na kita," pakiusap ko rito. Sinubukan ko siyang hawakan sa kamay pero nagawa niya lang iyong tabigin.

"I said no! Darating pa si Calley! Kailangan pa natin siyang hintayin!"

Napapikit ako. Lubos na nasasaktan ang damdamin ko sa mga nasasaksihan pero kailangan kong tanggapin. Kailangan niyang tanggapin.

"Wala na siya Min, wala na siya." Halos pabulong kong wika.

Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang mga luha. Hindi ako iiyak. Kailangan kong tatagan ang loob para magpatuloy. Ilang beses na akong nakakaranas ng ganitong mga kasawian at hinding-hindi ko hahayaan ang sariling bumaba sa paningin ko at sa nakararami.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya, "what did you say!?"

At kung hindi ako magiging matatag, paano na lang siya?

"Patay na siya, Min. Patay na siya! Hindi mo ba naiintindihan!?"

She laughed bitterly. I can see the pain in her eyes. At naiintindihan ko iyon dahil patuloy ko iyong nararanasan sa araw-araw na nabubuhay ako.

"You're funny, Alas. Patay? Patay agad? Hindi ba pwedeng 50-50 muna? Di'ba nga sabi niya pa, kung mamamatay siya 50-50 muna? Masyado kang seryoso Furen! Cheer up!"

"Calley is dead. She is dead, Minerva!" Hindi ko na napigilang sigawan siya. I know, I need to be more understanding in this kind of situation, but she didn't even listen! Hindi naman masamang makinig lalo na kung sa ikabubuti niya.

Pero imbis na makinig ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Hindi ako pumalag, dahil alam ko sa sarili ko na nararapat lang iyon sa akin. I deserved that slap. Kung sana magising lang ako dahil sa sampal na iyan, ay magpapasampal ako ng milyon-milyon pa. Pero hindi. Wala pa ring magbabago. Mamamatay at mamamatay pa rin siya.

"Kaibigan na'tin siya! So, you have no right to say that, Furen! Have you seen her? Being burned by the fire!? You didn't, right? So please! Shut up!" She cried in frustration. Her body trembled as she knelt down, while her hands covering her face. I gave myself a sighed.

May mga taong dumarating na hindi panghabang-buhay, pero kung alam mo kung paano tanggapin ang isang bagay na nakatadhana ng mangyari, kahit wala na siya, mararamdaman mong kapiling mo pa rin siya, hindi dahil sa pisikal na attachment, kundi dahil sa naiwanan nitong alaala at pilat na nagbibigay dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy noon at magpapatuloy hanggang sa ngayon.

Kamatayan ang senaryo na kahit kailan ay hindi matatakasan nino man. At ang katotohanang ang kamatayan din ang simula ng ating panibagong buhay.

"Pero paano kung sabihin kong oo? Nakita ko siya. Maniniwala ka na ba?"

****

Chương tiếp theo