webnovel

Chapter 2- Kim's Graduation Day

Proud na proud ang mga magulang ni Kim nang umakyat ito sa stage upang sabitan siya ng kanyang medalya. Siya

ang salutatorian ng graduating class. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ng mga magulang niya. But no one is

happier than her in that very moment, ang makitang masaya ang mga magulang niya ay higit pa sa karangalang maaari niya pang matanggap. She swore to make them even more proud sa darating pang mga panahon.

Kinagabihan, sa kanilang graduation ball ay halos ayaw mahiwahiwalay ng magkakaibigang Kim, Pearl, Anne at

Sandra. Mas lamang ang lungkot kaysa saya, alam kasi nilang tapos na ang anim na taon nilang pagsasamahan sa

high school, kinabukasan kanya kanya na sila ng tatahaking landas. "Basta promise, walang magbabago, kahit ano'ng mangyari, magkakaibigan parin tayo..." naiiyak na wika ni Pearl. Tumango ang tatlo. "Ano ba 'yan, iyakan tayo ng iyakan, nasisira tuloy ang make up natin!" natatawa namang sabi ni Sandra habang pinapahid ang kanyang mga luha. "Oo nga!" sang-ayon ni Kim. "Magkikitakita pa naman tayo eh! Dapat ienjoy na natin 'tong moment na 'to! Dapat gawin natin 'tong pinakamemorable sa lahat!" Hinatak niya ang tatlo at nagsimula na silang sumayaw sa saliw ng nakakaindak na musika.

Kinalabit ni Anne si Kim. Sa lakas ng tugtog ay halos hindi sila magkarinigan. Malapit pa naman sila sa mga speakers.

"Si Ivan!" sigaw ni Anne. Napakunot ang noo ni Kim. Sinubukan niyang ilapit ang tainga sa kaibigan upang marinig ang sinasabi nito. Nabigla na lamang siya nang may humawak ng marahan sa braso niya. Paglingon niya, nakangiti si Ivan sa kanya. Nginitian niya ito pabalik.

Hindi man magkarinigan ay mabilis namang nagkaunawaan ang mga kaibigan ni Kim. Iniwan nila ang dalawa upang magkasarilinan. Ayaw sana ni Kim ngunit ayaw niya ring maging bastos kaya't hinayaan niya nalang sila at hinarap ng maayos si Ivan. "Upo tayo!" bulong sa kanya ni Ivan. Bulong na malakas upang marinig siya ng dalaga. Kim nodded. Inalalayan siya ni Ivan papunta sa isang bakanteng lamesa at saka inalalayan din siya nito pati sa pag-upo. Hindi siya sanay sa pagiging gentleman nito. Sanay kasi siya sa pambubully nito, sa pang-aasar at pang-iinis. "Thanks!" nakangiting wika ni Ivan.

"Para saan?"

"Kasi pumayag kang magkausap tayo." Ngumiti lang si Kim. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya. "Hindi lang ako mapalagay. Have you forgiven me already for all the stupid things na ginawa ko sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito. "Ano ka ba, matagal na 'yon! Hindi na kulot ang buhok ko,wala na akong braces. Everything has changed!" natatawang sabi niya. Ivan chuckled. "No, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Look, I'm sorry kung tinutukso kita dati, I didn't mean anything na sinabi ko. You're beautiful. I've always seen you that way." Nagsimula na namang mailang si Kim. Napatungo siya. Hindi na ulit siya makatingin ng deretso sa mga mata ni Ivan.

"Oh! I'm sorry Kim, I didn't mean to make you feel uncomf'table! You know I just wanna be honest with you. Sabi nga nila, say it while you still have the chance, para wala kang regrets in the end."

"Naiintindihan ko..."

"We're leaving in three days. My Dad will take the whole family to Germany. We are staying there... for good!"

"Ha?" Kim was shocked.

"Doon na ako mag-aaral. Hindi ko alam kung babalik pa kami dito. Pero kung sakaling babalik man ako dito,

hahanapin kita." Napaawang ang mga labi ni Kim. "I really like you Kim. But I know we're still too young for this. Alam kong marami pa tayong makikilala at marami pang magkakagusto sa 'yo. pero sana pagbalik ko, pwede pa."

Lalong walang masabi si Kim. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Ivan. Lalo na't napakaseryoso nito habang nagsasalita. "Ikaw na ang maysabi, marami pa tayong makikilala. How sure are you na pagbalik mo, ako parin ang gusto mo?"

"Mahirap ka nang mapantayan..." Nakatingin ng deretso sa mga mata niya si Ivan. Nag-iwas siya ng tingin. Tila

nakakapaso ang mga titig nito. "Huwag kang magsalita ng tapos. Saka mo sabihin 'yan kapag nagkita na tayo ulit. Pero isang bagay lang ang hihilingin ko sa'yo Ivan..."

"Ano?"

"If ever makakilala ka ng ibang magugustuhan, sana wag mo nang ibully?"

Natawa si Ivan sa sinabi niya. "Imposible!" bulalas nito.

"What do you mean, magiging bully ka parin!?" her eyebrows met.

"No! I mean, I'm certain about how I feel for you. Imposibleng may magustuhan pa akong iba..."

"Whatever Ivan! " natatawang sabi niya.

"Basta ikaw, kahit saan ka man magpunta, sana lagi kang maging OK at masaya..."

"I wish you the same Ivan..."

"Thank you for giving me the chance to show you my nice side, this really means a lot to me."

"Sus, wala 'yon!" She smiled at him.

Pagkatapos ng kanilang maikling pag-uusap ay nagpaalam si Kim na hahanapin ang mga kaibigan. Nakita siya ng tatlo na palinga linga kaya nilapitan siya ng mga ito. "Ano Kim, ano'ng nangyari?" usisa ni Sandra "Wala. Nagsorry lang siya ulit. Aalis sila papuntang Germany. Doon na daw sila titira. Di na niya alam kung makakabalik pa sila dito." Iyon lang ang ibinahagi niya sa mga kaibigan dahil ayaw niyang tuksuhin siya ng mga ito.

"Ay, sayang naman!" saad ni Pearl. Gumuhit ang lungkot sa mukha ng mga ito. Muling pinaalala ng balak ding paglisan ni Ivan ang pagkakahiwahiwalay nila. "Huwag nga kayong malungkot! Para saan ang social media diba? Gagraduate lang tayo sa high school, hindi sa pagkakaibigan. We will stay in touch no matter what happen, no matter how far we are from each other. That should be our pact!" wika ni Kimberly. "Ayoko ng goodbyes... Gusto ko, 'til we see each other again," napasinghot siya.

"'Til we see each other again..." kuro ng tatlo. Nagyakap ulit silang apat. Nangako sa isa't isa na kahit ano man ang mangyari, marami man silang makilalang iba at magkaroon ng bagong mga kaibigan, mananatiling pinakaespesyal ang lugar ng bawat isa sa mga puso nila.

Pagkatapos ng graduation ball ay nagkaroon pa ng maliit na after party sa bahay nina Kim. Isa iyong surpresa para

sa kanya. Halos buong angkan niya naroroon sa kanilang bahay. May mga dalang regalo ang mga ito. Kung nandirito lamang ang kanyang ate at kuya ay kompleto na sana sila.

Nabigla siya nang mayroong yumakap sa kanya ng mahigpit mula sa likod. "Ate?" she was really surprised. "Akala ko ba bukas pa kayo pupunta dito?" Hinawakan ni Charmaine ang mga kamay niya. "Hindi ko kasi pwedeng mamiss ang isa sa espesyal na mga araw ng bunso namin!" anito at saka muling niyakap ang kapatid.

Ang saya saya ni Kim. Ngayon ang kulang na lang ay ang kuya niya. "I have a surprise for you!" wika ulit ng ate niya. Kinuha nito ang kanyang laptop at binuksan. "Hello bunso!" ang kuya Perry niya ito sa isang video call. "Happy graduation day!"

"Kuya! I thought you forgot me already!" kunwari ay nagtatampong wika ni Kim. "Pwede ba 'yon? May gift nga ako sa 'yo eh!"

"Talaga po kuya?" naiexcite na wika ng dalaga. Saglit na umalis sa harap ng camera ang kuya niya at nang bumalik ay may dalang maliit na aso na makapal ang balahibo at may malaking mga tenga. Pinaghalong brown at puti ang kulay ng balahibo nito. Isa iyong Cavalier King Charles Spaniel. "Ang cute kuya!" tuwang tuwang wika niya.

"For now, ako muna mag-aalaga sa kanya. Tapos kapag umuwi ako--"

"You're going home kuya?" nanlalaki ang mga matang wika ni Kim.

"Yes bunso. Magbabakasyon ako diyan," masayang balita ni Perry sa kapatid. "Kaso saglit lang bunso. Kailangan bumalik ako agad sa trabaho. Maraming projects si Kuya eh."

"OK na 'yon kuya basta umuwi ka lang. Miss na miss ka na namin eh! Pero paano 'yon kuya, sasama ako kay Ate..."

"Eh di pupuntahan kita doon!"

"Yey!" sobrang saya ni Kim. Kompleto na nga ang selebrasyon. Lubos na ng kanyang kasiyahan.

Kinabukasan ay tinulungan siyang mag-impake ng kanyang Mommy. Kunti na lng naman ay aayusin sa mga gamit niya dahil nang mga nakaraang araw ay unti unti na siyang naghanda para sa kanyang bakasyon. "I'm gonna miss you Mom. You and Daddy..." lambing niya sa ina. "Don't be sad anak. Pagdating ni kuya mo, susunod kami agad doon ng Daddy mo. Para naman makapapahinga rin ang Daddy mo sa trabaho."

"Talaga Mommy?"

"Yes anak." Nagyakap sila at lalong nanabik si Kim na makarating sa lugar ng kanyang ate.

"Ready ka na bunso?" Sumilip ang ate niya sa kanyang kwarto.

"Opo ate!"

"Let's go!"

Nagmamadaling sumunod si Kim sa kanyang ate. At bago sila umalis syempre pa ay nagpaalam muna sila sa kanilang mga magulang.

"O, Charmaine, bantayan mo 'tong kapatid mo! Huwag mo 'tong papaligawan doon, magdodoktor pa 'yan!" biro ng kanilang ama.

"Si Daddy, nang-aasar!" nakangusong wika ni Kim.

Napahalakhak si Charmaine. "Don't worry Dad. Walang manliligaw dito," ani Charmaine habang inaakbayan ang kapatid. "Pwera na lang kung matipuhan siya ng mga alagang kabayo ng asawa ko!"

Nagtawanan ang Mommy at Daddy nila. Bahagya namang naasar si Kim. "Pinagkakaisahan niyo akong lahat! " wika niya.

"Biro lang bunso." lambing ng ate niya at niyakap siya.

"Ikaw naman Charmaine, sabihin mo sa asawa mo, gusto na naming magkaapo", baling ni Eric sa panganay. "Iyon ang trabahuin niyo ha? Huwag kamo puro mga baka ang inaasikaso niya. Huwag puro farm."

"Sure Dad. I'll tell Bernard. Don't worry malapit na po..."

"Siguraduhin n'yo lang. Ako na lang ang walang apo sa aming magkukumpare. Nangungulilat ako!" Tumawa ang kanilang ama.

"Yes Dad," tugon ni Charmaine.

Niyakap sila parehas ng kanilang mga magulang at saka tumuloy na sa pag-alis.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Kim. "Best vacation ever, here i come!"

Chương tiếp theo