webnovel

Mahal

"Magandang Hapon po!" masiglang bati ng guard nang makarating kami sa harap ng kompanya nila sir Jameson. Hawak ko sa magkabilang kamay si Kurt at Chaika, at si Tina naman ay nakahawak sa kaliwang kamay ni Chaika.

Binati siya pabalik ng dalawang bata at ngumiti lang din kami ni Tina sa manong guard na bumati samin.

Naglalakad na kami ngayon patungong elevator para mapuntahan na ang opisina ni sir Jameson kung saan hinihintay nila ni madam Karen ang mga bata.

Habang nalalakad kami ay pansin ko ang pagtitinginan at bulong-bulongan ng mga empleyado habang sinusundan kami ng tingin. Ngunit, walang pakundangang naglakad lang din ako kasabay ng mga bata na hindi inaalintana ang mga tao sa paligid.

Mukhang hindi na mapakali sa tuwa si Chaika na makita ang daddy nila dahil galaw ito ng galaw na parang sumasayaw at may pa hums pang nalalaman.

Narating na namin ang pinakataas na floor kung saan ang opisina ni Jameson. Pagbukas ng elevator ay tumambad samin ang isang bakanteng daanan at mga sampung hakbang ay mayroong isang desk sa gilid kung saan nakaupo ang isang babae na mukhang secretary ata.

"Good afternoon tita Ela!" sigaw na pagbati ni Chaika kaya napabaling ito sa amin.

Tumayo ito at lumapit para salubongin kami at binati pabalik si Chaika. Mukha nitong hinihintay si Chaika dahil napakalawak ang ngiti nito na nakatingin sa kaniya pero hindi tumigil si Chaika kaya linagpasan nalang namin ito.

Tumigil kami sa isang malaking pintuan at saka binitiwan ni Tina ang kamay ni Chaika. Hindi na kumatok si Tina at tinulak nalang nito para buksan.

"Daddy!" sigaw ni Chaika at mabilis na bumitiw sa hawak nito sakin at mabilis na tumakbo sa lalaking nakaupo sa isang malawak na desk at nakatutok sa pagflip ng page sa nakapatong na papel sa desk nito.

Agad siyang tumigil sa ginagawa nito at napatingin kay Chaika na patakbong lumapit sa kaniya.

"Baby, be careful" ani nito at mabilis na tumayo para salubongin si Chaika. Napakaliit kasi ni Chaika at nakakatakot din ang bilis ng pagtakbo niya at parang matutumba.

"Nandito na pala kayo" pagtawag ni madam Karen kaya napatingin ako sa kaniya habang palabas sa isang room na walang pintuan at hawak ang mga bilog na white plate at sa ibabaw nito ay mga silver utensils. Nag-aayos pa lang ata ito ng pagkakainan namin sa gitna ng naglalakihang mga sofa kung nasaan ang isang glass na mesa. Pabilog ito at hanggang tuhod lamang, may mga pagkain na rin sa ibabaw nito pero hindi ko alam ang mga tawag dito.

Napabaling ako kay Kurt dahil hindi ko namalayan na nakahawak pa pala siya sakin at nagulat ako nang naglakad ito para lapitan ang daddy niya na hila-hila pa rin ako.

"Um, Kurt tulongan ko lang si lola mo" ani ko at sinukang tanggalin ang kamay nito sakin na ikinatigil niya sa paglalakad.

"You don't know dad? Hindi mo ba siya babatiin?" tanong nito na mas ikinagulat ko. Tumingin ako kay madam Karen dahil alam kong narinig naman nila ito. Kami lang naman ang nandito sa napakalawak na office ng daddy nila.

Tiningnan ko si madam Karen na humihingi ng tulong kung ano ang sasabihin at gagawin ko.

"Hindi na po ma'am, ako na po ang tutulong kay madam" biglang pagsagot ni Tina na ikinalaki ng mata ko at tumingin sa kaniya na palapit na kay madam. Tiningnan ko ulit si madam pero ngumiti lang ito sakin at senenyasan ako nito na pumunta na.

Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Kurt habang hawak-hawak pa rin nito ang aking kanang kamay.

Bumitiw na sa pagkakahawak sakin si Kurt nang nasa harapan na kami ng daddy niya. Lumapit ito nang kumalas na ang daddy niya sa pagkakayakap kay Chaika at mukhang magmamano lang ito sa daddy niya pero hinila siya nito at yinakap ng mahigpit.

"Daddy.." pagpupumiglas ni Kurt at kumakawala sa yakap ng kaniyang ama.

Napakaganda ng ngiti nito habang yakap-yakap nito ang anak kaya napangiti din tuloy ako. Nakita ko na rin sa wakas ang bukang bibig ni Tina na si sir Jameson. Sa mga ngiti nito ay parang wala ng mahalaga sa buhay niya kundi ang mga anak niya.

"Huwag kang mag-alala, naikwento na sakin ni mamma. Kung bakit ka dito magbabakasyon" ani nito sa akin nang matapos yakapin ang anak.

"Salamat kung ganun" tipid ngunit nakangiti kong pasasalamat. Alam kong kasinungalingan lang ang dinugtong nitong BAKASYON dahil nandito si Tina at ang mga bata.

Nagpasalamat ako dahil pinatuloy nila ako sa kanila. Tumingala ako at tumingin din ako sa mga mata niya pabalik para malaman niyang taos puso ang pasasalamat ko sa ginawa nilang tulong sa akin pero nawala ang ngiti ko at umiwas ng tingin.

Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil sa walang buhay nitong mga mata. Sa napakasaya at napakagandang ngiti nito na pinakita sa mga anak niya ay iba sa nakita ko nang magkatinginan kami.

Hindi na siya nakatingin sakin at sinubukan ko mang tumingin ulit sa mga mata nito ay isa ng masayang ama ang nakikita ko.

"Tara, kumain na tayo" pag-anyaya nito habang buhat ang dalawang anak nito sa magkabilang braso.

Hindi maikakailang malakas ito dahil kita naman sa maganda nitong pangangatawan.

Nakaupo na si madam Karen at Tina. Mas malawak ang space kay Tina.

Uupo na sana ako sa tabi nito pero "Celeina, tumabi ka nalang kay Kurt. Mas malawak sa upuan nila" utos ni madam Karen.

Tiningnan ko ulit ang upuan, kung titingnan ay kasya naman kami kahit na mas malaki nga talaga kina sir Jameson lalo na at nasa kandongan pa niya si Chaika.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang sofa na pabilog kung saan ba talaga ako uupo. Tumingin ako kay Tina na kung pwede ay umusog ito ng kaunti kay madam pero "Tumabi ka nalang kay Kurt ma'am" ani nito at mahina pa akong tinulak papunta sa kanila.

Wala na akong nagawa at umupo sa tabi nila, tumingin ako kay Kurt na mukhang nag-iisip kung ano ang kakainin sa napakaraming pagkain sa harap. Si sir Jameson naman ay bahagyang tumayo at iniupo muna si Chaika. Kinabahan pa ako at baka umalis na siya dahil tumabi ako pero hindi pala kasi tinanggal niya lang ang kaniyang suit at pinatong sa chair ng desk nito.

"Tita Celeina" mahinang pagtawag sakin ni Kurt kaya agad akong napabaling dahil unang beses lang ako nitong tawagin.

Nakatayo na sa gitna namin si Chaika at tinutulak siya nito para siguro siya ang umupo sa tabi ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Chaika na nagtutulak sa kuya niya.

"Chaika... si kuya na ang nakaupo sa tabi ko. Huwag mo dapat tinutulak si kuya, pwede mo naman siyang pakiusapan kung gusto mong magpalit kayo ng upuan. Princess ka di ba? Ang isang princess dapat marunong gumalang" pagsasabi ko sa kaniya na ikinapout nito at parang iiyak na.

Agad ko itong binuhat nang magsimula ng tumulo ang luha nito at saka nito pinatong ang ulo sa balikat ko habang napakalakas ang iyak nito.

"Mas gusto mo si kuya..." pag-iyak nito. Hinaplos ko ang buhok nito, mali ko din at mukhang napahiya ko ata siya.

"Hindi ko gusto si kuya mo, at hindi din kita gusto" ani ko na ikinatahimik niya. Alam kong nakatingin sila madam sakin noong pinagsabihan ko pa lang si Chaika, mabuti nalang at hindi naman sila nagsalita o nagalit sakin lalo na ngayon na umiiyak ito.

Tinanggal ni Chaika ang ulo nito sa balikat ko at tiningnan ako.

"Hi-hindi m-mo kami g-gusto? A-ayaw mo sa-samin?" gulat na gulat at nauutal na tanong ni Chaika.

Umupo ako at kinandong siya. Pinunasan ko ang mga luha nito "Hindi ko gusto si kuya mo at hindi din kita gusto kasi love ko kayo, at love na love... Pinagsabihan kita kasi mahal kita at mahal ko din si kuya mo. Lagi kang nagagalit kay kuya mo kapag pinagsasabihan ka niya. Alam mo bang mahal na mahal ka lang ni kuya mo kaya ka niya pinagsasabihan. Ayaw mo ba na mahalin ka namin? Kung ganun iisipin namin na hindi mo pala kami love kasi ayaw mo sa pagmamahal namin sayo" marahan at pilit kong pinapaintindi ang mga ito sa kaniya. Hindi ko alam kung naintindahan niya ang mga sinabi ko, pero sana ay naintindihan niya ang gusto kong iparating.

Nakatingin lang sakin si Chaika ng bigla niyang ipulupot ang mga kamay nito sa leeg ko at yinakap ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita tita" bulong nito na ikinangiti ko. Napatingin ako kina madam at Tina dahil sa gulat nila nang gawin at sabihin ito ni Chaika.

Chương tiếp theo