"Tita Celeina... tita gising na po kayo. Tita..." pag-alog sa akin ni Chaika.
Magkatabi kaming natulog, at late na akong nakatulog kagabi dahil siguro sa may katabi ako o hindi lang siguro ako sanay na may katabi sa pagtulog.
Malikot din siyang matulog kaya hindi ko na alam kung anong oras pa ako nakatulog kagabi.
Gusto ko pang matulog pero wala naman akong magawa kasi kanina pa ako ginigising ni Chaika.
"Ang aga mo namang nagising?" tanong ko pagkamulat ng mga mata ko.
"Friday pa lang ngayon tita... pwede bang ikaw ang maghatid samin sa school? Pleaseee" pagmamakaawa nito at hinala pa ang kamay ko.
"Ha?" takang tanong ko.
Mahirap na kasi wala pa naman akong kaalam alam.
"Please tita..." tinignan ko lang siya at nag-iisip ng maaari kong idahilan nang may kumatok sa pintuan
"Chaika, pumunta ka na kay manang Rita mo at ng mapaligoan ka na niya. Malilate ka na sa school niyan." sabi ni madam Karen pagkabukas pa lang nito ng pintoan.
May kasama din siyang babae, siya yung babae kahapon na nagsabing hindi makakauwi ang sir Jameson nila.
"Chaika.." mahinang tawag nito kay Chaika
"Sige po.. pero grandmama gusto ko po si tita Celeina ang maghatid samin sa school. Di ba po pupuntahan niyo po si daddy sa kompanya ngayon? Kaya si tita Celeina nalang po ang maghatid samin kung hindi po ninyo kami maihahatid ngayon.. Sige na po granny..." pagmamakaawa nito at linapitan na rin niya ang kaniyang lola.
Pinagdikit niya ang dalawang kamay nito at papikit-pikit ang mata nitong tiningnan ang lola niya.
Tiningnan ako ni madam Karen at alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya.
"Okay lang ba sayo Celeina? Pasensya ka na at mukhang hindi na papasok ang batang ito kung hindi ikaw ang maghahatid. Hayaan mo at ipapasama ko naman sayo ang isa naming tagapagsilbi na si Gina" pakiusap na rin ni madam Karen.
Nakakahiya naman kung tatanggi ako dahil lang sa wala akong alam.
Meron naman akong kasamang maghahatid kaya okay lang naman siguro.
"Sige po" pagsagot ko na ikinatuwa na naman ni Chaika at walang pag-aalinlangang lumabas at sinundan nung Rita ata ang pangalan.
Pumasok ng tuloyan si madam Karen at binuksan ang walk in closet ko.
"Ito ang isuot mo iha kasi hihintayin mo na rin hanggang sa matapos ang klase nito. Kada friday ay half day nila Chaika kaya sa labas na kami naglalunch. Magkita nalang tayo sa db restaurant at dun tayo maglunch pagkatapos ng klase." sabi nito habang inilalabas ang isang Flamingo at Fire Brick color na dress.
"Kung itong kulay Flamingo na dress ang isusuot mo ay magmumukha ka pang bata tignan pero kung itong Fire Brick naman ay mas mature ka tignan panigurado. Ano sa tingin mo iha?" sambit ni madam Karen habang mainam na pinipili kung ano nararapat isuot sa dalawa.
Simple lang naman ang mga dress na hawak niya pero mas cute tignan yung Flamingo at mas maiksi ng konti.
Yung Fire Brick naman ay mas conservative tignan kaya mas magmumukha talaga akong mature kapag ito ang isusuot ko.
Maghahatid lang naman ako ng mga bata pero bakit parang dadalo ako ng isang event.
"Yang Fire Brick nalang po madam" pagbibigay opinyon ko na ikinangiti niya.
"Mabuti nalang ito ang pinili mo. Hindi din natin alam kung ilang taon ka na pero sana nasa 25 ka na" ani nito na ipinagtaka ko.
"Bakit po?" nagtataka kong tanong
"Ayaw kasi ni Jameson na ang nag-aalaga o tumitingin sa mga anak niya ay nasa 24 pababa ang edad. Hindi daw kasi niya masisiguro ang kaligtasan ng mga bata at mahirap din daw kapag bata pa dahil wala silang alam sa pag-aalaga ng bata. Kailangan ko kasing pumuntang States sa susunod na araw para sa negosyo namin at mukhang hindi ka na lulubayan ni Chaika. Once na may nagustohan kasi ang batang yun ay dadalhin na niya kahit saan siya magpunta" nababahalang sabi ni madam Karen.
"Nasan po ba ang mama nila madam?" tanong ko at saka tumayo na rin para ayosin ang napakagulo naming higaan ni Chaika.
"Namatay na kasama ng aking ama" malungkot na sabi nito na ikinatigil ko din
"S-sorry po madam. Hindi ko po alam" paghingi ko ng paumanhin at ipinagpatuloy nalang ang pag-aayos dahil nalungkot na rin ako at hindi ko siya kayang tingnan.
"Hindi kasi siya marunong magdrive kaya sinusundo siya lagi ni Jameson sa trabaho. Ilang beses na din kasing sinabi ni Jameson na mag-aral siya kung paano magdrive pero ayaw at mas gusto niyang sunduin nalang daw siya nito. Hindi siya nasusundo lagi ni Jameson kaya yun din ang pinagtatampohan nilang mag-asawa paminsan-minsan. Isang accountant si Jessy, ang asawa ni Jameson sa isang kompanya na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Pinapatigil na siya ni Jameson sa trabaho at tingnan nalang ang mga bata pero ayaw niya. Sinabi na rin nito na kung gusto niya ay sa kompanya nalang nila ito magtrabaho pero ayaw pa din niya. Hanggang sa naging malamig na ang pakikitungo nito kay Jameson. Maraming nagsasabi kay Jameson na nakikita daw nila si Jessy na madalas nitong kasama ang anak ng may-ari ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Ayaw maniwala ni Jameson sa mga sinasabi ng mga nakakakilala sa kaniya, at maging ako ay hindi pinaniwalaan. Ilang beses ko siyang pinagsabihan na kung siya yung nasa sitwasyon nito. Bakit siya magtatrabaho sa ibang kompanya kung ang sariling asawa naman nito ay may sariling kompanya at mas malaking kompanya pa kaysa sa pinagtatrabahoan nito. Dumating din ang araw na hindi ko na natiis pa at nagalit na ako kay Jameson dahil nang magkasakit si Kurt ay hinahanap niya si Jessy. Wala na rin kasing oras si Jessy sa mga anak nila at napapabayaan na rin niya... Tumigil na din ako sa pakikipagtalo kay Jameson dahil sinabi nitong ayaw ko lang daw kay Jessy kaya ko nasasabi ang lahat ng mga sinasabi ko sa kaniya. Hanggang sa isang araw... Nakita siya mismo ng aking ama na magkasama sila ng lalaking sinasabi nila... hindi ito nakapagtimpi at pinakaladkad siya nito sa mga bodyguard niya... nagulat nalang kami nang biglang may tumawag at sinabing nasa critical silang condition. Pero hindi kami umabot, bago pa kami makarating sa hospital ay wala na sila... Dalawang taon na rin ang nakalipas pero nagbago ng husto si Jameson. Bata pa kasi si Jameson noong naging ama ito. 22 years old nito noong isilang si Kurt. Babaero siya noong nag-aaral pa ito kaya hindi din inaasahan ang pagdating ni Kurt. Naging masaya naman ang pagsasama nilang mag-asawa kaya pagkalipas ng dalawang taon ay nasundan din nila si Kurt at doon nagsimula nang maipanganak si Chaika - nang nag-isang taong gulang siya ay ipinagpumilit na rin ni Jessy na magtrabaho dahil pwede naman na daw at isang taon na rin si Chaika. Galit na galit man noon ang mga lolo at lola niya sa kaniya dahil nakabuntis siya... pero noong dumating na si Kurt ay nagkaayos lang din naman sila. Kaso noong na---"
naputol ang pagkukwento ni madam Karen nang may kumatok sa pintuan.